LitWit Challenge: A translation of Ice and Fire. (Update: Read Game of Thrones in epic Tagalog.)
Fascinating choices. Wala bang Kasalang Pula?
How would you translate Night’s Watch, White Walkers, King Beyond the Wall, Faceless Men? Would Lady Stoneheart be Binibining Pusong Bato?
* * * * *
This month we’re doing a Translation challenge.
Pick your favorite scene in A Song of Ice and Fire by George R.R. Martin and translate 750 words of it into Tagalog. Any scene from any of the five books published so far.
Post your entry in Comments. We’re accepting entries until 5 June 2013. The winner will receive these three books of steampunk science-fiction (Aurorarama), pulp psychodrama (Body), and science-fiction comedy noir (The Teleportation Accident).
You may submit more than one entry.
Valar dohaeris.
The LitWit Challenge is brought to you by our friends at National Bookstore.
Obviously if you have not read all the books, the entries will contain spoilers.
How Batman could’ve saved Westeros
Tywin Lannister, sex cyborg
“I emit a low-amp electrical pulse designed to drive women wild with pleasure.”
via io9
May 27th, 2013 at 11:27
From “A Clash of Kings,” Chapter 55 (Tyrion’s POV, XII):
Tinitigan ni Tyrion ang latak ng alak sa kanyang kopita. Ano kayang gagawin ni Jaime kung siya ang nandito? Napatay na niya siguro ang hindot, malamang, at saka na siya mag-aalala. Nguni’t walang gintong tabak si Tyrion, o kakayanang gamitin iyon. Kinasisiyahan niya ang marahas na poot ng kanyang kapatid, nguni’t ang kailangan niya ngayo’y tularan ang kanyang ama. Bato, kailangang magsa-bato, katulad ng Piedra de Casterly. Kapag pumalpak ako rito’y mabuti pang magperya na lamang ako. “Anong malay ko, pinatay mo na yata siya.”
“Nais mo ba siyang makita? Naisip kong baka oo.” Tumungo si Cersei sa tarangkahan at binuksan ang mabigat na pintuang de roble. “Dalhin dito ang puta ng aking kapatid.”
Parang pinagbiyak na bunga ang mga kapatid ni Ser Osmund, sina Osney at Osfryd. Mga dambuhalang may mga ilong na baluktot, maiitim na buhok at malulupit na ngiti. Nakabinbin ang babae sa pagitan nila, nanlalaki ang mga matang namumuti sa kanyang mukhang kayumanggi. Nagdurugo ang pumutok niyang labi, at kitang-kita ang mga galos niya sa punit niyang kasuotan. Natatali ang kanyang mga kamay ng lubid, at binusalan upang di makapagsalita.
“Sabi mo’y hindi niyo siya sasaktan.”
“Nanlaban e.” Kaiba sa kanyang mga kapatid, walang balbas si Osney Kettleblack, kaya kitang-kita ang mga kalmot sa kanyang pisngi. “Daig pa nito ang pusa.”
“Nagagamot ang galos,” wika ni Cersei na nayayamot. “Mananatiling buhay ang puta kung mananatiling buhay si Joff.”
Nais humalakhak ni Tyrion. Ang sarap sarap sanang ipamukha ito sa kanya, nguni’t ayaw niya magpahalata. Naisahan kita, Cersei, at mas hunghang pa pala ang magkakapatid na ito kaysa sa ibinabala ni Bronn. Kailangan lang niyang magwika.
Sa halip, tinignan niya ang mukha ng babae at winikang, “Pakakawalan mo ba talaga siya pagkatapos ng digma?”
“Kung palalayain mo lamang si Tommen.”
Nagpilit siyang tumindig. “Hawakan niyo muna siya, nguni’t tiyakin niyong ligtas siya. Kung akala ng mga hayop na ito pwede nila siyang kantiin… mahal kong kapatid, partida lamang tayo.” Panatag, walang tono’t walang damdamin ang kanyang tinig; hinahagilap niya ang tinig ng kanyang ama at nadale niya ito. “Anumang mangyari sa kanya’y mangyayari rin kay Tommen, kabilang ang pambubugbog at panggagahasa.” Kung akala niya’y halimaw ako, aba’y pagbibigyan ko siya.
Hindi ito inasahan ni Cersei. “Subukan mo lang.”
Pinilit ni Tyrion ngumisi nang marahan at nagpapangilabot. Tinutuya niya siya ng kanyang mga matang berde’t itim. “Subukan ko? Ako mismo ang gagawa.”
Pumailanlang ang kamay ng kanyang kapatid sa kanyang mukha, nguni’t sinunggaban niya ito’t binaliti hanggang siya’y mapangiwi. Tinangka siyang saklolohan ni Osfryd. “Isang hakbang pa’t babalian ko siya,” babala ng dwende. Siya’y natigilan.
“Tandaan mong nangako kang hindi mo ako kakantiin, Cersei.” Isinubsob niya siya sa sahig at binalingan ang mga Kettleblack. “Kalagan niyo siya.”
Napakahigpit ng pagkakatali ng lubid sa kanyang kamay; hindi na dumadaloy ang dugo. Napapiksi sa sakit ang babae nang manumbalik ito. Minasahe ni Tyrion ang kanyang mga daliri hanggang nakakadama na ito uli. “Giliw,” wika niya, “kailangan mo magpakatatag. Patawarin mo ako’t sinaktan ka nila.”
“Alam kong maililigtas ninyo ako, panginoon ko.”
“Ipinangangako ko.” Tumungo si Alayaya at hinagkan ang kanyang noo. Nag-iwan ng bahid ng dugo ang kanyang mga sugatang labi. Labis pa ang halik na ito sa akin, ani Tyrion. Hindi sana siya nasaktan kundi dahil sa akin.
Nababahiran pa rin siya ng kanyang dugo nang binalingan ni Tyrion ang reyna. “Hindi kita kahit kailan nakasundo, Cersei. Nguni’t kapatid kita, kaya’t hindi kita ginagalaw. Pinutol mo na iyon. Malilintikan ka ka sa akin. Hindi ko pa alam kung paano, pero may araw ka rin sa akin. Darating ang araw na inakala mong ligtas ka’t maligaya, at biglang magiging abo ang lahat sa iyo. Doon mo matatantong siningil ka na.”
Sa digmaan, minsang sinabi ng kanyang ama, tapos na ang laban sa sandaling matiyope ang isang hukbo. Hindi mahalaga kung marami pa sila at armado; sa sandaling kumaripas na sila ng takbo, hindi mo na sila mapapasulong pang muli. Ganito rin kay Cersei. “Lumayas ka!” ang tangi niyang nasambit. “Lumayas ka sa harapan ko!”
Yumuko si Tyrion. “Magandang gabi. Makatulog ka sana.”
May 28th, 2013 at 22:53
Here goes…
From the last few paragraphs of the epilogue of A Dance with Dragons.
Natutulog, wari ni Kevan… hanggang maglaho ang malikmata sa kanyang mga mata at makita ang mapula at malamin na sugat sa ulo ng matanda. Dugo’y umaagos, naiipon, kinukulayan ang mga pahina ng aklat ng yaon. Kandila’y napalilibutan ng pirapirasong laman at buto, tila mga isla sa lawa ng tunaw na pagkit.
Nais nya ng mga tagapagbantay, naala-ala ni Kevan. Marapat sana’y binigyan ko siya ng mga tagapagbantay. Di kaya’y tama si Cersie matapos ang lahat? Ito ba’y kagagawan ng kanyang pamangkin? “Tyrion?” bulalas niya. “Nasaan …?”
“Ay nasa malayo,” tugon ng isang tila kilalang tinig.
Mula sa isang taong nakukubli ng anino, mapintog, maputlang mukha, mabilog na mga balikat, malalambot at mababangong mga kamay tangan-tangan ay pana. Mga paa’y nasasalo ng bakyang seda.
“Varys?”
Inilapag ng bating ang pana. “Marahil ipagpatawad mo Ser Kevan. Ako’y walang masamang pita ukol sayo. Ito’y ginawa di dahil sa pagkapoot. Ito’y ginawa para sa kaharian, sa mga supling nito”
Mga supling, may mga supling din ko. Ang aking asawa. Oh, Dorna. Bumuhos sa kanya ang hapdi, pait at kalungkutan. Pinikit nya ang kanyang mga mata at idinilat nang muli. “Daan… daang daang tagapagbantay ng mga Lannister ang nasa kastilyo.”
“Ngunit wala ni isa sa silid na ito, sayang. Tunay na ikinalulumbay ko ito panginoon. Di karapat-dapat na ika’y mamatay sa gabing malamig at nagiisa, tulad ngayon. Maraming tulad mo; mahuhusay, mababait na taong naglilikod sa buktot na layunin… ngunit nagbabalang ituwid mo ang lahat ng mga magagandang gawain ng reyna, ang mapagkasundo ang Highgarden at Casterly Rock, ang isailalim ang Simbahan sa inyong mumunting hari, ang pagkaisahin at isaklaw ang Pitong Kaharian sa pamumuno ni Tommen. Kaya…”
Bumugso ang malamig na hangin. Marahas na napanginig si Ser Kevan. “Kayo ba’y giniginaw panginoon?” Usisa ni Varys. “Muli ipagpatawad ninyo. ang Punong Maestro ay napadumi ng di oras habang syang namamatay, ang baho ay kasuklam-suklam wari ko’y ako’y mabubulunan ng sarili kong suka.”
Sinubukang tumayo ni Ser Kevan, ngunit nilisan na sya ng kanyang lakas. Manhid ang kanyang mga binti.
“Napagisipan kong angkop na angkop ang pana at palaso. Napakarami ninyong pinagsaluhan at pagkakatulad ni Panginoong Tywin, bakit hindi ito? Pagbibintangan ni Cersei na ang mga Tyrell ang syang nagpapatay sa inyo, marahil kasabwat ang kapatid nyang Tiyanak. Ang mga Tyrell pagbibintangan si Cersei. At anu’t ano pa man mayroong makakaisip ng dahilan para sisihin ang mga taga Dorne. Pagdududa, ang di pagkakasundo at kawalan ng tiwala ang kakain at dudurog sa lupang kinatatayuan ng paslit nyong hari. Habang itataas at iwawasiwas ni Aegon ang kanyang sagisag sa rurok ng Storm’s End at ang lahat ng mga panginoon ng kaharian ay magtitipon-tipon sa paligid nya.” “Aegon?” Saglit niyang di maunawaan. Hanggang bumalik sa kanyang mga gunita. Isang sanggol na nababalot ng balabal, lunod sa pula, pula ng sarili nitong dugo at gutay-gutay na laman. “Patay! Siya’y patay na!”
“Kamalian.” Wika ng bating, sa tinig na tila mas taimtim. “Siya’y narito na. Si Aegon ay hinubog nang mamuno bago pa man syang matutong maglakad. May kasanayan sya sa sandata, naaangkop para sa kabalyero ng hinaharap, ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kasanayan. Siya’y marunong magbasa at magsulat, nakabibigkas ng iba’t ibang wika, nakapag-aral ng kasaysayan, mga batas at panulaan. Isang septa ang nagturo sa kanya ng mga misteryo ng Simbahan simula pa nang magkaroon sya ng kakayahang maunawaan ito. Nakipamuhay sya kasama ang mga namamalakaya, nakapagbanat ng buto, lumangoy sa ilog at mangumpuni ng lambat at natutong maglaba ng sarili niyang mga damit dulot ng pangangailangan. Marunong syang mangisda, magluto, magbigkis at maglinis ng sugat. Alam nya kung papaano ang magutom, kung papaano ang tugisin, kung papaano ang mangamba. Pinaalam kay Tommen na ang paghahari ay kanyang karapatan. Alam ni Aegon na ang paghahari ay isang katungkulan, na dapat isinasauna ng hari ang kapakanan ng madla, at mamuhay at mamuno para sa kanila.”
Sinubukang humiway ni Kevan Lannister… sigaw para sa mga tagapagbantay… panaghoy para sa kanyang asawa at kapatid… ngunit walang tinig na lumabas sa kanyang mga labi kung di dugo. Dugong umaagos kasabay ng pangangatog.
“Hay, muli ipagpaumanhin mo panginoon” papisil na wika ni Varys habang hawak ang kanyang mga kamay “Alam ko, ika’y naghihirap, ngunit heto ako salita nang salit na parang isang bruhang kulang-kulang. Tapusin na natin ang inyong paghihirap” Kinunot ng bating ang kanyang mga labi at sumipol ng marikit. Nanlalamig na si Ser Kevan at bawat hininga ay bagong pahirap at sakit na tumatagos sa kanyang buong katauhan. Nakabanaag sya ng paggalaw, nakaring ng mahihinang kaluskos ng mga paa sa sahig na bato. Isang paslit ang lumitaw sa anino ng kadiliman, maputlang batang lalaki, gulagulanit ang damit, di lalampas sa siyam o sampung-taong gulang. May isang lumitaw din sa likod ng upuan ng Punong Maestro. Ang batang babae na nagbukas sa kanya ng pinto ay naroon din. Pinalilibutan na nila sya, anim lahat-lahat, mga batang paslit, babae at lalake, mga mukhang di nangungusap, mga mata ng karimlan.
At sa kanilang mga kamay, ang mga balaraw.
May 29th, 2013 at 13:44
ambulantfeather: Interesting choice. You should perhaps keep a journal.
This is a competent literal translation, but you also have to do the high epic tone. Not high as in stoned, but mock-solemn and ornate.
Smart choice using Spanish for Lannister country.
Good effort. Send us another passage.
May 29th, 2013 at 13:48
ros: We know this works because we can hear the TV Varys saying those words.
And the interior monologue of Ser Kevan—nicely done.
Is there a better word for “kastilyo” though?
May 29th, 2013 at 16:52
The last part of Sansa’s final chapter in A Storm of Swords
“Sabihin mo,” pakiusap ni Sansa. “Sabihin mo sa kanya na gumagawa lamang tayo ng kastilyo…”
“Tumahimik ka!” sigaw ng kanyang tiyahin. “Hindi kita pinapahintulutan na magsalita. Walang may pakialam sa kastilyo mo….”
“Isa lamang siyang bata, Lysa. Anak ni Cat. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
“Ipapakasal ko siya kay Robert! Ngunit wala siyang utang na loob. Walang…walang hiya. Hindi ka sa kanya para halikan. Hindi sa kanya! Tinuturuan ko lamang siya ng leksyon.”
“Naiintindihan ko.” Hinaplos ni Petyr ang kanyang baba. “Sa tingin ko’y naiintindihan na niya ngayon. Hindi ba Alayne?”
“Opo,” paghikbi ni Sansa. “Naiintindihan ko na.”
“Ayokong nandito siya.” Nagniningning ang mga mata ng kanyang tiyahin dahil sa pagluha. “Bakit mo ba siya dinala dito , Petyr? Wala siyang lugar dito.”
“Paalisin natin siya. Ibabalik natin siya sa King’s Landing kung iyan ang gusto.” Humakbang si Petyr papalapit sa kanila. “Patayuin mo na siya, ngayon din. Palayuin mo na siya sa pintuan.”
“HINDI!” Pinilipit muli ni Lysa ang ulo ni Sansa. Pinapalibutan na sila ng yebe kaya naman maingay na sumasaklot ang kanilang palda. “Hindi pwedeng may pagtingin ka sa kanya. Hindi pwede. Isa lamang siyang walang utak na batang babae. Hindi ka niya kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sa iyo. Hindi mawawala ang pagibig ko sa iyo. Ilang beses ko nang pinatunayan, hindi ba?” Umagos ang mga luha sa mapipintog at mapupulang pisngi ng kanyang tiyahin. “Ibinigay ko sa iyo ang pagkababae ko. Bibigyan sana kita ng anak, ngunit pinatay siya nila gamit ang buwan na tsaa, na may tansi at menta at bingkis ng kahoy, isang kutsara ng pulot at isang patak ng dahon ng penniroyal. Hindi ako ang may kasalanan, hindi ko alam, ininom ko lamang ang ibinigay sa akin ni Ama…”
“Nakaraan at nangyari na iyon, Lysa. Patay na si Lord Hoster, pati na rin ang kanyang matandang maester.” Lumapit muli si Littlefinger. “Uminom ka nanaman ba ng alak? Dapat hindi tayo masyadong nagsasalita. Ayaw naman natin na may malaman pang iba si Alayne, hindi ba? O kaya naman si Marillion?”
Hindi ito pinansin ni Lysa. “Kailanman hindi ka binigyan ni Cat ng kahit na ano. Ako ang nagbigay sa iyo ng una mong gawain, ako ang nagsabi kay Jon na isama ka sa King’s Landing para lagi tayong malapit sa isa’t-isa. Ipinangako mo na hindi mo iyon malilimutan.”
“Kailanman ay hindi ko iyon malilimutan. Magkasama tayo ngayon, tulad ng iyong nais, tulad ng ating pinagplanuhan. Bitawan mo na si Sansa…”
“Ayoko! Nakita kong hinahalikan mo siya habang napapalibutan kayo ng yebe. Katulad lamang siya ng kanyang ina. Hinalikan ka noon ni Catelyn sa puno ng mga diyos , ngunit wala iyon ibig sabihin para sa kanya, hindi ka niya gusto. Bakit ba mas mahal mo siya? Nandito naman ako, akoooo!”
“Alam ko, mahal.” Muling humakbang si Petyr. “Nandito ako. Ang kailangan mo lamang gawin ay hawakan ang aking kamay, halika na.” Inilahad niya ang kanyang kamay para kay Lysa. “Wala kang dapat ikadahilan pa para lumuha.”
“Luha, luha, luha,” humagulgol si Lysa. “Hindi ko na kailangan pang umiyak…iyon ang winika mo sa akin habang tayo’y nasa King’s Landing. Sabi mo lagyan ko ng luha ang alak ni Jon, at ginawa ko iyon. Para kay Robert at para sa ating dalawa! At sumulat ako kay Catelyn at sinabi ko sa kanya na ang mga Lannister ang pumatay sa aking asawa, gaya ng inutos mo. Napakatuso ng iyong plano…noon pa ma’y tuso ka na, sinabi ko sa aking Ama na, ang sabi ko napakatalino ni Petyr, tataas ang estado niya, tataas, tataas, at mabait siya at malambing at na ipagdadala ko ang kanyang sanggol sa aking sinapupunan …Bakit mo siya hinalikan, Petyr? Bakit? Magkasama na tayo ngayon, magkasama na tayo matapos ang napakahabang panahon, bakit mong ginustong halikan siya?”
“Lysa,” napabuntong hininga si Petyr, “Matapos ng napakaraming bagyo na ating pinagdusahan, dapat mas pinapaniwalaan mo na ako ngayon. Ipinapangako ko, hindi na kita iiwan, hanggang tayo’y nabubuhay pa.”
“Katotohanan ba iyan?” umiiyak na tanong ni Lysa. “Totoo ba ang iyong sinasabi?”
“Totoo. Ngayo’y bitiwan mo na ang bata at bigyan ako ng halik.”
Hinagis ni Lady Lysa ang kanyang sarili sa mga braso ni Littlefinger nang humihikbi. Habang sila’y magkayakap, gumapang si Sansa mula sa Buwan na Pintuan gamit ang kanyang mga kamay at mga tuhod at saka ibinalot ang kanyang mga braso sa pinakamalapit na suhay. Nararamdaman niya ang pagbayo ng kanyang puso. Dumapo na ang yebe sa kanyang buhok habang nawawala naman ang kanyang kanang sapatos. Nahulog siguro ito. Nanginig siya at niyakap ang suhay nang mas mahigpit.
Hinayaan ni Littlefinger na umiyak sa kanyang dibdib si Lysa, saka niya nilagay ang kanyang mga kamay sa braso nito at magaan na hinalikan ito. “Ang aking matamis at selosang asawa,” natatawa niyang wika. “Iisa lamang ang babaeng minahal ko, pangako ko.”
Ngumiti nang pagkahabahaba si Lysa. “Iisa lamang? Oh Petyr, ipinapangako mo ba? Iisa lamang?”
“Si Cat lamang.” Binigyan ni Petyr si Lysa ng isang mabilis at matulis na tulak.
Natapyok si Lysa nang patalikod, ang kanyang mga paa ay nadulas sa basang marbol hanggang sa siya’s tuluyan nang mahulog. Wala na siya. Hindi siya sumigaw. Walang ibang tunog na namayani kunng hindi ang tunog ng hangin.
Suminghap si Marillion, “Ikaw…ikaw….”
Sumisigaw ang mga gwardya sa labas ng pintuan, binabayo ang dulo ng kanilang mabigat na sibat. Hinila ni Lord Petyr si Sansa patayo. “Nasaktan ka ba?” Nang siya’s umiling, may sinabi si Petyr, “Tumakbo ka at papasukin mo ang aking mga gwardya. Magmadali ka, wala na tayong oras. Pinatay ng mangaawit ang aking asawa.”
May 29th, 2013 at 22:25
nissa: We like the selection. Bye, Lysa.
As we asked previously, is there no better term for “kastilyo”? We almost prefer “kuta” but there has to be something else.
“Pinilipit…ang ulo ni Sansa”? Please demonstrate the twisting of a head.
“Godswood” as “puno ng mga diyos”: awkward.
“Sumisigaw ang mga guardia…sibat”: accidentally bastos.
Translation isn’t only about getting the meaning right, it also requires getting the tone and diction correctly. This is adequate telenovela Tagalog, go deeper.
Good effort. How about another one?
May 30th, 2013 at 00:03
jessicazafra: Thanks! squeezed up all the power of the Bulakeño genes in doing the translation and enjoyed it very much. :)
Been grappling with a better word for “kastilyo”. Giving up after realizing that the ancient Tagalog’s didn’t have masonry. There is no word(as far as I know) for a large fully man-made stone structure.
We have “yungib” or “lungga” for caves. “Muog” is for an earthen fortification on top of an existing natural formation. As in
Kamaong Muog ng Punong Lipi = Fist of the First Men
Even after the Spaniards introduced masonry, the Tagalogs didn’t invent new words but chose to describe it in existing terms, e.g. bahay-na-bato
Other terms that came into mind:
hacienda = estate
heredad = domain
tanggulan = fort, fortification
balwarte = bulwark
There’s a point in translating to archaic Filipino that we have to fall back on Spanish when describing things and ideas that didn’t exist and/or are alien to the Tagalog language in the olden days.
I could still vaguely remember the great-grand folks word for ulam is “vianda”. And giggles every time upon learning that a morena girl’s name is Nieves. BTW is the word “yebe” is now the vernacular Tagalog word for snow, from the Spanish “nieve”? Much like the way “hielo” became “yelo”?
Anyways, I’ve encountered the Spanish word “asimiento” while searching for a better word for kastilyo. Thus
Malayang Asimiento ng Valyria = Valyrian Freehold
:D
May 30th, 2013 at 00:13
ros: Pagbutihin ang pagsalin at baka kayo multuhin ni Lolo Tolkien, ang pinakamataray na philologist (Libangan niya lang ang mag-imbento ng linguahe.)
May 30th, 2013 at 01:24
Hindi ba maaari ang “palasyo” sa halip na “kastilyo”?
May 30th, 2013 at 01:42
“Palasyo” (palace) is a grand residence; “kastilyo” (castle) is fortified against attack. Like fortress or citadel, so we were thinking “kuta”.
May 30th, 2013 at 08:40
Night’s Watch = Taliba ng Takipsilim (Shaider! :P)
White Walkers = Ang Mga Malalamig at Namamarak – Very difficult :(
King Beyond the Wall = Haring di Saklaw ng Muralya – “Ipanalangin mo kami”; stupid reflex. :P
Faceless Men = Mga Dimakapilasan (from the word kapilas) or Mga Dimawangisan
Lady Stoneheart = Mariang Malipak (in the same vein of Mariang Makiling and Mariang Sinukuan)
May 30th, 2013 at 11:38
Maaari nga siguro na “kuta.”
Nguni’t ang mga kuta ay hindi kastilyo. May kaginhawahan naman kahit papaano ang paninirahan sa mga kastilyo. Hindi gayon sa mga kuta, kung saan mga kawal lamang siguro ang makakapagtiis manatili.
May 30th, 2013 at 17:57
kailangang buhayin si kuya xerex
“I know I want you,” he heard himself say, all his vows and all his honor forgotten. She stood before him naked as her name day, and he was as hard as the rock around them. He had been in her half a hundred times by now, but always beneath the furs, with others all around them. He had never seen how beautiful she was. Her legs were skinny but well muscled, the hair at the juncture of her thighs a brighter red than that on her head. Does that make it even luckier? He pulled her close. “I love the smell of you,” he said. “I love your red hair. I love your mouth, and the way you kiss me. I love your smile. I love your teats.” He kissed them, one and then the other. “I love your skinny legs, and what’s between them.” He knelt to kiss her there, lightly on her mound at first, but Ygritte moved her legs apart a little, and he saw the pink inside and kissed that as well, and tasted her. She gave a little gasp. “If you love me all so much, why are you still dressed?” she whispered. “You know nothing, Jon Snow. Noth oh. Oh. OHHH.”
“Pinagnanasaaan ko s’ya,” narinig n’ya ang sariling sinambit, limot lahat ng panata at dangal. Nakatindig ang dalaga sa harapan nya, hubad tulad ng pagkapanganak ang babae, at naghuhumindig naman ang sandata n’ya, sintigas ng mga bato sa paligid nila. Nakasuksok na sya sa loob ng dalaga nang maka-ilang-daang beses na, pero parati silang nakatalukbong ng makapal na kumot pag ginagawa y’on. Hindi n’ya pa nasilayan ang buong ganda ni Ygritte noon. Payat lang pala ang mga binti, subalit ma-masel, ang balahibo sa pagitan ng kanyang mga hita ay mas pulang-pula kaysa sa buhok sa ulo. Mas pampaswerte kaya ito? Kinabig n’ya ang dalaga at hinapit, “Mahal ko ang amoy mo,” sabi nya. “Mahal ko ang pula mong buhok. Mahal ko ang bibig mo, at kung paano mo ako hinahalikan. Mahal ko ang ngiti mo, mahal ko ang mga suso mo.” Sinibasib nya ang mga dede, pasalit-salit. “Gusto ko ang payat mong mga hita at ang nasa gitna.” Lumuhod sya para i-kiss ang dalaga doon, bahagya muna sa may pudenda, pero bahagya ring napabuka si Ygritte, isiniwang ang mga hita, at lumabas ang kulay-pink sa loob, at hinalikan nya na rin ito, at natikman nya. Napasinghap ang dalaga. “Kung mahal mo ko talaga, bakit nakadamit ka pa?” bulong ng dalaga. “Hindi ka pa marunong, Jon Snow, hindi ka pa marunoooohhhnnng oooohng oh oh.”
[disclosure: just picked-up the passage from some website. will submit two more entries–to complete the 750-word requirement. will be using passages that i like from game of thrones]
May 30th, 2013 at 19:57
turmukoy: Wunderbar, a translation of cunnilingus. There’s something the American Tolkien didn’t get from the master.
“You know nothing” is “Wala kang nalalaman/alam.” “Hindi ka pa marunong” is “You don’t know anything yet.”
“Kiss” = “halik”, “pink” = “rosas”. “Ma-masel” etc—there are Tagalog equivalents.
May 31st, 2013 at 19:40
[721 words pa lang. should i add more? From last parts of GoT]
…Nakakita siya ng mga pulang leon-de-fuego, mga dakilang serpiyenteng dilaw, mga unikorniyong yari sa maputla’t bughaw na dilang-apoy; naaninaw niya ang mga isda, mga soro, halimaw, lobo’t matitingkad na ibon, mga punong tadtad ng bulaklak, bawat isang pangitain, lalong maganda kaysa nauna. Nakakita siya ng isang kabayo, dakila’t abuhing bulugan, inukit ang hulma sa kimpal ng usok, kiling nito’y mabulak na ulap ng puwegong asul. Siyanga, irog ko, aking araw-at-mga-tala, siyanga, sumampa ka na, sumakay na ngayon din.
Nagsimulang nasunog ang kanyang tsaleko, kaya’t hinubad ito ni Dany at hinayaang mahulog sa lupa. Lumiyab ang pinintahang katad nang siya’y kumandirit papalapit sa apoy, nakahubo ang kanyang mga susò sa silab ng sigâ, nagdagta ang gatas mula sa kanyang namumula’t namimintog na utong. Ngayon na, naisip niya, ngayon na, at sa isang iglap, nakita niya si Khal Drogo sa kanyang harapan, nakasakay sa isang nag-aasông kabayo, may hawak na latigong tubog sa apoy. Ngumiting wari si Drogo, at humaplit ang latigo’t tumampal sa sigâ, sabay humaginit.
Nakarinig siya ng lagatak, tunog ng bumibiyak na bato. Ang tuntungang yari sa kahoy at talahib at damo’y gumiwang-giwang at dahan-dahang gumuho. Nahulugan si Dany ng mga piraso ng nasusunog na kahoy, at naambunan din siya ng abo at baga. At may kung-ano ring lumagapak, tumalbog, rumolyo’t tuluyang pumadpad sa kanyang paanan; isang tipak ng batong nakakurba, namumuti at waring may mga ugat na ginto, basag at umuusok. Nabingi sa hiyaw ang buong daigdig, subalit mula sa daluhong ng apoy, naulinig ni Dany ang taghoy ng mga babae’t hiyaw ng mga sanggol, dala ng lubusang pagkamangha.
Kamatayan lang ang kabayaran sa buhay.
May tumunog na ikalawang lagatak, malakas, sintinis ng kulog, uminog at nag-alimpuyo ang usok sa palibot niya, sumuray ang sigâ, sumabog ang mga kahoy nang madampian ng apoy ang kanilang nakakubling ubod. Narinig niya ang atungal ng mga kabayong sindak, at tinig ng mga Dothraking nagsipagpalahaw sa takot at rimarim, pati si Senyor Jorah na tumatawag sa kanyang pangalan habang nagtutungayaw. ‘Wag, ibig niya sanang isigaw, ‘wag, butihin kong kabalyero, ‘wag kang matakot para sa ‘kin. Akin ang apoy. Hindi mo ba nakikita? Ako si Daenerys Anak-ng-Unos, supling ng mga dragon, kabiyak ng mga dragon, ina ng mga dragon. Hindi mo ba NAKIKITA? Sa biglang pagbugso ng tilandoy ng liyab at usok na umabot tatlumpung talampakan sa langit, ang sigâ’y tuluyang nawasak at gumuho sa paligid niya. Nang walang katakut-takot, sumuong si Dany sa bagyo ng apoy, tinatawag ang kanyang mga anak.
Ang ikatlong lagatak ay malakas, sintinis ng mundong nawawasak.
Sa wakas, nang humupa ang sunog at lumamig nang unti ang lupa’t maari nang lakaran, natagpuan siya ni Senyor Jorah Mormont sa gitna ng mga abo, pinalilibutan ng mga trosong nanguling, mga nagliliyab na baga, at sunog na kalansay ng lalaki, babae, at kabayo. Siya’y hubo’t hubad, nilambungan ng agiw, damit niya’y nagsaabo, buhok sa ulo’y tinupok ng apoy…subalit hindi siya nasaktan.
Sumupsop ang dragong kulay krema’t lungti sa kaliwa niyang dibdib, samantalang yaong kulay lungti’t tanso’y sa kanan nanginain. Mahigpit niya silang niyakap sa kanyang mga bisig. Samantalang yaong itim at iskarlata’y lumatag sa balikat niya, nag-ikid at nagkubli ng mahaba’t ugat-ugatang leeg sa lilim ng kanyang baba. Nang makita si Jorah, ito’y nag-angat ng ulo, at tumitig sa kanya nang may mga matang simpula ng nagbabagang uling.
Napaluhod ang kabalyero, nanakawan ng bawat salita. Sumunod sa kanyang likuran ang mga kasapi ng khas. Si Jhogo ang unang naglatag ng arakh sa paanan ni Daenerys. “Dugo ng aking dugo,” bulong niya, sabay dantay ng mukha sa lupang nag-aasô. “Dugo ng aking dugo,” narinig niyang ulitin ni Aggo. “Dugo ng aking dugo,” sigaw naman ni Rakharo.
Kasunod nila’y nagsilapit ang kanyang mga katulong, sampu ng bawat Dothraki, lalaki man o babae o bata, at kinailangan lamang titigan ni Dany ang kanilang mga mata upang matanto niya, na sila’y sa kanya na, ngayon, bukas, at magpakailan pa man, nang lalong higit kaysa kay Drogo noon.
Nang tumindig si Daenerys Targaryen, sumagitsit ang Itim habang bumugso sa bibig at ilong nito ang usok na mamuti-muti. Umawat naman ang dalawa mula sa pagsupsop sa kanyang dibdib, sabay nagsaliw ng tinig sa bulahaw ng kanilang pagtawag; namukadkad ang mga pakpak nila, na nalalagusan ng liwanag, pumagpag at kumampay sa hangin – sa unang pagkakataon, sa loob ng maraming siglo, muling sumilakbo ang gabi sa himig ng mga dragon.
May 31st, 2013 at 21:27
[another entry, from GoT, famous Lannister sibling exchange]
Lumagitik ang malutong na tinapáng baboy nang kagatan niya ito. Nag-isip nang ilang saglit si Tyrion habang ngumunguya, saka nagwika, “Ang sabi niya, kung mamamatay ang bata, di sana’y namatay na itong agad. Apat na araw na’ng lumilipas, wala pa ring nagbabago.”
“Gagaling po ba si Bran, Tiyo?” tanong ng munting si Myrcella. Minana niya ang rikit ng kanyang ina, ngunit hindi ang ugali nito.
“Nabali ang kanyang likod, iha,” sabi ni Tyrion. “Nasira rin ang kanyang mga paa nang mahulog. Pinaiinom lamang siya ng tubig at pulot upang ‘wag mamatay sa gutom. Marahil, ‘pag gising niya, makakakain siyang muli ng tunay na pagkain, pero kailanman, hindi na siya makakalakad pa.”
“Kung magising siya,” ulit ni Cersei. “Pusible pa ba iyon?”
“Mga diyos lang ang may-alam,” tugon ni Tyrion. “Ang maestero, umaasa.” Sumubo pa siya ng tinapay. “Sinasabi ko, yaong alaga niyang lobo ang dahilan kung bakit nakakakapit pa siya sa buhay. Umaga-gabing nakataliba ang halimaw sa labas ng kanyang bintana, ungol nang ungol. Tuwing tinataboy nila, laging bumabalik. Sabi nga ng maestero, minsan nilang sinara ang bintana, para takpan ang ingay, saka namang biglang nanghina ang bata. Nang muli nilang buksan, bumilis agad ang pintig ng kanyang puso.”
Nangilabot ang reyna. “May kung-anong kababalaghan sa mga hayop na iyan,” ika niya. “Mapanganib. Hindi ako papayag na sumama sila sa ‘tin patungong timog.”
Sabi ni Jaime, “Mahihirapan kang pigilan sila, kapatid. Parang mga anino kung sumunod sa kanilang mga dalagang amo.”
Sinimulan na ni Tyrion ang isda. “Bueno, malapit na ba kayong umalis?”
“A, sana’y sa lalong madaling panahon na,” sabi ni Cersei. Bigla siyang napasimangot. “Ibig mo yatang tanungin kung malapit na ba tayong umalis?” ulit niya. “Bakit, ikaw? Mga diyos – ‘wag mong sabihing mananatili ka rito?”
Magkikibit ng balikat si Tyrion. “Babalik si Benjen Stark sa Tanod ng Gabi, kasama ang bastardo ng ‘utol niya. Balak kong makiangkas at purbahan sa wakas itong Muralya, na matagal mo na rin sigurong nababalitaan.”
Ngingiti si Jaime. “Naku, mutyang kapatid, ‘wag ka sanang magbalak na sumanib sa itim.”
Tatawa si Tyrion. “Ano kamo, ako, magpapakadonselya? Gusto mo yatang mamulubi ang mga puta, mula Dornia hanggang Batong Casterlo. Hindi. Ang gusto ko lang ay tumayo sa ituktok ng Muralya, at pagkatapos, umihi mula sa dulo ng mundo.”
Biglang tumayo si Cersei. “Hindi na kailangan pang marinig ng mga bata ang kahalayan mo. Tommen, Myrcella, tera na.” Dali-dali siyang lumabas ng silid pang-umaga; sumunod sa kanyang hakbang ang mga ayudante’t alagang tuta.
Matamang itinutok ni Jaime Lanister ang magiginaw at lungting mata niya sa kanyang kapatid. “Hindi papayag si Stark na umalis ng Invierna, nang nananatili ang kanyang anak sa lilim ng kamatayan.”
“Papayag ‘yon, basta ba iutos ni Roberto,” sabi ni Tyrion. “At maniwala ka, iuutos iyon ni Roberto. Tutal, wala rin naman nang magagawa ang Poong Eddard para sa pobre niyang anak.”
“Maa’ri niyang itigil ang pagdurusa ng bata,” sabi ni Jaime. “Kung anak ko ‘yon, iyon ang aking gagawin. Mas makatao.”
“Pinapayuhan kita, na iwasang banggitin ang panukalang ‘yan kay Poong Eddard, mahal kong kaputol,” sabi ni Tyrion. “Baka lang sakaling masamain niya.”
“Kahit pa mabuhay ang bata, magiging lumpo naman. Masagwa. Di na lang kasi tapusin nang malinis at maginhawa.”
Tumugon si Tyrion nang nagkikibit, at sadyang lumitaw ang pagkabaliko ng kanyang balikat. “Alang-alang sa mga masasagwa,” ika niya, “ikinalulungkot kong sabihing hindi ako sang-ayon. Ang kamatayan kasi, masyadong mabilisang katapusan, samantalang ang buhay – nag-uumapaw sa mga pusibilidad.”
Ngumiti si Jaime. “Kay buktot mong impakto, ano?”
“Ay, totoo ‘yan,” inamin ni Tyrion. “Dalangin ko’y magising ang bata – interesado akong malaman kung ano’ng sasabihin niya.”
Nangasim na parang panis na gatas ang ngiti ng kanyang kapatid. “Tyrion, mutyang kaputol,” kaniya, nang may unting pangungulimlim, “minsan nagtataka ako kung sa’ng panig ka talaga kumakampi.”
Punumpuno ng tinapay at isda ang bunganga ni Tyrion. Humigop siya ng itim na serbesa bilang panulak, at parang asong ulol na nginitian si Jaime. “Aba naman, Jaime, matamis kong kapatid,” ika niya, “sinusugatan mo’ng damdamin ko. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang ating pamilya.”
June 1st, 2013 at 20:05
ohxanderthisoneisforyou: Two fine entries, both impeccable choices. You picked one of the most famous scenes in the series, and a quiet one that sums up the relationships within the most powerful family in Westeros.
The translation of the Mother of Dragons scene has the right tone of shock and awe, while the Lannisters at breakfast bit gets both the ironic sense of humor and the affection between the brothers. As well as the repellent quality of their beautiful sister.
“The Wall” = “Muralya”. Sounds better than “Dingding”. Any other equivalents?
June 1st, 2013 at 20:09
A STORM OF SWORDS
Kabanata 26
Jon
Ikiniskis ni Jon ang ilong sa buhok nito at nilanghap ang samyo nito. “Para kang si Tandang Nan, sinasabihan si Bran ng mga kuwentong halimaw.”
Sinuntok ni Ygritte ang balikat niya. “Gurang na ako, ganoon ba?”
“Mas matanda ka sa akin.”
“Oo, at mas matalino. Wala kang alam, Jon Snow.” Tumulak ito palayo sa kanya, at saka hinubad ang tsalekong gawa sa balat ng kuneho.
“Ano’ng ginagawa mo?”
“Pinapakita kung gaano ako katanda.” Kinalas nito ang sintas ng kamisetang gawa sa balat ng usa, ipinukol sa isang tabi, hinila pataas sa ulo nito ang tatlong patong ng lanang panloob nang sabay-sabay. “Gusto kong makita mo ako.”
“Hindi tayo dapat -”
“Dapat lang.” Umindayog ang dibdib nito nang tumayo sa isang paa para hilahin ang bota, pagkatapos ay inilipat ang tapak para pagtuunan ang isa pa. Malapad na kulay-rosas na mga bilog ang utong nito. “Ikaw rin dapat,” sabi ni Ygritte at hinaltak pababa ang pantalong gawa sa balat ng tupa. “Kung gusto mong tumingin, dapat magpakita ka. Walang kang alam, Jon Snow.”
“Ang alam ko lang gusto kita,” narinig niya ang sarili na sinabi, lahat ng panata at lahat ng karangalan ay nakalimutan. Nakatayo ito sa harap niya na hubo’t hubad tulad ng araw na nabigyan ito ng pangalan, at sing-tigas na siya ng batong nakapaligid sa kanila. Nakapasok na siya rito marahil ay nasa kalahati ng isandaang beses na ngayon, ngunit lagi sa ilalim ng mga mabalahibong kasuotan, na may kasamang iba sa paligid nila. Ngayon lang niya nakita kung gaano ito kaganda. Ang mga binti nito ay payat, pero tama lang ang kalamnan, ang buhok sa hugpong ng mga hita nito ay mas matingkad na pula kaysa sa nasa ulo nito. Nakakapagdulot kaya iyon ng suwerte? Hinapit niya ito palapit. “Nakakahalina ang samyo mo,” sabi niya. “Gustung-gusto ko ang pulang buhok mo. Gustung-gusto ko ang bibig mo, at ang paraan ng paghalik mo sa akin. Gustung-gusto ko ang ngiti mo. Nababaliw ako sa utong mo.” Hinalikan niya iyon, isa muna bago ang kabila. “Gustung-gusto ko ang patpatin mong binti, at ang nakapagitna roon.” Lumuhod siya para halikan ito doon, marahan lang sa umpisa, ngunit bahagyang ibinuka ni Ygritte ang mga hita, at nakita niya ang mala-rosas nitong pagkababae at hinalikan niya rin iyon, at tinikman. Napasinghap ito. “Kung talagang mahal mo ang lahat sa akin, bakit nakabihis ka pa rin?” bulong nito. “Wala kang alam, Jon Snow. Wala-oh. Oh. OHHH.”
Pagkatapos, parang naging tila mahiyain, o naging kimi si Ygritte sa abot ng makakaya nito. “Iyong ginawa mo kanina,” sabi nito, nang magkatabi na silang nakahiga sa nakasalansan nilang damit. “Gamit ng…bibig mo.” Nag-atubili ito. “Iyon ba… ganoon ba ang ginagawa ng mga panginoong-may-lupa sa mga babae nila, doon sa katimugan?”
“Sa tingin ko, hindi.” Wala namang nagsabi kay Jon ng kung ano nga ba ang ginawa ng mga panginoong may-lupa sa kanilang mga babae. “Gusto… gusto ko lang halikan ka doon, iyon lang. Parang nagustuhan mo naman.”
“Oo. G-gusto ko nang konti. Walang sinumang nagturo sa ‘yo?”
“Walang sinuman,” kumpisal niya. “Ikaw lang.”
“Isang birhen,” tukso nito. “Ikaw ay isang birhen.”
Binigyan niya ng mapaglarong pisil ang utong nitong malapit sa kanya. “Tauhan ako ng Tagamanman ng Gabi.” Dati, narinig niya ang sarili na sinabi. Ano na siya ngayon? Ayaw na niyang tingnan iyon. “Birhen ka ba?”
Itinulak ni Ygritte ang sarili patayo gamit ang siko. “Disinuebe ako, at isang mandirigma, at nahalikan na ng apoy. Paano pa ako magiging birhen?”
“Sino ba siya?”
“Isang binata sa isang piging, limang taon na ang nakalipas. Dumating siyang nangangalakal kasama ang mga kapatid na lalaki, at may buhok siyang kakulay ng sa akin, nahalikan ng apoy, akala ko ay magiging mapalad siya. Ngunit siya ay mahina. Nang bumalik siya para subukang itanan ako, binali ni Longspear ang braso niya at pinalayas, at hindi na siya sumubok ulit, kahit isang beses.”
“Puwes, hindi si Longspear?” Nakahinga siya nang maluwag. Gusto niya si Longspear, ang payak nitong mukha at magiliw na asal.
Sinuntok siya nito. “Nakakasuklam iyon. Makikipapagniig ka ba sa kapatid mong babae?”
“Si Longspear ay hindi mo kapatid.”
“Kababaryo ko siya. Wala ka talagang alam, Jon Snow. Ang tunay na lalaki ay tinatanan ang mga babaeng nasa malayong lugar, para patibayin ang kanilang angkan. Ang mga babaeng nakikipagniig sa kapatid na lalaki o ama o kamag-anak ay ginagalit ang mga diyos, at sinusumpa para magkaroon ng mahihina at sakiting mga anak. Kahit ang mga halimaw.”
“Si Craster ay pinapakasalan ang kanyang mga anak na babae,” pagbibigay punto ni Jon.
Sinuntok siyang muli nito. “Mas kalahi mo si Craster kaysa sa amin. Ang ama niya ang isang uwak na tinanan ang isang babaeng mula sa baryo ng Puting-Puno, ngunit pagkatapos niyang gamitin ito bumalik na siya sa Muralya. Nagpunta ang babae sa Kastilyo Itim minsan para ipakita sa uwak ang anak niya, ngunit nagmalaki ang mga kapatid niyang lalaki at pinalayas ito. Itim ang dugo ni Craster, at dala-dala niya ang isang mabigat na sumpa.” Magaang pinaraan nito ang mga daliri sa ibabaw ng tiyan niya. “Natatakot ako na baka ganoon din ang gawin mo kapagdaka. Lumipad pabalik sa Muralya. Hindi mo alam ang gagawin pagkatapos mo akong itanan.”
June 2nd, 2013 at 03:41
Ok, went waaaay past the 750-word limit, but I just couldn’t bear the thought of cutting this scene. I chose this particular passage because it’s the first time Cersei confirms the suspicions about her brood. (It had all been Mendelian speculation up until that point.) I remember reading it for the first time (I hadn’t watched the series yet) and going “WHOAAA.” I chose this also because I liked the imagery of starting the scene at sunset (“She came to him at sunset, as the clouds reddened above the walls and towers.”) and ending it at dusk (“amidst the quiet of the godswood, under a blue-black sky. The stars were coming out.”) Anyway just putting this out there (amidst admittedly very stiff competition.) You guys rock.
P.S. Love goes out to my Batangueno friend Dulce for proofreading :) You let me take advantage of your boredom. Thanks bakla. :*
========================================
Laro ng Mga Trono: Kabanata 45
Eddard XII
Takipsilim nang magtagpo sila ng reyna, habang nagsisimula pa lamang mamula ang kalangitan. Mag-isa lamang ito, alinsunod sa hiling nya. Ngayon lang nya nakitang payak ang bihis ng reyna, botang balat at simpleng luntiang gayak. Nang tanggalin nya ang kanyang talukbong, nakita ni Ned ang pasa na bakas ng sampal ng hari. Nabawasan na ang pangingitim at humupa na ang pamamaga, ngunit hindi maikakaila kung ano ito.
“Bakit dito?” tanong ni Cersei Lannister.
“Para nakikita tayo ng mga diyos.”
Umupo si Cersei sa damuhan sa tabi nya. Nakabibighani ang bawat kilos niya. Umaalon sa hangin ang buhok nyang kulay ginto at ‘sing luntian ng mga dahon sa tag-araw ang kanyang mga mata. Matagal na panahon na ang lumipas nang huling masilayan ni Ned Stark ang kagandahan nya, ngunit nakita nya ulit ito ngayon. “Batid ko ang katotohanang ikinamatay ni Jon Arryn,” pahayag nya.
“Batid mo?” Minasdan ng reyna ang mukha nya, animo’y pusa, mailap at maingat. “Kaya mo ba ‘ko pinapunta rito, Panginoong Stark? Upang handugan ako ng mga palaisipan? O layunin mo bang sunggaban ako, gaya ng ginawa ng iyong asawa sa aking kapatid?”
“Kung talagang pinaniniwalaan mo ‘yan, hindi ka paparito.” Marahang hinawakan ni Ned ang pisngi ng reyna. “Dati ka pa ba niyang ginaganito?”
“Isa, dalawang beses.” Umiwas ang reyna sa kamay nya. “Pero hindi sa mukha. Marahil napatay na sya ni Jaime, kahit pa ikamatay din nya ‘yon.” Matigas ang titig sa kanya ni Cersei. “Katumbas ng isang daan ng kaibigan mo ang kapatid ko.”
“Kapatid?” tanong ni Ned. “O kalaguyo?”
“Pareho.” walang gatol nyang sagot. “Mula noong kabataan pa namin. At bakit hindi? Tatlong daang taong inasawa ng mga Tagaryen ang isa’t isa upang mapanatiling dalisay ang dugo ng angkan nila. At kami ni Jaime ay higit pa sa magkapatid. Iisang tao kami sa dalawang katawan. Nagsalo kami sa iisang sinapupunan. Saksi ang aming maester nang iniluwal sya sa mundong tangan-tangan ang talampakan ko. Kapag nasa loob ko sya, pakiramdam ko… buo ako.” Bumakas ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi.
“Si Bran…”
Tinanggap iyon ni Cersei nang walang pagtatanggi. “Nahuli nya kami. Mahal mo ang mga anak mo, hindi ba?”
Ito rin ang mismong tanong sa kanya ni Robert noong umaga ng melee. Pareho lang ang isinagot nya. “Nang buong puso.”
“Gayun din ako sa akin.”
Kung nangyaring kinailangan kong mamili, isip ni Ned, buhay ng isang batang hindi ko kaano-ano, kapalit ng buhay ni Robb at Sansa at Arya at Bran at Rickon, ano kaya ang gagawin ko? At higit pa dun, ano ang gagawin ni Catelyn, kung buhay ni Jon, laban sa buhay ng mga anak na nanggaling sa kanya? Hindi alam ni Ned. Ipinalangin nyang hindi nya malalaman.
“Kay Jaime ang tatlong bata,” sabi nya. Hindi ito tanong.
“Salamat sa mga diyos.”
Malakas ang punla, iginiit ni Jon Arryn bago ito namatay, at gayon nga. Napakaraming bastardo, lahat kasing-itim ng hatinggabi ang buhok. Itinala ni Punong Maestrong Malleon ang huling pag-iisa ng usa at leon may siyamnapung taon na ang nakakaraan, nang mag-asawa si Tya Lannister at si Gowen Baratheon, ang ikatlong anak na lalaki ng namumunong panginoon. Inilarawan sa libro ni Malleon ang kaisa-isa nilang anak bilang malaki’t malusog na batang lalaki, na may makapal at itim na buhok, subalit namatay ito sa kasanggulan. Tatlumpung taon bago iyon, isang lalaking Lannister naman ang nag-asawa ng isang Baratheon. Tatlong dilag at isang binata ang naging bunga ng kanilang pag-iisa, at pawang itim ang buhok ng bawat isa. Gaano pa man balikan ni Ned ang tala sa mga naninilaw na pahina ng aklat ni Malleon, laging ang ginto ang nagbibigay-daan sa uling.
“Labindalawang taon,” ani ni Ned. “Paanong hindi kayo nagkaanak ng hari?”
Iniangat ni Cersei ang ulo nito, handang lumaban. “Minsan akong nabuntis ng Robert mo,” anitong puno ng poot. “Nakatagpo si Jaime ng babaeng… maglilinis sa akin. Hindi nalaman ni Robert. Ang totoo, hindi ko masikmura kahit hawakan nya lang ako. Maraming taon ko na syang hindi pinapayagang galawin ako. Sa ibang paraan ko na lamang sya pinaliligaya, kapag naiiwan nya ang mga puta nya at napapadaan sya sa kwarto ko. Anuman ang gawin namin, kinabukasan limot na nya ang lahat dahil sa sobrang kalasingan.”
Napakabulag namin. Nakaplaster ang katotohanan sa harapan naming lahat, bakas sa mukha ng mga bata. Nanlumo si Ned. “Natatandaan ko ang Robert na umangkin ng trono, isang ganap na hari,” sabi nya. “Maraming ibang babae diyan na magagawang mahalin sya nang buong puso. Anong nagawa nya sa ‘yo at gayon na lamang ang galit mo sa kanya?”
Nanlisik ang mga mata niyang animo’y berdeng apoy sa dapithapon, tulad ng leona ng kanyang insignya. “Gabi ng aming kasal, unang beses naming magsalo ng kama, tinawag nya ‘ko sa pangalan ng kapatid mo. Nakaibabaw sya sa ‘kin, nakapasok sa ‘kin, nangangalingasaw sa alak, at tinawag niya akong Lyanna.”
Nagunita ni Ned Stark ang mapupusyaw na asul na rosas, at sa sandaling iyo’y ninais niyang maluha. “Hindi ko alam kung sino sa inyo ang pinakakinakaawaan ko.”
Tila natawa ang reyna doon. “Sa ‘yo na ‘yang awa mo, Panginoong Stark. Hindi ko ‘yan kailangan.”
“Batid mo kung ano ang nararapat kong gawin.”
“Ang nararapat?” Ipinatong ni Cersei ang kamay nya sa hita ni Ned. “Ginagawa ng tunay na lalaki kung ano ang gustuhin nya, hindi kung ano ang nararapat.” Hinagod ng reyna ang hita nya, hagod na may bahid ng pangako. “Kailangan ng kaharian ng isang malakas na Kamay. Matagal pa bago maging ganap na hari si Joff. Walang nagnanais ng isa na namang digmaan, lalo na ako.” Hinaplos ng reyna ang mukha nya, ang buhok nya. “Kung nagiging magkaaway ang magkaibigan, maaaari ring maging magkaibigan ang magkaaway. Isang libong liga ang layo ng iyong asawa, at tumakas na ang aking kapatid. Maging mabuti ka sa akin, Ned. Ipinapangako ko sa ‘yo na hinding-hindi ka magsisisi.”
“Iyan din ba ang ipinangako mo kay Jon Arryn?”
Sinampal sya ni Cersei.
“Isang karangalan.” walang emosyong sinabi ni Ned.
“Karangalan,” pasinghal na tugon ni Cersei. “Ang kapal ng mukha mong magmalinis! Ano’ng akala mo sa ‘kin? May bastardo ka rin, alam ko. Sino kaya ang kanyang ina? Isang walang pangalang taga-Dorne na ginahasa mo habang nasasakop sila? Isang puta? O ang nagdadalamhating si Dama Ashara ba? May nagsabi sa ‘king nagpatiwakal daw sya sa dagat. Bakit nga ba? Dahil kaya sa kapatid na pinatay mo, o sa anak na ninakaw mo? Sabihin mo, kagalang-galang na Panginoong Eddard, ano ang ipinagkaiba mo kay Robert, o sa akin, o kay Jaime?”
“Una sa lahat,” saad ni Ned, “Hindi ako pumapatay ng mga bata. Maiging makinig kang mabuti, kamahalan. Isang beses ko lamang itong sasabihin. Pagbalik ng hari sa pangangaso, ihahain ko sa harapan niya ang katotohanan. Sa sandaling iyon, wala ka na dapat dito. Ikaw, at ang tatlo mong anak, at hindi sa Kuta ng Casterly kayo tatanan. Kung ako sa ‘yo, sa Malalayang Lungsod ako tutungo, o sa higit na malayo pa, sa mga Isla ng Tag-araw, o sa Daungan ng Ibben. Kung saan ako ipadpad ng hangin.”
“Gusto mo kaming lumisan at magtago habambuhay,” tugon ni Cersei. “Napakapait na parusa.”
“Higit na mapait ang parusang iginawad ng iyong ama sa mga anak ni Rhaegar,” ganti ni Ned, “at magpasalamat ka dahil kung tutuusin, higit pa riyan ang nararapat sa iyo. Makabubuti kung isasama mo ang iyong ama at mga kapatid. Masalapi kayo, kaya ng iyong amang tumbasan ng ginto ang ginhawa at kaligtasan ninyo sa pagtakas. Kakailanganin nyo yun. Ipinapangako ko, kahit saang impyerno man kayo tumakbo, susundan kayo ng poot ni Robert, kahit sa dulo ng walang hanggan pa kayo magpang-abot.”
Tumindig ang reyna. “At paano naman ang poot ko, Panginoong Stark?” pabulong na tanong nito. Tiningnan siya nito nang mabuti. “Dapat ikaw ang umangkin ng kaharian. Abot-kamay mo na ito noon. Ikinuwento sa ‘kin ni Jaime na noong araw na nalupig ang Palapagan ng Hari, nadatnan mo syang nakaupo sa Aserong Trono, at ipinasuko mo iyon sa kanya. Pagkakataon mo na dapat iyon. Kinailangan mo lang akyatin ang ilang hakbang papunta sa trono, at umupo. Nakapanghihinayang na pagkakamali.”
“Marami akong pagkakamali na nagawa sa buhay ko,” tugon ni Ned, “ngunit hindi ko itinuturing na pagkakamali ang ginawa ko noong araw na iyon.”
“Ngunit nagkakamali ka, panginoon ko,” giit ni Cersei. “Kapag nilaro mo ang laro ng mga trono, ito lamang: magwawagi ka, o mamamatay ka. Wala ng iba.”
Nagtalukbong ng ulo si Cersei upang ikubli ang namamagang pisngi, at iniwan sya sa lilim ng robles, sa katahimikan ng sambahan ng mga sinaunang diyos, sa ilalim ng nangingitim na kalangitan. Nagsisilabasan na ang mga tala.
June 2nd, 2013 at 13:49
lova: Night’s Watch = Tagamanman ng Gabi. Nice.
Hmm, two versions of the same sex scene. (As our friend would say, “Sumosobra na yang Ygritte na yan!”) But you continue translating up to the comment on incest, which binds several storylines in the book. Good choice.
Wonderful Tagalog words: “umindayog”, “nakikipagniig”.
Excellent translation, clearly we’re going to need more prizes.
June 2nd, 2013 at 13:59
japz20: Our wise friend says, “If it’s worth doing, it’s worth overdoing.” You have erred correctly.
We were wondering when someone would choose the “You win or you die” scene.
This is a highly evocative passage, and you have done it justice. You get to the root of Cersei’s rage: She should’ve been a man. (Specifically, she should’ve been Jaime.)
“Nakaplaster” is jarring; what about “nakabalandra”?
The dialogue is especially strong. If the show is ever dubbed into Tagalog, it should sound like this.
June 4th, 2013 at 23:34
Isang Bagyo ng Mga Tabak
Jaime
Ang bahay-paliguan ng Harrenhal ay isang madalim, mainit, may mababang kisame na silid, puno ng malalaking batong banyera. Nang akayin ng mga guwardya si Jaime papasok doon, natagpuan nila si Brienne na nakalublob paupo sa isang banyera, kinukuskos ang braso nang halos pagalit.
“’Wag masyadong madiin, puta,” tawag niya. “Mababakbak mo ang balat.” Nabitawan nito ang eskoba at tinakpan ang mga suso ng mga kamay na kasing-laki ng kay Gregor Clegane. Ang patusok at maliliit na tugatog na pilit nitong itinatago ay mas magmumukhang natural sa isang sasampung taong gulang, kumpara sa makapal at maskuladong dibdib ng babae.
“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong nito.
“Pinipilit ni Señor Bolton na maghapunan ako kasalo niya, pero nakaligtaan niyang imbitahan ang mga pulgas ko.” Hinila ni Jaime ang isa niyang guwardya gamit ang kaliwang kamay. “Tulungan mo akong hubarin ’tong mababahong basahan na ’to.” Iisa ang kamay, ni hindi niya magawang tanggalin ang pagkakatali ng kanyang salawal. Masama ang loob nang sumunod ang lalaki, ngunit sumunod din.
“Ngayon iwan mo na kami,” sabi ni Jaime nang nakatambak na ang kanyang mga damit sa basang sahig na bato. “Hindi gusto ng aking binibini ng Tarth na ang mga gaya n’yong aba ay tumutunganga sa mga utong niya.” Ipinanturo niya ang pinagputulan ng kanyang kamay sa mukhang palakol na babaeng naglilingkod kay Brienne. “Ikaw rin. Hintay, sandali. Iisa lang ang pinto, at masyadong malaki ang puta para subuking akyatin ang tsiminea.” Malalim ang pinanggalingan ng nakagawiang pagsunod. Sumunod ang babae sa kanyang guwardya palabas, iniwan ang bahay-paliguan sa kanilang dalawa ni Brienne.
Sapat ang laki ng mga banyera para sa anim o lima katao, batay sa nauso sa Malalayang Siyudad, kaya sumampa si Jaime sa kinaroroonan ng puta; hindi akma at mabagal. Nakamulat ang kanyang mga mata, bagaman ang kanan ay nananatiling bahagyang namamaga, sa kabila ng mga linta ni Qyburn. Pakiramdam ni Jaime ay sandaan at siyam na taong gulang na siya, na mas mabuti na rin kaysa sa pakiramdam niya noong bago sila dumating sa Harrenhal.
Umurong si Brienne palayo sa kanya. “Mayroon namang ibang banyera.”
“Akma na sa akin ang isang ito.” Maingat na maingat, inilubog niya ang sarili sa mainit na tubig hanggang sa kanyang baba. “Huwag kang matakot, puta. Kulay ube at berde ang mga hita mo, at hindi ako interesado sa nasa pagitan niyan.” Kailangan niyang ipatong ang kanang braso sa gilid, dahil sinabihan siya ni Qyburn na panatilihing tuyo ang lino.
Nararamdaman niya ang pag-alpas ng tensyon mula sa kanyang mga hita, gayunpaman umiinog ang ulo niya. ”Kung himatayin ako, hilahin mo ako paahon. Walang Lannister na nalunod sa paliligo niya at hindi ko gustong maging una.”
“Ano ang pakialam ko sa paraan ng pagkamatay mo?”
“Sumumpa ka ng isang taimtim na panata.” Ngumiti siya habang pinapanood na umaakyat ang pamumula sa makapal at maputing hanay ng leeg ng babae.
Tumalikod ito sa kanya. “Mahiyaing dalaga pa rin? Ano pa ba sa tingin mo ang di ko pa nakita?” Hinagilap niya ang eskobang naihulog ng dalaga, nahuli iyon ng mga daliri at sinimulang pasumalang kuskusin ang sarili. Maging iyon ay mahirap, saliwa. Ang aking kaliwang kamay ay wala nang silbi. Gayunpaman, umitim ang tubig habang natutunaw ang namuong dumi mula sa kanyang balat. Nanatiling nakatalikod sa kanya ang puta, ang mga kalamnan sa malapad nitong balikat ay nakaumbok at matigas.
“Masyado ka bang nababagabag ng anyo ng tuod ko?”tanong ni Jaime. “Dapat nga ay matuwa ka. Naiwala ko ang kamay na ipinangpatay ko sa hari. Ang kamay na nanghagis sa batang Stark mula sa toreng iyon. Ang kamay na pinadudulas ko sa pagitan ng mga hita ng aking kapatid para pag-initin siya.” Idinuldol niya ang kanyang putol na braso sa mukha ng babae. “Hindi nakakagulat na namatay si Renly, habang ikaw ang nagbabantay sa kanya.”
Sumibad ang dalaga patayo na para bang hinampas niya ito, dahilan para maanod ang mainit na tubig patungo sa kabilang panig ng banyera. Nabanaag niya ang makapal at kulay ginuntuang buhok sa pagitan ng mga hita ng babae sa pagbaba nito. Mas balbon ito kaysa sa kapatid niya. Kahangalang naramdaman niyang napukaw ang kanyang ari sa ilalim ng pampaligong tubig.
Ngayon alam ko nang masyado na akong matagal na napawalay kay Cersei.
Iniiwas niya ang mga mata, naligalig sa naging pagtugon ng kanyang katawan. “Hindi ’yun dapat,” bulong niya. “Isa akong lumpo, at puno ng kapaitan. Patawarin mo ako, puta. Ipinagtanggol mo ako nang kasing-husay ng maaaring magawa ng isang lalaki, at higit pa kaysa sa nagawa ng nakararami.”
Ibinalot nito ang kahubdan sa isang tuwalya. “Pinagtatawanan mo ba ’ko?”
Tinusok siya niyon pabalik sa galit. “Kasing-kapal ka ba ng pader ng muog? Paghingi iyon ng tawad. Pagod na akong makipag-away sa ’yo. Kung magkasundo kaya tayo pansamantala?”
“Binubuo ng pagtitiwala ang mga kasunduan. Pagtitiwalaan ko ba ang–”
“Ang Mamamatay-hari, oo. Ang sumira ng sumpaan, pumaslang sa kaawa-awa at malungkot na si Aerys Targaryen.”
June 4th, 2013 at 23:47
hukumi: You cut it just before the big speech (By what right does the wolf judge the lion).
In this context “wench” can’t be translated as “puta”. Jaime calls her an ugly beast among other things, but not a whore. “Babae” would be more apt, we think.
June 5th, 2013 at 15:29
Book 1. Ang huling pag-akyat ni Bran
“Nagtraydor na siya sa isa, nakalimutan mo na ba?” wika ng babae. “Hindi ko itinatangging tapat siya kay Robert. Pero paano kaya kapag patay na si Robert at si Joff na ang nasa trono? Kailangang mangyari yan sa lalong madaling panahon para sa kapanatagan nating lahat. Bawat araw ay lalong nababalisa ang asawa ko. Lalala siya kapag nasa tabi na niya si Stark. Mahal pa rin niya ang kapatid nun, isang multong ayaw akong tantanan. Hindi malayong ipagpalit niya ako sa isang buhay na Lyanna.”
Biglang natakot si Bran. Gusto na niyang bumalik at hanapin ang mga kuya niya. Pero anong sasabihin niya? Naisip niyang kailangan niyang malaman kung sino ang mga nagsasalita.
Napabuntong-hininga ang lalaki. “Huwag mong masyadong inaalala ang mga bagay na wala pa. Ang isipin mo, ang sarap na naririto ngayon.”
“Tumigil ka nga.” Wika ng babae. Narinig ni Bran ang paglapat ng balat sa balat, at ang paghalakhak ng lalaki.
Hinila ni Bran ang sarili paakyat sa gargoyl at gumapang sa bubong. Iyon ang mas madaling daan. Gumapang siya sa bubungan papunta sa isa pang gargoyl na nasa itaas ng bintana ng silid kung saan nag-uusap ang babae at lalaki.
“Nakababagot ang usapang ito, mahal kong kapatid.” Wika ng lalaki. “Halika rito at tama na ang satsat.”
Umupo si Bran sa gargoyl, ipinulupot ang mga binti rito, ipinihit ang sarili paikot sa gargoyl, at bumitin nang patiwarik. Kakatwa ang hitsura ng mundo kapag nakabaligtad. Sa ibaba niya ay ang bakurang basa pa mula sa natunaw na nyebe.
Unti-unti siyang dumungaw sa bintana.
Sa loob ay nagpapambuno ang babae at lalaki. Pareho silang nakahubad. Hindi sila makilala ni Bran. Nakatalikod sa kanya ang lalaki, at natatakpan nito ang babae habang itinutulak ang babae sa pader.
May narinig siyang parang humihigop ng kuhol. Naghahalikan sila, naisip ni Bran. Patuloy niya silang pinagmasdan sa kabila ng kanyang kaba. Dilat ang kanyang mga mata at naninikip ang dibdib. Ang isang kamay ng lalaki ay nasa pagitan ng mga binti ng babae, at tila sinasaktan niya ito, dahil umungol ang babae. “Huwag, huwag,” sabi ng babae. “Huwag diyan. Tama na. Ah….” Ngunit mahina lamang ang tinig ng babae, at hindi niya itinulak palayo ang lalaki. Isiniksik niya ng mga daliri sa buhok ng lalaki—ang buhaghag at dilaw na buhok nito—at marahang hinila ang ulo nito papunta sa kanyang dibdib.
Nasulyapan ni Bran ang mukha ng babae. Nakapikit ito at nakabuka ang bibig habang marahang umuungol. Ang dilaw na buhok nito ay umiindayon habang ang kanyang ulo ay umuugoy, ngunit nakilala pa rin siya ni Bran. Nakilala ni Bran ang reyna.
Marahil ay nakagawa ng ingay si Bran, dahil dagling dumilat ang reyna. Nakatitig ito kay Bran. Biglang sumigaw ang reyna.
Mabilis ang mga pangyayari. Itinulak ng babae palayo ang lalaki. Nagwala ang babae. Hinila ni Bran ang sarili paangat at inabot ang gargoyl. Masyado siyang nagmadali. Dumulas ang kamay niya sa makinis na bato, at sa pagkataranta ay nawala sa pagkakasabit ang kanyang mga binti, at namalayan niya na lang na siya’y nalalaglag na. Siya’y nalula, gumiray, at pabulusok na lumagpas sa bintana. Napakapit siya sa pasamano sa ilalim nito, napabitiw, at kumapit muli gamit ang isa pang kamay. Tumama ang katawan niya sa gusali. Saglit siyang di nakahinga dahil sa pagkakabangga. Hinahapo siya habang nakalambitin. Maya-maya pa’y may mga dumungaw sa bintana. Nakita niya ang reyna. At nakilala niya ang lalaki sa tabi nito. Para silang pinagbiyak na bunga.
“Nakita niya tayo,” patiling sabi ng babae.
“Nakita niya nga tayo,” wika ng lalaki.
Unti-unting nadudulas ang kamay ni Bran. Ikinapit niya ang isa pang kamay sa pasamano. Nagtangkang bumaon ang kanyang mga kuko sa matigas na bato. Iniabot ng lalaki ang kanyang kamay. “Kapit! Bago ka mahulog.”
Buong lakas na kumapit si Bran sa braso ng lalaki. Hinila siya nito pataas.
“At anong ginagawa mo?” pagtatanong ng babae.
Hindi ito ininda ng lalaki. Napakaalakas niya. Itinayo niya si Bran sa pasamano. “Ilang taon ka na?”
“Pito,” sagot ni Bran na nahimasmasan. Sa higpit ng kapit niya ay bumakat ang kanyang kamay sa braso ng lalaki. Kimi niyang niluwagan ang pagkakakapit.
Tumingin ang lalaki sa babae.
“Nang dahil sa pagmamahal,” sinabi niya nang may bahid ng pagkamuhi. Itinulak niya ang bata.
Sumisigaw na nahulog si Bran patungo sa ere. Wala siyang makapitan. Bumulusok siya pababa sa bakuran ng kastilyo.
Sa may di kalayuan, may isang lobong umaalulong. Inikutan ng mga uwak ang sirang tore; sila’y naghihintay na pakanin ng mais.
June 5th, 2013 at 15:31
Ang Pulang Kasalan
Pagkatapos ang ibabaw ng mesa na isinaklob ng Muntingjon kay Robb ay gumalaw, at ang kanyang anak ay hirap na lumuhod. May pana sa tagiliran nito, may pangalawa sa hita, at pangatlo na nakabaon sa dibdib nito. Itinaas ni Senyor Walder ang isa nitong kamay at natigil ang musika, lahat maliban sa tambol. Narinig ni Catelyn ang salpukan ng naglalabanan sa malayo, at sa mas malapit, ang atungal ng mga lobo. Abuhing Hangin, huli na niya nang maalala. “Heh,” pauyam na baling ni Senyor Walder kay Robb, “ang Hari sa Hilaga ay bumangon. Parang napatay namin ang ilan sa iyong mga alagad, Kamahalan. Oh, pero gagawa ako ng paumanhin sa iyo, na maghihilom sa kanilang muli, heh.”
Dinaklot ni Catelyn ang kulay abo at mahabang buhok ni Jinglebell Frey at kinaladkad ito mula sa pinagtataguan. “Senyor Walder!” sigaw niya. “SENYOR WALDER!” Ang tunog ng tambol ay mabagal at buong-buo, boom boom boom. “Tama na,” sabi ni Catelyn. “Sinabi kong tama na. Binayaran mo ng panlilinlang ang panlilinlang, hayaan mo na iyong matapos.” Nang idiin niya ang punyal sa lalamunan ni Jinglebell ay bumalik ang alaala ng silid pang may karamdamang ni Bran, kasama ang pakiramdam ng bakal na nasa sarili niyang lalamunan. Ang tambol ay tumunog ng boom boom boom boom boom boom. “Pakiusap,” sabi niya. “Anak ko siya. Ang una kong anak na lalaki at ang huli. Palayain mo siya, palayain mo siya at isinusumpa kong kakalimutan namin ito… ang lahat ng mga ginawa ninyo dito. Isinusumpa ko iyan sa lumang diyos at sa bago, kami… kami ay hindi maghihiganti.
Tinitigan siya ni Senyor Walder na puno ng pagdududa. “Tanging isang mangmang lamang ang maniniwala sa walang katuturang bagay na iyan. Tinitingnan mo ba ako bilang isang mangmang, Senyora?”
“Tinitingnan kita bilang isang ama. Kunin mo ako bilang bihag, Si Edmure din kung hindi mo pa siya napapatay. Pero hayaan mong makalaya si Robb.”
“Hindi.” Ang boses ni Robb ay hinang-hina. “Ina, hindi…”
“Oo. Robb, tumayo ka. Tumayo ka na at lumabas, pakiusap, pakiusap. Iligtas mo ang iyong sarili… kung hindi para sa akin, para kay Jeyne.”
“Jeyne?” Inabot ni Robb ang gilid ng mesa at pinilit ang sariling tumayo. “Ina,” sabi nito, “ si Abuhing Hangin…”
“Puntahan mo siya. Ngayon na, Robb, umalis ka na dito.”
Umingos si Senyor Walder. “At bakit ko siya hahayaang gawin iyan?”
Idiniin niya ang talim nang mas malalim sa lalamunan ni Jinglebell. Umikot ang mga mata ng hangal sa kanya sa tahimik na pakikiusap. Isang nakaririmarim na amoy ang sumuot sa kanyang ilong, pero hindi niya na iyon binigyan ng pansin, katulad ng ibinigay niya sa walang tigil at katakot-takot na pagbabayo ng tambol na iyon, boom boom boom boom boom boom. Sina Ginoong Ryman at Black Walder ay paikot-ikot sa kanyang likuran, pero wala na roong pakialam si Catelyn. Maaaring gawin ng mga ito ang anumang gustuhin sa kanya, ibilanggo siya, gahasain siya, wala na iyong halaga. Masyado nang mahaba ang kanyang buhay, at si Ned ay naghihintay sa kanya. Para kay Robb ang takot niya.
“Sa aking karangalan bilang Tully,” sabi niya kay Senyor Walder, “sa aking karangalan bilang Stark. Ikakalakal ko ang buhay ng iyong lalaki kapalit ng kay Robb. Isang anak para sa isang anak.” Matindi ang ang panginginig ng kanyang kamay na kinakalansing na niya ang ulo ni Jinglebell.
Boom, tumunog ang tambol, boom boom boom boom. Ang mga labi ng matanda ay bumukas-sara. Ang punyal ay nanginginig sa kamay ni Catelyn, nanunulas sa pawis. “Isang anak para sa isang anak, huh,” ulit nito. “Pero iyan ay isang apo… at kailanman ay hindi siya naging malaking pakinabang.”
Isang lalaki na may suot na pandigma at mapusyaw na kulay rosas na balabal na namamantsahan ng dugo ang humakbang palapit kay Robb. “Si Jaime Lannister ay nagpapakumusta sa iyo.” Itinarak nito ang mahabang espada sa puso ng kanyang anak at pinilipit iyon. Sinira ni Robb ang sarili nitong salita, pero si Catelyn ay naging tapat. “Hinila niya ang buhok ni Aergon at nilaslas ang leeg nito hanggang sa ang talim ay kumayod sa buto nito. Ang dugo ay mainit na dumaloy sa kanyang mga daliri. Ang maliliit nitong batingaw ay kumakalansing, kumakalansing, kumakalansing at ang drum ay nag-boom boom boom.
Sa wakas ay may kumuha ng punyal palayo sa kanya. Ang luha ay sumilab na tulad ng suka habang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Sampung mababalasik na uwak ang umararo sa kanyang mukha gamit ang matatalim nitong mga kuko at pumupunit nang pagutay-gutay sa kanyang laman, nag-iiwan ng malalalim na sugat na namumula na dahil sa dugo. Nalalasahan niya iyon sa kanyang mga labi. Ang sakit-sakit, naisip niya. Ang ating mga anak, Ned, lahat ng ating kaaya-ayang mga anak. Rickon, Bran, Arya, Sansa, Robb… Robb… pakiusap, Ned, pakiusap, patigilin mo ito, patigilin mo ang sakit… Ang mga butil ng puting luha at ng pula ay sabay na dumaloy hanggang ang kanyang mukha ay nagkagula-gulanit na, ang mukhang minahal ni Ned. Itinaas ni Catelyn Stark ang kanyang mga kamay at pinanood ang dugo sa pagdaloy pababa sa kanyang mahahabang daliri, sa pupulsuhan, sa ilalim ng manggas ng kanyang kasuotan. Mababagal at mapupulang uod ang gumapang sa kahabaan ng kanyang mga braso at sa ilalim ng kanyang damit. Iyon ay nakakakiliti. Napatawa siya niyon hanggang sa siya ay humiyaw. “Baliw,” sabi ng isa, “naiwala na niya ang kanyang katinuan,” at sabi ng isa pa, “Gawan na ng wakas,” at isang kamay ang dumaklot sa kanyang anit katulad ng ginawa niya kay Jinglebell, at naisip niya, Huwag, huwag mong putulin ang buhok ko. Mahal ni Ned and buhok ko. Pagkatapos ang patalim ay nasa kanyang lalamunan na, ang kagat niyon ay galit na galit at malamig.
June 5th, 2013 at 23:50
Ika-Sampung Kabanata
Jon
Dahan-dahang pumanhik si Jon ng hagdanan. Tinangka niyang huwag isipin na ito na maari ang pinakahuling beses na gagawin niya ito. Tahimik namang naglakad sa kanyang tabi ang alagang si Ghost. Sa labas, umalimpuyo ang niyebe papasok sa mga tarangkahan, at ang bakuran ay puno ng ingay at kaguluhan, ngunit sa loob ng makakapal na batong pader ng kastilyo ay nananatiling maalinsangan at tahimik. Masyado iyong tahimik para sa kagustuhan ni Jon.
Tumigil ng mahabang sandali nang humantong siya sa itaas na palapag, nangangamba. Lumakas lang ang kanyang loob nang sungkalin ng alagang lobo ang kanyang kamay. Tumayo siya ng tuwid saka pumasok sa silid ni Bran.
Naroon si Senyora Stark sa tabi ng higaan ng kanyang anak. Halos dalawang linggo na itong nakahimpil doon araw at gabi. Ni sandali ay hindi siya umalis sa tabi ni Bran. Iniutos nitong ihatid na lamang sa kanya ang kanyang pagkain, pati mga arinola, at isang maliit at matigas na papag, bagama’t napapabalitang hindi siya umiidlip man lang. Dahil ni minsan ay hindi siya lumabas sa silid na iyon, hindi sumubok na dumalaw si Jon.
Ngunit ngayon ay wala na siyang nalalabing panahon.
Tumayo siya sumandali sa pintuan, takot na magsalita o lumapit. Sa ibaba ng bukas na bintana, isang lobo ang umalulong. Narinig iyon ni Ghost at iniangat nito ang kanyang ulo.
Tumingin sa kanila si Senyora Stark. Sa una’y waring hindi nito namukhaan si Jon, hanggang sa wakas ay kumurap. “Ano’ng ginagawa mo rito?” matabang at walang damdamin nitong tanong.
“Naparito ako upang makita si Bran,” sagot ni Jon. “Upang magpaalam.”
Hindi nag-iba ang itsura ni Senyora Stark. Sala-salabid at nawalan na ng kintab aang buhok nito. Tila tumanda na ito ng dalawampung taon. “Nasabi mo na ang gusto mong sabihin. Umalis ka na.”
May isang panig ni Jon na nais nang tumakas, subali’t alam niyang kung gagawin niya iyon ay maaaring hindi na niya makikitang muli si Bran. Kabadong humakbang siya papasok ng silid. “Parang awa niyo na,” samo niya.
Isang maginaw na tingin ang ibinato sa kanya ni Catelyn. “Sinabi ko nang lumayas ka na,” wika nito. “Hindi ka naming kailangan dito.”
Dati-rati ay nakapagtaboy o kaya naman ay nakapagpaiyak na ito sa kanya, ngunit ngayon ay nagngitngit lamang siya. Hindi magluluwat ay magiging kaanib na siya ng mga Tanod ng Gabi, at haharap sa mas masahol na panaganib kaysa kay Catelyn Tully Stark. “Kapatid ko siya,” giit niya.
“Tatawagin ko na ba ang mga bantay?”
“Sige, tawagin mo,” mapanghamong sabi ni Jon. “Nguni’t hindi mo ako mapipigilang dalawin siya.” Tinawid niya ang silid, iningatang nakapagitna sa kanila ang higaan, at minasdan ang nakahigang si Bran.
Hawak ni Catelyn ang isang kamay ng anak. Mukha na iyong kuko ng ibon. Hindi ito ang Bran na naaalala niya. Labis na siyang namayat. Ang kanyang balat ay banat na banat sa ibabaw ng mga butong tila patpat. Sa ilalim ng kumot, ang kanyang mga binti ay balu-baluktot sa paraang hindi masikmura ni Jon. Lubha nang impis ang kanyang mga mata; bukas ang mga iyon, subali’t walang nakikita. Sa papaanuman ay nangulubot siya dahil sa kanyang pagkakahulog. Nag-anyo na siyang dahon na animo’y tatangayin ng unang malakas na hangin patungo sa kanyang huling hantungan.
Gayunpaman, sa ilalim ng marupok na hawla niyong mga basag na mga buto-buto, umaalsa at bumababa ang kanyang didbid sa bawa’t malanday na paghinga.
“Bran,” ani ni Jon. “Patawad at ngayon lamang ako dumalaw. Natakot ako.” Naramdaman niyang lumiligid ang mga luha pababa sa kanyang mga pisngi. Hindi na niya inintidi iyon. “Huwag kang mamamatay, Bran. Parang awa mo na. Hinihintay ka naming lahat na gumising. Ako at si Rob at ang mga babae, lahat…”
Nakatitig lang si Senyora Stark. Hindi siya nagtawag ng mga bantay. Ipinalagay ni Jon na iyon ay pagtanggap. Umalulong uli ang lobo sa labas at ibaba ng durungawan. Ang lobong hindi na nagkaroon si Bran ng panahong bigyan ng pangalan.
“Kailangan ko nang umalis,” pahayag ni Jon. “Naghihintay ang Tiyo Benjen. Tutungo na ako sa pahilaga sa Muralya. Kailangan naming umalis ngayong araw na ito, bago pa magniyebe.” Naalala niya kung gaano dati kasabik si Bran sa pagkakataong makapaglakbay din doon. Hindi niya maatim isipin na iiwan niya si Bran sa ganitong kalagayan. Pinahid ni Jon ang kanyang mga luha, yumuko, at hinalikan nang magaan ang kapatid sa labi.
“Ninais kong manatili siya rito sa aking piling,” mahinang sabi ni Senyora Stark.
Maingat na minasdan siya ni Jon. Ni hindi nakatingin si Catelyn sa kanya. Kinakausap niya si Jon, subali’t para sa sa isang bahagi niya ay waring wala si Jon sa silid.
June 6th, 2013 at 01:34
This LitWit Challenge is now closed. The winner will be announced on Friday.
June 7th, 2013 at 23:45
jaime: Nice try. “Gargoyl” takes the reader out of the Tagalog. If there is no Tagalog equivalent for a medieval term, could you find an equivalent in Spanish?
“The things I do for love” is one of the signature lines in the series, delivered by Jaime Lannister whose regular speech has an ironic/mocking tone. “Nang dahil sa pagmamahal” sounds more earnest. We’re thinking “Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.”
June 8th, 2013 at 00:06
GeorginaFox: Thanks for helping us relive the trauma in Tagalog. Grey Wind = “Abuhing Hangin”? “Hanging Abuhin?” Is there another word for “grey”?
Your translation is correct, but the word-for-word rendering sounds a bit awkward. The rhythm of the passage is lost. For instance, you rendered “Jaime Lannister sends his regards” as “Si Jaime Lannister ay nagpapakumusta sa iyo.” It sounds like a passive announcement rather than a contemptuous kiss-off from that traitorous sonofabitch Bolton. “Pinakukumusta kayo ni Jaime Lannister.”
The last sentence is brief and visceral: “Then the steel was at her throat, and its bite was red and cold.” You translated this as “Pagkatapos ang patalim ay nasa kanyang lalamunan na, ang kagat niyon ay galit na galit at malamig.” Too many words, not enough of a punch in the reader’s face. “…at ang kagat nito ay pula at malamig.”
June 8th, 2013 at 00:17
tbrc: A commendable effort that renders the words faithfully but leaves out the mood and the rhythm of the lines.
It’s Catelyn Stark’s Bella Flores/Etang Discher moment: “Something cold moved in her eyes.”
Your translation: “Isang maginaw na tingin ang ibinato sa kanya ni Catelyn.” Somehow not as hurtful.