By Noel Orosa, ECD, Campaigns & Grey
ACT 2
Sa British Embassy sa Tehran kung saan pinagdududahan ng mga opisyales ang pakay ni Gertrude.
BRITISH CONSUL: Ano’ng ginagawa mo dito?
GERTRUDE: Nagpunta ako rito para magmaganda.
BRITISH CONSUL: ‘Yun lang? ‘Yun lang talaga ang pinunta mo rito?
GERTRUDE: Oo.
BRITISH CONSUL: Hindi ako naniniwala sa ‘yo.
GERTRUDE: Maniwala ka man o hindi, ‘yun lang talaga ang pakay ko.
BRITISH CONSUL: Talaga lang, ha? Aber, kanino ka magmamaganda?
GERTRUDE: Sa buong Middle East!
BRITISH CONSUL: (pabulong sa kanyang sarili) Antipatika! Arestuhin ka sana ng lahat ng mga Druze, ng mga Arabo, ng mga Sheikh! Arestuhin ka sana nilang lahat!
(Kay Gertrude, hindi siya makapipigil) Gertrude, mahal kita!
GERTRUDE: Ano? ‘Di ba may asawa ka na? Bakit? Ay. . .Sigh. . .H’wag mo na lang akong sagutin. . .
Sa disyerto kung saan inaabangan ng mga Druze ang beauty ng kampo ni Gertrude.
MABABANG URI NG DRUZE: Gertrude, walang ganda-ganda sa desierto. Lahat pinapatay namin! Papatayin kita!
GERTRUDE: Masyado akong maganda para patayin ng isang mababang uri na katulad mo! Dalhin mo ako sa sheikh mo! Sheikh mo lang ang may karapatang pumatay sa gandang ito!
MABABANG URI NG DRUZE: Ang kulit mo ha! Sinabi nang walang ganda-ganda sa desierto, eh.
Sa bahay ng sheikh ng mga Druze.
SHEIKH: Ang ganda mo.
GERTRUDE: Sigh. . .
SHEIKH: Ang bagay sa ‘yo, variety show.
GERTRUDE: Hindi ko pinangarap mag-artista.
SHEIKH: Loka! Ang ibig kong sabihin, ang bagay sa ‘yo manuod ng variety show! ‘Yan ang gawain namin dito t’wing kami’y nababagot.
Sa bahay ng sheik ng mga Druze kung saan may variety show.
SHEIKH: Pakakawalan na kita. Ang ganda mo, eh.
GERTRUDE: Sigh. . .
Sa desierto kung saan inaabangan ang kampo ni Gertrude ng mga Arabo.
ARABO: Huli ka! At hindi ito isang hamak na pag-aresto lamang! Ipinakukulong ka ng aming sheikh!
GERTRUDE: Bakit? Sobra na ‘yan, ha! Kahit ako hindi ko naman inisip na ganuon ako kaganda para ikulong ng isang sheikh!
ARABO:Kunwari ka pa na ‘di mo alam na gano’n ka kaganda! E alam naman naming ikaw ang Reyna Ng Mga GGSS dito sa disyerto.
GERTRUDE: Ano’ng GGSS?
MGA ARABO: (Sabay-sabay) Gandang-Ganda Sa Sarili
GERTRUDE: Ah. . .Siyempre naman alam ko ‘yon. Pero ang sarap kasi umakting na kunwari hindi ko alam na maganda ako. Role model ko kasi si Tweety de Leon sa classic na Heno de Pravia TV commercial kung saan kunwari hindi n’ya alam na crush siya ng pintor kahit pagkalaki-laki ng portrait niya na pi-naint ng pintor.
Sa bahay ng sheikh kung saan nakakulong si Gertrude dahil sobra siyang ganda.
GERTRUDE: Fatima, alam kong ikaw ang nanay ng sheikh. Pero ilang araw na ang nakalipas at nakakulong pa rin ako. . .bakit?
FATIMA: Gusto kong ikaw ang maging reyna ng harem ng aking anak na sheikh.
GERTRUDE: Pero…(magsisinungaling) May asawa na ang beauty ko.
FATIMA: Umalis ka na rito.
ACT 3
Sa British Embassy kung saan papayag na si Gertrude na patulan ang Consul.
GERTRUDE: O, ayan. Bumalik na ako para sa ‘yo.
CONSUL: Ako naman ang kailangang umalis para makipaglaban sa giyerang ito.
GERTRUDE: (nagtataka) Kaya mo talagang iwanan ang gandang ito?
CONSUL: Hindi. Katunayan magpapakamatay ako sa giyera gaya ng una mong kasintahan.
GERTRUDE: Sigh…
Sa isang baile kung saan umaakting na malungkot si Gertrude upang lalong mabighani sa kanyang ang lahat ng mga nagtitipon.
OPISYAL1: Patay na si British Consul. Nagpakamatay raw sa giyera.
OPISYAL2: Bakit daw nagpakamatay?
OPISYAL1: Dahil daw sa isang babaeng GGSS.
Maririnig ni Gertrude ang lahat.
GERTRUDE: Sigh…
Sa British Embassy, kung saan pinag-iisipan ng lahat ng mga opisyales ang sagot sa isang napakahalagang tanong.
OPISYAL1: Kung maging independent na ang Iraq, napipiho kong magkakagulo duon. Marami ang gustong maging hari.
OPISYAL2: Mahirap lutasin ‘yan. Tanging isang taong GGSS lang ang makakalutas n’yan.
OPISYAL1: Isang taong Galing na Galing sa Sarili?
LAHAT: (sabay-sabay) Hindi! Gandang-Ganda Sa Sarili!
Sa isang disyerto kung saan kinakausap ni Gertrude ang dalawang Arabong may falcon.
GERTRUDE: Ang ganda ng falcon mo.
ARABO1: Pero mas maganda ka.
GERTRUDE: Magiging hari kayong dalawa.
Tatayo si Gertrude upang iwan na ang dalawa.
ARABO1: Pa’no niya nalaman na magiging hari tayo?
ARABO2: Ganda kasi niya eh.
Maririnig ito ni Gertrude at lilingon sa dalawa at mapapangiti. Ngiti ng isang babaeng hindi alam na maganda pala siya.
Tapos.
TAPOS.