The Stranger’s Child by Alan Hollinghurst: the Tagalog recap, part 3
Sina Rupert Everett at Cary Elwes sa pelikulang Another Country, tungkol sa mga estudyante sa isang boarding school sa Inglatera noong 1930s.
III. ‘Steady, Boys, Steady!’
Taong 1967. Si Paul Bryant, isang bagong empleyado sa Midland Bank, ay naatasang samahan ang manager ng bangko, si G. Keeping, sa paglalakad pauwi. Nagkaroon si G. Keeping ng trauma noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at hindi siya maaaring maglakad nang mag-isa. Pagdating sa bahay ng mga Keeping, nautusan si Paul sa hardin ni Gng Keeping, isang mataray at dominanteng babae. Nakilala din ni Paul ang nanay ni Gng Keeping, si Gng Jacobs, na malakas uminom.
Si Gng Keeping pala ay si Corinna Valance, panganay na anak nina Daphne at Dudley Valance. Si Gng Jacobs ay si Daphne. Matapos ang mga pangyayari sa nakaraang yugto, iniwan ni Daphne si Dudley at nagpakasal kay Revel Ralph. Namatay si Revel sa digmaan, at nag-asawa ulit si Daphne. 70 anyos na siya, at magkakaroon ng salu-salo sa kanyang kaarawan. Inanyayahan nila si Paul na dumalo. Kadarating lamang ni Paul sa bayang iyon at wala pa siyang kakilala roon. Tinanggap niya ang imbitasyon.
23 anyos si Paul, interesado siya sa literatura at sa mga tula ni Cecil Valance, nguni’t di siya nakapasok sa unibersidad dahil siya ang sumusuporta sa kanyang inang maysakit. Bakla si Paul, at noon panahong iyon ay kailangan pa niyang magkubli. Pinagnanasahan niya ang kanyang kasamahan sa trabaho, si Geoff na babaero.
Samantala, ang Corley Court na dating hacienda ng mga Valance ay isa nang boarding school at doon nagtuturo si Peter. Tumutugtog siya ng piano at madalas na sinasamahan niya sa pagtutugtog ang isang maestra, si Gng Keeping. Dadalo si Peter sa kaarawan ni Daphne upang maki-duet kay Gng Keeping.
Nagkakilala sina Paul at Peter sa bangko, at nagkita sila sa salu-salo. Nagkagustuhan ang dalawang bakla, at pagkatapos ng konsyerto ay naghanap sila ng lugar na mapagtataguan sa hardin upang sila’y lalo pang magkakilala.
Matapos ang ilang araw ay binisita ni Paul si Peter sa Corley Court. Habang nagtu-tour sa mga gusali ay naghahanap siya ng kuwarto o sulok kung saan maaari silang mag-isa. Nguni’t parating may dumarating na ibang tao at nahirapan ang dalawa na magkamit ng privacy.
December 1st, 2011 at 20:03
Mas nag marka sa akin yung part 1 “Two Acres” pwedeng pwede I adapt ng Star Cinema sa movie starring ang kanilang 2 controversial stars (plus yung isang star ng kapuso) hanggang ngayon kumukulo ang dugo ko mula ng mapanood ko yung interview ni Daphne nung sunday ..
Galit na galit ako sa user na bakla na yun sinisira nya ang dignidad ng mga bakla , wala siyang kwentang bakla USER!!USER!!! masahol pa siya sa mga kriminal kurakot sa govt. niloloko nya ang mga tao , dapat i boycott ang mga endorsement nyan , masamang ehemplo at nakakasira ng reputasyon ng mga bakla . (affected much dahil kookieberks ako eh at ehem..sharonian forever)
December 2nd, 2011 at 06:59
Can I just say that Cary Elwes is sooooo gorgeous! Fell in love with him in the Princess Bride heehee :)) Sooo adorbs!!!
swanoepel – He gives bakla a bad name, tsk tsk tsk.