LitWit Challenge 5.2: Airing out Jane Eyre (Updated with entries)
We’re accepting entries until noon tomorrow, Sunday the 20th.
* * * * *
The new film adaptation of Jane Eyre is getting excellent reviews, Mia Wasikowska continues to shine, our boyfriend Michael Fassbender (he just doesn’t know it yet) is well on his way to stardom (This year he gets to be Rochester, Carl Jung and Magneto), and damn you Cary Fukunaga, why are you so hot.
While we await the arrival of the film in local theatres we shall occupy ourselves with the source material, the novel by Charlotte Bronte. If you do not have the book look for it in your mom’s library, and it it’s not there download it from Project Gutenberg.
As the stunning film director points out, Jane Eyre is timeless and its appeal universal. These being the qualities of a classic: It is of its time but it speaks to every age; it is the product of a specific culture and society but it has something to say about all cultures and societies—including ours. Which means that Ms Charlotte Bronte’s masterpiece would work in our language, Tagalog.
Your assignment for LitWit Challenge 5.2 is to translate the first 770 words of Jane Eyre (below) into Tagalog. We leave it to you to decide whether to use formal Pilipino, colloquial Tagalog, or gayspeak. The deadline for the submission of entries in Comments is Sunday, 20 March 2011 at 12 noon. The prize is this set of books.
The Weekly LitWit Challenge is brought to you by our friends at National Bookstore.
Jane Eyre
by Charlotte Bronte
Chapter 1
There was no possibility of taking a walk that day. We had been wandering, indeed, in the leafless shrubbery an hour in the morning; but since dinner (Mrs. Reed, when there was no company, dined early) the cold winter wind had brought with it clouds so sombre, and a rain so penetrating, that further out-door exercise was now out of the question.
I was glad of it: I never liked long walks, especially on chilly afternoons: dreadful to me was the coming home in the raw twilight, with nipped fingers and toes, and a heart saddened by the chidings of Bessie, the nurse, and humbled by the consciousness of my physical inferiority to Eliza, John, and Georgiana Reed.
The said Eliza, John, and Georgiana were now clustered round their mama in the drawing-room: she lay reclined on a sofa by the fireside, and with her darlings about her (for the time neither quarrelling nor crying) looked perfectly happy. Me, she had dispensed from joining the group; saying, “She regretted to be under the necessity of keeping me at a distance; but that until she heard from Bessie, and could discover by her own observation, that I was endeavouring in good earnest to acquire a more sociable and childlike disposition, a more attractive and sprightly manner– something lighter, franker, more natural, as it were–she really must exclude me from privileges intended only for contented, happy, little children.”
“What does Bessie say I have done?” I asked.
“Jane, I don’t like cavillers or questioners; besides, there is something truly forbidding in a child taking up her elders in that manner. Be seated somewhere; and until you can speak pleasantly, remain silent.”
A breakfast-room adjoined the drawing-room, I slipped in there. It contained a bookcase: I soon possessed myself of a volume, taking care that it should be one stored with pictures. I mounted into the window-seat: gathering up my feet, I sat cross-legged, like a Turk; and, having drawn the red moreen curtain nearly close, I was shrined in double retirement.
Folds of scarlet drapery shut in my view to the right hand; to the left were the clear panes of glass, protecting, but not separating me from the drear November day. At intervals, while turning over the leaves of my book, I studied the aspect of that winter afternoon. Afar, it offered a pale blank of mist and cloud; near a scene of wet lawn and storm-beat shrub, with ceaseless rain sweeping away wildly before a long and lamentable blast.
I returned to my book–Bewick’s History of British Birds: the letterpress thereof I cared little for, generally speaking; and yet there were certain introductory pages that, child as I was, I could not pass quite as a blank. They were those which treat of the haunts of sea-fowl; of “the solitary rocks and promontories” by them only inhabited; of the coast of Norway, studded with isles from its southern extremity, the Lindeness, or Naze, to the North Cape –
“Where the Northern Ocean, in vast whirls, Boils round the naked, melancholy isles Of farthest Thule; and the Atlantic surge Pours in among the stormy Hebrides.”
Nor could I pass unnoticed the suggestion of the bleak shores of Lapland, Siberia, Spitzbergen, Nova Zembla, Iceland, Greenland, with “the vast sweep of the Arctic Zone, and those forlorn regions of dreary space,–that reservoir of frost and snow, where firm fields of ice, the accumulation of centuries of winters, glazed in Alpine heights above heights, surround the pole, and concentre the multiplied rigours of extreme cold.” Of these death-white realms I formed an idea of my own: shadowy, like all the half-comprehended notions that float dim through children’s brains, but strangely impressive. The words in these introductory pages connected themselves with the succeeding vignettes, and gave significance to the rock standing up alone in a sea of billow and spray; to the broken boat stranded on a desolate coast; to the cold and ghastly moon glancing through bars of cloud at a wreck just sinking.
I cannot tell what sentiment haunted the quite solitary churchyard, with its inscribed headstone; its gate, its two trees, its low horizon, girdled by a broken wall, and its newly-risen crescent, attesting the hour of eventide.
The two ships becalmed on a torpid sea, I believed to be marine phantoms.
The fiend pinning down the thief’s pack behind him, I passed over quickly: it was an object of terror.
So was the black horned thing seated aloof on a rock, surveying a distant crowd surrounding a gallows.
March 14th, 2011 at 16:50
Jane Eyre
Ni Charlotte Bronte
Kabanata 1
Walang pagkakataong makapaglibot nang araw na iyon. Kami nga’y isang oras nang nagliwaliw sa walang kadahon-dahong mga palumpong noong umaga. Pero mula pa noong hapunan (Si Ginang Reed, kapag walang bisita, ay kumakain ng maaga) ang ginaw ng hanging taglamig ay nagdala na ng kaulapang makulimlim at ulan na mahayap, kaya’t ang karagdagang ehersisyo ay hindi na maaari pang isipin.
Ikinatuwa ko ito. Hindi ko nagustuhan ang mga mahahabang lakaran, lalo na sa mga hapong maginaw. Masaklap sa akin ang pag-uwi sa bahay kapag takipsilim, na ang aking mga daliri sa kamay at paa ay naninigas sa lamig, at puso ko ay pinalungkot ng mga pagbibiro ni Bessie, isang tagapag-alaga, at pinagpakumbaba sa kamalayan ng aking kakulangan sa kagandang-katawan kumpara kay Eliza, John, at Georgiana Reed.
Ang mga nabanggit na sina Eliza, John, at Georgiana ay ngayo’y nakapalibot sa kanilang ina sa sala. Siya ay nakasandal sa sopang malapit sa pugon ng chiminea, at habang nakapalibot ang kanyang mga anak (na sa kasalukuyan ay hindi nag-aaway o nag-iiyakan), ay mukhang maligaya. Ako naman ay di niya pinasali sa grupo sa pamamagitan ng pagsambit ng: ‘Kanyang pinagsisisihan ang pangangailangan na ako’y malayo sa kanya. Ngunit nang kanyang malaman mula kay Bessie, at dahil na rin sa sariling pagmamanman na ako ay nagsisikap nang mabuti na makakuha ng mas palakaibigan at mala-musmos na kalagayan, mas kaaya-aya at masiglang pangingilos – wari pa’y mas magaan, mas tahas, at mas likas – talaga’y kailangan niya na ako ay hindi isali sa tanging karapatan ng kaligayahang para lamang sa nasisiyahang mga musmos’.
‘Ano ang nasabi ni Bessie na nagawa ko?’ Aking itinanong.
‘Jane, ayaw ko ng matutol o matanong. At saka, tunay na may nakakatakot sa isang bata na ganyan ang paraan ng pangingilos sa mga nakatatanda sa kanya. Maupo ka diyan sa tabi, at hangga’t hindi ka makapagsalita ng kaaya-aya, manahimik ka.’
Isang silid-almusalan ang nakadikit sa sala, at duon ako ay pumunta. Sa loob nito ay isang aklatan. Maya-maya’y aking kinuha ang isang aklat, at aking tiniyak na ito’y naglalaman ng mga larawan. Aking sinampahan ang upuan sa may bintana, at, pag-akyat ko nang aking mga paa, ako’y naupo ng naka-dekwatro, tulad ng isang Turko. At, dahil sa aking isinara ang pulang lanang kurtina, ako’y nadambana sa isang dobleng pamamahinga.
Natakpan ng mga nakatuping iskarlatang kurtina ang aking tanawin sa bandang kanan. Sa dakong kaliwa ay ang malinis na salaming bintana na sumasanggalang, pero hindi ako iniwawalay, mula sa isang mapanglaw na Nobyembreng araw. Pasalit-salit, habang ako ay naglilipat ng pahina sa aking libro, aking inaaral ang kalagayan ng nasabing taglamig na hapon. Sa malayo, nagbibigay ito ng maputlang puwang ng hamog, malapit sa basang damuhan at bugbog sa bagyong halaman, kasama rin ang walang humpay na ulan na mapusok ang pananaklaw bago ang mahaba at mapagdaing na bugso.
Binalikan ko ang aking aklat, ang Kasaysayan ng Ibong Bretanya ni Bewick. Sa pangkalahatang pagpuna, ang pagkalimbag nito ay di ko masyado alintana, pero may ilang piling pahinang panimula na, dahil sa aking kabataan, ay di ko mapalampas bilang walang laman. Ang mga ito ay iyong natutungkol sa mga pinupugaran ng mga ibong-dagat tulad ng mga ‘Natatanging kabatuhan at mga lungos’ na sila lamang ang naninirahan, ang baybayin ng Norway na namumutaktak sa mga isla mula sa silangang bahagi, ang Lindeness o Naze, hanggang sa North Cape.
“Kung saan ang Hilagang karagatan at sa malawak na mga alimpuyo nito, Kumukulo at lumilibot sa hubad, at malumbay na mga isla Nang pinakamalayong Thule, at ang pagdaloy ng Antarktiko ay Sumasalin sa gitna ng maunos na Hebrides.”
Hindi ko rin mapalampas at di pansinin ang pagkamungkahi sa malungkot na baybayin ng Lapland, Siberia, Spitzbergen, Nova Zempla, Iceland, Greenland, kasama ang “malawak na saklaw ng Pook Arktiko, at iyong mga napabayaang rehiyon nang matamlay na kalawakan. Yung imbakan nang nagyelong hamog at nyebe, kung saan ang nakapirming kabukiran ng yelo, bunga nang pagkaipon ng ilang siglong taglamig, kumikinang sa rurok ng mala-Alpine na kataasan, ay pumapalibot sa tikin, at pinagtatagpo ang pinaraming paghihirap dulot ng sukdulang lamig.” Mula sa mga mala-kamatayang kaputian ng mga lupain ako ay bumuo ng sarili kong ideya, malabo na tulad nang mga biting pagkaunawa sa mga paniwala na lumulutang nang madilim sa utak ng mga bata, pero kakaiba at kahanga-hanga. Ang mga salita sa mga panimulang pahina ay ikinabit sa mga sumunod na larawan at nagbigay ng pagpapahalaga sa batong mag-isang nakatindig sa karagatan ng gumugulong at nagwiwisik na alon, sa sirang bangka na naiwan sa isang pinabayaang baybayin, at sa malamig at nakapangingilabot na buwang sumisilip mula sa mala-kulungang ulap sa isang kawawasak lamang.
Hindi ko masabi kung anong damdamin ang bumalot sa natatanging patyo na may inukit na lapida, at may pasukang kinalalagyan ng dalawang puno, mababang kagiliran na nabibigkis ng wasak na dingding, at kasisikat na buwang gasuklay na nagpapatunay na dumating na ang gabi.
Ang dalawang barko na napanatag sa nananamlay na karagatan ay pinaniniwalan kong mga guniguning pandagat.
Ang halimaw na dumadagan sa sako ng magnanakaw sa kanyang likuran ay madali kong dinaanan dahil ito ay isang bagay na kakila-kilabot.
Pati na rin ang nilalang na may itim na sungay, nakaupo sa isang bato at walang kinikilingan, nagmamatyag sa lipon ng mga tao na pumapaikot sa bitayan.
March 15th, 2011 at 11:47
Not joining the challenge, but thought you might be interested to see Mia and Michael on the cover of W mag. http://i808.photobucket.com/albums/zz7/tlbani67/MichaelMiaWCover.jpg
March 15th, 2011 at 17:32
Jane Eyre
Akda ni Charlotte Bronte
Unang Kabanata
Datapwa’t kami ay naggugol ng isang oras ng pamamasyal kaninang umaga sa paligid ng manipis na kakahuyan, simula pa nang maghapunan (Si Gng. Reed ay maagang naghapunan nang mapansin na wala ang mga kasambahay), walang senyales na sa mga nalalabing sandali ng malabis na araw na ito, ay may maisasantabing panahon pa sa pagpapatuloy ng kinagawiang pamamasyal. Ang hangin ng tag-lamig ay nagsuklob ng hapis sa buong sansinukuban, at nagbuhos ng walang-humpay na ulan. Ang dulot na lamig nito ay nanunuot hanggang kaluluwa, kaya’t kami ay hindi na lumabas upang magliwaliw.
Siya namang mainam para sa akin: ni minsan ay hindi ko naibigan ang mahaba at walang saysay na paglalakad, lalo na’t nagyeyelo ang tatahaking landasin: wala nang mas sisidhi pa sa aking pagkamuhi sa pagsapit ng takip-silim, habang naglalakad papauwi at ang aking mga daliri sa kamay at paa ay nangunguluntoy na sa lamig, lalo pa at tutuksuhin ako ni Bessie, ang yaya, at ako nga ay makakadama ng pagkaawa sa aking sarili dahil sa aking paninibugho sa mas nakalalamang na pisikal na kaanyuan nina Eliza, John, at Georgiana Reed.
Ang mga ito ay kasalukuyang nakapalibot sa kanilang ina sa sala: ito ay nakahilig sa upuan sa tabi ng apoy, ang kanyang mga nililiyag sa malapit (na sa kasalukuyan ay hindi nag-aangilan o nagpapalahaw), at sa kanyang mukha ay mababanaag ang ganap na kasiyahan. Ang masayang larawan na ito ay hindi kailanman mag-aanyaya ng aking pakikibahagi. At ito ay kanyang tahasang ipinahayag: “Ikinalulungkot ko ang pangangailangan na ikaw ay bigyan ng distansya; ngunit hangga’t hindi ko nauulinigan kay Bessie, o natutuklasan sa aking sarili, na ikaw ay nagpupunyagi nang buong puso na magkaroon ng mas kagiliw-giliw na pag-uugali, mas kanais-nais at masayahing gawi, mas maagaan, mas totoo at mas natural, gaya nang sa ngayon, nararapat lamang na ikaw ay aking pagkaitan ng karapatan at pribilehiyo na nababagay lamang sa mga hindi mapaghangad at masasayahing musmos.”
“At ano na namang kasinungalingan ang pinagkakalat ng dalahirang si Bessie tungkol sa akin ngayon?” tanong ko.
“Talaga namang hindi kanais-nais ang tabas ng dila mong bata ka; nalalalaman mo bang hindi nararapat sa mga bata ang sumagot at lumaban sa mga nakatatanda? Maupo ka na lamang dyan at huwag nang magpaliwanag; at wala akong maririnig sa yo, hangga’t hindi ka natututong magsalita nang wasto!”
Gaya nang nakagawian, ako ay dali-daling nagtungo sa katabing silid-kainan, kung saan naroroon ang isang kaha ng mga aklat, at ako ay pumili ng isa na puno ng mga larawan, at iniluklok ang aking sarili sa pasimano ng bintana. Dali-dali kong isinara ang makakapal na pulang kurtina, upang sa wakas ay mapalibutan ng minimithing kasarinlan at katahimikan.
Ang makapal na balumbon ng pulang kurtina ay nagbibigay-kubli sa akin sa kanan; at sa kaliwa ay ang maaliwalas na bintana, nagbibigay-proteksyon, subalit hindi ganap na naghahadlang sa aking pagdama ang lugmok na araw ng Nobyembre. Paminsan-minsan, sa bawa’t paglipat ng pahina, aking pinagmamasdan at sinusuri ang tanawin sa labas. Sa malayo, maaaninag ang hamog at ulap; sa di kalayuan, ang basang damuhan at ang kakahuyang tila nananaghoy, habang ang lahat ay kasalukuyang binabayo ng walang humpay na hangin at ulan.
Muli kong ibinalik ang aking pansin sa binabasa — “Ang Kasaysayan ng mga Ibon sa Britanya, akda ni Bewick”: wala sa aking pagpapahalaga ang limbagan at kaukulang impormasyon tungkol sa aklat; ngunit mayroong mga bahagi ng mga panimulang pahina, na ni sa mura kong kaisipan, ay hindi nakakatakas sa aking atensyon. Ito ang mga pahina tungkol sa pugad ng ibong-dagat; o ng mga natatanging lugar na sila lamang ang bukod na namamahay; ang dalampasigan ng Norway, na napapalibutan ng mga isla sa dulong Timog, ang Lindesnes, o Naze, o ang Hilagang Tangos —
“Kung saan ang Hilagang Karagatan, sa kanyang malalalim na puyo, ay kumukulo sa palibot ng hubad at naghihinagpis na mga isla sa dulo ng daigdig, kabilang na ang Thule; at ang bagsik ng Atlantiko ay umuungos nang ubod bagsik sa isla ng Hebrides.”
At hindi rin naman maikukubli sa aking pansin ang panunuyo ng lugmok na dalampasigan ng Lapland, Siberia, Spitzbergen, Nova Zembla, Iceland, Greenland, kasama ang “malawak na ikot at teritoryo ng Arktiko, at ang mga malulumbay na rehiyon ng kahungkagan, — ang malawak na imbakan ng niyebe at yelo, kung saan ang matatag na kapatagan ng yelo, na inipon ng ilang siglo at walangkatapusang taglamig, ay mainam na nagpatung-patong at nahimlay sa mga bulubundukin ng Alps, sa palibot ng dulong hilaga, ay matatagpuan ang pinakamasidhing tag-lamig sa buong mundo.” Sa kaputiang lumbay ng mga tanawing ito ay nag-usbong ang isang kaisipan: mga imaheng sadyang karimarimarim at umuukilkil sa malikot na pag-iisip ng isang musmos, na hindi man ganap sa kanyang pang-unawa, ay lubha namang malikhain. Ang mga salitang ito sa mga panimulang pahina ay nagbigay-buhay sa mga sumusunod na larawan — naroon ang isang solitaryong bato na nananatiling matatag sa pagsugod ng mga higanteng daluyong; naroon ang isang sirang bangka na napadpad sa isang malumbay na dalampasigan; naroon ang hinagpis at walang katapusang paglalamay ng nagluluksang buwan na maya’t-maya ay sumisilip sa pagitan ng mga ulap, at dadako ang tuon sa lumulubog na barko.
Hindi ko ganap na maipahayag ang payapang lumbay na dulot ng isang sementero, ng mga pangalan ng mga nahihimlay; ang pinto nito, ang dalawang puno, ang mababang kalangitan, na siyang kinakanlong ng buwal na dingding, at ng bagong silang na buwan, nag-iisang saksi sa pagkagat ng dilim.
Dalawang barkong tila mga multo, tahimik na naglalayag sa gitna ng bagyo sa karagatan.
Isang kampon ng kadiliman na sumasalanta sa mga kasama ng magnanakaw, kung saan ay mabilis kong inilipat ang pahina: ito ay lubhang nakasisindak para sa akin.
Gayon din naman ang imahen ng isang nilalang na may sungay, naluluklok sa ibabaw ng isang bato, nagkukubli sa malayo at matiyagang pinagmamasdan ang tanawin ng isang lupon ng mga taong nakapaligid sa lugar na pinagbibitayan.
March 15th, 2011 at 17:54
Nakakatuwa ang inyong mga pagsalin! Ipagpatuloy.
March 16th, 2011 at 21:49
Jane Eyre
ni Charlotte Bronte
Kabanata 1
Hindi na makapamamasyal nang araw na iyon. Bagaman isang oras na kaming nagpalakad-lakad noong umaga sa sukalan, mula hapunan (na sinasadyang agahan ni Gng. Reed tuwing walang bisita) nagkaroon na ng matitinding hangin ng taglamig na may dalang madidilim na ulap at matatalim na patak-ulan, kaya’t ‘di na maari ang anumang gawain sa labas.
Ikinatuwa ko iyon: kahit kailan ay ‘di ko nagustuhan ang mahahabang pasyal, lalo na sa magiginaw na araw: nakababagabag sa ‘kin ang paguwi sa dapit-hapon, habang ang mga daliri ko’y nangangatog sa lamig, at nabibigatan ang damdamin ko sa mga puna ni Bessie, ang yaya, at napapahiya ako sa sarili sa aking kahinaan kumpara kina Eliza, John at Georgiana Reed.
Sina Eliza, John at Georgiana Reed ay noo’y nakapalibot sa kanilang nanay sa sala: sya’y nakahiga sa sopa sa tabi ng pugon, at dahil kasama nya ang mga supling (na nang sandaling ‘yon ay walang bangayan at iyakan), mukha syang maligaya. Ako–’di nya ko pinasama sa grupong ‘yon; sabi nya, “Kinalulungkot nya na kailangan nya ‘kong ihiwalay; pero hanggang marinig nya kay Bessie, at maobserbahan, na nais kong magsumikap—nang may giliw—na magkaroon ng mas palakaibigan at mala-batang disposisyon, at ng mas kaiga-igaya at masiglang karakter–yun bang mas magaan, mas masalita, mas natural—kailangan nyang ipagkait sa ‘kin ang mga pribilehiyong para lang sa masasayahing bata.”
“Ano po ang sabi ni Bessie-ng ginawa ko?” ang tanong ko.
“Jane, ‘di ko gusto sa mga kritiko at palatanong; at isa pa, sadyang pangit para sa isang bata ang sumagot nang ganyan sa nakatatanda. Umupo ka kung saan; at hanggang kaya mo nang makipag-usap nang mainam, manahimik ka.”
Katabi ng sala ang isang silid-kainan, kung saan ako nagsuot. Doon ay may bookshelf: maya-maya’y kinuha ko ang isang akla—nang may pagiingat na pumili ng isang hitik sa litrato. Umakyat at umupo ako sa bangko sa may bintana: hawak ang aking mga binti, inekis ko ang mga ito na parang sa Turko; at, sa pagkaka-hila ko sa pulang kurtinang Moreen hanggang ito’y halos masara na, ako noo’y nabalot sa magkabilang tagadulot ng kapahingahan.
Mga alon ng iskarlatang kurtina sa aking kanan; sa aking kaliwa, malilinaw na salamin, na nagsasanggalang, ngunit ‘di nagwawaksi sa kin mula sa mapanglaw na araw na iyon ng Nobyembre. Pasalit-salit at sa pagitan ng ilang mga saglit, habang inililipat ang mga pahina ng aking aklat, pinag-aralan ko ang karakter ng hapong iyon sa taglamig. Sa kalayuan, hatid nito ang isang maputing kumot ng dagim at ulap; sa aking harapan, basang hardin at mga halamang nayuko ng unos, at walang puknat na ulang mabangis na bumubuhos kasalit ang mahahaba’t nakalulunong paghangin.
Binalikan ko ang aklat–Kasaysayan ng mg Ibong Briton, ni Bewick: ‘Di ko pansin ang mga titik nito, sa kabuuan; ngunit may mga ilang panimulang pahinang, bata man ako, ‘di ko naatim na laktawan nang ‘di nauunawaan. Ito yung mga nagsasalaysay sa mga pinaglalagian ng mga ibong dagat; ng “mga nag-iisang bato at imus” kung saan sila lamang ang tumitira; ng mga baybayin ng Noruega, na nabubudburan ng mga pulo mula sa pinakatimog na bahagi nito, ng Lindeness, o Naze, hanggang sa Hilagang Cape –
“Kung saan ang Hilagang Karagatan, ng may malalayong pag-ikit,
Ay bumabagyo paikot sa mga payak at mapapanglaw na pulo
Ng pinakamalayong Thule, at ang daluyong ng Atlantiko
Ay bumubuhos at lumalahok sa ma-unos na Hebrides.”
‘Di ko rin nakuhang laktawan ang kasunod na salaysay ng malulungkot na dalampasigan ng Lapland, Siberia, Spitzbergen, Bagong Zembla, Iceland, Greenland, na kasama “ang malawak na Sona ng Artiko, at yaong mapapanglaw na rehiyon, –yaong imbakan ng yelo at niyebe, kung saan ang kalawakan ng matitigas na yelo, na naimbak mula sa kung ilang siglo ng taglamig, na pinalalamutian ng mga taluktok sa mga taluktok ng Alpine, ay pumapalibot sa Polo, at umaangkin sa laksang mga sakit ng napakatinding lamig.” Sa mga lugar na itong may mala-multong kaputian, natanto ko ang isang ideya: na maulap, tulad ng lahat ng mga ideyang bahagya lamang kung maunawaan na lumulutang nang may kalabuan sa isipan ng mga bata, ngunit pambihira’t kamangha-mangha. Ang mga salita sa mga panimulang pahinang ito ay nagdugtong sa kanilang mga sarili sa mga sumunod na binyeta, at nagbigay-halaga sa mga batong nakatayong nag-iisa sa karagatan ng mga alon at saboy ng tubig; sa sirang bangkang nakasadsad sa payak na dalampasigan; sa malamig at nakatatakot na buwang nakatanaw mula sa mga rehas na ulap sa isang bangkang papalubog.
‘Di ko masabi kung anong sentimyento ang nananahan sa sadyang nakahiwalay na patyo ng simbahan, kasama ang nauukitang lapida; ang tarangkahan nito, dalawang puno, ang kababaan nito sa horizon, ang pagkakapalibot nito ng sira-sirang bakod, ang bago nitong maliit na daan, na sumasaksi sa pagdating ng gabi.
Ang dalawang barkong kalmado sa gitna ng payapang dagat, na sa wari ko’y mga esprito sa karagatan.
Ang criminal na nagtali sa likod ng kanyang sako ng mga nakaw—nilaktawan ko ng mabilis: ito’y isang bagay na nakatatakot.
Gayon din ang hayop na may itim na sungay na nakaupo sa isang bato nang walang ulirat, na nagtitiktik sa isang malayong talumpok ng taong nakapaligid sa isang horca.
March 17th, 2011 at 06:25
Juana Ere
?ni Carlota Bronte
Unang Kabanata
Sadyang ‘di pwedeng mamasyal nung araw na iyon. Nag-ikot-ikot naman kami kaninang umaga sa naglagas na halamanan sa labas, ngunit kahit kaninang tanghalian pa lamang (maaga mananghalian si Ginang Tambo sa tuwing walang bisita), nagtangay na ng madidilim na ulap at malakas na ulan ang hanging tag-lamig, na hindi mo na babalakin pang mag-isip ng mas kapaki-pakinabang na libangan kaysa doon.
Mabuti na rin siguro dahil hindi naman ako mahilig maglakad nang matagal, lalo na’t malamig pa ang panahon: ‘di ko gustong umuuwi sa pagdilim ng araw na masakit at nanlalamig ang mga daliri, malungkot dahil sa pananaway ni Yaya Besyang, at mababa ang loob dahil sa mga pagkukulang ng aking pagkaanyo kung ihahambing kina Elisa, Juan, at Jorgina Tambo.
Sina Elisa, Juan at Jorgina ngayo’y nakapalibot sa kanilang ina sa sala: ang ina naman ay namamahinga sa sopang malapit sa tabing-apuyan, at mukhang lubos na ginagalak dahil ang kanyang mga minamahal na anak ay na sa kanyang tabi (at kasalukuyang hindi nag-aaway o umiiyak).
Syempre hindi niya ako sinali sa kumpol nila. Sabi niya, “‘Di ko naman gustong ihiwalay ka sa kanila, pero hanggang hindi ko narining mula kay Yaya Besyang o nakita mismo ng sarili na pinipilit mong magawa ang tamang asal na angkop sa isang mayumi at kagiliw-giliw na bata, aba’y talagang dapat kong ipagkait sa iyo ang mga pakinabang na dapat lamang ipagkaloob sa masasaya’t karapat-dapat na mga bata.”
“Ano po ba ang pinagsasabi ni Besyang tungkol sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Juana, hindi ako natutuwa sa mareklamo at matanong; isa pa, walang modo ang ganyang pakikipag-usap sa mga nakakatanda. Maupo ka nga dyan at kung wala kang masabing nakakatuwa, manahimik ka na lang.”
Pumunta ako sa isang silid na katabi ng sala kung saan sila’y karaniwang kumakain ng almusal. Mayroon ditong aklatan: kumuha ako ng aklat na sinigurado kong may mga larawan sa loob. Umupo ako sa papag ng isang bintana: tinaas ko ang mga paa ko’t umupo nang naka-ekis ang mga binti, gaya ng upo ng Turko; at, dahil hinila ko rin ang pulang lanang kurtina hanggang sa halos lubos na matakpan ang sarili, nabalot ako sa dobleng pagkubli.
Hinarangan ng pulang kurtina ang aking paningin sa kanan; sa kaliwa naman, sinanggahan ako, kung hindi lubos na hiniwalay, ng malilinaw na salamin ng bintana mula sa mapanglaw na araw ng Nobyembre. Paminsan-minsan, habang isa-isa kong binubuklat ang mga pahina ng aking aklat, umiikot sa isipan ko ang pagkalimbag ng malamig na hapon na iyon. Sa kalayuan, naglatag ito ng maputlang kumot na hamog at ulap; doon namang malapit sa basang damuhan at naulanang halamanan, mistulang mailap na walis ang walang-tigil na ulan sa harap ng mahabang, katakot-takot na ihip ng hangin.
Binalikan ko ang ko ang aking aklat – Ang Kasaysayan ng mga Ibon sa Britanya ni Maningas: wala akong masyadong pakialam sa mga naka-imprenta; ngunit mayroon din namang mga pahina na, kahit ba musmos ako na ganoon, hindi ko mapalampas. Ang mga iyon ay tungkol sa mga dinadapuan ng mga ibong dagat; mga “kapiranggot na bato at tangway” na sila lamang ang maaring pumalagi; ang baybayin ng Norwega na tambak ng isla mula sa kanyang katimugan, ang Lindesnes, o Nase naman sa Hilagang Tangos –
“Kung saan mabagsik na umiikot ang Hilagang Karagatan,
Kumukulo paikot sa hubad at panglaw na mga isla
Ng pinakamalayong Thule; at ang pagsugod ng Atlantikang
Bumubuhos papasok sa mga maunos na Erbride.”
‘Di ko rin mapalampas ang palagay ng malalamig na mga pampang ng Laponya, Siberya, Spitsberg, Bagong Sembla, Islandya, Gruwenlandya, kasama ng “malaking kalawakan ng Artiko, at ng mga kalayuang dako ng makulimlim na lugar, — ‘yang imbakan ng yelo at nyebe kung saan ang matatatag na sahig na yelo na sinalansan ng ilang daang taon ng tag-lamig, kumikinang at pagkataas-taas, ay pumapaligid sa pook at pinatitindi ang pinaraming bagsik ng lamig.” Mula sa pagkawari ng mga pamatay na pook na ito, naggunita ako ng sarili kong mundong tulad nila: malabo, gaya ng lahat ng guniguni ng mga bata na, kahit kagilagilalas, hindi pa rin lubos na maintindihan. Ang mga salita sa mga panimulang pahina ay kumapit sa mga sumunod na paglalarawan at nagbigay ng bagong kabuluhan sa nag-iisang bato sa pagitan ng mga alon at bula ng karagatan; sa nasirang bangkang sumadsad sa malungkot na tabing-dagat; sa malamig at kakilakilabot na buwan, sumisilip sa sariwang pagkabagag mula sa mga hanay ng ulap.
Hindi ko mawari ang pananaw na lumalagi sa nag-iisang sementeryo doong taglay ang nakaukit na lapida; ang malalaking pintuan, ang dalawang punongkahoy, ang mababang tanawin, ang pagpaligid ng sirang pader dito, at ang bagong-sikat na buwang sumasaksi sa oras ng pagdilim.
Sa aking isipan, ang dalawang barkong ‘yon, tahimik sa gitna ng nakatigil na laot, ay mga nalunod na nagmumulto.
Mabilis na dinaanan ng aking paningin ‘yung malignong kasalukuyang umaalalay sa paghapit ng sisidlan sa likod ng magnanakaw: siya’y katakot-takot.
Gayun din ang nilalang na maitim at may sungay, nakaupo sa bato at mula sa itaas, nagmamasid sa madlang nakatipon sa bitayan.
March 17th, 2011 at 16:11
Jane Eyre
ni Charlotte Bronte
Kabanata 1
Wala nang pagkakataon makapaglakad-lakad pa noong araw na iyon. Isang oras din naman kaming nakapagliwaliw sa ilalim ng mga lagas na mga palumpong noong umaga; pero nang maghahapunan na (maaga kasing kumakain si Gng. Reed kapag walang mga bisita) ay umihip ang hanging taglamig na dala ang mga makulimlim na ulap at mga gumuguhit na ulan, kaya ipinagpaliban na namin ang dagdag pang ehersisyo sa labas.
Mabuti naman. Hindi talaga ako mahilig sa paglilibot nang malayo, lalo na sa tuwing maginaw ang mga hapon. Nasusuklam akong umuwi sa marahas na takipsilim, bitbit ang mga daliri sa paa’t kamay na kinurot ng lamig, at may kinukupkup na pusong pinitik ni Bessie, ang nars, at nakimi sa pangungutya ng sariling kakulangan na inihambing sa kagandahan nina John, Georgina at Eliza Reed.
Sa sala, sina John, Georgina at Eliza ay nakapaligid ngayon sa mama nila: na nakasandal sa sofang malapit sa sigaan, at sa piling ng kanyang mga mahal (pansamantalang di nagbabangayan o nag-iiyakan) siya’y larawan ng walang humpay na galak. Ako naman, iniliban niya sa pagsali sa grupo; sinabing, “Nanghihinayang siya na kinailangang ilayo muna ako; ngunit habang walang abiso si Bessie, at hangga’t di niya mismong matuklasan, na minamabuti ko nang labis na maging mabait at maamo, na magkaroon ng ugaling mas kaaya-aya—mas banayad, mas hayag at mas likas—babawiin niya muna ang mga pabuya na itinalaga lamang para sa mga kuntentong, masayahing, mumunting mga bata.
“Ano ba’ng sinusumbong ni Bessie?” tanong ko.
“Jane, hindi ko kasundo ang mga sutil at makukulit. Totoong may hindi kanais-nais sa batang kapos sa respeto sa mga nakatatanda. Umupo ka kaya sa kung saang tabi; at hangga’t di ka natututong magsalita nang maayos, manahimik ka muna doon.
May komedor na karugtong ang sala, doon ako pumuslit para tuluyan nang umiwas. Sa loob ay may aklatan: kaagad namang may inabot akong libro, tiniyak ko lang na may taglay itong mga larawan. Umakyat ako sa silya sa may bintana: hinagod ang mga paa, umupo at inekis sila, tulad ng isang Turko; at, sa pagkatiklop ko ng pulang moreen na kurtina, ay rumetiro sa trono at doon nagkubli.
Sa kanan, itinago ng mga tiklop ng pulang tabing ang tanawin; sa kaliwa naman ay nakasangga ang mga bintanang salamin pero di nila mahawi sa akin ang panglaw ng araw ng Nobyembre. Habang nagbabasa ng mga pahina, pasalit-salit kong pinagmamasdan ang katangian nitong hapon ng taglamig. Mula sa malayo, nag-alay ito ng maputla at hubad na hamog at ulap; malapit sa basang damuhan at nasalantang kumpol, walang tila sa mabangis na pagbulusok ang ulan bago ang isang mahaba at masaklap na bugso.
Binalikan ko ang libro—Bewick’s History of British Birds: sa pangkalahatan, hindi ko pinansin ang pagkalimbag nito; ngunit may iilang paunang pahina na, bilang musmos, ay nakahuli ng aking pansin. Sila yu’ng mga pahinang tumutukoy sa mga ibon ng karagatan; ng “mga bugtong na kabatuhan at tagudtod” na pinamumugaran ng ganitong mga ibon lang; ng baybayin ng Norway, na tinirikan ng mga pulo sa kanyang mga ka-Timugang daliri, ang Lindeness, o ang Naze, hanggang sa North Cape-
“Na kung saan ang higanteng alimpuyo ng Hilagang Karagatan ay kumukulong lumilipol sa hubad at malumbay na mga isla ng malayong Thule; at ang daluyong ng Atlantiko ay humahagibis sa mga maunos na Hebrides.”
Hindi ko rin maiparaos ang ipinintang imahen ng mga hapis na dalampasigan ng Lapland, Siberia, Spitzbergen, Nova Zembla, Iceland, Greenland, na may “malawak na espasyo ng Arctic Zone, at ang mga mapapanglaw at malalawak na lupain,—‘yang duyan ng nyebe, kung saan nakalatag na kabukiran ang adobeng yelo, na dulot ng ilang siglong pag-iimbak ng taglamig, na pinahiran pa ng matingkad na ginaw galing sa karuruk-rurukan ng Alps, ay nakapalibot sa tikin, at labis na ipinag-ibayo ang tigang ng sukdulang lamig. Mula sa mga ganitong kaharian ng kamatayang puti, nabuo sa isipan ko ang sariling ideya: na namumutiktik ng mga anino, tulad ng mga unanong guniguni na umiiral sa kamalayan ng mga musmos, ngunit nakakamangha. Sinaklaw ng mga salita ng mga paunang pahina ang mga sumusunod na larawan, at binigyang kabuluhan ang katangi-tanging bato na magiting na nakatirik sa hagupit ng karagatan; sa malagim na buwan na walang awang nakasilip sa mga ulap at sinasaksihan ang pagkalunod lang ng isang bangka.
Di ko malirip kung anong madamdaming hiwaga ang nagmumulto sa ermitanyong libingan, na may inukit na lapida; ang kanyang pintuan, ang kanyang kambal na puno, ang kanyang mababang abot-tanaw, na binibigkisan ng sirang dingding, at ang kanyang gasuklay at murang buwan, na nagpapahayag ng pagkagat ng dilim.
Wari ko’y mga santermo sa laot ang dalawang barko na nahimlay sa gitna ng malamyang karagatan.
Ang hudas na sumusubsob sa sako na saklay ng kawatan, pinasadahan ko na: tamatayo sa kilabot ang mga balahibo ko.
Ganu’n din ang maitim na may sungay na tila haring nakaluklok sa bato, minamasdan mula doon ang abang madla sa malayo na nakapalibot sa bigtihan.
–oOo–
March 18th, 2011 at 16:46
Jane Eyre
ni Charlotte Bronte
Unang Chapteraka
Witchikik kami makarampa noonching araw na yoonchi. More rampage lang kami, in all fairness, sa mga kalbolelyang mga kahoybels ng isang joras kaninang Henry Omaga Diaz; pero nang lumafungstra na ng panghapunanbels ang mga utaz (ang ate mo Reed, ‘pag witchikik siya ka-join force, super Aga Muhlach lumapuk) ang maginawbels na hanginelya ng tag-ginawchi ay nagbringla ng mga julap na biri-biri mashulimlim, at Julanis Morisette na shumashagosbels, kaya witikeklak na talaga keri mag-exercisebels sa labaschina.
Pero nyopi naman si watashi: witchikik ko naman talaga bet ang magwokity ng biri long, lalo na ‘pag maginawchi sa haponchina: imbey talaga ‘pag jumowela ka ng Twilight Saga na bels shopos nahaggardchina pa ang pedicure at manicure mes, shopos lungkut-lungkutan ka pa ‘pag winarla ka ni Bessie, ang longkatuts nyes, shopos more inggitan ang drama mes kay ate mo Eliza, kuya mo John, at ate mo Georgiana Reed bilang mas gandiz sila sayeiz.
More nasa salabels na ang mga naishplook ko na sina Eliza, John at Georgiana, andoonchina kasi ang mudak: nakahiga lang ang lola mo sa sofa malapit sa apoybels, shotabi ng mga junakis niya (na witchikik nagwawarlahan or kuma-Crayola) super happy naman sila ‘pag shinuayt. Si watashi,wit niya bet jumatak sa grupobels; more ishpluk pa siya na,”witchikik naman talaga niya bet na witchikik akik pa-attackin sa mga events ng mga batitchiwa; pero dapat maheirloom niyabels kay ate mo Bessie, or dapat more mashuaystra niya din, na ini-effortchina kochiwa talaga na mas maging mabaitchina at mas magka-shugaling pang-batit, para mas byutipul at sigla-siglahan akik – biri light lang, biri bibo, biri natural lang, and por dat – more wit niya muna talaga akik ipapa-join sa mga events bilang dapat ang mga itikla ay ginigiblab lang sa mga keri-keri, nyopi, at maliitchinang mga batit.”
“Anik ba ang inishplook sayeiz ni Bessie na events kez?” more tanong ni atash.
“Jane, wit ko bet ang pintasera-pintakasi at maraming shonong-erks; at saka, wit talaga dapat pinapa-jatak ang mga batit na ganyanchina ang pagshugot-shugot sa mga jutanders. More jumupo ka lang somewherebels; at pag wit ka pa din si Mara, more Clara ka pa din, wit ka na lang tomokay.”
Isachinang roominelyang pang-almusalbels ang malapit sa salabels, gumora akik doonchi. May aparador ng mga libro-erks doonek: so getlak lang si watashi ng libro-erks, dapatbels yoonching may mga piktyuraka siyempre. More jupostra si watashi sa may jupuan sa Windows XP-liliwow: more dekwatro pa, parang Turko lang; at more sara ko pa ang Little Red Riding Hood na kurtinaliliwawow, kaya bet na bet at nyoping-nyopi ang pag-beauty rest kembang.
Ang mga nakatupelyang mga Scarlett Johansson na shurtinabels, more Block the Driveway ang drama sa pagsightsung kez sa kananbels; sa kaliwa kik ay ang Clear Dela Fuente na mga salaminchina ng bintanabels (parang bintanabels ng mga buselya niya), more protekta lang, pero wit naman akik jinijiwalay from the mapanglawacious na Nobyembreng itembang. Eni-eni kong nile-learn ang mga aura ng maginawchinang haponchiwa,kada lipatbels ng Jennifer Paige. Pag shinuayt mula sa malayobels, nag-gigiblab itikla ng maputlachinang blangko ng hamogelya at ulapelya; malapitbels sa wet na wet na Green Green Grass of Home at shalumpong na hinaggard ng shugyo, na may ka-join pang Julanis Morissette na witchikik paawatbels sa pag-hagupitchina bago mag-award ng mahabachina at managhoybels na pagbugsobelspalsy.
Um-I Shall Return akey sa libro kembang – Kyusaysayanbels ng Café Briton na mga Ibonbels ni Bewick: sa lahatchina ng mga libro-eks, kevlar vest akik talaga sa mga naglimbalibag; pero meronchinang mga paniMula sa Puso na, kahit batit si watashi, wit ko talaga pinapalampaschina. Tulad ng mga nagfeaturaka ng mga balurchina ng mga ibonchinang pangdagat; ng mga “loner na mga batunelyaloo at tugatogbels” na sila lang bels ang nakatira-eks; ng baybayin ng Norway, na jitik na jitik sa mga pulolaloo sa kaTimog-Timogan Avenue nitey, ang Lendeness, o Naze, paparoonchina sa Hilangang Cape –
“Kung saanchina ang Hilagang Sharagatenilyeloo, ay bongga kung mag-pirouette,
Parang, Marikinang pinapakulo-anchina ang mga hubad, at malumbay na mga pulolelyaloo
Ng pinakamalayochinang Thule; at ang Nyatlantiko-erks na mga daluyongayong,
Ay bumubuhosbels sampu-erks ng mashagyong Hebrides.”
Witchikik ko din kayang isnabinbels ang mga pagkoryo ng malungkotchinang Pampanga’s Best ng Lapland, Siberia, Spitzbergen, Nova Zembla, Iceland, Greenland, na may ka-join pang “ang malawakelyang sakopchinaloo ng Sona ng Arktiko-erks, at yoonching inabandonadang mga rehiyona Spektor ng waley-ng-buhay na espasyo-erks, – yoonching jimbakan ng jamog na nagyelobels at niyebeliwawow, kung saanchina ang mga shukidbels ng mga mashigas na yelolaloo, ay more palibotbels sa Polo by Ralph Lauren, na nagtitiponbels ng mas lalo pang pina-grabebels na malalang lamigelyaloo.” Mula sa mga mapuputi-erks na parang White Ladybels na mga kalupaang itembang ay nakajisip si watashi ng ideyaloo: malabochina, tuladbels ng mga wit lubusang majintindihanbels na mga kuro-kuro parukong lumulutanganelyang medyo may pagka-malaboliwawow sa jutak ng mga batitchiwa, pero kakaiba-erks at kahanga-hangabels. Ang mga Words by Bee Gees sa pangunang mga pahinabels ay may connected-by sa mga sumunodbelspalsy na mga detalyebels, at nag-gibsung ng jimportansiya sa bigamous na batong itey na nakashoyong mag-isaliwawow sa daGat Jose Rizal ng mga daluyongbels at tilamsikelya; sa nasira-erks na bangka-lava na na-istrandedchina sa napabayaanchinang baybayinelyaloo; sa malamigbels at malagimbels na buwan na shumushu-aystra mula sa bilangguang ginawachina ng ulapbels sa pinsalang patuloybels sa paglubogchina.
Wit ko noseline kung aneklak na sentimiyento-erks ang nangilabotbels sa luboschinang malungkotelyang libinganchinang itey, na meronchinang mga namarkahanchinang mga lapidoo-lapidey; ang kanyang gate-laloo, ang kanyang dalawachinang Rico Punobels, ang kanyang mababachinang kahabaanbels, na shinishigkis ng sirang pader-erks, at ang kanyang bagong silang, Diego Silang, Gabriela Silang na buwan, hudyatbels ng pagshagat ng dilim at pagrampa ng mga tukling.
Deo Macalma ang dalawang barko-erks sa manhidchinang dagatbels, naniniwala si watashi na silabels ang shokoyina at sirena-eks ng sharagatan.
Ang piktyuraka ng demonyitong nag-i-ishkemperloot ng bagelya ng mga mating sa likod ng magnanakawbels, more agadchina kong nilipatbels: bilang nakakamorkotey.
Ganonchina din namanchi yoonching itimchinang may sungaybels na nakajupowstrang mag-isaliwawow sa Biak na Bato, na more naka-Bantay Bata 163 sa grupobels ng mga utaz na nakapalibot-halibut sa isang bitayanchina.
March 18th, 2011 at 19:28
Jane Eyre
ni Charlotte Bronte
Unang Kabanata
Walang pagkakataon para maglakad-lakad ng araw na iyon. Oo nga’t isang oras kaming gumagala sa lagas-lagas na halamanan noong umaga; ngunit simula noong hapunan (maagang naghahapunan si Ginang Reed sa tuwing walang kasama) ang maginaw na hanging dulot ng tag-lamig ay naghatid ng ubod na lungkot na kaulapan at tagus-tagusang ulan, anumang gawain sa labas ay sadyang wala ng katuturan.
Ikinagalak ko iyon: hindi ko hilig ang maglakad-lakad, lalo na sa mga hapong maginaw; kahindik-hindik para sa akin ang umuwi sa kasagsagan ng takipsilim, ngatog ang mga kamay at paa, at may pusong pinalumbay ng mga pagsaway ni Bessie, ang yaya, at nanliliit sa kamalayan ng aking kakulangan sa taglay na wangis nila Eliza, John at Georgina Reed.
Ang nabanggit na sila Eliza, John at Georgiana ay nakapalibot sa kanilang nanay sa sala: nakasandal siya sa sopa na katabi ng kaapuyan, at kapiling ang kanyang mga mahal (na sa mga sandaling iyon ay ‘di nagbabangayan o ngumangawa) mukhang ganap siyang maligaya. Ako, kanyang itinalagang ‘di sasali sa kumpol; pinagsabihang, “Ikinalulungkot niya na kailangan akong panatilihing malayo; ngunit hangga’t hindi niya mismong naririning mula kay Bessie, at matutuklasan sa pamamagitan ng sarili niyang pagmamasid, na ako ay nag-pupursige ng mabuti upang makasagap ng mas pala-kaibigan at mala-musmos na pag-uugali, mas kaaya-aya at masayahing gawi—mas magaan, mas hayag, mas likas, ika nga—sadyang dapat niya akong i-etsa-puwera mula sa mga pribilehiyo na nararapat lamang sa mga kuntentong, masayang batang paslit.”
“Anong sabi ni Bessie na aking nagawa?” tanong ko.
“Jane, ayoko sa matutol o matanong; bukod diyan, mayroong bagay na nakapang-hihilakbot sa isang bata na nakikitungo sa mga matatanda sa ganyang paraan. Maupo ka kung saan; at hangga’t makapagsalita ka ng maayos, manatiling tahimik.”
May kadikit na almusalan ang sala, lumusot ako doon. May laman itong istante ng aklat: dali-dali kong inangkin ang isang babasahin, maingat na siniguro na puno ito ng mga larawan. Lumuklok ako sa upuan sa may bintana: kinikipkip ang mga binti, umupo akong magka-sangga ang mga paa na parang Turko; at, matapos hilahin ang pulang kurtinang alpombra upang halos magsara, ako’y nai-dambana ng dalawang beses sa pamamahinga.
Ang mga tiklop ng pulang kurtina ang nagtakip ng aking tanawin sa kanan; sa kaliwa ang mga malinaw na salamin ng bintana, sumasangga, ngunit hindi nagbubukod sa akin mula sa mapanglaw na araw ng Nobyembre. Panaka-naka, habang binubuklat ko ang mga pahina ng aking aklat, sinuri ko ang tungkol sa hapong iyon ng tag-lamig. Mula sa malayo, nag-alay ito ng mapusyaw na hamog at ulap; malapit sa tagpo ng basang damuhan at halamanang binayo ng bagyo, kasama ang walang puknat na ulan na mabagsik na hinahawi ang unahan ng mapanaghoy na bugso ng hangin.
?
Binalikan ko ang aking aklat–Ang Kasaysayan Ng Mga Ibon Sa Inglatera ni Bewick: kung saan ang mga naka-imprentang letra ay madalang kong pansinin sa pangkalahatan; gayunpaman may mga tanging paunang pahina na, musmos man ako, hindi ko maituring na walang laman. Ito ay ang mga tungkol sa pinamumugaran ng mga ibong dagat; ang “mga nangungulilang batuhan at mga tangway” na tanging sila lamang ang naninirahan; ang mga baybayin ng Norwega, pinapalamutian ng mga isla mula sa hilaga ng kanyang kapaanan, ang Lindeness, o Nase, patungong Hilagang Punta –
“Kung saan ang Hilagang Dagat, na naglalawakan ang alimpuyo, Sumilakbong paikot sa hubad at malulungkot na isla Ng pinakamalayong Thule; at ang bugso ng Atlantiko na Bumubuhos sa gitna ng mahanging Hebrides.”
Gayundin hindi ko magawang bale-walain ang mga malamlam na baybayin ng Lapland, Siberya, Spitzbergen, Nova Zembla, ang Lupangyelo, ang Lupangluntian, kasama “ang malawak na galugad ng Pook Artiko, at ang mga napabayaang kalupaan ng mapanglaw na kalawakan,–iyong imbakan ng pagyeyelo at niyebe, kung saan ang siksik na mga kapatagan ng yelo, ang balumbon ng daan-daantaong tag-lamig, pinakinang ng mga tugatog ng Bundok sa kaitaasan ng mga tugatog, pinaligiran ang dulo ng mundo, at pinagsanib ang patong-patong na lupit ng sukdulang lamig.” Sa mga walang buhay na puting lupaing ito ko binuklod ang isang hinagap na akin lamang: mala-anino, tulad ng mga di-lubos na maunawaang mga akala na madilim na lumulutang sa gitna ng isipan ng mga bata, ngunit kakatwang kamangha-mangha. Ang mga titik sa mga paunang pahinang ito ay ipinag-ugnay ang kanilang mga sarili sa mga sumunod na paglalarawan, at nagbigay kahulugan sa bato na mag-isang nakatindig sa gitna ng dagat ng alon at tilamsik; sa sirang bangka na nabalahaw sa salantang baybayin; sa malamig at nakaririmarim na buwan na sumusulyap palagos sa mga tarangka ng ulap sa isang bankang lasog-lasog na noo’y palubog.
Hindi ko masabi kung anong damdamin ang umukilkil sa nag-iisang patyo ng simbahan, sa ukit nitong lapida; sa kanyang tarangka, sa dalawa nitong puno, sa mababa nitong guhit-tagpuan, napapaligiran ng isang sirang bakuran, at ang bagong bangon nitong kalawit na nagpapatunay sa oras ng gabi.
Humimpil ang dalawang barko sa manhid na dagat, paniwala ko’y mga multo ng karagatan.
Ang halimaw na nagdidiin sa sukbit ng magnanakaw sa kanyang likod, nagmamadali kong nilagpasan: isa iyong bagay na malagim.
Gayundin ang may maitim na panuwag na hiwalay na nakaupo sa bato, pinagmamasdan ang isang malayong madla na nakapaligid sa isang bitayan.
March 19th, 2011 at 00:44
Imposible nang maglakad sa labas noong araw na iyon. Naglakad na rin naman kami ng isang oras noong umaga, sa may kakahuyang lagas na ang mga dahon, ngunit mula pa nitong hapunan (si Mrs. Reed, kapag walang kasama, ay maagang naghahapunan) ang maginaw na hanging taglamig ay nagsama ng mga mabibigat na ulap at walang humpay na ulan, na anumang gawain sa labas ng bahay hindi na maaring ituloy.
Mabuti na rin yun: hindi ko kailanman nagustuhan ang paglalakad, lalung-lalo na sa mga hapong magiginaw. Pinaka-ayoko sa lahat ay kapag umuuwi kami at patakipsilim na, kasama ang mga aking mga daliri’t paang nagdurusa sa panunuot ng lamig, at ang puso ko’y durog na sa mga sermon ng yayang si Bessie kasama pa ang kahabagan ko sa aking sarili sa kadahilanang alam ko’ng kaaba-aba ako kumpara sa hitsura nina Eliza, John at Georgina Reed.
Silang tatlo kasama ng kanilang ina ay kasalukuyang nasa sala: si misis ay nakasandig sa sofang malapit sa apuyan at ang kanyang sinisintang mga anak na nakapalibot sa kanya (na sa mga sandaling ito ay hindi nag-aaway ni hindi ngumangawa) ay kakikitaan ng sobrang kasiyahan. Ako ay hindi niya pinayagang makasali sa kanila, ang sabi niya pinagsisihan daw niya na kelangan ko’ng dumistansya hangga’t hindi sinasabi ni Bessie at hindi niya mismo nakita na sinusubukan ko’ng magkaroon ng mas maraming kaibigan, maging mas mabait, mas kaaya-aya at bibo – yung mas nakakatuwa, totoo at natural, sabi nga – ay maikakait sa akin ang mgapribilehiyong para lamang sa mga kuntento at masiyahing mga paslit.
“Ano po ba ang sinabi ni Bessie na nagawa ko?” tanong ko.
“Jane, ayoko ng mga impertinente at matatanong na mga bata. Isa pa, talagang nakakainis ang batang sumasagot sa mga nakakatanda. Umalis ka dito at hangga’t hindi ka natutotomg gumalang, huwag ka’ng magsasalita.”
Minabuti ko na lang magkubli sa kumidor malapit sa sala. Mayroong istante ng mga libro doon. Namili ako ng isa, yung maraming litratro. Inakyat ko ang upuang nasa may bintana, humarap ako sa labas, umupong nakakuros ang mga paa, katulad ng isang Turko at dahil hindi ko isinara ng husto ang pulang kurtina, napagitnaan ako ng dalawang tanawin.
Ang mga tupi ng mapulang telon ay nakikita ko sa aking kanan. Sa kaliwa naman ay ang malinaw na bintana na prumuprotekta ngunit hindi naihiwalay sa akin ang dalamhati ng Nobyembre. Habang nililipat ko ang mga pahina ng libro ay sabay ko namang sinisipat ang hitsura ng taglamig na hapon na iyon. Sa ibayo, meron itong mapusyaw na hamog at ulap; sa tabi nito ay ang basang damuhan at palumpungang hinagupit ng bagyo, ang walang tigil nitong ulan ay marahas na sumuyod na sinundan pa ng matagal at nakakapanlumong pagbugso ng hangin.
Binalikan kong basahin ang aking libro – Kasaysayan ng mga Ibon sa Britanya ayon kay Bewick: sa kabuuan hindi ko pinapansin ang nakasulat ngunit may mga ilang katagang, kahit pa sa aking murang edad, ay hindi ko masasabing walang katuturan. Ito ang mga kathang nagpapakilala sa dapuan ng mga ibong dagat; ng “mga nakalingid na bato at matataas na tangway” kung saan sila lamang ang naninirahan; sa baybayin ng Norway, na nalapatan ng mga maliliit na isla mula sa katimugang bahagi, ang Lindeness, o Naze, hanggang sa Hilagang Tangos –
“Kung saan ang Hilagang Karagatan, sa kanyang mga malalawak na ampulo,
Ay umiikot sa hubad at malumbay na mga islang
Nasa dulo ng Thula; at ang sumisilakbong Antartiko
Ay bumubuhos sa Hebrides na hindi iniiwan ng bagyo.”
Tumawag din sa aking pansin ang pahiwatig ng mga mapapanglaw na baybayin ng Lapland, Siberia, Spitzbergen, Nova Zembla, Iceland, Greenland, kasama “ang malawak na hubog ng Arktiko at ng mga abandonadong rehiyon ng pook na binabalot ng lumbay, – iyong tagpuan ng yelong kristal at niyebe, kung saan ang nabuong parang ng yelong matigas, na pinakapal ng mga dumaang taglamig sa loob ng maraming siglo, na kumukumot sa naghahagdanang mga rurok ng Alps, ay pumapalibot sa dulong ito ng mundo at tinipon ang lahat ng lupit ng matitinding ginaw.” Sa mga lugar na ito na tila pinaghaharian ng maputlang kamatayan ay nakalikha ako ng aking sariling ideya: makulimlim na wari’y maraming anino, katulad ng lahat ng pananaw ng mga bata na hindi pa lubusang nabubuo, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ito ay kamangha-mangha. Ang mga salitang ito sa mga naunang pahina ay umuugnay sa mga nakaguhit sa gilid ng mga sumunod na dahon ng libro, at ang mga ito ay nagbigay ng kahulugan sa nag-iisang batong nakatayo sa dagat ng mga daluyong at alon; hanggang sa sirang bangkang nakasadsad sa bakanteng dalampasigan; hanggang sa maginaw at nakakasindak na buwang simisilip sa pagitan ng mga guhit ng ulap upang masulyapan ang papalubog na barkong nawasak.
Hindi ko mawari kung ano’ng damdamin ang bumabalot sa isang solitaryong sementeryo, sa mga lapida nitong may lilok; ang kanyang tarangkahan, ang dalawang puno nito, ang abot-tanaw nitong kalangitan na nilibutan ng sirang pader, at ang kanyang kakalitaw na buwang hugis duyan, na nagpapatunay sa hudyat ng gabi.
Ang dalawang barkong tahimik sa panatag na dagat, ay sa wari ko’y mga espiritu sa dagat.
Sa likuran ng isang magnanakaw, isang multo ang naninindak sa mga kasamahan nitong sumusunod sa kanya, mabilis kong iniwas ang pahinang ito: sadyang nakakapangilabot.
Gayundin ang maitim na nilalang na may sungay, nakaupong mag-isa sa bato, minamasdan ang kuyog na nakapalibot sa bitayan.
March 19th, 2011 at 20:24
Sapagkat wala akong skills sa pagsasalin, minabuti kong humingi ng tulong kay Madam Gugol. Papayagan mo ba akong i-paste ito dito? Ito ang translation niya:
Jane Eyre
sa pamamagitan ng Charlotte Brontë
Chapter 1
Walang posibilidad ng pagkuha ng isang lakad sa araw na iyon. Kami ay libot, sa katunayan, sa walang dahon palumpong ng isang oras sa umaga; pero dahil hapunan (Mrs Reed, kapag walang kumpanya, mangakapagpawing gutom maaga) ang malamig na hangin ng taglamig ay nagdala sa mga ito ulap kaya malungkot, at ang isang ulan kaya matalim, na karagdagang out-door ehersisyo ay ngayon sa labas ng katanungan.
Ako ay natuwa ng mga ito: ako hindi kailanman nagustuhan mahabang mga kalagayan, lalo na sa hapon maginaw: kakila-kilabot na sa akin ay ang pagdating sa bahay sa raw silim, sa nipped mga daliri at mga daliri, at isang puso saddened sa pamamagitan ng chidings ng Bessie, nars, at pinababa pamamagitan ng kamalayan ng aking pisikal na kahinaan ng klase sa Eliza, John, at Georgiana Reed.
Ang sinabi Eliza, John, at Georgiana ay ngayon clustered round ng kanilang mama sa kuwarto ng pagguhit-: siya lay reclined sa isang sopa sa pamamagitan ng tabing apoy, at sa kanyang mga Darlings tungkol sa kanya (para sa oras ni hindi quarreling ni umiiyak) tumingin ganap na masaya. Sa akin, nagkaroon siya dispensed mula sa pagsali sa grupo; sinasabi, “Siya regretted na sa ilalim ang mga pangangailangan ng pagsunod sa akin sa malayo; ngunit na hanggang marinig niya mula Bessie, at maaaring matuklasan sa pamamagitan ng kanyang sariling pagmamasid, na ako ay endeavoring sa mabuting taimtim para makakuha ng isang mas palakaibigan at walang malay disposisyon, isang mas kaakit-akit at masigla paraan-isang bagay na lighter, franker, mas natural na, tulad ng ito ay-siya talagang dapat ibukod sa akin mula sa mga pribilehiyo ng inilaan lamang para sa mga nasisiyahan, masaya, sa maliliit na bata. ”
“Ano ang Bessie sabihin ng ginawa ko?” Tinanong ko.
“Jane, hindi ko gusto cavillers o questioners; bukod, diyan ay isang bagay na tunay na nagbabawal sa isang bata ang pagkuha up ang kanyang mga matanda sa na paraan. Makaupo lugar; at hanggang maaari mong magsalita kawili, manatiling tahimik “.
A-almusal kuwarto adjoined ang pagguhit-kuwarto, ako pagdulas ng bahagi sa doon. Ito ay naglalaman ng aparador ng mga aklat: Ako sa lalong madaling panahon inari ang aking sarili ng isang lakas ng tunog, alaga na ito ay dapat na isa na naka-imbak sa mga larawan. Ako naka-mount sa upuan window-: pagtitipon up ang aking mga paa, ako nakaupo naka-de-kwatro, tulad ng isang Turk, at, sa pagkakaroon ng inilabas ang red kurtina moreen halos close, ako ay shrined sa double pagreretiro.
Kulungan ng pula kukurtinahin sarhan sa aking view sa kanan; sa kaliwa ay ang malinaw pane ng salamin, pagprotekta, ngunit hindi sa pagkakahiwalay sa akin mula sa mga mapanglaw na araw ng Nobyembre. Sa pagitan, habang baligtad ang mga dahon ng aking aklat, aral ako ng aspeto ng hapon na taglamig. Sa malayo, ito inaalok ng isang mamutla blangko ng ulap at ang ulap; malapit sa isang eksena ng basa damuhan at bagyo-matalo palumpong, sa walang humpay na ulan pahapyaw malayo wildly sa harap ng isang mahaba at taghoy na sabog.
Ako ay bumalik sa aking mga libro-Bewick’s Kasaysayan ng British ibon: palimbagan nito ko inaalagaan maliit para sa, sa pangkalahatan sa pagsasalita; at pa doon ay ilang mga pambungad na pahina na, ang bata bilang ko ay, hindi ko lubos na pumasa bilang isang blangko. Sila ay ang mga na gamutin ng haunts ng dagat-ibon; ng “ang nag-iisa bato at promontories” sa pamamagitan ng mga ito lamang ang nakatira; sa baybayin ng Norway, studded sa pulo nito mula sa timog mahigpit na pangangailangan, ang Lindeness, o Naze, sa North Cape –
“Saan ang Northern Ocean, sa malawak whirls, umaasa lang sa round ng hubad, hambal pulo Of pinakamalayong Thule;. At ang Atlantic surge Pours sa gitna ng mga mabagyo Hebrides”
O maaari ko pumasa hindi napapansin ang mungkahi ng malamig Shores ng Lapland, Siberia, Spitzbergen, Nova Zembla, Iceland, Greenland, na may “ang malawak na nagwawalis ng Arctic Zone, at mga mapanglaw na mga rehiyon ng pagod na pagod na espasyo, na-imbakan ng tubig ng lamig at snow ., kung saan ang kompanya larangan ng yelo, ang akumulasyon ng siglo ng taglamig, makintab sa Alpine Heights sa itaas Heights, palibutan ang mga poste, at konsenter ang dumami mga kahirapan ng matinding lamig “Ng mga ito kamatayan-puti realms ko nabuo ang isang ideya sa aking sarili: madilim , tulad ng lahat ng mga half-comprehended notions na lumutang magpalabo sa pamamagitan ng mga bata na talino, ngunit strangely hanga. Ang mga salita sa mga pambungad na pahina na konektado sa kanilang sarili sa mga susunod pang vignettes, at ibinigay ang kabuluhan ng rock nakatayo up na magisa sa isang dagat ng gumugulong na alon at spray; sa mga mababasag bangka maiiwan tayo sa isang sirang baybayin; sa malamig at malagim na buwan glancing sa pamamagitan ng mga bar ulap sa isang malaking kapinsalaan lamang paglubog.
hindi ko sabihin kung ano ang damdamin minumulto ang lubos na nag-iisa patyo, sa kanyang inscribed karatula; nito gate, ang kanyang dalawang puno, ang kanyang mababang abot-tanaw, girdled sa pamamagitan ng isang putol na pader, at ang kanyang bagong-nabuhay gasuklay, magpapatunay na ang oras ng gabi na.
Ang dalawang ships becalmed sa isang manhid dagat, ako naniniwala na maging marine phantoms.
Ang halimaw na tao pinning down pack ang magnanakaw ay sa likod niya, ako tumawid mabilis: ito ay isang bagay ng lagim.
Kaya ay ang itim na bagay horned malala malayo sa isang malaking bato, pagtilingin isang malayong karamihan ng tao na pumapalibot sa bitayan.