The winner of the LitWit Challenge: A Translation of Ice and Fire contest is…
A reader lives a thousand lives before he dies. The man who never reads lives only one.
– Jojen Reed, A Dance With Dragons
Mat is lying on The Lands of Ice and Fire—maps from King’s Landing to Across the Narrow Sea. Available at National Bookstores.
The shortlist:
– ros for the epilogue to A Dance of Dragons
– ohxanderthisoneisforyou for the birth of the dragons from A Game of Thrones and the breakfast of the Lannister siblings from the same book
– lova for Jon Snow’s first time from A Storm of Swords
– japz20 for the “You win or you die” scene between Eddard Stark and Cersei Lannister in A Game of Thrones.
They all deserve to win, but we had to pick just one. And we are very fond of the line: “Speaking for the grotesques, I beg to differ. Death is so terribly final, but life is full of possibilities.”
So the winner is ohxanderthisoneisforyou. Congratulations, the three books—Body, Aurorarama and The Teleportation Incident—are yours.
ros, lova and japz20, we appreciate the good effort, so please choose one of these books: The Accursed by Joyce Carol Oates, Requiem for a Dream by Hubert Selby, Jr, and No Easy Day, the firsthand account of the mission that killed Osama Bin Laden, by Mark Owen.
Please post your full names (and your book choice) in Comments (They won’t be published). We’ll alert you when your prizes have been delivered to National Bookstore in Rockwell.
(Update: Winners, you or your representative may pick up your books any time at the Customer Service desk, National Bookstore, Power Plant Mall, Rockwell, Makati, telephone (02)8974562. Just give your name to the staff in charge. The books will be there till the end of July. Enjoy!)
The monthly LitWit Challenge is sponsored by our friends at National Bookstore.
Here’s the winning entry by ohxanderthisoneisforyou (with minor edits).
* * * * *
Laro Ng Mga Trono
Tyrion (1)
Lumagitik ang malutong na tinapáng baboy nang kagatan niya ito. Nag-isip nang ilang saglit si Tyrion habang ngumunguya, saka nagwika, “Ang sabi niya, kung mamamatay ang bata, di sana’y namatay na itong agad. Apat na araw na’ng lumilipas, wala pa ring nagbabago.”
“Gagaling po ba si Bran, Tiyo?” tanong ng munting si Myrcella. Minana niya ang rikit ng kanyang ina, ngunit hindi ang ugali nito.
“Nabali ang kanyang likod, hija,” sabi ni Tyrion. “Nasira rin ang kanyang mga paa nang mahulog. Pinapainom lamang siya ng tubig at pulot upang ‘wag mamatay sa gutom. Marahil ‘pag gising niya, makakakain siyang muli ng tunay na pagkain, pero kailanman, hindi na siya makakalakad pa.”
“Kung magising siya,” ulit ni Cersei. “Posible pa ba iyon?”
“Mga diyos lang ang may-alam,” tugon ni Tyrion. “Ang maestero, umaasa.” Sumubo pa siya ng tinapay. “Sinasabi ko, yaong alaga niyang lobo ang dahilan kung bakit nakakakapit pa siya sa buhay. Umaga-gabing nakataliba ang halimaw sa labas ng kanyang bintana, ungol nang ungol. Tuwing tinataboy nila, laging bumabalik. Sabi nga ng maestero, minsan nilang sinara ang bintana, para takpan ang ingay, saka namang biglang nanghina ang bata. Nang muli nilang buksan, bumilis agad ang pintig ng kanyang puso.”
Nangilabot ang reyna. “May kung-anong kababalaghan sa mga hayop na iyan,” ika niya. “Mapanganib. Hindi ako papayag na sumama sila sa ‘tin patungong timog.”
Sabi ni Jaime, “Mahihirapan kang pigilan sila, kapatid. Parang mga anino kung sumunod sa kanilang mga dalagang amo.”
Sinimulan na ni Tyrion ang isda. “Bueno, malapit na ba kayong umalis?”
“A, sana’y sa lalong madaling panahon na,” sabi ni Cersei. Bigla siyang napasimangot. “Ibig mo yatang tanungin kung malapit na ba tayong umalis?” ulit niya. “Bakit, ikaw? Mga diyos—’wag mong sabihing mananatili ka rito?”
Magkikibit ng balikat si Tyrion. “Babalik si Benjen Stark sa Tagamanman ng Gabi, kasama ang bastardo ng ‘utol niya. Balak kong makiangkas at purbahan sa wakas itong Muralya, na matagal mo na rin sigurong nababalitaan.”
Ngingiti si Jaime. “Naku, mutyang kapatid, ‘wag ka sanang magbalak na sumanib sa itim.”
Tatawa si Tyrion. “Ano kamo, ako, magpapakadonselya? Gusto mo yatang mamulubi ang mga puta mula Dornia hanggang Batong Casterlo. Hindi. Gusto ko lamang tumayo sa tuktok ng Muralya, at pagkatapos, umihi mula sa dulo ng mundo.”
Biglang tumayo si Cersei. “Hindi na kailangan pang marinig ng mga bata ang kahalayan mo. Tommen, Myrcella, tara na.” Dali-dali siyang lumabas ng silid pang-umaga; sumunod sa kanyang hakbang ang mga ayudante’t alagang tuta.
Matamang itinutok ni Jaime Lanister ang malalamig at lunting mata niya sa kanyang kapatid. “Hindi papayag si Stark na umalis ng Invierna, nang nananatili ang kanyang anak sa lilim ng kamatayan.”
“Papayag ‘yon, basta ba iutos ni Roberto,” sabi ni Tyrion. “At maniwala ka, iuutos iyon ni Roberto. Tutal, wala rin naman nang magagawa ang Poong Eddard para sa pobre niyang anak.”
“Maari niyang tapusin ang pagdurusa ng bata,” sabi ni Jaime. “Kung anak ko ‘yon, iyon ang aking gagawin. Mas makatao.”
“Pinapayuhan kita na iwasang banggitin ang panukalang ‘yan kay Poong Eddard, mahal kong kaputol,” sabi ni Tyrion. “Baka lang sakaling masamain niya.”
“Kahit pa mabuhay ang bata, magiging lumpo naman. Masagwa. Di na lang kasi tapusin nang malinis at maginhawa.”
Tumugon si Tyrion nang nagkikibit, at sadyang lumitaw ang pagkabaliko ng kanyang balikat. “Alang-alang sa mga masasagwa,” ika niya, “ikinalulungkot kong sabihing hindi ako sang-ayon. Ang kamatayan kasi, masyadong mabilisang katapusan, samantalang ang buhay—nag-uumapaw sa mga posibilidad.”
Ngumiti si Jaime. “Kay buktot mong impakto, ano?”
“Ay, totoo ‘yan,” inamin ni Tyrion. “Dalangin ko’y magising ang bata—interesado akong malaman kung ano’ng sasabihin niya.”
Nangasim na parang panis na gatas ang ngiti ng kanyang kapatid. “Tyrion, mutyang kaputol,” kaniya, nang may unting pangungulimlim, “minsa’y nagtataka ako kung saang panig ka talaga kumakampi.”
Punumpuno ng tinapay at isda ang bunganga ni Tyrion. Humigop siya ng itim na serbesa bilang panulak, at parang asong ulol na nginitian si Jaime. “Aba naman, Jaime, matamis kong kapatid,” ika niya, “sinusugatan mo’ng damdamin ko. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang ating pamilya.”
June 8th, 2013 at 01:38
I was waiting all day for the results. It was worth the wait, and ohxanderthisoneisforyou is a worthy winner, I think.
Requiem for a Dream by Hubert Selby is my choice, if it please you.
Thank you for the book! But honestly, it was the challenge I enjoyed more. If you plan on holding any workshops or seminars on translating GoT to epic Tagalog or whatnot, I am so there. :)
June 8th, 2013 at 01:50
Thanks for the quick reply, japz20! We have some translation projects in the works and will be in touch if they push through. Enjoy the Selby (the movie’s intense, harrowing).
June 8th, 2013 at 04:49
jessicazafra: WOOOOW!!!! Thank you for this recognition! Such an honor! Ang saya magsalin! Mabuhay ang Wikang Filipino! :))
Excited to see the books! And a special shout-out to Xander Soriano, my sensei in all things cultured. Haha! He was the one who told me about this LitWit Challenge! And should there be translation projects, I’m sooooo going too!
japz20: Thaaanks! When I read your entry, I said to myself: “Ay wala na! Ito na! ‘Yan ang dialogue!” The translation of Cersei and Eddard’s exchange was spot-on!!! :)))) And awesome choice with the Selby!!! :)))
THIS MADE MY WEEK! :D
June 8th, 2013 at 14:36
Yey! I got shortlisted, hehe. Thank you, your grace. My book choice is No Easy Day by Mark Owen.
June 8th, 2013 at 16:38
jessicazafra: Looking forward to your translation projects and enjoying Requiem!
ohxanderthisoneisforyou: Thank you! And congratulations! :) I enjoyed translating Cersei and Eddard’s exchange, it was very… therapeutic, I dunno why haha. When I read your entry I thought you’ve got to be a Filipino teacher or historian or writer or something, your High Tagalog is effing impeccable AND readable. Flow was very good, no snags, didn’t make me think “That sounds weird” while I was reading it. Two thumbs up. :)
June 9th, 2013 at 03:57
WOW!! Thank you, thank you and thank you. For having this contest that I/all of us greatly enjoyed and the for the generosity of giving out prizes to the runner-ups.
Kudos and congrats to all. It has been a pleasure reading the other entries.
This blessed one is pleased and willing to take The Accursed.
Again thank you. :D
June 10th, 2013 at 17:54
ohxander, ros, lova, japz20: Your books await you at NBS Rockwell.
lova, sorry the hardcover No Easy Day has no dust jacket. Our cat Saffy destroyed it in one of her loony rages.
If you’re interested, we have some translation projects in the offing. We’ll be in touch once we have signed a treaty with the Wardens and the Archmaester.