The Stranger’s Child by Alan Hollinghurst: the Tagalog recap
Kamakailan ay nabanggit ng isang manunulat na Ingles na si Alan Hollinghurst ay di lamang pinakamagaling na nobelistang bakla sa Inglatera nguni’t pinakamagaling na nobelista sa Inglatera. Maaaring totoo ito, pero paano kung ang mambabasa ay hindi Ingles? Mauunawaan niya ba at masasakyan ang bagong akda ni Alan Hollinghurst?
Subukan natin. Kasalukuyan naming binabasa ang The Stranger’s Child ni Hollinghurst at talaga namang kabigha-bighani ito. Ang nobela ay may limang bahagi. Pagkatapos ng bawa’t bahagi ay iti-chismis namin sa inyo kung ano ang nangyari para mapag-isipan ninyo kung ito ay isang kuwentong maiintindihan at magugustuhan ng mga Pilipino.
Pagpasensiyahan niyo po ang aming Tagalog, minsan lamang namin itong nagagamit sa pagsusulat.
I. “Two Acres”
Tag-araw sa taong 1913. Malapit nang sumabog ang Unang Digmaang Pandaigdigan nguni’t sa tahanan ng pamilyang Sawle, ang hacienda na tinaguriang “Two Acres”, tahimik ang lahat. Ang binatang si George, pangalawang anak ng biyudang si Gng Freda Sawle, ay nagbabakasyon mula sa kanyang pamantasan, Cambridge University. Panauhin niya ang kanyang kamag-aral, si Cecil Valance na di pa man nakakapagtapos ng kolehiyo ay tanyag nang makata.
Si Cecil ay matangkad, matipuno, matalino, magiliw, malakas ang boses at galing sa aristokrasya. Hindi katakataka na mahumaling sa kanya ang nakababatang kapatid ni George na si Daphne, 16 anos. Lalo na’t si Daphne ay di lamang mahilig magbasa ng tula; marami rin siyang ilusyon sa buhay. Ang medyo nakapagtataka ay ang madalas na pagkawala nina George at Cecil, na bumabalik sa bahay na pinagpapawisan, naghahagikhikan, may mga mantsa sa kanilang damit at dahon sa kanilang mga buhok.
Photo: James Wilby and Hugh Grant in the Merchant-Ivory adaptation of E.M. Forster’s novel Maurice.
Ibinigay ni Daphne ang kanyang album kay Cecil at hiniling na lagdaan ito at kung maaari ay sulatan ng maikling tula.
Ang mga Sawle ay hindi kasing sosyal ng mga Valance, at mula nang mamatay si G Sawle ang tumatayong padre de familia ay ang panganay na si Hubert. Si Gng Sawle ay mahilig sa musika at malakas uminom, at parati nitong kasama si Gng Kalbeck, isang Aleman. Madalas nilang panauhin sa Two Acres si G. Hewitt mula sa kabilang hacienda. Mayaman si G. Hewitt at madalas magbigay ng regalo kay Gng Sawle at kay Hubert. Akala nila’y may gusto ito kay Gng Sawle.
Bago umuwi sa kanilang hacienda si Cecil, naglakad ito sa gubat kasama si George at naligo sila sa batis. Pagkatapos nilang magtalik pinuna ni Cecil na hindi lamang sila ang may…kakaibang interes. Tila si G. Hewitt ay masyadong malapit kay Hubert at palagi itong sinusunggaban at niyayakap. Hindi yata ang nanay ni George ang napupusuan nito.
Bigla na lamang nilang nakitang paparating si Daphne at muntik na silang mahuli. May nakita nga ba siya? Pagkatapos ng hapunan ay naglakad sa hardin sina Cecil at Daphne, at siniguro ng lalaki na wala itong alam tungkol sa relasyon nila ni George. May pagtingin ang babae kay Cecil kaya’t wala siyang napapansin. Hinalikan ni Cecil si Daphne.
Hindi makatulog si Daphne dahil sadyang kinikilig ang gaga (Ipagpaumanhin ang aming panghuhusga; nakikini-kinita na namin ang mangyayari). Paggising niya’y nakaalis na si Cecil; inihatid ito ni George sa istasyon ng tren. Iniwan ng Cecil ang album ni Daphne: nakasulat dito ang mahabang tulang pinamagatang “Two Acres”.
Ang tulang ito ay magiging tanyag sa buong Inglatera.
November 22nd, 2011 at 09:09
Tila kahawig din ng “Brideshead Revisited” ni Evelyn Waugh, hindi ba?
November 22nd, 2011 at 10:39
Hmmmmnnnnn….parang nakakaaliw ang nobelang ito.
Kung may palaging sumusunggab at yumayakap sa akin… Hmmmmnnnn….
November 22nd, 2011 at 11:18
Kabaklaan! Ano ba yan!?
November 22nd, 2011 at 12:48
Ngunit ang Brideshead Revisited ay mga pagpapahiwatig lamang, hindi ba? Magsisimula pa lamang ako sa ikalawang bahagi nito kaya’t patawarin ninyo ako kung ako’y nagkakamali.
At malamang paglalarawang walang bukas ang tinuran ni Hollinghurst sa pagtatalik nina Cecil at George sa batis.
November 22nd, 2011 at 13:18
Awaaard! XD
November 22nd, 2011 at 15:18
Malaswahhh!!! Malaswahhh!!! Malaswahhh!!! Malaswahhh!!! Malaswahhh!!!
November 22nd, 2011 at 15:25
Kume KC, Papa P, at Mark ang story huh!!!
November 22nd, 2011 at 23:26
Bulag sa katotohanan ang gagang si Daphne. Pero ganun talaga pag nagdadalaga, nabubulag sa tindi ng landi. Relate na relate ako sa novel na ‘to.
November 23rd, 2011 at 04:28
Sa tatlong salita: shoot na shoot. Sa dalawang salita: jaaamp brader. Sa isang salita: check! Anlakas niya maka-amen, sa totoo lang, beckies and gentlemen.