The Weekly LitWit Challenge returns! 6.0: The Sequence
Here are some random snapshots. Your assignment is to weave these images together into a story of 1,000 words or less. The images may appear in any order.
1. Gothicky chandelier. We spotted this at a new restaurant in Greenbelt 3 called Cerveseria. They serve tapas, paella, Iberian chicken. The interiors are dimly-lit Spanish-Gothic, with bookshelves.
2. Passengers waiting for their flight to Manila, Abu Dhabi airport, 2 am.
3. Cat’s eye glasses by Prada.
4. Well-dressed man passed out drunk on a bench in a subway station in Seoul at 8 pm.
Deadline for posting your entries in Comments: Sunday, 19 June 2011 at 11.59 pm.
The winner will receive these three books:
We want something different. We are not interested in your issues, just whip up a good story. If you have to bring in your issues, make them interesting at least.
The Weekly LitWit Challenge is brought to you by our friends at National Bookstore.
* * * * *
P.S. Dindin, I got the information! Your prize will be delivered to National Bookstore at Power Plant Mall, Rockwell on Wednesday. You can pick it up any day after that; just go to the Customer Service counter and give your full name.
As always, thanks to the efficient, very patient Customer Service staff of National at Rockwell.
June 18th, 2011 at 15:40
No takers? Really? C’mon, guys!
(I had one, but I decided against it because nababaduyan ako.)
June 18th, 2011 at 17:10
Sa wakas! Nakapagpa-book din ako ng tiket. Grabe. Naupod na ‘tong daliri ko kaka-refresh ng page.
Book ng tiket? Huh? Dagdag gastos na naman yan.
Ano ka ba. Tiket ‘to papuntang New Age World. 50% off at buy one take one pa. Best deal! Kaya mag-ready ka na!
New Age World? Parang 80’s sci-fi movie lang ah. Haha! Ano ba talagang meron dyan? San ba yan? Puro sa tabloid ko lang nababasa yang New Age World na yan. Parang di naman totoo na nag-e-exist nga yang lugar na yan.
Yan yan yan yan yan. ‘di mo kasi pinanuod yung New Age World special last week eh. Ang ganda kaya – as in. Incomparable. Breathtaking, kahit sa TV ko lang nakita. Baka pag nandun na tayo di ka na bumalik dito.
****
Nakita mo ba yung mamang nakahandusay sa underpass kahapon?
Eh lagi naman nandun yung matandang pulubi na yun.
Hindi. Yung mama na naka-coat and tie.
Ah yun? Sabi ni Agong lasinggero daw yun. Langung-lango siguro kaya nakatulog na sa underpass.
Pero ‘di naman amoy alak nung lapitan ko eh.
Nilapitan mo? Nag-usi ka na naman. Tsk
Titingnan ko sana kung anung lagay nya. Kaso biglang may dumating na men in black. Tapos –
Alien siguro yung mama. Hehehe.
Teka nga at patapusin mo muna ako. So nung dumating sila, bago ko pa ma-check yung mama, tinaboy nila ako. Ang sama pa nga ng tingin sa kin nung mga yun, parang kakainin ako ng buhay. May .W .E .D na nakalagay sa jackets nila. Alam mo ba yun?
Dot – W – dot – E – dot – D? Ngayon ko lang yata narinig ‘yun. W – E – D. Baka grupo sila ng shotgun weddings. At yung naka-coat and tie eh nakatakas sa kasal niya. Hahaha!
May kakaiba sa aura nila. Ang weird sa pakiramdam nung bigla silang dumating.
.W .E .D. Hmm…
****
Nakapag-imapake ka na ba? Tatlong tulog na lang! New Age World, here we come! Woohoo!
****
Bilis-bilisan mo naman ang kilos at male-late tayo nyan. Natawagan mo na yung taxi?
oo.
Passport mo?
Nandito na sa bag. Yung print-out ng tiket san mo nilagay?
Kasama ng passport ko dito sa bag ko. Okay na lahat? Go go go!
****
Manong sa NAIA Terminal 4.
Terminal 4? Meron ba nun?
Bago yun. Exclusive para sa mga byaheng pa-New Age World.
Ayos din. Ganun ba ka-espesyal ang lugar na yan at kelangan may sarili pang terminal?
****
Nasa Pinas pa ba tayo? Ang ganda ng airport na to ah. Pasok na tayo.
Ang daming tao! Grabe. Lahat ba pupuntang New Age World?
Eh pang-New Age World nga ang airport na to no.
Ay. Isa lang ang flight number at sked ng lahat? Superjumbo ba ang plane?
****
628.15 ang boarding gate natin? Gano ba kadami ang boarding gate dito?
O. ayun daw ang lift papuntang 628.15.
Susyal. May isang floor ba ang 628? me sariling buton dito sa lift.
Welcome to boarding area 628.15
Huwaw! Ang ganda ganda talaga dito. Panalo ang boarding area! May voice recording pa.
Bakit tayo lang ang nandito? Asan ang ibang pasahero? Yung mga crew?
Pati mga furniture ibang klase. Tingnan mo yung chandelier na yun o.
Ang weird naman ng lugar na to at lalo yang chandelier. Parang may mga matang nakatingin.
Ano ka ba? Para nga tayong nasa 5-star hotel no. Ang dami pala nung chandelier. Nakakatuwa.
Please proceed to the Great Room
Great room? O tara sa great room. Ibang klase talaga dito.
Please change your outfit. Choose from the vast selection of clothes prepared especially for you!
Ooohhh. Naka-jackpot tayo. Mura ko na nga nabili yung tiket natin, tapos ganito ang treatment. I like.
‘di ko talaga mawari ang lugar na ‘to.
Op. ‘wag ka ng mag-comment. mamili ka lang ng mga damit dyan. Ang gaganda! ‘di ko ata afford ang ganito. Kumpleto pati accessories! Puro designer brand. Bagay ba sa akin ‘tong shades na to? Louis Vuitton. Etong Dolce & Gabana? O eto try mo, Prada –
Oo na. kaya ko na suot mag-isa ‘to.
Kamukha mo na yung pusa nila aling Banang. Hahaha!
‘di ka ba nawi-weirduhan dito? Bakit kelangan pang magpalit ng pormal na damit? Bakit tayo lang ang nandito? Bakit walang –
Puro ka naman tanong eh. Nakapili ka na ba ng isusuot mo? Change outfit na tayo.
****
Pati dito sa airplane tayo lang ang pasahero. ‘di ka pa rin ba nagtataka?
Hay naku. Kung ako sa’yo, ie-enjoy ko na lang ang pagkakataong ito. Daig pa natin ang naka-business class. Eto yung New Age World Special na napanuod ko. Tingnan mo bilis!
neW agE worlD. The happiest place you can nev–
.W .E .D? parang nakita ko na ang logong ito kung saan. ‘di ko maala —
Aaaaahhhhhhh!
Mommeeeeeeeeeeehhh!
****
Anong nangyari?
Nasan tayo? Bakit napapalibutan tayo ng mga puting salamin?
Para akong lumulutang. Takot na talaga ako. Ano, saan ba kasi ang New Age World?
‘di ako makagalaw. Ayun may mga tao sa ibaba natin. TULUNGAN NYO KAMI!
TULONG!
***
Ang weird naman ng chandelier na ‘yun.
Onga eh. Parang may mga matang nakamasid.