The Weekly LitWit Challenge 6.2: Recharging Your Brain
Photo: Lucban Girls Recharging Their Brains, 1978 by Uro de la Cruz.
Your assignment this week is to write us a story in 1,000 words or less from the point of view of one of the little girls.
Deadline: Sunday, 3 July 2011 at 11.59 pm.
The Prize: Three books. The Evolution of Bruno Littlemore: Human falls in love with chimpanzee. Do Androids Dream of Electric Sheep? (filmed as Blade Runner): Human falls in love with clone. Global Warming Survival Handbook: How to be less of an asshole in these difficult times.
We accept all genres. Make it riveting.
The Weekly LitWit Challenge is brought to you by our friends at National Bookstore.
June 28th, 2011 at 14:52
Uy, March na naman pala. Recognition Day mamaya at syempre si Nanay abala sa pag-ayos sa amin nina Ate at Greta. With honors uli kami this year. At dahil sasabitan mamaya ng gold, silver, bronze medals, respectively, ang tatlong Maria, kailangang i-curlers ang tuwid naming buhok para magka “body.” Konting kolorete, smile sa stage, hanggang sa isa uling taon. Si Tatay na ang magsasabit ng medals samin. Uuwi ata sya galing Saudi.
June 30th, 2011 at 17:55
A woman was sorting through her journals she accrued since her early years when she happened upon a yellow notebook with a faded cover and a picture of a butterfly on it.
Sensing heavy nostalgia, she opened the notebook and beheld these tightly scribbled words on the first page: Ang Aking Buhay, 1978. Below these words was a picture of her, her sisters, and her mother. And with that, memories of that year ricocheted on her synapses. With trembling hands, she proceeded to read her journal letting herself into the darkest time of her life.
1978, June 30
Pinaghandaan ko ang araw na iyon. kagaya ng nakagawian, ternong yellow shirt at blue shorts ang sinuot ko. ngayon kasi sasamahan namin si nanay na magtitinda sa bangketa ng Lucban.
hindi na mapigilan ang hiyaw ng aking dalawang ate sapagkat makikita na naman nila si Biboy, ang batang kanilang kinahuhumalingan. di ko maintindihan kung bakit nsi Biboy pa eh puro kayabangan lang naman ang nasa isip nun.
sinuot namin ang mga curlers na pasalubong ng aming tita na nagtatrabaho bilang dancer sa Japan. saktong-sakto alas syete ng umaga ng kami ay pumaroon sa sentro ng bayan. bago kami umalis ay nagpalitrato kami sa aming kapitbahay na Intsik, si Mang Uro. ayaw ko nang matapos pa ang sandaling iyon.
pagdating namin doon, napoansin namin ang dami ng tao. animo’y pista. napansin ko rin na lingon nang lingon ang aking mga ate. hinahanap nila ang mayabang na si Biboy.
nagsimula na kaming magtinda. ipinarada na namin ang masasarap na kakanin ng aming ina.
habang taimtim kong isinaayos ang mga paninda, nagpaalam ang aking dalawang ate na pupunta sa kabilang dako ng plasa. pumayag naman ang aming ina. nainis ako kasi ako lamang ang maiiwan. sinundan ko ang paglakad ng aking mga kapatid. nakita ko sa dulo si Biboy. napaimik na lang ako.
di kalaunan, napansin ko ang ilang tao na may dalang papel at kahoy. nabasa ko ang mga salitang ‘Alis Marcos’. sino kaya yun?, sabi ko kay inay. sagot niya ay huwag daw akong makialam at maiitindihan ko rin sa tamang panahon.
dumami na ang tao sa plasa. nakita ko si Mang ruben, ang aming butihing kapitbahay na magsasaka. meron silang isinisigaw na di ko maintindihan.
ilang saglit pa ay nkarinig ako ng pagsabog. niyakap ko si inay. maya-maya pa ay nagsisigawan na ang lahat. maraming duguan. nagtatakbo ang lahat.
ang hiyaw ni inay ang nagpanumbalik ng aking kamalayan. tumakbo siya sa dulo ng plasa at huminto malapit sa bangkay ng tatlong bata. lumapit ako at…”
The woman looked at the bottom page dabbed with tears. She closed the notebook and put it on the box along with her other journals.
Tears are flowing on her eyes as she remembered that fateful day. The day that started with radiant smiles and ended with the blood of the innocents smeared on the park grounds.
She sighed and opened her cellphone. She dialed a number, hearing a voice on the other line, and said, “Hello, Ka Manuel? Si Ka Isabel to”.
July 1st, 2011 at 22:25
It’s been a while! I’ll try this one. :)
***
Aba! At nakapamaywang pa ang batang ito o!
Sa totoo lang, hindi ako nakapamaywang o nagpopose o nagpapacute. Hindi ko kasya ang short pants ni Ate Carmen. Hindi ba napansin ni Tita Concha na nalalaglag ang pinasuot niyang short pants sa akin? Hindi naman ako makaapela dahil tuwang-tuwa siya sa ginawa niya sa aming mga hitsura. Nakuha pa niyang manghiram ng rollers kina Aling Nita para makumpleto ang beauty pageant niya.
May limang taon na rin naman noong manalo si Margarita Moran sa Miss Universe. Noong mga panahong iyon, malay ko ba sa mga beauty pageant na iyan? Basta ang idolo ko noon ay si Vilma Santos. Gusto ko ngang mapanood noon ang Burlesk Queen, pero siyempre hindi naman pumayag si Nanay.
Tigilan mo nga akong bata ka!
Pagkatapos na pagkatapos na mailagay ang huling rollers sa aking ulo, dali-dali niya kaming inilabas patungo sa aming tindahan. As usual, dedma lang si Nanay. Ate Nena, samahan mo nga ang mga anak mo at nang makuhanan ko kayo ng litrato. Naku Concha, ano na naman bang kalokohan iyan? Kita mong abala ako rito sa mga paninda.
Ikaw Carmen si Nora Aunor. At ikaw naman Marga si Vilma Santos. Nagtinginan ang mga ate ko sa akin, nagpipigil ng kanilang mga matagumpay na halakhak. Eh paano naman ako, sambit ng aking mga mata.
Ikaw Rhoda, ay si Hilda Koronel.
***
Nang tumawag sa akin si Ate Carmen, naging emo ako. Si Ate Marga, nasa ICU. Hayan tuloy, hinalughog ko ang aking mga photo albums ko. Ang tagal ko na kayang planong i-scan ang mga ito para mailipat ko na sila sa aking laptop. Kapag naiisipan kong gawin eh lagi naman akong wala sa bahay. Pagdating sa bahay, kain ligo tulog lang ang drama ko.
Hilda Koronel pala ha? Aba, beauty pa rin naman siya hanggang ngayon. At award-winning pa. Ipinalabas kailan lang ang Insiang sa cable TV. Napakahusay ng pelikulang iyon!
Pero habang tinititigan ko ang litrato ng tres mujeres ng Nanay kong nasa background, noong pagmasdan ko si Ate Marga, si Vilma Santos pa rin ang isinisigaw ng puso ko.
***
Labis akong nagseselos noon kay Ate Marga. Lagi na lang siya ang ibinibida ni Nanay. At lagi na lang siya ang may bagong bestida. Samantalang kami ni Ate Carmen, puro short pants. At least naman si Ate Carmen bago ang mga damit niya. Eh sa akin kaya napupunta yung mga pinaglumaan niya.
At ano bang palagay ni Nanay sa amin, mga tomboy?
At ito namang si Ate Marga, napakadamot. Si Tita Concha na nga ang nakiusap na pahiramin kami ni Ate Carmen ng mga bestida niya, pero isang matinding hindi pa rin ang natanggap niya. Dahil sa sadyang mabait si Tita Concha, hindi na lamang niya ipinilit ang kanyang pakiusap noong umaga ng beauty pageant namin.
***
Habang kinukunan kami ng litrato ni Tita Concha, biglang nangati ang puwet ko. Huwag kayong malikot, Ate Nena samahan mo na kasi ang mga anak mo, dadalhin ko sa abroad ito. Napangiwi ako. Click. Pagkatapos pumundi ng flash, dali-dali kong kinamot ang puwet ko. May kung anong bagay na sinlaki ng buto ng santol ang sumalubong sa aking palad. Dinukot ko ito.
Salagubang.
Naghumiyaw ako sa takot. Tawa ng tawa ang mga ate ko. Alam ko na kung sino ang promotor nito, kaya hindi ako nagdalawang isip na ibato ang salagubang sa dibdib ni Ate Marga. Natigilan kaming lahat, maliban kay Nanay na abala sa pag-aayos ng mga paninda. Sinugod ako ni Ate Marga sabay sabunot sa akin. Naglaglagan ang mga rollers sa aking ulo. Nanlaban ako, pinagsusuntok ko ang dibdib niya. Nakakapit pa rin ang salagubang sa kanyang bestida, pero pakialam ko ba. Inawat kami ni Tita Concha, at nang mapaghiwalay kami, nakita ko si Nanay, hawak ang walis tingting na alam kong dadapo sa aking mga hita.
***
Ilang taon na ring sinasagupa ni Ate Marga ang kanyang breast cancer. May kinalaman kaya ang salagubang na ibinato ko sa kanya noong umagang iyon? Meron man o wala, hindi ako nagiguilty. Bakit ba? Lagi na lang siyang agaw-eksena. Atensyon ni Nanay, mga damit, mga laruan, pati ba naman idolo ko inagaw niya.
Nakakalungkot lang, pero ngayon pa lang, alam kong hindi ko siya mamimiss. Hayun siya, hiwalay sa asawa at sa kung kani-kaninong lalaki na lang sumasama. Si Ate Carmen, ewan ko ba doon. Wala sa matinong disposisyon, nagtitiis sa piling ng asawa niyang wala namang silbi.
At least ako, kahit maagang nabalo, happy naman. College na si Vivian, at si Veronica naman ay nanalo sa declamation contest nila sa school. Si Hilda Koronel pa rin ang wagi sa beauty pageant namin nina Ate Marga at Ate Carmen.
Pero sa aking pagtulog, si Vilma Santos pa rin ang laman ng aking mga panaginip.