Kuwento tungkol sa taksi
Transit map of Manila by Ige Ramos
Matagal na akong hindi nakikipagtalo sa tsuper ng taksi. Napagpasyahan ko na mahalaga ang aking oras at hindi ko ito aaksayahin sa walang kwentang bagay. Nguni’t minsa’y sadyang nakakainis ang mga tsuper.
Kanina’y sumakay ako ng taksi sa Makati. “Maari bang dumaan muna sa gasolinahan na may LPG? Diyan lang,” sabi ng matandang tsuper. “Sige po,” sagot ko. Napansin ko na may kalayuan ang gasolinahan. “Sabi ho ninyo ay malapit lamang,” sabi ko sa tsuper. Siguro’y dalawang kilometro ang layo ng istasyon. “Mahirap kasing makahanap ng LPG,” sagot niya. Hindi na ako nagreklamo kahit nakababa na ang metro at ako ang sisingilin para sa dagdag na distansya.
Pagdating sa aking paroroonan, P55.00 ang presyong nakatala sa metro. Binigyan ko ang tsuper ng eksaktong P65.00; wala nang “tip” dahil ako ay nagambala. Pagkatapos tanggapin ng tsuper ang bayad ay pumatak uli ang metro. Hindi pala niya ito itinaas. “Kulang,” sabi ng tsuper. “Dagdagan mo pa.”
Hindi na ako nakapag-isip dahil umandar na ang aking bibig. “You have the gall to charge me extra? In the first place you charged me for your trip to the gas station and I didn’t complain because I was being charitable, and now you try to bilk me for change?”
Totoong mabilis akong magsalita kapag ako ay nabubwisit. Tiningnan ako ng tsuper na parang ako’y taga-ibang planeta. Baka hindi niya alam na sanay akong matingnan na parang ako’y taga-ibang planeta. Madaliang umalis ang taksi. Kapaskuhan na talaga—lumalabas na ang sungay ng mga tsuper.
Ikinuwento ko kay Mike ang pangyayari habang kami’y nanananghalian. “Mayroon din akong kuwento tungkol sa taksing nasakyan ko kanina!” sambit ni Mike. At narinig ko ang kahindik-hindik na kuwento na saka ko na ibabahagi sa inyo.
November 25th, 2008 at 17:52
Hindi ka nag-iisa. Noong isang linggo,pagkagaling namin ng mga kaibigan ko sa MOA(Maul of Asia) hindi pa kami nakapag-dedesisyon kung saang taxi sasakay ay may presyo na sila. Isang daang piso! Mula MOA hanggang Heritage Hotel. Gabi na noon kaya hindi na kami nakipagtalo lalo pa’t mga nakasando at mukhang “siga” ang driver pati pa ang dalawang “miron” na kasama niya.
(It’s really harder to comment in the vernacular but you have inspired me to write in tagalog)
November 25th, 2008 at 23:43
salamat na lang at hindi ako nakasakay sa taksi na yan. hindi na ako cocomment kasi baka mabigyan ko pa kayo ng idea para bumawi dyan sa mga demonyong yan. pasko na nga. panahon ng makakapal na mukha.
November 26th, 2008 at 01:07
Nag-uumpisa na ang nakakayamot at nakaka taas presyon na panahon ng kapaskuhan. Di po ito reklamo laban sa mga taksi, bagaman madalas din akong mag-taksi. Sinubukan kong sumakay sa MRT noong isang araw at ito’y aking malabis na pinagsisihan. Namili na ako ng mga pangregalo para sa Pasko sa isang malaking “mall” sa Ayala . Kung bakit ba kasi naisipan kong gawin ito gayong “coding” ang sasakyan ko. Naobserbahan ko lamang sa MRT: kapag oras ng pagmamadali (rush hour),walang laman o maluwag ang unang tatlo o apat na tren sa unahan. Pero ang mga tren na nasa hulihan ay makikipagpatayan ka na para makapasok man lamang. Biruin mo, sa MRT pa lamang ay makikita mo na kung gaano kabulok at ka inutil ang mga nasa kapangyarihan. Ayon sa kanila, ang unang mga tren ay nakalaan para sa mga matatanda, mga kababaihan, mga may kapansanan at mga bata. Pero kung uusisain mo, wala pa sigurong sampu ang mga naturang pasaherong gayon kung pagsasamasamahin mo sa isang tren. Sa mangilan-ngilan na giginhawa, libu-libo namang mga iba pang mga mananakay ang naaantala at nakikipagpalitan ng mukha para makarating lang sa paroroonan. Nagpalampas ako ng tatlong byahe, nagbabaka-sakali na maluwag na ang kasunod. Nagkamali ako. Sa huli, lumabas ako ng MRT terminal at ako’y sumakay na lamang sa isang magara at bagong bagong aircon bus na gawang Korea. Kay sarap! Kay lamig! Kay luwag! May flat screen TV pa. Para tuloy ninais kong dumeretso hanggang Vigan, kaya lang ay hanggang SM Fairview lamang ang ruta ng bus. Isang mungkahi: bakit hindi nila pagdugtong-dugtongin ang mga naturang bus na parang tren para mas maraming tao ang makinabang? Meron po yatang ganito sa Europa at bansang Hapon. Samantala, may bago akong bansag sa MRT: Marami Ritong Tanga.
November 26th, 2008 at 01:44
(sorry, taglish at “street” ang pagkakasulat kasi tungkol sa tripping.)
Matagal na ‘to, uso pa ang ang acid o l.s.d.
New Year’s eve. Magkasama kami ng best friend ko.
Mula Malate,kailangan naming tumahak papuntang Mandaluyong para sa isang pampamilyang salu-salo.
Bandang alas nwebe ng gabi, tinira na namin ang acid para pagdating sa dinner, eh huhulas na ang tama.
Alas-onse, nagyaya na ako para di abutan ng putukan sa kalye habang kami’y nag-ha-hallucinate.
Pagbaba namin ng kalye mula Michelle Apts(kamag-anak ng Syquia Apts.) walang tao…walang sasakyan…walang taxi.
Habang naghihintay ng taxi, tinanong ko si best friend kung may tama pa sya.
Sinagot ako nang ganito:
“Uy,tinamo yung street lamps,o merong ‘halo’…parang Van Gogh…ay pati ang sky, look ka. Ang ganda!”
“Ayaw, mahawa pa ako sa tama mo,” iwas-pusoy ko…”pero,bakit nagiging dot-dots ang lahat ng tingnan ko…parang Seurat….’kakaloka.”
Malayo pa e may na-aninag akong padating na dot-dots. Taxi pala yun na ang bagal bagal ng takbo, parang sa libing.
Ewan ko bakit ayaw lumabas sa bibig ko ang salitang Taxi ng sandaling yon, kaya iwinasiwas ko na lang ang kamay para parahin ang natatanging sasakyan sa oras na yon.
Napakarahan ang takbo ng taxi.
Kaya kitang kita namin nang dumaan sa harap namin na…..walang driver!
Nagsalubong ang aming mga mata at napa-nganga parang sa horror movie.
Sabay kaming tumakbo pabalik sa apartment building
nang makarinig kami ,mula sa direksyon ng taxi, ng isang boses-lalaking tumatawa.
Habang umaandar pa ring papalayo yung taxi ay biglang umusbong ang ulo ng driver, na yun pala’y nakahiga habang nag da-drive, hindi para manakot kundi para mang-good-time, ‘ika nga.
Lecheng driver yan,napuruhan kaming dalawang bangag.
At nung akala nami’y aatras sya para kami isakay, eh biglang
dumerecho ang damuhong taxi driver. Siguro pauwi na sya mga naghihintay n’yang pamilya, habang kami’y naiwang nakatingin pa rin sa kanya. Hindi makapaniwala sa nangyari at biglang nahulasan ng tama,kumbaga.
November 26th, 2008 at 04:20
hanaku, dapat po dun sa time na naghahanap siya ng LPG eh pinahinto niyo na po yung metro tsk tsk.. umaabuso kasi yang mga taxi drivers na yan eh, nag iinit tuloy yung ulo ko sa mga ganyang insidente tsk tsk…
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
November 26th, 2008 at 11:33
Are you for or against the 10-peso add-on rate? Kasi, yung mga taxi driver, sobrang kapal na kung hihingi pa ng tip kung may add-on rate na nga. Nagti-tip sa sarili!
November 26th, 2008 at 14:01
Mataas and singil at makapal ang mukha ng mga nagmamaneho ng taxi dahil sa kanilang palagay, utang na loob mo sa kanila na makakarating ka sa tamang lugar ng tamang oras.
Ito rin siguro ang dahilan kung bakit maraming taxi ang mabaho, madumi, at pakarag-karag – para sa kanila, kahit gaano ka-dumi ng kanilang sasakyan at kahit gaano kabagal silang magmaneho, nararapat na bayaran mo sila ng malaki dahil “taxi” sila at wala kang masasakyang mas matiwasay kaysa sa kanila.
November 26th, 2008 at 15:34
Buti na lang dito sa Baguio mababait mga taxi drivers, ultimo 50 centavos na sukli eh ibabalik pa nila sayo.
Dun sa mga taga-Maynila na nasanay sa patakaran dyan sa Maynila, hindi na nyo kailangang sabihin sa driver ang inyong destinasyon BAGO kayo sumakay. Basta dito, pag-para nyo sa taxi sakay na kayo agad at ihahatid kayo ni manong driver kung san man kayo pupunta.
Para sa’kin okay lang ung 10-peso add-on rate kasi mababait at magagalang mga taxi drivers dito, tska ang flag down rate naman dito eh 25pesos lang and 1.50 kada patak ng metro.
November 26th, 2008 at 18:17
Ako kinikilabutan sa mga istoryang ganito. Alam nyo bang muntik na akong nakipagbugbugan sa isang taxi driver minsan noong 2007. Tang-ina akala nya koreano ako siguro o Intsik. Gagong yun. Ni report ko pa sya sa dalawang ahensya. sa LTO at sa ano ba yun parang POEA ang tunog pero para sa mga pribadong kompaniya.
November 27th, 2008 at 01:52
Hindi ko makita ang tamang lohika sa dagdag na P10 sa pasahe sa taksi bilang tip. Sa totoo lang, hindi naman nagbibigay ng sukli ang mga taksi drayber na iyan. Halimbawang P65 ang pasahe at binigyan mo sla ng P80, hindi nila ibibigay yung sukli na P5 kung hindi mo pa talaga hihingiin yun sa kanila. Kung P7.50 ang sukli, lalo na dahil marahil sa tinatamad silang magdala o magbilang ng barya.
Kung hindi lang talaga ubod ng init at usok sa Kamaynilaan, iiwasan ko ang taksi at maglalakad o sa jeep na lang ako sasakay.
Maraming nakakatakot o nakakainis na karanasan ako sa taksi tulad ng nakikipag-textmate ang drayber (ibigay ko nga ang numero nu’ng ex ko, hehe!), road rage (ano ba ang Tagalog nito?), magpapagasolina habang may pasahero, magpapadagdag ng P20, idadaan sa trapik o pasikot-sikot na ruta para mas mahal ang bayad, ayaw ng malapit, ayaw ng malayo, kailangan sa Ayala Center lang, kailangan sa Makati lang, amoy pawis ang tsuper, amoy pawis ang loob ng taksi, at higit sa lahat…umutot ang drayber sa loob ng taksi! Gwaaahrrrrk!
November 27th, 2008 at 10:36
ako ay sumasang-ayon ke orangeinapod. bilabng isang taga-baguio tulad nya, ako ay nagugulat sa mga ugali ng taxi drivers dito sa manila.
hindi ko alam kung tatawaging coincidence itong blog entry na ito pero kaninang umaga, nagdesisyon akong magtaxi na lang at mahuhuli na ako sa pagpasok sa opisina. sa ayala avenue ako nagtatrabaho, sa PBCom. sinabi ko ang aking patutunguhan sa drayber at sumang-ayon naman ang drayber. ang inis ko lang sa mga drayber dito, parang pers taym nila na mag-drive around makati.
nung nasa paseo na kami, humingi uli ng direksyon yung drayber. nung nasa enterprise na kami, muntik na kumanan ang drayber. buti na lang nasabi ko agad na kaliwa po, sa PBCom.
Ngunit sa katangahan (o sinasadya para tumaas pa ang patak sa metro) dumaan siya sa non-unloading lane. hindi tuloy ako makababa malapit sa PBCom at kelangan pa kaming umikot sa likod ng dela costa st. papuntang herrera st.
hindi daw nya kabisado ang ayala avenue at hindi nya alam ang PBCom building. sa puntong ito, nagmumura na ako pero wala naman ako magawa, dapat daw sinabi ko na sa unloading lane kami dumaan. the temerity di ba!
kulang ang binigay kong bayad ngunit sa inis ko, hindi ko namanlayan na nakaiwan ako ng 10 peso coin sa backseat. sobra pa tuloy ang aking naibayad.
pasensya po sa haba ng aking litanya. ako lang ay naiinis talaga sa mga racket ng mga drayber dito.
but it really is a coincidence that upon opening this blog, this is the first entry that i read just after the incidence with the taxi driver. hmmm…
November 27th, 2008 at 23:54
natutuwa ako sa tuwing nananagalog si binibining jessica zafra sa kaniyang post. maski na bernakyular eh kaengga- engganyo pa rin ang nilalaman ng kaniyang katha. hanep naman ang banat sa gahamang tsuper na yun. nagulantang siguro siya sa pagkatatas ni binibining zafra sa wikang ingles. lol!