LitWit Challenge: Gatsby in Filipino
In this week’s LitWit Challenge brought to you by the good people of National Bookstore, we are giving away two copies of Joseph O’Neill’s novel, Netherland.
Netherland is so beautiful, I read it with my hair standing on end so it filled the room and no one else could come in. The novel is about a Dutch banker who is estranged from his wife and living alone in New York after 9/11. He finds comfort in the unlikeliest place: in the city’s parks, where immigrants from Asia and the West Indies gather to play cricket. There he meets the shady dreamer Chuck Ramkissoon, who dreams of building New York City’s first proper cricket field.
There was something oddly familiar about Netherland that I couldn’t place. And then I had one of those deja vu moments: I had been in this fictional universe before. The characters were very different, it was set in another era, but that sweet melancholy. . .
It’s The Great Gatsby!
Which brings us to our new LitWit Challenge. To join the contest, translate the first three paragraphs of F. Scott Fitzgerald’s The Great Gatsby (from “In my younger and more vulnerable years” to “a sense of the fundamental decencies is parcelled out unequally at birth”) OR the last three paragraphs (from “And as I sat there, brooding on the old, unknown world” to “borne back ceaselessly into the past) into Tagalog.
Two translators will receive these copies of Netherland. You have until midnight on Friday, October 23, to post your entries in Comments.
The Weekly LitWit Challenge is brought to you by National Bookstore.
October 17th, 2009 at 13:16
Dear Jessica, thank you so much for endorsing such a wonderful novel. I read Netherland last year during a blustery whiteout, swathed in thick, woolen blankets as I coursed through O’Neill’s beautifully captivating book. It was, as you had written, a read that could leave you with your hair standing up. Excellent choice.
October 17th, 2009 at 13:22
Does this cover remind you not of Infinite Jest’s 10th anniversary reissue? How funny. The cover art designers must have been sapped dry of ideas for this one, which strikes me as rather strange considering that the hardcover printing was beautifully realized, what with that understated and elegant drawing of a city park.
October 17th, 2009 at 14:18
Here it goes.
“Noong ako’y nasa mga musmos at walang muwang ko pang kapanahunan, binigyan ako ng aking ama ng payo’ng hanggang sa ngayo’y pinaglalaruan ko pa sa aking isipan.
“Sa tuwing nanaisin mong mamuna ng tao,” ang sabi niya, “pakatandaan mo lang na lahat ng tao sa mundo’y hindi pinalad na matamo ang kahigtang iyong natamasa.”
Wala na siyang iba pang sinabi, ngunit lagi naman kaming nagbabatiran sa isang kakatangi-tangi’t tahimik na paraan, kaya’t naunawaan kong mas marami pa siyang ibig ipahatig kaysa doon. Dahil doon, inklinado akong kimkimin ang lahat ng aking mga panghuhusga, isang kaugaliang nagdulot sa akin ng samu’t saring mga kakaibang katangian at naging dahilan ng aking pagkabiktima ng marami-rami ring mga bihasang balisa. Ang kakaibang isipa’y matulin sa pagpuna’t pagdikit sa katangiang ito tuwing ito’y makikita sa isang ordinaryong tao, kaya’t naging noong kolehiyo walang katarungan akong napagbintangan pulitiko, sapagkat katiwala ako ng mga natatagong hinaing ng mga ligaw na katauhan. Karamihan sa mga pagtitiwalang ito’y hindi nasakatuparan- madalas nagpapanggap akong natutulog, abala o lantarang nambabastos sa tuwing aking masisilayan sa liwanag ng isang ‘di makakailang sinyales na may nagbabadyang rebelasyon; sapagkat ang mga matalik na rebelasyon ng mga binata, o maging ang mga katawagang ginamit upang ipahiwatig ang mga ito, ay kadalasa’y ginaya at pininsala ng halatang pagtitimpi. Walang hanggang pag-asa ang hatid ng pagkimkim sa mga panghuhusga. Medyo nababahala pa rin ako ng kaunti na baka may nakaligtaan ako tuwing malilimutan ko na, gaya ng supladong sabi ng aking ama at ng aking ‘sing supladong pag-ulit nito, hindi pantay na kasama sa kapanganakan ang diwa ng karangalan.”
This is fun!
October 18th, 2009 at 01:38
I chose to translate the last part.
“At habang ako ay nakaupo’t nagmumunimuni tungkol sa di-pa-kilalang mundong nagdaan, sumagi sa aking isipan kung paano namangha si Gatsby nung sa unang pagkakataon ay pinili niya ang luntiang ilaw sa dulo ng pantalan ni Daisy. Malayo na rin ang kanyang narating hanggang dito sa bughaw na hardin, at ang kanyang pangarap ay mistulang abot-kamay na upang hindi niya ito makamtan. Lingid sa kanya ito ay dumaan na, nasusulok sa isang lugar sa malawak na kaawangan na lampas na sa lungsod, kung saan ang madidilim na parang ng republika ay gumagalaw sa lilim ng gabi.
Naniwala si Gatsby sa luntiang ilaw, yaong hinaharap na puno ng pag-aasam na sa bawat taon ay unti-unting naaanod palayo sa atin. Naging mailap na ito sa atin dati, subalit hindi ito hadlang sapagkat bukas makalawa, tayo ay tatakbo nang mas mabilis, uunatin ang mga kamay nang mas mahaba…. Hanggang sa isang umagang kay ganda——
Kaya tayo ay magpapatuloy, ang mga bangka salungat sa agos, pilit na nadadala pabalik nang walang katapusan sa nakaraan.”
October 18th, 2009 at 01:39
At habang ako’y nagmumunimuni doon, tungkol sa sinauna at di pa kilalang mundo, naalala ko ang pagtataka ni Gatsby nang una nyang maaninaw ang luntiang liwanang sa dulo ng daungan ni daisy. Malayo ang kanyang nilakbay patungo sa mala-asul na damuhang ito, tila ang kanyang panaginip ay kaylapit nang maatim at wala nang tanong pang makakamit nya ito. Ang hindi nya alam, napagiwanan na sya ng panaginip, duon pa sa di maaninag na lugar, lagpas sa siyudad, kung saan tuluyang umiikot ang lupa sa madilim na damuhan ng republika, sa ilalim ng gabi.
Panatag ang loob ni Gatsby sa luntiang liwanag, ang rurok ng kinabukasan na umaalpas sa atin, taon taon. Umalpas noon, ngunit di bale. Bukas tayo’y tatakbo ng mas mabilis, mas malayong mag-unat ng braso at… isang magandang umaga—
At ngayon, tayo’y nagsasagwan, mga bangkang lumalaban sa alon, ngunit lulan ng alon pabalik, pabalik-balik nang walang hanggan , pabalik sa iniwang nakaraan.
October 18th, 2009 at 10:49
Here goes:
Parati kong inaalala ang payo sa akin ng aking ama. Ito’y sinabi niya sa akin nuong bata pa ako at madali pang mapaniwala.
“Tandaan mo, tuwing iniisip nong mamintas ng ibang tao – hindi lahat sila ay pinanganak na katulad mo.” Dagdag pa niya: “Hindi sila lahat naging mapalad at nakaka-angat sa buhay.”
Hindi kami masyadong nag-uusap na mag-ama, kaya’t sa konting katagang iyon, kahit yun lamang ang sinabi niya, naintindihan ko na na mas malalim na aral pa ng ibig niyang matutunan ko. Dahil dito, natuto akong huwag kaagad humusga. Madaming tao tuloy ang nagtitiwala at nagbubukas-loob sa akin, kahit kung minsan, ay hindi naman talaga ako masyadong interesado. Nuong nag-aaral nga ako ng kolehiyo, napagsasabihan tuloy akong “tsismoso” o kaya “pulitiko”, dahil madami nga akong alam na mga lihim ng iba. Hindi nila naiinitindihan na hindi ko naman hinihingi ang mga sikretong ito. Minsan nga, kapag napapansin ko na malapit nang maghinga ng sama ng loob ang kausap ko, nagtutulog-tulugan na lang ako, o kaya sasabihan ko siya “Pare, may gagawin pa ako”, o kaya magkukunyaring pagtatawan ko ang kung ano man ang kanyang sasabihin.
Sa totoo lang, karamihan din lang sa mga lihim na nadidinig ko, ay pare-parehas lamang, o kaya’t halatang mayroon na mas malalim pang sikretong pinagtatakpan. Marahil sa aking pagiging hindi mapag-husga, pinapakita ko ang pag-asa na hindi nagkamali ang aking ama, at hindi ko ito dapat kalimutan. Hindi lahat ng tao ay ipinanganak na may delikadeza. Kahit tawagin mang suplado ang aking ama sa kanyang paniniwalang ito, at tawagin mang akong elitista dahil sa aking pag-ayon.
October 19th, 2009 at 08:17
Sa aking kabataan at mas musmos pa na mga taon binigyan ako ng aking ama ng isang payong pinipihit ko sa aking isipin simula noon.
“Sa tuwing nanaisin mong pumuna ng iba,†sabi niya, “tandaan mo na lahat ng tao dito sa mundo ay hindi natamasa ang bentahang meron ka.â€
Wala na siyang sinabi pa ngunit meron kaming kakaibang tahimik na pagkakaintindihan, at alam kong mas higit pa doon ang kanyang naihayag. At dahil doon mas tahimik ako sa aking mga puna, isang ugaling nagbukas sa akin ng maraming mausisang katangian at nagdulot din ng iilang nakakabatong sandali. Kung lilitaw sa normal na tao, ang kakaibang isipan ay madaling makakapansin at makakapit sa ugali ito, at noong nasa kolehiyo ako, walang katwirang naparatan ako bilang isang politiko, dahil maalam daw ako sa mga lihim na kalungkutan ng mga maiilap at di-kilalang tao. Karamihan sa mga lihim na ito ay ‘di ko kagustuhan – kadalasang nagkukunwari akong tulog, may ginagawa o harap-harapang nagpapakita ng walang pakialam kung napapansin kong may malinaw na sinyales ng malalim na rebelasyon na nanginginig sa guhit-tagpuan – dahil ang mga malalalim na rebelasyon ng mga binata o ang paraan ng kanilang pagpapahayag ay kadalasang panggagaya lang o may bahid ng halatang pagtitimpi. Ang pagkukubli ng mga puna ay isang bagay ng walang hanggang pag-asa. Gaya ng mungkahing pagmamataas ng aking ama, medyo takot pa rin akong mawalan kung makakalimutan ko ‘yon, at taas-noo ko ring uulitin na ang diwa ng mga pangunahing kagandahang-asal ay nagpipirasong di pare-pareho sa kapanganakan.
October 19th, 2009 at 16:08
Noong bata ako’y may sinabi ang aking tatay na hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin.
Sabi niya, “Bago mo punahin ang ibang tao, tingnan mo muna ang napakaraming bagay na mayroon ka na wala sila.”
Nakagawian na namin ang maiikling usapan kaya’t naunawaan kong higit pa roon ang ibig niyang sabihin. Mula noon ay pinili kong maging maingat sa aking pananalita, dahilan upang madali akong pagkatiwalaan ng iba at pagdududahan naman ng ilan. Gawain diumano ng isang politiko ang makaalam ng mga personal na saloobin ng ibang tao. Nguni’t anong aking magagawa—karamihan ng mga lumalapit sa akin upang magkuwento ay mga hinuhulog lang basta-basta mula sa langit. Ginawa ko na ang lahat: magtulug-tulugan, magmukhang may ginagawa, taasan ang boses lalo na kung hindi ko gusto ang ikinukuwento sa akin—nguni’t ang ibang tao talaga’y ipinanganak na manhid. Bukod sa hindi ko na gusto ang naririnig ko, nararamdaman kong hindi pa totoo ang mga ito at pilit na dinadagdagan upang maging kasiya-siya para sa nagkukuwento. Hindi ko akalain na may sumpa rin pala ang ganitong kabutihan, nguni’t kapag iwinaksi ko ang pagiging makatwiran—ang patas na pag-unawa sa aking kapwa—patuloy akong gagambalain ng payo ng aking tatay, at ang takot na hindi ko malaan ang mga mahalagang bagay dahil sa kawalan ko ng ingat.
October 19th, 2009 at 17:14
Entry ko po…
“At habang nakasalumpak at pinag-iisipan ang ma-gulang, at di maarok na mundo, naisip ko ang feeling pagka-high ni Gatsby nung una nyang naispatan ang green light sa dulo ng daungan ni Daisy. Mahaba ang binyahe nya papunta sa mala-blue garden na yon, parang yung pangarap nya siguradong andyan na, susunggaban na lang, napakaimposibleng pumalpak pa. Hindi nya alam na bagkus, naiwanan na pala sya sa ere, tumakas na si pangarap, nandoon na pabalik sa pinakasulok na eskinita ng syudad, kung saan ang dilim ng republika ay lumalarga sa gabi.
Naniwala si Gatsby sa green light, sa kinabukasang parang ayan-na-lalabasan-ka-na, pero taon-taon naman ay nakakabitin at natatakasan tayo. Napag-iwanan na nga tayo, pero di bale—ang bukas lilipas nang mas matulin. Itaas ang mga kamay, iambang pangyakap… sa isang magandang umaga–
Kaya tuloy lang ang banat, bangka laban sa alon, pabalik nang walang humpay sa nakaraan.”
October 19th, 2009 at 22:38
Eto na yung akin! Weeee! Ganito lang pala to, popost lang sa thread. Sya, don’t be fooled sa username ko. Si Eun Hye ay ang paborito kong Koreantelenovela actress. Hope this passes kasi gusto ko yung book. :)
———————-
Noong ako’y musmos pa’t madaling mapapaniwala, binigyan ako ng payo ng aking ama na pinagmumunihan ko mula noon.
“Kung nangangati kang pumula ng iba,” sabi niya, “alalahanin mong hindi lahat ng tao ay masuwerteng katulad mo.”
Wala na siyang idinagdag, pero lagi namang malaman ang payak naming mga pag-uusap, at batid kong higit pa doon ang nais niyang sabihin. Bunga niyon, naging maingat ako sa paghuhusga, isang ugaling nagmulat sa akin sa maraming pagkakaiba-iba at kaya rin naging biktima ng hindi iilang tampalasan. Mabilis mapansin at katigan ng di karaniwang isip ang katangiang ito kung taglay ng karaniwang tao, kaya’t nangyari na noong nasa kolehiyo, ako’y walang batayang tinaguriang pulitiko, dahil nalalaman ko ang lihim na pananangis ng mga ligaw, di kilalang katauhan. Di ko naman hiningi ang kanilang pagtitiwala—madalas na nagpanggap akong tulog, abala o walang pakialam oras na lumitaw ang malinaw na senyales ng taos nilang pagbubukas; dahil ang taos na pagbubukas ng mga binata, o ang mga salitang gamit nila, ay kadalasang gaya sa iba at halatang may pagtitimpi. Nagmumula sa di nahahangganang pag-asa ang pag-iingat sa paghuhusga. Lagi pa rin akong may kaunting pangamba na may malagpasan kung kaligtaan ko ang isinaad ng aking mapangutyang ama, na mapangutya kong inuulit, na ang saligang pagkamarangal ay ipinamahagi nang hindi pantay mula kapanganakan.
October 19th, 2009 at 23:27
At habang ako’y nakaupo upang pagnilayan ang luma’t di tantong daigdig, naisip ko ang pagkamangha ni Gatsby noong una nyang pitasin ang berdeng ilaw sa dulo ng pantalan ni Daisy. Malayo ang kanyang tinahak na landas marating lamang itong asul na damuhan, at ang kanyang pangarap tila abot-kamay na, di mo waring siya ay sasablay.
Hindi nya sukat akalain noon, ito pala ay nasa likuran lamang nya, lingid sa napakalawak na kaparangan sa labas ng lungsod, kung saan ang madilim na kabukiran ng republika ay umusad sa lalim ng gabi.
Nanalig si Gatsby sa berdeng ilaw, ang malagong kinabukasang taon-taon tayong tinatakasan. Nasalisihan tayo noon, ngunit balewala yun, bukas tatakbo tayo nang mas mabilis, batak ang ating mga braso nang mas matindi. At isang matiwasay na umaga-
At kukuripaspas tayo sa pagsagwan, ang mga bangka palaban sa agos, inalon pabalik sa nakaraang walang hanggan.
October 20th, 2009 at 00:44
At habang nakaupo ako’t matamang nag-iisip sa di-mapagkilanlang dating mundo, naalala ko ang pagkamangha ni Gatsby noong una nyang maaninag ang berdeng liwanag sa dulo ng daungan ni Daisy. Malayo na rin ang narating nya tungo sa damuhang bughaw, at ang pangarap nya’y halos abot-kamay na para makawala pa. Hindi nya alam na siya’y napag-iwanan na nito, pabalik sa dako roon ng malawak na kawalang napakalayo sa lungsod, kung saan ang madilim na mga lupain ng republika’y patuloy sa paggulong sa ilalim ng gabi.
Sampalataya si Gatsby sa berdeng liwanag, ang sukdulan ng hinaharap na taon-taong lumalayo sa atin. Natakasan na tayo noon, ngunit ayos lang— bukas mas matulin tayong hahabol, lalong magbabanat ng mga braso….At isang umagang maaliwalas….
Kaya patuloy tayo, isagwan ang mga bangka laban sa mga along walang humpay tayong ibinabalik sa ating nakaraan.
October 21st, 2009 at 13:27
At habang nakaupo ako roong pinagmumunihan ang huklubang mundong hindi maarok, naisip ko ang pagkamangha ni Gatsby noong una niyang maaninag ang luntiang ilaw sa dulo ng daungan ni Daisy. Malayo na rin ang nilakbay niya patungo dito sa damuhang bughaw, at halos maamoy na niya ang animo’y abot-kamay na pangarap. Lingid sa kanya, nalagpasan na pala niya ito, naiwan doon sa kung saang sulok ng malawak na kawalang di na saklaw ng siyudad, kung saan hindi tumitigil sa paggulong ang maiitim na mga parang ng republika sa lilim ng karimlan.
Nanalig si Gatsby sa luntiang ilaw, sa makabasag-libog sanang kinabukasang palayo naman nang palayo sa atin taon-taon. Binitin man tayo nito noon, walang kaso ‘yon – bukas mas matulin tayong kakaripas, mas malayo ang ating maaabot… Hanggang isang umagang maganda– –
Kaya sige pa rin tayo, mga bangka kontra-agos, walang humpay na ibinabalik sa nakalipas.
October 23rd, 2009 at 21:41
Sa tangkang pagbigay pansin sa mundong tila’y nakalimutan na, naaalala ko ang unang pagmangha ni Gatsby sa luntiang ilaw ni Daisy. Malayo na ang kanyang inabot bago niya ito narating, pero kahit ang kanyang mga daing ay tila’y imposible nang hindi makamit, lihis parin sa kanyang kaalaman na ito ay sobrang lapit hindi niya ito maabot, at kanya na pala itong dinaanan, umaaligid sa magulong lungsod, sa lalim ng bayang sa malimlim humuhuni.
Naniwala sa berdeng ilaw si Gatsby. Naniniwala siya sa pangakong taon-tao nating dinaanan, tinanggap, nakaligtaan o pilit hindi hinarap. Subalit hindi baleng tayo’y mabigo. Ang bukas ay pagkakataong pwedeng buong pusong maayos lahat muli ito. Hanggang ang hinihiling na umaga’y unti-unting uugoy.
Dahil ang laban ay nagpapatuloy, at tayo’y mga bangkang kontra agos ang dalos, patungo sa walang hanggang pabalik.
October 23rd, 2009 at 22:00
*taon-taon po, hindi taon-tao. :-)
October 23rd, 2009 at 23:30
Noong mga taon ng aking kasibulan at kahinaan, may ipinayo ang aking ama na magpahanggang ngayo’y umuukilkil pa sa aking isipan.
“Kapag damdam mong mamuna ng sinuman,” aniya, “alalahanin mo lang na hindi lahat ng tao sa mundong ito’y kinasihan ng kahigtang angkin mo.”
Wala na siyang iba pang sinabi, ngunit dahil sa aming malapit na ugnayan na di-karaniwan sa pagiging tahimik lang, alam kong may mas malalim pa siyang nais ipahatid sa akin. Gawa nito, naging mapagtimpi ako sa paghuhusga, isang ugaling naging dahilan upang magbukas-loob sa akin ang mga taong sadyang mapagtanong at maging biktima rin ako ng mga taong nakababagot. Ang di-karaniwang isipan ay madaling makaamoy at kumapit sa ganitong uri kapag angkin ng isang karaniwang tao, kaya’t ito’y naging daan upang ako’y di-makatarungang maparatangang isang pulitiko noong ako’y nasa kolehiyo, dahil daingan ako ng mga lihim na hinagpis ng mga maiilap at di-kilalang mga tao. Karamihan sa mga ipinagtatapat nila’y hindi ko hinangad — kalimitang nagkukunwari akong tulog, abala, at dinadaan sa maaanghang na biro kapag napagtanto kong malinaw na nagbabadya ang pagdating ng pagtatapat ng malalim na saloobin; dahil ang kumpisal ng isang lalaking nasa kasibulan o kahit na ang pamamaraan ng kanyang pagsasatinig nito ay karaniwang ginaya lamang at nababahiran ng halatang pagsusupil ng damdamin. Ang mapagtimping paghuhusga ay isang bagay na dulot ay walang hanggang pag-asa. Mayroon pa rin akong bahagyang takot na baka may mawala sa akin kapag ako’y nakalimot nito, gaya ng payo ng aking ama na may pagmamalaki, at siya ko ring inuulit nang may pagmamalaki rin, ang diwa ng likas na kagandahang-asal ay hindi naibahagi ng pantay-pantay sa ating kapanganakan.
October 24th, 2009 at 00:00
Noong kamurahan ng aking gulang at mas bukas ang aking isipan, nagbitiw ang aking ama ng isang payo na hindi na nilisan ng aking pagninilay-nilay simula noon.
“Sa tuwing nanaisin mong mamuna ng kung sinuman,” sabi niya sa akin, “alalahanin mo lang na hindi lahat ng tao sa mundong ito ay nagtatamasa ng mga kalugurang nabiyayaan ka.”
Wala na siyang sinambit pa, ngunit kami ay nakakapag-ugnayan, pambihira, nang may pagpipigil, kaya’t nahinuha kong higit pa ang kanyang pakahulugan. Dulot nito ako ay naging mapagkimkim ng aking mga palagay sa bagay-bagay, isang ugaling naglantad ng maraming kakatwang pagkatao sa akin at nagbilad sa akin sa pinsala ng ‘di mangilan-ngilang mga batikang kinatawan ng kabagutan. Ang pekulyar na utak ay mabilis sa pagkilatis at pagkapit sa katangiang ito pagkamálas nito sa pangkaraniwang tao. Ang kinalabasan noong kolehiyo ako ay di-makatarungang nabansagang isang pulitiko, sapagkat batid ko ang mga lihim na lumbay ng mga maiilap na tao. Hindi ko hiningi ang karamihan sa mga pagtitiwala ng mga lihim na iyon – kadalasan nagkukunwari akong tulog, abala, o hindi nang-iintindi kapag, dahil sa hindi maitatatwang mga sinyales, may abot-tanaw akong nagbabadya na rebelasyon – dahil ang mga personal na paghahayag ng mga kabataan o ang mga pamamaraan ng kanilang pagpapahiwatig ay nang-uulit o may bahid ng pagkikimkim. Sa puso ng pagpigil sa mga panghuhusga ay ang walang hinggil na pananalig. Nandoon pa rin ang pangamba na mayroon akong makakaligtaan kapag malimot ko, may pagmamalaki ngang pahiwatig ng akling ama, at may pagmamalaki ko ring uulitin na ang kabuoran ng karangalan ay ipinamamahagi nang di-pantay sa pagsilang.
October 24th, 2009 at 00:05
At habang ako’y nakaupong nagmumuni sa isang di ko mawangis na mundo, naisip ko ang pagkamangha ni Gatsby nang una niyang
piliin ang luntiang ilaw sa dulo ng daungan ni Daisy. Malayo ang kaniyang pinanggalingan patungo sa bughawing damuhan,
lubhang napakalapit na ng kaniyang pangarap upang di maabot. Di niya man lamang nabatid na ang pangarap niyang yao’y
napag-iwanan na sa malaking kawalan ng siyudad, kung saan ang lupain ng republika ay balot ng karimlan sa kalaliman ng gabi.
Lubos ang paniniwawala ni Gatsby sa luntiang liwanag, ang kinabukasang puno ng asam na kaligayahan na taon-tao’y lumilipas.
Noon pa ma’y di na ito mahapuhap, gayon pa man-kalaunan ay lalong bibilis ang ating paghabol sa pagpipilit nating ito’y maabot…
At pagdating ng isang maaliwalas umaga…
Patuloy tayong magbabata, mamamangkang di ayon sa agos, habang inaanod pabalik sa nakaraan.
p.s.
I tried to log in at 11:50 pm but this reply box won’t appear…. I hope this gets accepted…
October 24th, 2009 at 00:08
Now I’m trapped…. Can’t log out…