“Ramdam na ramdam kooo.” Movie reviews by our readers
Hindi na kami puedeng mag-review ng Sana Dati. Sa kakabenta at panood namin ng pelikula, parang kami na rin ang gumawa. Kaya’t ipapaubaya namin ang mga rebyu ng Sana Dati at iba pang pelikula sa inyo. Paki-post sa Comments.
Sabi nga pala namin sa aming mga kaibigang walang panahong manood ng mga bagong indie: Sige kayo, pag tinanong kayo kung ano ang inyong mga paboritong pelikulang Pilipino, luma lahat ng sagot ninyo. Pagkakamalan kayong matanda!
* * * * *
Sana Dati, reviewed by swanoepel.
OMG OMG Napanood ko na yung Sana Dati.
Don’t tell me natalo si Lovi ng Best Actress sa Cinemalaya. SHUT UP!!! Ninakawan si Lovi Poe ng award. (Note: Masasakit na salita deleted. Nakakaloka yatang makipag-away sa Vilmanians and Noranians.) Hay naku!!! Message ko sa mga jurors ng Cinemalaya ng nagpatalo kay Lovi Poe eh pfffftttt at DUH!!! Bulag kayo!!! Napaka-natural ng acting ni Lovi walang ka-OA-yan at RAMDAM KOOOO…
Sa eksena nga nya sa kitchen ay parang nilalagyan ng kalamansi ang puso ko, ramdam na ramdam ko ang peyn…sobrang affected ako sa eksena na yun (kaka-relate ang gurl).
Super Ganda 9.9/10 ng movie (Yun nga lang sayang ang diamond ring sana dinonate na lang niya kay Napoles).
BTW Jessica, crush ko yung receptionist ng Cocoon Hotel. Ano name nya? May FB ba siya?. At i-hug mo nga ako kay Jerrold Tarong (galeng galeng nya).
Best Movie 2013 for me (as of Sept.26): Sana Dati. Buti naman at breath of fresh air ang mga indie ngayon hindi tulad noon na puro kabaklaan na dramahan na walang relevance at sex lang ang bentahan.
Mga characters na bentang-benta sa ‘kin sa movie: Mga Agaw-Eksena.
– Si Auntie. Siya yung tunay na buhay na Aunt/referee ng sister at niece nya (totoong totoo) kahit na sandali lang siya sa eksena, ramdam na kasali siya sa movie.
– Si Acting PokPok BFF. Nakakatuwa siya, keber na keber ang peg at mga linya niya, very very kakatawa at natural na natural ramdam ko na naman.
– Si Emcee Beki. Umagaw din ng eksena ng bonggang-bonga: parang walang script, natural na natural ang akting.
– Si Longkatuts sa house. Si Ate man agaw-eksena, naramdaman din sa movie ang kanyang presence.
and Last But Not the Least:
– Si Engot Receptionist ng Cocoon Hotel. Ganda ng presence niya sa screen, na- capture niya ang puso ko, love at first sight ba tawag doon (Di siya ganun kagwapo pero ang dating ay umaapaw).
A subdued review of the same movie by eam.
Just watched it yesterday and I thought TJ Trinidad was good. With the ending scene plus “Indak” playing, it was heartbreaking. And I just remembered that Armi Millare also has a very good song called “Delubyo” in Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.
September 27th, 2013 at 08:35
Hi Jessica, a good friend of mine gave me his permission to share his review of Ang Kwento ni Mabuti. His name is Cree Cera.
On exactly the second shot, the audience erupted in applause as NORA AUNOR, at her physical worst I’ve seen her but which makes her utterly believable in her role, appears on the screen. She is Mabuti in Mes de Guzman’s “ANG KWENTO NI MABUTI.” I was in Lucky Chinatown Mall. As in Divisoria. As in Nora Aunor country. The mall was a pleasant surprise: there’s a UCC right in the heart of Binondo. But I digress.
The real point is that lately, very good Filipino films (outside of Cinemalaya) have put me on a chasing spree: OJT by Erik Matti – Gateway, first time; SONATA by Peque Gallaga and Lore Reyes with the perfectly cast Cherie Gil as a fallen Opera diva who lost her voice – Megamall, haven’t watched there in ages.
Mabuti is not as good as those two. It is slow and lingering. And the real conflict which happens one hour into the story, falls short of being compelling. Except for a scene that shows Nora communicating with her clear brilliant eyes as usual, you don’t really get a sense of the moral dilemma. There is really no build-up to speak of. But that is the critic-wannabe in me.
Still, it was not a waste of time and money. It was quite an experience. The audience (the theater was surprisingly packed!) consisted mostly of students who were noisy – not the kind of noise of high anticipation that accompanies highly anticipated films. Just noisy. As in loud talking. As in almost all throughout the film. As in disorienting jolog and distracting. And then there are the Noranians with their occasional “Go, Ate Guy!” and “O, si Ate Guy lang ang makakagawa nyan!” And so that is the story of Ate Guy for me. Whatever film she does, I will always make it a point to watch it. But that is the Noranian in me. (Comments by Vilmanians are also welcome)
September 27th, 2013 at 08:42
Here’s another one of Cree’s reviews, on Ang Huling Cha-cha ni Anita, again with his permission.
Ang huling pelikulang pinanood ko ay “ANG HULING CHACHA NI ANITA.”
In one particular quiet but emotionally-charged scene – when Angel Aquino (as Pilar, the object of young girl Anita’s coming of age infatuation) cries painful tears after *spoiler alert* having just performed an abortion on a teen-age girl (symbolically juxtaposed with another character’s childbirth) – I thought to myself, my faith in the Filipino film is now officially restored. This, after years of Cinemalaya, Cinema One and the rare mainstream miracles.
Here’s why. The film is a clever mix of drama and comedy, cliché and freshness, subtlety and bravery. Indie and commercial in a most affecting and entertaining way. It can be screened at the CCP or, I don’t know, Ever Gotesco and both audiences will love it! That another film, Ang Kwento ni Mabuti, is CineFilipino’s box office hit is testament to Nora Aunor’s still faithful following. Which is a good thing – a thoroughly “indie” film being seen by a larger audience.
And the acting! But then again, that shouldn’t be a surprise. These indie films have produced some of the finest, most natural non-acting acting that would shame the telenovela veterans. Terry Malvar (Anita) beat La Aunor as Best Actress. She’s too young and probably totally clueless who she beat and what an achievement it is. But she is great! She doesn’t have Aunor’s eyes but she has all the right emotional exactness and clarity. Pag nagmamaktol sya, para talaga syang batang inis na inis at di maintindihan bakit kailangan nyang gawin ang pinagagawa sa kanya! Anita, along with her two friends Carmen and Goying, are a delight to watch. Incredible! Their characters are assigned the funniest and the most “melodramatic” lines that are played for laughs for sure – almost as if mocking the telenovela, saying that kind of stuff is laughable, saying to that industry “oh grow up!”
Angel Aquino. Ethereally beautiful. Mesmerizing diosa. Her screen presence is so magnetic you want to have her skin color and hair! And when she cries, your heart breaks.
Bravo, Ang Huling Chacha ni Anita! Sana hindi ikaw ang huling pelikula sa tribu mo.
September 27th, 2013 at 09:57
ramdam ko ang nararamdaman ni swanoepel para kay engot receptionist. ang lamig ng boses.
September 27th, 2013 at 11:39
Sana Dati
Ang sakit sa puso pero ang sarap ulit ulitin. <3
September 27th, 2013 at 17:09
Kinilabutan (in a good way) naman ako ng i open ko to, feeling ko tuloy special ako.
September 27th, 2013 at 20:38
swanoepel: Nakakaloka ang estilo mo. Ano pa’ng napanood mo?
September 27th, 2013 at 21:56
We will definitely watch Sana Dati this Sunday!
Any idea if there are plans to release Ang Huling Chacha ni Anita again? It pains me that I wasn’t able to catch this.
September 27th, 2013 at 22:13
Ang ganda ganda nina Paulo Avelino at Benjamin Alves sa Sana Dati. Buti na lang may mga bagong version ni Gabby Concepcion na mas maganda pa sa mga babae. I was really rooting for Lovi’s character na magwala. Kaya lang you know, kaya nga Sana Dati ang title. Siguro ang magiging Taglish title ng Sana Dati ay Wish Ko Lang. Plangak! On a side note, kayganda namang tunay kasi ng tiyuhin ni Benjamin na si papa Piolo. Tawagin ba namang siyang buff and beautiful sa OTJ review ng The Star.
September 27th, 2013 at 22:20
Ang ganda din pala ng cinematography. Kala ko any monument ay may bannner o logo ng It’s more fun in the Philippines tuwing lalabas ng bahay si Lovi and Benjamin. Pero parang ayokong mainlove like them. Napakasakit, masaket.
September 28th, 2013 at 00:12
side comment lang sa mga commenters. bakit yung mga mainstream audience na nakapanuod ng indie ngayon ay ikunukulong sa kabadingan ang inaakalang pagkakahulugan sa indie. ano ba ang pinapanuod nila? mga cris pablo? haist!
September 28th, 2013 at 00:14
sorry vilmanians. malakas ang kutob ko. isang political decision ang pagkakapanalo ni vilma santos bilang best actress. bet ko sina lovi poe o angel aquino man lang dito sa directors showcase e.
September 28th, 2013 at 00:15
jessica, pagnacorner mo si peque. patanong kung bakit walang silang pinanalong best actor sa directors showcase. hihihihi
September 28th, 2013 at 01:45
Mabigat siya. Malinis ang pagkakagawa. Parang isinalin mula sa isang maikling kwento. Ang galing ni TJ Trinidad.
September 28th, 2013 at 06:29
swanoepel, napanood ko na rin finally kagabi. agree ako sa non-acting acting ni lovi pero yung friend ko gusto nya mas acting-acting. love naming both yung kitchen scene. super nakaka piga ng damdamin hikbi. sayang lang at wala pa yatang 10 kami sa loob ng trinoma cinema. mapapa diskusyon ka talaga tapos mo mapanood.
September 28th, 2013 at 12:05
Rebyu ng OTJ
Panalo ang pelikula!
Mahusay si Joel Torre. Napakahusay!
Swak na swak ang pagkakapili sa mamang ito para gumanap na Tatang Maghari.
Si Gerald Anderson, bagamat sobra ang gigil sa ilang eksena, pasa na rin ang arte. Si Piolo naman ay talentado pero masyado lang maganda. Dapat ginupitan man lang nang mas ordinaryo at pinabaho, pinalagkit, at pinapawis nang onte lalo sa mga barilan at yong mga eksena sa Tondo. Sa mga nagagawi sa mga looban maiintindihan ito. Nasa bungad ka pa lang sa estero, nanlalagkit ka na. Kaya nga di kami nagkakasakit doon, nagkaroon na kami ng pangalawang balat at imyun na sa lahat ng virus at bacteria sa hangin.
At wala kang masasabi sa supporting cast–mula kila Joey Marquez, Rosanna Roces, Angel Aquino, Mon Confiado–nakuha nila ang kailangang emosyon sa bawat segundong nasa screen sila. Si Vivian Velez halimbawa, na gamit lang ang kuko at cutix sa ilang frame, ay naiarte na ang dapat nyang iarteng malupit pero propesyunal na kontratista. Isa pa, sa selpon, sabi ni Vivian “Hindi pwede yan, Tatang…” Kung boss mo ito sa kompanya, at inutusan kang pagandahin pa ang palamuting pie-chart sa report mo, aba, baka nilagyan mo pa ng animation at sound!
Ang mukhang wala lang sa lugar, at mukhang isiningit lang, ay yaong babaeng syota ni Gerald na naghubad. Pero dagdag na tiket na rin siguro kapag may boobs ang pelikula.
Hindi predictable ang latag ng istorya. Hindi predictable ang ending. Kudos kay Michiko Yamamoto na sumulat din ng magagandang pelikulang Endo, Maximo Oliveros, Zombadings. Nagsisimula talaga ang ganda ng pelikula sa solidong iskrip.
Hindi rin i-ni-spoonfeed ang mga manonood. Angganda non, irespeto ang talino naman ng manonood na pinoy. Nakibakas sa budget ang Star Cinema, pero hindi sangkot sina Cathy Garcia-Molina, Laurenti Dyogi, at iba pang kulokoy ng Dos na walang ibang alam gawin kundi paulit-ulit na mga pelikulang kapos, butas-butas ang plot, na pati ang titulo ay kinatatamaran nang pag-isipan (kinukuha na lang sa kanta). Maigi na wala silang input, maski ipinaubaya nila ang kanilang mga artista. Mukhang hinayaan ang mga indie pipol na dumiskarte, kaya maigi ang kinalabasan.
Malinis at pulido na ang pagkakailaw, pagakakaispat, at pagkakakuha (cinematography). Mukhang hindi lang iisang kamera ang ginamit sa ilang eksena. Ginastusan s’ya sa mga dapat pagkagastusang mga tagpo.
Ang disenyo ng produksyon ay dinaig pa ang Bourne ni Renner at Gilroy na Hollywood Movie, na mas malaki ang badyet, subalit di naman sinamantalang gamitin ang ganda/pangit at tigas (‘grit’) ng Kamaynilaan. Samantalang si Matti sinimulan ang pelikula sa pista ng San Juan (basaan ng tubig) sa makulay na Quiapo, dinaanan ang dilim ng mga eskinita sa Tondo, ang interyor ng mga bahay sa pinagtagpi-tagi sa mga estero at looban, at buong tapang ding ginamit ang munisipyo ng Maynila (akalain mong di pa pala tuluyang limot ang Arroceros). Pati ang istasyon ng LRT sa Doroteo Jose at Carriedo (at ang tunog ng pagsasara ng pintuan ng tren) ay ekpertong nagamit sa mga nakakakabang eksena. Naalala ko tuloy ang adbentyurs ko noon sa pagpasok sa isang hayskul, at buhay-buhay sa Sta Cruz.
Ang galaw ng kamera ay dinamiko. Bagamat kitang-kitang kopya ang sisteng ito mula kina PT Anderson, Brian de Palma, at Wes Anderson, iba pa rin ang dating dahil sa loob ng munti, sa dilim ng Escolta, sa malibag na Hospital ng Maynila ang background.
Suportahan natin ang OTJ, mga bok, para naman mamuhunan na rin ang ABS at GMA7 sa mga ganitong klaseng pelikula na pwede na ieksport sa ibang bansa. Hindi simpleng aksyon, kakaiba, solido, hindi boring. Kayang-kaya naman pala natin gumawa ng ganito maski patay na sila Brocka at Bernal.
Ganito ang produkto, Dos at Siyete. Ito ang produktong magpapakita ng husay natin, makakakontribyut pa kayo sa GDP ng Pinas pag nagkataong iimport ito sa ibang bansa.
Manood ng OTJ! Ngayon na, bok!
September 29th, 2013 at 23:03
cjspotless: We’ve heard that Huling Chacha and the other Cinefilipino entries will be screened at UP.
September 30th, 2013 at 11:45
Sana Dati:
I loved its combination of realness and unpredictability, made all the more effective by the restraint both in the actors’ performances and in the story itself. Even the one fairytale aspect of it – true love in the form of Robert – was more than fine (even to 3 girls na medyo bitter-bitteran pa sa pag-ibig sa lagay na yan).
There’s an after-effect that leaves the viewer feeling wistful, hopeful, with scenes replaying in her head unbidden.
(Crush ko si Dennis, kami na lang :D)
September 30th, 2013 at 14:34
Kakapanood ko lang nung Friday matapos kong hilahin ang mga katrabaho ko sa Greenbelt. Di nila alam papanoorin nila, akala nila horror. Kaya inakala nila hanggang sa gitnang bahagi ng pelikula na nakakatakot ang pelikula. Habang sila naghihintay ng katatakutan, ako naghihintay sa pagsabog ng storya.
Ang dami daming metaphors at symbolisms (ano bang Tagalog nun?) sa pelikula pero hindi siya in-your-face-naghugas-ng-kamay-at-may-lumipad-na-pulang-lobo symbols. Tahing tahi ang mga ito sa storya. Ang galing. Ang galing galing.
Ang pagganap din ng mga aktor ay walang ka-effort effort. Malinis, magaling, pinagaralan. Kahit ang cinematography, t*ngin*, ang ganda. Pinaka nagustuhan namin ay wala siyang bahid ng indie-movie-ako-kaya-madilim-at-magalaw-ang-shots. Parang gusto ko puntahan ang mga lokasyon. Kahit yung kusina.
May tanong lang ako dahil di ko masyado maintindihan. Bakit sa isang function room ng isang boutique hotel ang kasal? Isa rin ba itong metaphor? Kung ganon, ano ito?
At ang storya. Kahit na ilang beses siya tumalon talon ng panahon, hindi magulo. At hindi siya nagtangkang maging magulo – hindi pretentious ang estilo.
Pero eto na sa ending. PERFECT. Ang tanong sa manonood sa huli, ang ending shot, ang unang “I love you,” ang setting sa sementeryo, ang sapatos, at ang pinakanagtahi sa lahat – ang musika ng Up Dharma Down na Indak (na super favorite ko).
Pero yung inaantay kong pagsabog ng storya, wala pa rin. Napaisip ako matapos namin lumabas ng sinehan – asan yung magandang pagsabog dun? At nagkaroon din kami ng diskusyon sa labas habang nagyoyosi.
Hanggang sa nakauwi na ko. Dun ko lang nakita ang pagsabog. Ang daming tanong, ang daming realisasyon tungkol sa mga karakter nila at sa storya na pinakita. Tatlong salita: Subtle. Elegant. Beautiful.
PS: PANOORIN NIYO. HUWAG SAYANGIN ANG COMMERCIAL RUN.
September 30th, 2013 at 23:01
Natuwa ako sa rebyu ni swanoepel. Tunay na tunay. :-) Ramdam na ramdam kooooo..
September 30th, 2013 at 23:05
Ito naman ang rebyu ko sa OTJ:
Joel Torre, mahal kita. Mwamwah.
October 1st, 2013 at 04:17
Iba atake ng pelikula na ‘to. Hindi sya katulad ng OTJ na malaking pasabog sa mukha mo yung twist. Ito yung pelikula mo na habang nanood ka ang bigat na ng pakiramdam mo. Nakakaramdam ka na ng kurot, ng sakit, hanggang sa matapos yung storya. At habang tumatagal kahit tapos na, nakalabas ka na ng sinehan, unti-unti pa rin syang gumagapang papalapit sa dibdib mo, habang naiisip mo yung mga nangyari.
Ang galing ni Lovi Poe dito, wala akong masabi. Sya ang nagdala ng pelikula. Tignan mo lang sya, mararamdaman mo na sya eh, malulungkot ka rin. Maski si TJ Trinidad. Yung titig nya kay Lovi nung bago magsimula ang kasal, tagos hanggang buto yun.
Kailangan ko ng beer. Nalulungkot na naman ako.