Mga bisita
Â
Ako ay nagkukubli dahil kakausapin na naman ako ng mga dayuhan at bagama’t sila’y marunong naman at madalas purihin ang aking bansa’y hindi ko nais marinig kung ano sa palagay nila ang dapat gawin ng mga Pilipino. Akala nila’y nauunawaan nila ang Pilipinas dahil ilang taon na silang namamalagi rito, nguni’t dahil nga sila’y bisita ang nakikita lamang nila ay ang kagandahan na para sa mga turista. Hindi ako nagpunta rito para ipaliwanag ang kasaysayan ng Pilipinas. Sa lahat ng ayaw ko ay yaong mga dayuhan na nais tayong sagipin mula sa ating mga sarili. Kung may sasagip sa atin ay walang iba kundi tayong mga Pilipino. At tuwing makakita sila ng magandang bagay o tanawin, o makatikim ng masarap na pagkain, tatlong oras nila itong pag-uusapan sa kanilang malalakas na boses. Ano ba sa Tagalog ang “patronize”? Lingid sa kanilang kaalama’y ito ang ginagawa nila.Â
O baka nagkataon lamang na madaldal sila at masyadong mahilig sa tunog ng kanilang sariling tinig. Kakagatin ko na lamang ang aking dila at hindi ko sila tatanungin kung bakit tuwing ako’y nakakausap ng kanilang kababayan ako’y inaantok, o kung mayroon silang “cellar”. Magsitigil kayo, ako’y nagbabakasyon!
Magaling akong mag-Tagalog, ang hindi ko maatim ay “Taglish”.
November 2nd, 2008 at 14:55
nakakawindang itong entry na ito.
November 2nd, 2008 at 15:37
kano siguro yang mga yan.
November 2nd, 2008 at 16:26
ingles pa rin ang syntax at construction, kahit filipino ang mga salita. hehe.
November 2nd, 2008 at 20:32
hala naku.
mayroon G o o g l e translator.
pero parati naman sila ganyan.
kanina lamang, habang kami ay nagmiminandal sa kubo ng “pizza”, ang aking pamilya ang unang nag bigay ng kanilang mga kahilingan. Ngunit, may mga dumating na banyaga, hayun, nagdudumali at tumalilis tumakbo ang mga taga pag silbi ng kubo ng “pizza”. pinabayaan na kami.
November 2nd, 2008 at 21:24
at ano ang “basement” na yan? pls explain.
November 2nd, 2008 at 21:26
nahirapan ako sa entry na ito, dahil magaling ako sa Taglish, pero mahina ako sa former.
November 2nd, 2008 at 22:53
Mabuhay ang wikang Tagalog! Sa tanang buhay ko’y ako’y ngayon lamang nakabasa ng ganitong isipin sa… sa… ano ba ang Tagalog na salita ng computer?o di kaya’y ng Blog? o kaya’y “thread”? “Talento” po ba talaga ang Tagalog na katumbas ng salitang Ingles na “talent”, o ito po ba’y isang kabalintunaan lamang na bunga ng likong pagsusulat ng ating mga manunulat sa radyo at telebisyon? At ano po ang tumpak na katumbas sa Tagalog ng “call center”? O kaya’y ang madalas gamitin na “actually”? Mangyari po lamang na ipagpaumanhin ang aking malikot na pag-iisip.
November 3rd, 2008 at 05:21
Naisip ko lang kung pwede bang maging dyslexic sa Filipino pero sa Ingles normal ang pagbasa? Meron din bang nakakaexperience na nahihirapan magbasa ng mga tagalog na manuscripts pero sa Ingles mabilis yung agos ng pagbasa kahit parehong alam ang dalawang wika? Mejo OT ata yung tanong, napaisip lang ako kasi sumasang-ayon ako kay Glenskie tungkol sa syntax at construction.
November 3rd, 2008 at 10:56
Pinalitan ko ng “cellar”.
November 3rd, 2008 at 11:27
Ang “actually” ata ay “sa katunayan” o “honestly” ba yun? May mga kilala ako na tulad ng tinukoy ni occamsrazor, hirap magbasa at magsulat ng Filipino. Lalo na yung mga matatalinhagang salita. Sa tingin ko, merong kinalaman yun sa moda ng pagtuturo at sa sarili na rin nating kultura.
November 3rd, 2008 at 11:51
Napakahirap magsulat nang pormal sa Filipino. Mahirap masterin ang “ng at nang,” humanap nang synonym, iwasan magsabi nang sangkatutak na “na, lamang,” (para sa already, only, at just), manatili sa iisang tono, at bumaybay nang pandiwa para ipakita ang pangmaramihan at pang-isahan (plural at singular). Nakakawindang magpapalit-palit din sa passive at active voice; sangkatutak na ‘ay’ ang kailangang ilagay kapag active ang pinili. Nakakaburyon din ang pagsisigurado na makakabitan nang ‘mga’ ang lahat nang pangngalan at panghalip na dapat ipakita na pangmaramihan. Sa unang bungad hanggang sa hiling tuldok, kailangan ring manatili lang sa iisang pormal na boses at pagpili nang mas pormal na salita (ngunit o subalit, imbis na ‘pero’)
Ang pinoy ay hindi isang efficient na language kung tutuusin (napakarami nang syllable at babaybayin na letra–‘pupunta’ imbis na ‘go,’– kumpara sa kung ang diwa ay ipaparating na lamang sa ingles.
pero pag naisulat nang mahusay, ang daloy ng sanaysay sa pinoy ay di tatalunin ng kahit anong salin sa ingles. Parang tula na tumitipa ang bawat salita, pangungusap, at hinehele ang nagbabasa.
Isang mabilis na pag-edit (suhestyon lamang):
Ako ay nagkukubli, umiiwas kausapin na naman ng mga dayuhan dito. Bagama’t sila’y maalam (alternative: may mga ibubuga / may sinasabi) rin naman at madalas purihin ang bansa, hindi ko nais marinig kung ano sa palagay nila ang dapat gawin nating mga Pilipino. Akala ng mga taong ito ay nauunawaan na nila ang Pilipinas dahil lamang sa ilang taon nilang pamamalagi rito. Nguni’t sa totoo, sila’y mga bisita pa rin na ang nakikita ay kagandahan na para sa mga turista lamang. Ako’y hindi nagpunta rito para ipaliwanag ang kasaysayan ng Pilipinas sa kanila.
Isa pa, tuwing makakakita sila nang magandang bagay o tanawin, o makakatikim ng masarap na pagkain, tatlong oras nila itong pag-uusapan nang malalakas ang boses. Ano ba sa Tagalog ang “patronize� (ano nga ba? nakakakababang pananangkilik, mapangmataas na pamumiri?? hehehe) Lingid sa kanilang kaalama’y, ito ang kanilang ginagawa. Sa lahat nang ayaw ko, ay yaong mga dayuhan na nais tayong sagipin mula sa ating mga sarili. Kung may sasagip sa atin, walang iba yaon kundi tayong mga Pilipino rin.
O marahil nagkataon lamang na sila’y likas na madadaldal, at masyadong mahihilig sa tunog ng kanilang sariling mga tinig. Kakagatin ko na lamang ang aking dila, at iiwasan silang tanungin nang kung bakit tuwing ako’y makakausap ng kanilang mga kababayan, ako’y inaantok. O kung mayroon ba silang “cellarâ€.
Magsitigil kayo, ako’y nagbabakasyon!
Magaling akong mag-Filipino. Ang hindi ko maatim ay “Taglishâ€.
November 3rd, 2008 at 12:38
Palayasin mo! Sanamabets! Yankeys, gu-hum!
November 3rd, 2008 at 20:59
Aaarrghhh! Naiintindihan ko na! (I think.)
November 3rd, 2008 at 22:47
natawa naman ako sa post mo jessica. ;) .
November 3rd, 2008 at 22:48
nawindang ako sa tagalog mo ate! hay grabe. diko kinaya to. bonggang bonggang tagalog itech!
November 3rd, 2008 at 23:36
Sila ay mga bwisita pala.
November 4th, 2008 at 01:36
Malaking suliranin kapag sa Inggles tayo nag-iisip, pero sa Pilipino nagsasalita.
Bagama’t ako’y purong tagalog, hindi ko mapigilan kapag dumudulas na lamang bigla ang mga katagang Inggles sa aking dila.
Kadalasan ako’y napapahiya sa kausap ko kapag na uudlot ako na parang utal. And hindi nila alam ay dahil sa naghahanap ako ng angkop na kataga sa ating wika. Napapahiya ako sa sarili ( lalo na sa kausap kong kapwa Pinoy) dahil mas alam ko pa yung katagang banyaga ng kung ano man ang gusto kong tukuyin, kaysa katagang-atin.
Kapag hindi na talaga mahanap ang katagang mailap,ay dadaanin ko na sa wikang nakasanayan ng dila: ang Inggles nga.
Pero,madalas, nalalansahan ako sa aking pagka Ingglisero kahit di naman angkop sa kausap ko: kapatid, kapit-bahay, katulong, kabarkada o kalandian.
(Matinik din akong mag Pilipino katulad mo,pero kailangang mahasa sa pag-iisip sa ating wika, maging sa panag-inip.)
‘Chos lang po!
November 4th, 2008 at 07:20
Turmukoy: Akala ko madali lang ang “ng” at “nang”.
Hindi ba ang pinakamalapit na katumbas ng “ng” sa Inggles ay “of” o “for”? Halimbawa: Alas sais ng gabi. Humanap ka ng awa. Anak ng tokwa.
Ang “nang” naman, sabi ng Pilipino teacher ko sa high school, ay ginagamit para maglarawan ng paghahambing, pamamaraan o panahon.
halimbawa: Alas sais ng gabi nang umuwi ako. Para ninyo nang awa. Naging anak ka nang tokwa ang usong pagkain. (Labo yata ang huli pero isinama ko na rin para makita ang pagkakaiba sa nauna.) Sabi rin ng teacher ko, ang “nang” ay minsang parang “contraction” ng “na” at “ang”. Halimbawa: Marami na ang Pilipino sa Mars. Marami nang Pilipino sa Mars.
Sana tama ako, nang sa gayon, makatulong ako sa kaalaman ng mga mambabasa ng blog na ito ang pagkakaiba ng “ng” sa “nang”.
November 4th, 2008 at 10:14
ano itong “mayroon silang cellar”? hindi ko pa rin gets. is that supposed to be an insult to foreigners from pinoys?
November 4th, 2008 at 10:38
Ang galing-galing mo turmukoy!!! Walastik! Wala ka bang blog? Susubscribe ako.
November 4th, 2008 at 12:59
Aba, ay pasimpleng yabang ang mga dayuhang iyan. Pinupuri, ngunit may pilantik ng anghang ang kanilang mga kataga. Mabuti na lamang ay nasa bakasyon itong si Jessica; kumbaga, ang isip niya’y hindi nakakasa sa pagpatol sa mga dayuhan na nagkukunwaring hindi kalahi ni Rudyard Kipling. Ano kaya ang mangyayari kung wala sa Ilokos ang nangyaring usapan?
Turmukoy, hindi ba ang tamang ayos ng mga salitang “nakakawindang”, “makakakita”, “makakatikim” ay ganito: nakawiwindang, makakikita, at makatitikim? Nabanggit ko sapagkat kayo po ay nagmala-redaktor. Isang pagpuna po lamang na sana’y hindi ninyo masamain.
Mabuhay ang wikang Filpino! :-)
November 4th, 2008 at 14:24
Noong high school ako,upang di malito,ang turo sa akin ng tiyuhin kong dating guro ng P.I.100 at Pilipino sa U.P.ay ganito:
ang NG ay ginagamit kapag bagay ang tinutukoy
at NANG naman ay kapag ukol sa oras o panahon.
Sa madaling sabi:
ng=of
nang=when
November 5th, 2008 at 14:18
since i speak cebuano, i am compelled to write here in english to provide some of my reactions:
codeswitching, such as taglish, is perfectly a legitimate language tool. purists frown upon it, but heck, what is the purpose of communication anyway but to reach out? magsaksak sinagol man ka, if it’s effective, by all means, let language evolve.
there are however various levels of codeswitching, one of which is code mixing, such as the collegiala or cono talk, which, i agree, is jarring to the ear because it is deliberately uttered to bridge social affiliation–artificial at that, di ba dood?
as to tumorkoy’s contention that tagalog is not an efficient language, the measure of efficiency does not go by the number of syllables (ain’t that too french a concept?). french sociologist and first langauge proponent pierre bourdieu measures the efficiency of language at the amount person A retrieves information from person B over the amount person B relays information to person A.
at the end of the day, the most efficient language one speaks remains to be the first language, which in most cases, happens to be the mother tongue.
kung pwede lang magbinisaya ngari, di nag binisaya na unta ko.
may i add to manuel: nang is also an adverb. e.g., tumakbo nang matulin.
November 5th, 2008 at 17:28
conversation : Fx driver to passenger : “Bababa ba?”
passenger : ” Bababa.”
only in Pilipino mwahahaha
November 5th, 2008 at 22:34
Isang karagdagan lamang pong mungkahi sa ating mga magigiting na nagpapadala ng… ng…ideya (?) Ako mismo’y di sigurado, pero bahala na po. Palagay ko po’y marami tayong matututunang aral sa pagsasalin ng Inggles sa Tagalog kung gagamitin nating basehan ang Diglot na bersyon ng Haring Santiago na Banal na Biblia. (King James Version) dahil ang mga salitang nilalaman nito ay ibinase sa malalalim na sinaunang wikang Inggles ng mga taga Inglatera na isinulat noong panahon ng naturang hari. Di ko tiyak kung sinu-sino ang nagsalin nito sa Tagalog, pero ito’y tunay na kahanga-hanga. Dito mo mababasa ang mga katagang gaya ng “pamumusong” (blasphemy); “pakikiapid”(adultery);”verily,verily” (katotohanan,katotohanan) na siyang paboritong panimulang salita ng Panginoong Hesukristo; “Nakilala” (knew) na ang ibig sabihin ay nagkaroon ng ugnayang seksuwal sa isang tao; Marami pa pong iba kung babasahin natin mula Henesis hanggang Apokalipsis.
November 6th, 2008 at 10:18
Ang iingay nga ng mga damuhong iyan. Isang linggo lang ako sa Chicago noon ngunit gusto ko nang sumaksak ng tao sa ingay at daldal nila.
November 6th, 2008 at 15:05
hi berto. by efficient, i mean the time and effort it takes to say what you mean. even in writing, youll definitely consume more pages in filipino than in english. sharing stories verbally would also take longer in pinoy. (though jokes are generally better shared in filipino)
probably oversimplified, but would like to insist these can be valid measures of efficiency. :-)
pasensya na po at mukhang naging diktador nga ang pagkakasulat at pagpapanggap ko nang husay sa pagsusulat sa filipino sa itaas :-)
pero talagang mahirap masterin ang ng at nang. ang “nang” halimbawa ay pwede ring kombinasyon ng “na” at “ang” o “na” at “ng” (sampol: “napagpasyahan ni de quiros na magsulat na ng artikel sa Filipino.” pwedeng isulat nang (ito rin “na-ng” ito)… )
minsan, mahirap i-swak agad kung “of” ba talaga ang magiging katumbas sa daloy ng sentence, o baka “na at ng” na. hihinto ka pa talaga, mapuputol ang train of thought, para siguraduhing tama. kung hindi magagalit si prop. rio alma (na tagasulat ng ispits ni macoy… digression hehe). isang sampol lang po ito, marami pa katulad nang pag adverb (pang-abay?) na ang gamit. tama si berto.
sa huli, maraming salamat kay jessica sa pagsusulat ng blog sa pinoy. sana dalasan mo pa po pag talagang akma sa topic.
November 12th, 2008 at 18:09
sulat lang nang sulat. nakakatuwang makabasa ng pinoy sa blog ng pinakamahusay na mag-iingles sa henerasyon ko. basahin mo sina tony at rene (cubao, personal) para mahasa ka pa. o kaya mag-wildmind ka, na may rule na forget grammar, spelling, etc. :)