Great Expectations: The Tagalog translation so far (Raw and unedited)
Chapters 3 to 5 were translated by the members of our Dickens Translation Group oberstein, chigaune, Akyat-Bahay Gangster, PinoySpag, turmukoy, girlfriday0104, goneflyingakite, cdlaclos, giancarlo, jaime, kotsengkuba, samutsari, jules.
Let’s give our other volunteers till Thursday to submit their pages. Then we can proceed with the next chapters (The new volunteers will also get their assignments). One page per week per person seems to be the practical option.
Volunteers, if you have any suggestions as to how we can make our process more efficient, leave a note in Comments.
* * * * *
The phrase “great expectations” is uttered in connection with the money Pip will receive from his benefactor. The Tagalog title should cover the fortune Pip will come into, so “Marangyang Inaasahan”?
* * * * *
Great Expectations: The Digested Read
Kabanata I
Apelyido ng tatay ko Pirrip, at bininyagan akong Philip. Nung bata, kapag pinagsama ang dalawa, hanggang Pip lang ang kayang maarok ng dila ko, kaya tinawag ko ang sarili kong Pip, at tinawag na rin akong Pip ng iba.
Kinilala kong Pirrip ang apelyido namin, dahil iyon ang nakasulat sa lapida ng tatay ko, at iyon ang sabi ng ate ko—si Gng Joe Gargery, na nakapangasawa ng panday. At palibhasa hindi ko nasilayan si nanay o tatay, ni nakakita ng anumang alaala nila (wala pang picture-picture noon), kung anu man ang iniimadyin kong sila ay walang rasong hinango ko lang sa mga lapida nila. Yaong korte ng mga letra ng sa tatay ko—nagbigay sakin ng ideya na mataba siya, kuwadraduhin ang mukha, kayumanggi ang balat, at kulot at itim ang buhok. Mula sa bilot at karakter ng nakalilok na “At Si Georgina, Asawa ni Philip,” nagkaroon ako ng konklusyong musmos na ang nanay ko ay puros pekas at parating sakitin. At galing sa limang maliliit na batong singhahaba ng isang talampakan at kalahati, na masinop na nakahilera sa gilid ng nitso, itong mga sagradong ala-ala ng limang kapatid ko—silang mga sumuko nang maaga sa pakikibaka ng buhay—utang na loob ko ang lubos na paniniwala na pinanganak lahat silang nakatihaya, nakapamulsa, at di na nakatinag sa ganitong kalagayan.
Latian ang sa amin, sa may papuntang ilog, nasa beinte milya ang layo sa dagat magmula sa pag-alagwa paikot ng ilog, Ang unang pinakamatingkad at pinakamalawak na alaala ko sa mga bagay-bagay ay resulta ng mga di malilimutang kinahapunan hanggang pa-gabi. Isang beses nang mga ganoong oras, natiyak ko na itong isang mapanglaw at ma-lipang lugar, ay ang likod-simbahan; at dito si Philip Pirrip, pumanaw na parokyano, at si Georgina, asawa ng nabanggit, ay nakalibing; at si Alexander, Bartholomew, Abraham, Tobias, at Roger, mga sanggol ng mga nabanggit, ay dito rin namatay at nailibing; at ang madilim at patag na gubat pagkalampas ng likod-simbahan, na nasasangan-daanan ng mga dike, punso, at mga bakurang may mga nagkalat na bakang naginginain, ay ang latian; at pagkalampas, sa pababang lupain, ay ang ilog; at sa ibayo pa, sa mabagsik na pugad kung saan ang hangin ay dumadaluyong, ay ang dagat, At ang maliit na bigkis ng pangangatal, na lumalaking takot sa lahat ng ito at nagsisimulang umiyak, ay si Pip.
“Wag kang sisigaw!” bulalas ng isang boses, habang papalapit ang isang lalake mula sa mga nitso sa gilid ng simbahan. “Wag kang gagalaw, demonyong bata ka, kung ayaw mong gilitan kita!”
Isang nakakatakot na lalake, abuhin ang buong kasuotan, na may isang malaking bakal na gumagapos sa isang paa. Isang lalaking walang sombrero, suot ang sirang pares ng sapatos, at tinatalian ng lumang bahasan ang ulo.
Isang lalaking babad sa tubig, balot ng putik, at iika-ika dahil sa mga batong natapakan, mga sugat dulot ng mga pingkiang bato, tusok ng lingatong at ilang matitinik na halaman; nagngangalit ang kanyang mga ngipin nang saklutin nya ako sa aking baba.
“‘Wag nyo po akong gilitan ng leeg,” pagmamakaawa ko. “Wag n’yo po gawin sa akin ‘yan.”
“Sabihin mo sa amin ang pangalan mo!” wika ng lalaki. “Bilisan mo!”
“Pip, ho.”
“Ulitin mo,” aniya, habang nakatiting sa akin. “Lakasan mo!”
“Pip. Pip, ho.”
“Saan ka nakatira,” tanong ng lalaki. “Ituro mo kung saan!”
Itinuro ko kung nasaan ang aming barrio, sa isang lapat na daan na naliligiran ng mga punong alder at pollard, isang milya mula sa simbahan.
Saglit nya muli akong tiningnan bago binuhat ng pabaligtad at itinaktak upang mahulog ang mga laman ng aking mga bulsa. Walang laman ang mga ito maliban sa isang piraso ng tinapay. Nang muling bumaligtad ang simbahan, — dahil sa sobrang bilis nya ay nakuha nyang ilipat ang aking paanan sa aking ulo, at natanaw ko ang tutok ng simbahan sa aking paanan, — nang muling bumaligtad ang simbahan, sabi ko, nakaupo na ‘ko sa sa isang mataas puntod, nanginginig habang hayok nyang kinain ang tinapay.
“Ikaw na tuta ka,” sabi nya, habang dinililaan ang kanyang mga labi, “namimintog ang mga pisngi mo.”
Batid ko ang katabaan ng mga ito, subalit maliit ako ng mga panahong iyon para sa aking edad, at hindi kalakasan.
“Tingnan ko lang kung hindi ko kainin ang mga ‘yan,” aniya habang iiling-iling nang nakakatakot, “kung hindi ako mangingimi.”
Buong loob akong nagmakaawa ko na sana’y huwag n’yang gawin iyon, hinigpitan ko ang aking pagkakahawak sa nitsong pinaglagyan n’ya sa akin; para hindi ako malaglag; at para narin pigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
“Teka muna,” sabi ng lalaki sa akin. “Nasaan ang nanay mo?’
“Ayun po!” sabi ko.
Sumugod siya pansumandali, huminto, at lumingon patalikod.
“Ayun po!” nahihiya kong inulit. “ ‘At si Georgiana.’ Siya po ang aking nanay.”
“Ah!” sabi niya habang papalapit muli sa akin. “At yung katabi ng nanay mo, yun ba ang tatay mo?”
“Opo,” sabi ko, “taga-rito rin po siya noong siya’y nabubuhay.”
“Ganoon ba,” nasambit niya habang nag-iisip. “At saan ka naman namumuhay ngayon — kung mabubuhay ka pa nga, gayong hindi pa ako nakakasiguro roon?”
“Sa kapatid ko po, si Gng. Joe Gargery, asawa po ng isang panday.”
“Panday ba kamo?” sabi niya habang minamasdan ang kanyang binti.
Pasalit-salit niyang tiningnan ako at ang kanyang binti. Pagkatapos ay lumapit siya sa puntod na aking inuupan, binuhat ako na hawak ang dalawa kong braso, at itinuwad hanggang ako’y halos mabitiwan. Tinitigan niya akong nanlilisik ang mga mata, at ako’y nama’y kaawa-awang tumitig din sa kanya.
“Ang lagay ay,” sabi niya, “babayaan ba kitang mabuhay o hindi? Alam mo ba kung ano ang kikil?”
“O-opo.”
“At alam mo ba kung ano ang tsibog?”
“Opo.”
Sa bawat tanong ay unti-unti niya akong itinuwad pa nang bahagya, na lalo ko lang ikinatakot.
“Ikuha mo ako ng isang kikil.” Bahagya pa niya akong itinuwad. “At ikuha mo ako ng tsibog.” At itinuwad pang bahagya. “At dalhin mong pareho sa akin.” Kaunti pang tuwad. “Kundi ay dudukutin ko ang puso at ang atay mo.” Tuwad pa.
Ako’y nangangatal sa takot at lulang-lula na kaya’t mahigpit ko siyang hinawakan ng dalawang kamay. “Parang awa niyo na po, pakitayo niyo na po ako, kasi’y ako po’y maduduwal na, at para mas maintindihan ko po ang sinasabi ninyo.”
Bigla niya akong palublob na inikot, na sa paningin ko ay lumukso ang simbahan sa banoglawin nito. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa aking mga braso at itinayo sa puntod, at nakakatakot na binigkas:
“Bukas nang maagang-maaga ay dadalhin mo sa akin ang kikil at ang tsibog. Dadalhin mong lahat sa akin, doon sa lumang Muog, sa dako roon.”
Gawin mo ito, at huwag mong tangkain o ipahiwatig na nakakita ka ng nilalang na tulad ko, o kahit sino pa mang tao, at ikaw ay mapapakawalan para mabuhay pa. Ika’y mabigo, sumambit ng mga bagay na patungkol sa akin, gaano man kaliit ito, at ang iyong puso at atay ay mababaltak, malilitson at makakain. Ngayon, hindi ako nag-iisa, tulad nang inaakala mo. Mayroong binata na nagtatago sa aking katauhan, at kumpara sa kanya ako ay isang Anghel. Ang binata na ito ay naririnig ang mga salita na aking sinasabi. Ang binata na ito ay may mga paraan na siya lamang ang nakakaalam, sa paghuli sa batang lalaki, at sa puso at atay nito. Walang saysay para sa isang batang lalaki na subuking ikubli ang sarili niya sa kanya. Ikandado man ng batang lalaki ang kanyang pinto, mapalagay ang loob sa kama, magtago sa ilalim ng kumot, isipin na siya ay maginhawa at ligtas, pero ang binata na ito ay tahimik na gagapang patungo sa kanya at pupunitin siya nang pabukas. Pinipigilan ko, na may kaakibat na kahirapan, na makapinsala sa iyo ang binata sa ngayon. Naaabala ako na pigilin siya at iyong lamang-loob na mapang-abot. Ngayon, anong masasabi mo?
Sinabi ko sa kanya na ikukuha ko siya ng lagari, at piraso ng makakain kung kakayanin ko, na pupunta ako sa kanya sa Battery, sa unang sulyap ng umaga.
“Kidlatin ka sana ng kamatayan ng Maylikha kapag hindi mo ito matupad!” sabi ng manong.
Ako’y sumang-ayon, at ako’y kanya nang ibinaba.
“Ngayon,” pinagpatuloy niya, “tandaan mo ang pinagdaan mo, at alalahanin mo iyong binata, at umuwi ka na!”
“Ma-magandang gabi, ginoo,” nautal kong sinabi.
“Tama na ‘yan!” sabi niya, habang tumitingin sa malamig na putik sa paligid niya. “Sana ako’y palaka na lamang! O kaya’y igat!”
Kasabay nito ay ang pag-akap ng dalawang braso niya sa nangangatog niyang katawan–niyayapos ang sarili, mistulang sinasalo ang sarili–at iika-ikang tumungo sa mababang dingding ng simbahan. Habang pinapanood ko siyang lumayo, nginangahas ang mga matitinik na halaman na nagdadaan sa luntiang bunton, siya ay tumingin sa mga inosente kong mata na tila siya ay tumatakas sa kamay ng mga sumakabilang-buhay, na tuloy-tuloy at maingat na lumalabas sa lupa na kanilang pinaglibingan, para mahugot ang kanyang bukung-bukong at hilain siya pababa at isama sa kanila.
Nang marating na niya ang mababang dingding ng simbahan, ito’y tinalon niya, tulad ng isang ginoo na may manhid at matigas na mga binti, at siya’y tumingin patalikod para hanapin ako. Noong makita ko siyang lumingon, iniharap ko ang aking mukha sa direksyon ng aming bahay, at inabuso ang pakinabang ng aking mga binti.
Lumingon ako sa kanya at nakita kong ipinagpatuloy nya muli ito, ngayon naman patungong ilog, niyayakap pa rin ang sarili ng kanyang mga braso at nagpatuloy sa paglalakad ng kanyang namamagang mga paa sa mga naglalakihang bato na nahulog sa mga burak dito at doon, sa mga daanang laging dinidiligan ng malakas na ulan, o kung saan tumataas ang tubig.
Animo’y isang mahabang itim na guhit ang burak nung ako’y tumigil nang hanapin siya; at ang ilog ay isang mahabang itim na guhit lamang, hindi malawak o masyadong maitim; at ang langit noo’y isang pulong ng mga pulang mahahabang mga guhit at malabo-labong itim na guhit na pinagsama. Nawawari ko sa dulo ng ilog ang dalawang anino’y na dapat ay nakatayong pahaba; ang isa nito ay ang tandang-ilaw na kung saang ginuguyang-toro ng mga magdadagat- parang isang bilog na lalagyanan na nakapatong sa isang makipot na haligi – isang pangit na bagay pag nilapitan mo; ang isa ay bibitayan na may kadenang nakasampay na dati ay may nakalawit na isang pirata. Dito patuloy na lumalapit na paika-ikang lalaki, na parang siya yung piratang nabuhay, at bumaba, at muling babalik para magpabigti muli. Kinalibutan ako nung naisip ko ito, at habang nakikita kong tinataas ng mga baka ang kanilang mga ulo para tignan ang lalaki, napaisip ako kung iniisip din nila ito. Naghanap ako sa paligid kung naroon pa ang masamang ginoo, at natiyak ko noon na wala na siya. Pero noo’y natakot uli ako, at kumaripas ng takbo pauwi na walang tigil.
Kabanata II
Ang kapatid kong babae, si Ginang Joe Gargery, ay mas matanda ng mahigit sa dalawampung taon kaysa sa akin, at nakapagtaguyod ng reputasyon sa kanyang sarili at sa mga kapitbahay dahil sa pagpalaki nya sa akin sa “kanyang kamay”. Noong una ay kailangan kong malaman ang ibig sabihin nun, at sa pagkakaalam ko na matapang at mabigat ang kanyang kamay, at madalas niyang ipamalas ito sa kanyang asawa at pati na rin sa akin, napagtanto ko na si Joe Gargery at ako ay naitaguyod nya sa kanyang kamay.
Hindi naman siya maganda, yung kapatid ko; at ang katangi-tanging tingin ko na ipinangkaisang dibdib niya si Joe Gargery sa kanya sa kanyang kamay. Si Joe ay masasabing katamtaman na ginoo, na may kulot na maputlang mais na buhok sa bawat pisngi ng kanyang makinis na mukha, at mga mata na hindi mawaring asul na parang naghalo sa mga puti. Isa siyang maamong, disenteng, malambing, madaling pakisamahan, kawili-wiling ginoo – parang si Hercules sa kanyang tapang, at gayundin sa kanyang kahinaan.
Ang kapatid ko, si Gng. Joe, na may itim na buhok at mga mata, ay namumukod-tangi ang pula sa kanyang balat na minsan ako’y nagtataka kung gumagamit siya ng pangkudkod ng anis kaysa sabon.
Ang Ate ay matangkad at balingkinitan, at palaging suot ang kanyang gusgusing eprong nakatali sa kanyang likod nang dalawang buhol, at may parisukat na babero sa harap na kinatutusukan naman ng mga aspili at mga karayom. Ginawa niya itong isang makapangyarihang katangian sa kanyang sarili—isang kasiraan laban kay Joe—kaya palagi niya itong suot. Bagama’t wala akong mahagilap na malinaw na paliwanag kung bakit kailangan niya itong isuot; o kung bakit, kung isinusuot man niya ito’y kinakailangang hindi niya ito hubarin sa tanang buhay niya.
Ang pandayan ni Joe ay kadikit lamang ng aming bahay, isang bahay na gawa sa kahoy na katulad ng ibang mga bahay ng mga sa aming kanayunan ng mga panahong yaon. Nang ako’y tumakbo palayo galing sa libingan, namataan kong sarado ang pandayan niya, at nakita kong nakaupo mag-isa si Joe sa kusina. Palibhasa’y kaming dalawa ni Joe ang magkasanggang-api, at magkapalagayang-loob ukol dito, pagkabukas ko ng pinto at makitang siya nga ang nasa likod at nakaupo sa sulok malapit sa tsimeneya’y may sinabi siya sa akin.
“Kanina ka pa hinahagilap ni Gng. Joe, Pip. Kanina pa siya labas-masok ng bahay kakahanap sa iyo.”
“Siya nga?”
“Oo, Pip,” ani Joe; “at ang masama pa nito’y daladala niya si Hataw.”
Pinaikot-ikot ko na lamang ang tanging butones sa aking baro, nakatunghay nang malalim sa apoy sa may tsimeneya nang aking limiin ang kaalamang aking nabatid. Si Hataw ang pamalo na ginagamit sa akin ng Ate ko na gawa sa isang matigas na bastong pinanday at kininis na sa aking murang katawan.
“Umupo na siya kanina,” turan ni Joe, “ngunit siya’y tumayo muli at kinuha si Hataw, at siya’y lumabas muli—nagwawala. Iyon ang ginawa niya,” pagpapatuloy ni Joe habang tulala at unti-unting tinutulos pabalik sa siga ang mga piraso ng baga na pumapailanlang palayo mula rito; “Nagwawala siyang lumabas, Pip.”
“Matagal na ba siyang nasa labas, Joe?” Malimit na kung ituring ko siya’y mistulang mas malaking uri lamang ng bata at parang hindi mas matanda sa akin.
“Ano…” sabi ni Joe, bahagyang sinulyapan ang aming lumang orasan, “kanina pa siyang lumayas… nagwawala… mga limang minuto na siguro ang nakakaraan, Pip. Ngunit—lagot! Nandiyan na siya! Dali! Magtago ka na sa likod ng pintuan at isaklob mo ang makapal na basahan sa iyo!”
At walang patumangga at pag-aatubili akong sumunod. Pinilit na isinalya ng Ate ang pintuan, at nang malaman niya kung sino ang nakaharang dito’y isinakatuparan na niya ang kanyang nagngangalit na hatol at pinabayaan si Hataw na isagawa ang sintensyang naaayon sa akin.
Tinapos niya ang usapan sa pag bato sa akin — Madalas ako ay nagiging isang pang mag asawang pambat– kay Joe, na galak na ako’y mapigilan ng ano mang paraan, ipinasok ako sa chimney at tahimik akong hinarangan sa pamamagitan ng kanyang malaking paa.
“Saan ka nanggaling, ikaw na maliit na unggoy?” sabi ni Gng. Joe, sabay padyak. “Sabihin mo sa akin ng diretso kung ano ang iyong pinagkaka abalahan upang ako ay mapagod sa abala, takot, at pagkabahal, Kung hindi ay…(incomplete)”
“Nasa patyo lamang ako ng simbahan,” ang sabi ko, mula sa aking upuan, umiiyak at kinakamot ang aking sarili.
“Patyo ng simbahan!” inulit ng aking ate. “Kung hindi dahil sa akin ay matagal ka nang nasa patyo ng simbahan, at nanatili doon. Sino ang nagpalaki sa iyo ng mag isa?”
“Ikaw,” and sabi ko.
“At bakit ko ginawa yan, Gusto kong malaman kung alam mo?” ang malakas na sinabi ng aking ate.
Napa nguyngoy ako, “Hindi ko po alam.”
“Di na po.” sabi ng aking ate. “Di ko na po uulitin! Alam ko yon. Masasabi ko talaga na, hindi ko na natanggal ang apron na ito simula ng ipanganak ka. Minalas na nga akong maging asawa ng panday (at siya isang Gargery) tapos nanay mo pa ako.”
Lumayag ang aking isipan mula sa tanong na iyon habang nakatingin ng bahalang bahala sa apoy. Iniisip ang takas na nasa marshes na nakatanikala ang paa, ang misteryosong binata, and kikil, ang pagkain, at ang nakakikilabot na pangako ko na gumawa ng mabigat na krimen sa pagkupkop sa lugar na iyon, sa ang aking nakita sa umuusbong sa mga nagniningas na uling.
“Hah!” ang sabi ni Misis Joe, ibinalik ang Tickler sa kanyang istasyon. “Patyo ng simbahan, talaga! Maari mo na ring sinabing patyo ng simbahan kayong dalawa.” “Ikaw ang magdadala sa akin sa patyo ng simbahan, sa isang araw na parating, at O, sarap isipin kung anong tambalan ang mangyayari sa inyo kung wala ako.”
Habang inaayos niya ang mga kagamitang pang tsaa, Sinilip ako pababa ni Joe sa ibabaw ng paa niya na parang iniisip kung paano niya itatayo kaming dalawa sa kanyang imahinasyon at sinusukat kung anong klaseng tambalan ang talagang mangyayari sa amin, sa malagim na pangyayaring pinapatungkulan. (Incomplete)
Pagdating sa pamamahagi ng tinapay con mantekilya, walang kakupas kupas yung mahusay na pamamaraan ng ate ko . Una, gamit ang kaliwang kamay ay ilalapat niya ang tinapay sa kanyang sapin sa dibdib – minsa’y may sumasamang karayom o di kaya’y perdible na siya namang naliligaw sa mga bunganga namin. Gamit ang kutsilyo ay kukuha siya ng (kaunting) mantikilya at ipapahid sa tinapay, mistulang albularyo, o di kaya’y mason na nagpapalitada at panampal niyang gagamitin ang magkabilang gilid ng kutsilyo nang buong husay ng kamay, pagkatapos ay tatapyasin at huhulmahin niya ang mantikilyang nasa ibabaw ng tinapay. Bibigyan niya ng panghuli at mabilis na hampas ang dulo ng palitada at hihiwa ng isang makapal na pirasong hahatiin niya sa dalawa; ang isa ay kay Joe at ang isa ay sa akin.
Bagama’t ako’y gutom sa kasalukuyan ay hindi ako nangahas na kainin ang aking tinapay. Nadama kong dapat ay itira ko ito para sa aking kakila-kilabot na kakila at ang mas kakila-kilabot niyang kasamang binatilyo. Alam kong masinop sa paglilinis ng bahay si Gng. Joe, kaya’t kahit hangarin ko’y wala akong ibang malilimas. Napagtanto kong itago ang kapiraso kong tinapay con mantekilya sa may laylayan ng aking pantalon.
Para makamit ang aking nakakapanlumong adhikain ay kailangang maipamalas kong pinaghirapan kong mapagtanto ang aking napagtanto, na waring pinag-isipan kong tumalon mula sa tuktok ng mataas na bahay o sumisid sa napakalalim na katubigan. At mas lalong nahirapan pa ako dahil walang kamalay-malay si Joe. Bilang kaakibat sa pagdurusa at patunay ng aming mabuting pagsasama ay nakaugalian na naming gabi-gabing paghambingin ang mga kagat namin sa aming mga tinapay. Ang kagawiang ito ay nag-uudyok sa ‘min na pag-ibayuhin pa itong kaugaliang to. Nitong gabi lang, ilang beses na akong niyaya ni Joe na damayan siya sa aming kalokohang paligsahan sa pamamagitan ng pagpapamalas ng lumiliit niyang hiwa ng tinapay ; tanging nasisilayan niya lamang sa tuwina ay ang dilaw na tasa ko ng tsaang nakapatong sa isa kong tuhod, habang sa kabila ay nakapatong ang aking tinapay. Sa wakas, lubhang isinaloob ko ang hangaring kanina ko pang pinagmumuni-munihan, at narapat kong gawin ito sa pinaka kapani-paniwalang pamamaraang angkop sa aming sitwasyon. Sinamantala kong kakatingin lang sa akin ni Joe upang ilagay ang tinapay ko sa laylayan ng aking pantalon.
Tila ay nailang si Joe at wari’y wala akong ganang kumain, kaya’t maingat ang sumunod niyang pagkagat sa kanyang tinapay na mukhang hindi rin niya ikinatuwa.
MISSING
Sinunggaban ako ng ate ko, at hinila ako sa buhok, at binigkas ang mga nakapanghihilakbot na salitang, “Halika rito nang mabigyan ng gamot.”
May kung sinong masamang tao ang nagbalik sa tubig-alkatran bilang isang mainam na gamot, at si Gng. Joe ay palagiang mayroon niyon sa kanyang platera; naniniwala siyang ang pagkabisa niyon ay katumbas ng sama ng lasa nito. Kapag pinapalad, sobrang dami ang naibibigay bilang mahusay na gamot sa akin, hanggang sa nahihiya na ako dahil nangangamoy bagong-gawang bakod ako. Noong gabing iyon, para sa aking ginawa, isang pinta ang kinailangan, na ibinuhos sa aking lalamunan, para sa aking kaginhawaan, habang iniipit ni Gng. Joe sa kanyang kilikili ang ulo ko, na parang botang iniipit ng gato. Kalahating pinta lamang ang nakuha ni Joe; ngunit ipinalunok sa kanya iyon (na nagpabalisa sa kanya, habang nakaupo siya at dahan-dahang ngumunguya at nagmumuni sa harap ng apoy ng tsimenea), “dahil tapos na siya.” Mukha nga talagang tapos na siya, kung hindi pa man siya nawawakasan.
Ang konsensiya ay nakababagabag kapag ito ay nagparatang, sa bata man o sa matanda, ngunit sa kaso ng isang totoy, kapag ang lihim na kalbaryong iyon ay sumasabay sa isa pang lihim sa loob ng isang binti ng kayang pantalon, isa itong mabigat na parusa (gaya ng napatunayan ko). Ang kaalamang pagnanakawan ko si Gng. Joe—hindi ko kailanman naisip na nanakawan ko si Joe, dahil hindi kailanman sumagi sa isipan kong ang mga gamit sa bahay ay kanya—kasabay ng pangangailangang hawakan ang aking tinapay na may mantikilya habang nakaupo, o kapag inuutusan ako sa kusina, ay muntik nang magpabuang sa akin. Dagdag pa riyan, habang lalong pinagbabaga at pinaliliyab ng hangin mula sa latian ang apoy, ay tila may narinig akong tinig mula sa labas, ang tinig ng mamang may bakal sa binti na tinakot ako upang ilihim ang nangyari sa libingan, na nagsabing hindi siya maari at hindi siya makapapayag na magutom hanggang bukas, at kailangan nang pakainin ngayon. Minsan rin ay naiisip ko, paano kung ang binatang pinilit na huwag dungisan ang kanyang kamay sa akin ay madaig ng kanyang pagkainip, o magkamali sa pagtantsa sa oras, at isiping singilin ang aking atay at puso ngayong gabi imbes na bukas! Kung mayroon mang taong kinilabutan sa labis na takot, ako na siguro iyon. Pero baka naman wala pang taong ganoon?
Bisperas ng Pasko noon, at kailangan kong haluin ang budin para sa susunod na araw gamit ang patpat na tanso, mula alas-siyete hanggang alas-otso sa orasang Olandes.
Sinubukan ko nang may bitbit sa binti (kaya’t naalala ko tuloy ang lalaking may gapos sa binti), at natanto kong sadyang mahirap palabasin ang tinapay at mantekilya sa may bukung-bukong. Masaya akong nakalayo, at inilagak ang bahaging iyon ng aking budhi sa aking kuwartong nasa kisame.
“Pakinggan mo!” sabi ko, pagkatapos kong maghalo at sandaling magpainit sa pausukan bago patulugin; “mga baril ba iyon, Joe?”
“Ah!” sambit ni Joe. “ May bagong takas na naman.”
“Anong ibig sabihin niyon, Joe?” sabi ko.
“Nakatakas. Nakatakas.” May pagmamasungit na turan ni Gng. Joe, na palaging nagpiprisintang magpaliwanag. Para syang nagpapainom ng alkitrang tubig sa pagsambit ng katagang iyon.
Habang nakatung sa kanyang sinusulsi si Gng Joe, ihinugis ko ang aking bibig na kunwa’y sasabihin kay Joe, “Ano ba ang bilanggo?” Ihinugis naman ni Joe ang kanyang bibig para ibalik ang isang masalimuot na sagot, kaya’t ang tangi kong naarok dito ay ang katagang “Pip.”
“May bilanggong nakatakas kagabi.” Malakas na sabi ni Joe, “pagkatapos magpaputok sa dapithapon. Pinaputukan sya. At ngayon tila may pinaputukan na naman.”
“Sino ang nagpapaputok?” tanong ko.
“Pesteng bata ‘to,” singit ng Ate nang nakasimangot sa akin habang nakasilip sa ginagawa niya. “Ano ba’t tanung ka nang tanong. Wag kang magtanong kung ayaw mong masabihan ng di totoo.”
Kawalang-galang iyon sa kanyang sarili, naisip ko, na ipahiwatig na dapat akong sabihan ng di totoo kung ako’y nagtatanong. Subali’t hindi naman siya magalang maliban na lamang kung may ibang tao.
Sa sandaling iyon, lalo namang pinatindi ni Joe ang aking pag-uusisa sa pagpipilit nyang ibuka nang malapad ang kanyang bibig, at ihugis ito sa katagang may hawig sa “sulk.” Kaya nga’t napaturo ako kay Gng Joe, at ihinugis ang bibig ko nang patanong na “sya?” Subali’t di man lamang iyon pinansin ni Joe, na muli namang ibinuka ang kanyang bibig at pinalabas ang pinakamariing kataga mula dito. Ganunpama’y wala akong mahinuha sa katagang iyon.
Gng Joe, sabi ko, bilang huling dulog, “nais kong malaman, kung iyong mamarapatin, kung saan nanggagaling ang putok?”
“Kaawaan ka ng Diyos, bata ka!” sigaw ng Ate, na wari’y di niya ito ibig sabihin, kundi ang kabaligtaran nito. “Galing sa Hulk!”
“Ah-h!”, sambit ko, sabay tingin kay Joe. “’Hulk!’”
Umubo si Joe nang patuya, upang tukuying “Sinabi ko na nga sa iyo.”
“At ano po ang mga ‘Hulk’?” ang sabi ko.
“Ganire talaga ang siste sa batang ito!” bulalas ng ate ko, habang itinuturo ako gamit ang kanyang karayom at sinulid, at umiiling sa akin. “Sagutin mo ang isang tanong nya, at agad-agad kang tatanungin ng isang dosena. Ang mga ‘Hulk’ ay mga bapor na pam-preso, andun pagtawid ng kasukal.” Sa aming bayan, ginagamit namin ang salitang iyon para sa kasukalan*.
“Isip ko, sinu-sino kaya ang inilalagay sa bapor pam-preso, at bakit sila nilalagay dun?” sinabi ko nang payak, habang may tagong pagkabalisa.
Sobra na iyon para kay Gng. Joe, na dagliang tumayo. “Sinasabi ko sa iyo, bata ka,” ang sabi niya, “’Di kita pinalaki sa kamay para yamutin ang buhay ng mga tao. Kung ganun nga, pula at hindi papuri yun para sa ‘kin. Nilalagay ang mga tao sa mga ‘Hulk’ dahil sila’y pumapatay, at dahil sila’y nagnanakaw, at namemeke, at gumagawa ng lahat ng uring masama; at palaging nagsisimula sila sa pagtatanong. Hala, matulog ka na!”
Kailanma’y ‘di ako pinayagang magdala ng kandila na mag-iilaw sa akin patungo sa higaan, at, habang umaakyat ako sa gitna ng dilim, at kumikibot ang aking ulo,—mula sa pagkaka-alog dito ng didal ni Gng. Joe na parang pandereta, kasabay ng kanyang mga huling pananalita,—nakadama ako ng lubhang pagkatanto sa malaking kaukulan na ariyang naghihintay ang mga ‘hulk’ para sa akin. Malinaw na ako’y patutungo doon. Nagsimula ako sa pagtatanong, at nanakawan ko na si Gng. Joe.
Mula nang oras na iyon, na matagal na ngang na ring nakalipas sa ngayon, madalas kong inisip na kaunting tao lang ang nakakaalam kung gaano ang paglilihim na nasa kabataang nasa ilalim ng pagkasindak. Gaano man ka-walang saysay ang pagkatakot, kung kaya’t ito’y pagkasindak. Noo’y nasa ilalim ako ng mortal na pagkatako sa batang mama, na naghahangad sa aking puso’t atay; nasa mortal na pagkatakot ako sa aking katagpo na may bakal na paa; nasa mortal na pagkatakot ako sa aking sarili, kung kanino’y nahugot ang isang nakasusuklam na pangako; wala na ako noong pag-asa na masasalba sa pagagamitan ng aking makapangyarihan sa lahat na ate, na nagtatanggi sa akin sa bawat pihit; nangangamba akong isipin kung ano ang maaari kong nagawa sa pangangailangan, sa ilalim ng paglilihim dulot ng aking takot.
Kung natulog man ako nang gabing iyon, iyon ay upang bulayin lamang na ako’y naaanod sa ilog, sa isang malakas na alon ng tagsibol, papunta sa mga Hulk; isang mala-multong pirata ang tumatawag sa akin gamit ang isang megapono, habang nadaraanan ko ang pook na bitayan, at nagsasabing makabubuting pumunta na ako sa pampang at nang mabitay doon kaagad, at wag na iyong ipagpaliban. Nangangamba akong matulog, bagaman nakahilig na ako, dahil alam kong sa unang pagsilip ng araw sa umaga, kinakailangan kong nakawan ang paminggalan.
Hindi ito maaaring gawin sa kadiliman ng gabi dahil walang ilaw na madaliang masisindi; ang makakamit lang na ilaw ay sa pamamagitan ng mga maingay na paraang tila ingay ng piratang kumakalog ng kanyang kadena.
Pagsilip ng liwanag sa kadiliman ng gabi, gumising ako at bumaba; bawat hagpang paroon at bawat lamat sa hagdanan ay tumatawag sa akin, “Hoy, magnanakaw!” at “Gising, Gng. Joe!” Sa paminggalan, na di karaniwang punung-puno dahil sa panahon, ako ay nagulat ng isang kunehong nakabitin sa kanyang paa na akala ko ay kumindat sa akin habang ako ay nakatalikod. Wala akong oras para makatiyak, walang oras para pumili, walang oras sa kahit ano, nawawalan na ako ng oras. Nangupit ako ng kaunting tinapay, kaunting gilid ng keso, mga kalahating garapon ng mincemeat (na itinali ko sa aking panyo kasama ng kagabing hiwa ng tinapay), kaunting brandy mula sa boteng bato (na aking isinalin sa isang boteng gawa sa basong ginagamit ko para sa sekretong pag-gawa ng ganoong pampalasing, tubig ng Espanyol liquorice, sa aking kwarto: nilalabnaw ang boteng bato mula sa lalagyan sa paminggalan ng kusina), buto na may kakaunting laman, at isang maganda at maliit na bibiluging pie ng baboy. Aalis na sana ako na wala ang pie, ngunit naudyok ako na umapak sa isang istante para makita kung ano ang pinag-ingatang itago sa isang babasaging plato sa sulok, nakita ko ang pie, kinuha ko sa pag-asang ito ay hindi balak gamitin agad, at hindi mabilisang mapapansin ang kanyang kawawalan.
May pintuan sa kusina na patungo sa pandayan; binuksan ko at kinalagan ang pintuan, at kumuha ng kikil mula sa mga kagamitan ni Joe. Matapos ay ibinalik ko ang mga kandado sa dati nilang kalagayan nang mahanap ko sila, binuksan ang pintuang pinagpasukan ko nang tumakbo ako pauwi kagabi, isinara ito, at tumakbo papunta sa maambon na pantano.
Nagyelo ang hamog nang umagang iyon at mahalumigmig. Nakita ko ang kabasaan sa labas ng aking maliit na bintana, tila may halimaw na umiyak doon buong gabi at ginamit ang bintana bilang panyo. Ngayon, nakita ko ang hamog sa mga bakod at damo, parang magaspang na bahay-gagamba; nakasabit mula sa mga sanga-sanga at sa damuhan.
Basang-basa sa hamog ang bawat bakuran at daluyan. Sa kapal ng hamog di ko halos nakita ang daliring kahoy na nakalagay sa posteng nagbibigay direksyon sa mga nilalang na gustong tunguhin ang aming nayon — direksyong hindi naman nila pinapansin dahil hindi naman sila pumupunta doon — hanggang malapit na ako sa ilalim nito. Nang tiningala ko ito, habang patuloy itong tumutulo, tila baga ayon sa aking abang konsensiya ay isa itong guni-guning nag-aalay sa akin sa bapor na naglalaman ng mga preso (Hulks).
Lalo pang kumapal ang hamog nang marating ko ang bakawan, na sa halip na takbuhan ko ang lahat ng aking madaanan ay tila baga ang mga ito ang tumatakbo patungo sa akin. Hindi ito kaaya-aya sa isang may salang pag-iisip. Ang mga daluyan at pilapil at pampang ay sumambulat sa akin sa hamog, na para bang humihiyaw ng, “Isang paslit na pumitik ng pork pie ng ibang tao! Pigilan siya!” Biglang tumambad sa akin ang mga baka, ang mga mata nila’y nakatitig sa akin at tila bumubulwak sa kanilang mga ilong, “Hoy! Magnanakaw na paslit!”. Isang maitim na kalabaw (ox?), na may suot na puting balabal — na sa kanyang tindig ay tila isang alagad ng simbahan — ay tumitig sa akin ng taimtim, at inilahad ang kanyang ulo na tila ako’y inaakusahan habang ako’y pumapaikot, at ako’y napabulalas na lamang ng, “Hindi ko na po matiis, ginoo! Hindi naman po para sa akin ang kinuha ko!” Sa gayon ibinaba niya ang kanyang ulo, suminghal ng usok mula sa kanyang ilong at naglahong sumisipa-sipa ang hulihang-binti at pumapagaspas ang buntot.
Habang ang lahat ng ito’y nangyayari, sumasapit na ako sa ilog. Subali’t gaano mang kabilis na ako’y tumahak, tila di nag-iinit ang aking mga paa, at ang lamig na dulot ng hamog ay kumakapit sa akin tulad ng bakal na nakakabit sa binti ng mamang aking kakatagpuin. Kabisado ko ang daan patungo sa Muog, diretso lang, dahil nanggaling na kami doon isang Linggo ni Joe at si Joe, habang nakaupo sa isang lumang baril, ay binanggit sa akin na kung ako’y tutulong sa kanya sa pagpapanday, madalas kaming mapapadpad doon. Kaya lang nalito ako sa kapal ng hamog na di ko namalayan na napalayo na pala ako sa dapat kong puntahan, kaya sinubukan kong tahaking muli pabalik ang daan sa tabing-ilog, sa pampang kung saan nagkalat ang mga bato sa putikan at sa mga tarak na humaharang sa alon ng tubig. Habang tinatahak ko ito ng buong giting, tinawid ko ang isang bambang na alam kong malapit na sa Muog, at inakyat ko ang munting burol pagkalagpas ng bambang, nang makita ko ang nakaupong mama. Nakatalikod siya sa akin, tiklop ang mga bisig at tumutungo-tungo at mahimbing na natutulog.
Kabanata III
Naisip ko na mas matutuwa siya kung siya’y aking gugulatin na dala ang kanyang almusal, kaya’t dahan-dahan ko siyang nilapitan at hinawakan sa isang balikat. Bigla siyang napatayo, at nakita kong hindi siya iyon, kundi ibang mama!
Nguni’t ang mamang ito’y nakasuot din ng magaspang na damit na kulay abo, mayroon ding malaking bakal sa kanyang binti, pilay, minamalat, at giniginaw, at walang kinaiba doon sa isang Mama, maliban sa kanyang mukha, at sa suot niyang patag na sombrerong pyeltro na may malapad na paldiyas. Lahat ng ito’y nakita kong panandalian lamang, dahil sandali lamang ang nagdaan ay minura niya ako at tinangkang suntukin – mahina ang kanyang dagok, hindi niya ako tinamaan, at muntik pa siyang natumba sa pagsuntok, at tuluyan siyang naparapa – at tumakbo papasok sa hamog, at nadapa pa ng dalawang ulit, at nawala na sa paningin ko.
“Ang binata!” naisip ko, at napalukso ang puso ko nang siya’y aking natukoy. Dapat nga sana ay sumakit din ang atay ko, kung alam ko lang kung nasaan iyon.
Ilang sandali pa ay nasa Muog na ako, at naroon ang Mama – hinahagkan ang kanyang sarili at papilay-pilay na pumaparoo’t-parito, na para bang magdamag na niyang ginagawa iyon – na hinihintay ako. Walang duda na siya’y lubhang giniginaw. Akala ko’y matutumba na lang siya sa aking harapan at tuluyan nang mamamatay sa ginaw. Sa kanyang mga mata’y nakita kong siya’y lubhang nagugutom na rin, kung kaya’t nang iniabot ko sa kanya ang kikil at inilapag niya iyon sa damuhan, ay inakala kong susubukan niyang nguyain iyon, kung hindi niya nakita ang supot na dala ko. Hindi niya ako itinuwad sa pagkakataong ito upang makuha ang aking mga dala-dala; iniwanan niya akong nakatayo habang binuksan ko ang supot at inilabas ang laman ng aking mga bulsa.
“Ano ang nasa bote?” sabi niya.
“Brandy po,” sabi ko.
Sinubo niya ang pikadilyo sa kakatwang paraan – na para bagang ito’y madalian at marahas na isinisilid sa isang taguan, sa halip na ito’y kinakain lamang – subali’t sumandali siyang tumigil para lumagok ng alak. Patuloy ang kanyang pangangaligkig sa ginaw, kung kaya’t halos matanggal ang leeg ng bote habang ito’y kanyang nilalagukan.
“Para po yatang kayo’y nama-malarya,” sabi ko.
“Sa palagay mo lang iyon,” sabi niya.
“Masama po ang kalagayan sa lugar na ito,” sabi ko sa kanya. “Nahihiga po kayo sa damuhan, at pinamumugaran po iyon ng malarya. Rarayumahin din po kayo.”
“Kahit na ako’y mamamatay na ay kakain muna ako,” sabi niya. “Kahit na ako’y bibitayin na sa banda roon pagkatapos na pagkatapos. Malalagpasan ko rin itong panginginig sa ginaw, pustahan tayo.”
Nilamon niya ang pikadilyo, karneng may buto, tinapay, keso, at torta na sabay-sabay: walang pagtitiwalang nakatitig sa hamog na bumabalot sa amin, at madalas na humihinto – tumitigil pati sa pagnguya – upang makinig. Ang anumang ingay, tunay man o guni-guni, agos ng tubig sa ilog kaya, o hininga ng hayop sa lati, ay ikinagigitla niya, at bigla niyang sinabi –
“Hindi mo ba ako nililinlang? Wala ka bang kasama?”
“Hindi po, hindi!”
“Wala ka bang mga kasunod?”
“Wala po!”
“Sige,” sabi niya, “Naniniwala ako. Napakatapang mo nga kung sa murang gulang mo na iyan ay tutulong ka pa sa pagtugis ng isang kaawa-awang ipis na tulad ko na pinagtugisan na nga hanggang halos mamatay!”
May lumagitik sa kanyang lalamunan na animo’y orasan na tutunog. At ipinahid niya ang kanyang gula-gulanit na manggas sa kanyang mga mata.
Sa awa sa kanyang kapanglawan, at habang pinanonood siyang balikan ang pagkain ng torta, nangahas akong bigkasin, “Mabuti po at nagustuhan ninyo.”
“May sinasabi ka ba?”
“Sabi ko po, mabuti naman at nagustuhan ninyo.”
“Salamat, anak. Oo.”
Madalas ko ring napagmasdan ang aming malaking aso habang kumakain, at napansin ko na may hawig ang paraan ng pagkain ng aso, at ng taong ito. Malakas at biglaan ang pagkagat niya, kagaya ng sa aso. Nilulunok, o sinasakmal, niya ang bawa’t subo, na masyadong maaga at mabilis; at siya’y patingin-tingin sa paligid habang kumakain, na parang sa isip niya ay may panganib na paparating mula sa lahat ng dako at may biglang susunggab sa kanyang kinakain. Siya’y hindi mapakali at sa pakiwari ko ay hindi niya lubusang ikinalulugod ang kanyang pagkain, ni ang pagkakaroon ng kasalo na hindi niya makakagat din iyon. Sa lahat ng mga bagay na ito ay hindi siya naiba sa aso.
“Baka po wala na kayong maitira para sa kanya,” nahihiya kong nasabi pagkatapos ng mahabang panahon na aking pinag-isipan kung ito’y hindi naman lubhang pambabastos.
“Wala akong tinira niyan sa pinagkunan ko.” Napilit akong iphahiwatig ito dahil sa katotohanan na tiyak.
“Tirhan ko siya? Sino siya?” sabi ng ating kaibigan na tumigil sa langutngot ng balat ng pastel.
“Yung binata. Yung ibinanggit mo. Na nagtatago kasama mo.”
“Oh ah!” sagot niya, na may kasamang magaralgal na tawa. “Siya? Oo, oo! Ayaw niya ng tsibog.”
“Nung nakita ko po, mukhang gusto po niya,” sabi ko.
Tumigil ang lalaki sa pagkain, at tiningnan ako na may halong pag-iingat at pagkagulat. “Nakita? Kailan?”
“Ngayon lang po.”
“Saan?”
“Doon po,” sabi ko habang nakaturo; “Banda doon, kung saan nakita ko po siyang nag-iidlip, at akala ko po ay kayo.”
Hinawakan niya ang kuwelyo ko at minasdan niya ako nang mabuti, na akala ko ay ang kanyang unang tangka na gilitan ang leeg ko ay bumalik.
“Magkahawig po ang suot niyo, ngunit may sumbrero,” ipinaliwanag ko, habang nanginginig; “at—at”—ako ay nababalisa sa pag-ingat sa sasabihin ko—”at may—kaparehong rason kung bakit kailangang humiram ng kikil. Hindi niyo po ba narinig ang kanyon kagabi?”
“May pagpaputok!” sabi niya sa sarili niya.
“Bakit hindi po kayo sigurado,” isinagot ko, “narinig po namin sa bahay, at mas malayo po iyon at nakasara po ang aming mga pinto at bintana.”
“Aba, kita mo!” sabi niya. “Kapag nag-iisa ka sa lugar na ganito, na nahihilo sa gutom, sa nakamamatay na lamig at paghahangad, wala kang naririnig buong gabi, ngunit mga namumutok na baril at nagtatawag na mga boses. Rinig? Nakikita niya ang mga sundalo, suot ang kanilang pulang damit na naiilawan ng mga sulo, habang pinapaligiran siya. Itinatawag ang numero niya, naririnig ang paghamon sa kaniya, naririnig ang lagitik ng mga baril, naririnig ang mga utos ‘Humanda kayo! Harap! Sundan niyo lang siya!’ at nang hawakan—wala! Aba, kung may nakita akong isang humahabol sa akin kagabi, nakahelera ang mga buwisit habang pumapadyak-padyak—nakakakita ako ng isang daan. At ang paputok! Aba, nakikita ko ang pagyanig ng yagim sa bawat putok ng kanyon na tila’y kalagitnaan ng tanghali,—Nguni itong lalaki”; sinabi niya ito na parang nalimutan niyang naroon ako; “may napansin ka ba sa kanya?”
“Nalamog ng mga pasa ang mukya niya,” sabi ko, naalala ang halos hindi ko alam.
“Hindi dito?” ibinulalas ng lalaki, at walang-awang isinampal ang kanyang kaliwang pisngi.
“Opo, diyan!”
“Nasaan siya?” Isiniksik niya ang natitirang pagkain sa kanyang bulsa. “Ipakita mo sa akin kung saan siya pumunta. Hihilain ko siya na parang aso. Lecheng bakal ito sa binti ko! Pakiabot mo nga iyang kikil, bata.”
Itinuro ko kung saang direksyon sa dagim ang nagtago sa lalaking iyon, at sandali siyang tumingin siya paroon. Ngunit nakaupo siya sa mabaho at basang damo, kumakatkat sa bakal na parang baliw, at hindi pinapansin ako o ang kanyang binti na may lumang duguang gasgas na hindi niya pinansin dahil tila hindi niya nararamdaman ang tama ng kikil. Muli akong natatakot sa kanya, ngayon na galit siyang nagmamadali, at ako ay takot rin dahil tumatagal ang aking pag-uwi. Sinabi ko sa kanya na kailangan kong umuwi, ngunit hindi niya ako pinansin, kaya akala ko ang dapat kong gawin ay kumawala. Ang huling nakita ko sa kanya ay nakatungo ang kanyang ulo sa kanyang tuhod at sinisikaping alisin ang bakal na nakagapos sa binti niya, habang inuungulan ng pagmumura. Ang huling narinig ko sa kanya, nang tumigil ako sa dagim para marinig, ginagamit pa rin ang kikil.
Kabanata IV
Inaasahan kong makakita ng Konstabularyo sa kusina, naghihintay para kunin ako. Ngunit walang Konstabularyo doon, at wala pang nadidiskubre sa pagnanakaw. May ginagawa si Gng. Joe sa paghahanda ng bahay para sa mga pagdiriwan ng araw, at si Joe ay napunta sa may sukdulan ng kusina para mailayo siya sa alikabok—isang bagay na ang kapalaran niya’y maya’t mayang laging napupunta sa kaniya, habang ang aking kapatid ay masusing naglilinis ng sahig ng kanyang bahay.
“At saan ka napadpad, ha?” ang Pamaskong pagpugay ni Gng. Joe, nang nagpakita ako at ang aking budhi.
Sinabi kong nakiparinig ako ng masasayang awiting Pamasko. “Ah! Aba!” siniyasat ni Gng. Joe. “Maaaring mas malala ang nagawa mo.” Walang pangamba niyan, isip ko.
“Kung hindi sana ako naging maybahay ng isang panday, at (anumang kauri nito) isang alipin na hindi mahiwalay sa kanyang delantal, dapat sana nakaalis ako para makinig ng mga Pamaskong awit,” ani Gng. Joe. “Bagkus pihikan ako sa mga Pamaskong awit kaya hindi ako gaanong nakakapakinig ng mga ganyan.”
Si Joe, na sumunod sa akin sa kusina matapos naming mailigpit ang pandakot, ay painosenteng ipinahid ang likod ng kanyang kamay sa kanyang ilong nang bigla syang nabalingan ng tingin ni Gng. Joe, at, matapos mapukaw ang kanyang tingin, pasikretong pinag-kurus ang kanyang dalawang hintuturo, at ipinakita sa akin, tulad ng nakagawian naming senyales ng pabago-bagong timpla ni Gng. Joe. Halos ganito lagi ang kanyang timpla, na kadalasan ako at si Joe, sa loob ng ilang magkakasunod na linggo, ay, ang aming mga daliri, pawang sa mga paa ng mandirigma ng krusada.
Pagsasaluhan sana namin ang isang masarap na hapunan, na may binurong karne ng baboy at ilang gulay, at isang pares ng malalaking relyenong ibon. Isang masarap na pie** ang nailuto kahapon ng umaga (na dahilan kung bakit hindi naaalala ang picadillo), at ang puding ay kasalukuyan nang pinakukuluan. Sa mga ganitong magagarbong paghahanda hindi kami masyadong napagtutuonan ng pansin sa agahan; “dahil hindi ako,” ani Gng. Joe, -“wala akong pagkakataong magkaroon ng mga pormal na pagmamadali at paghuhugas dahil sa dami ng mga gawaing naghihintay sa akin, sinasabi ko sa’yo!”
Kaya, naihain ang parte naming sa torta, na tila ba may dalawang libong batalyon sa isang pwersahang martsa sa halip na isang mama at isang batang lalake lamang sa bahay; kaya uminom kami ng ilang lagok ng gatas at tubig, nang may nagpapaumanhing pagmumukha, mula sa isang tapayan sa tukador. Samantala, si Gng. Joe ay nagsasabit ng mga malilinis na puting kurtina, at naglatag ng bagong bulalaklaking dikin sa kahabaan ng tsimineya upang palitan ang mga dati nang naroon, at binuksan ang isang maliit na silid tanggapan sa tapat ng daanan, na hindi nabubuksan sa ibang mga pagkakataon, na dinaanan na ng buong taon sa nababalutan lang ng malamlam na pinilakang papel, na umaabot sa apat na tapayan sa tukador ng tsimineya, bawat isa ay may itim na tungko, na lalong nagpapaalala kung gaagong hindi katanggap-tanggap ang kanyang pagiging malinis gaya kung paanong hindi kaaya-aya ang mismong alikabok. Ang kalinisan ay pangalawa sa pagka-maka-diyos, na ginagawa ng ilang tao tulad ng sa kanilang relihiyon.
Ang Ate ko, sa dami ng mga kailangang gawin, ay tutungo sa simbahan sa katauhan ng ibang tao, ibig sabihin, si Joe at ako ang aalis. Sa kanyang pangtrabahong kasuotan, si Joe ay isang maayos at may-karakter na panday; sa kanyang pamaskong kasuotan, ay mas mukhang panakot-uwak sa pagkakataong ito, kaysa anumang bagay. Wala kahit alin man sa suot nya ang kasya sa kanya o mukhang sa kanya; at wala alin man sa suot nya ang wasto sa kanya. Lumabas sya mula sa kanyang silid sa kasalukuyang masayang okasyon, habang ang mga masasayang kampana ay tumutugtog, na larawan ng kalungkutan, sa isang buong Linggo ng penitensya. Para sa akin, palagay ko ang tingin sa akin ng Ate ko ay isang maysala na dinakip ng isang Komadronong Pulis (sa aking kaarawan) na dinala sa kanya, upang patungan ng karampatang kaparusahan sa kalapastangan sa batas. Lagi akong tinatrato na para bang ipinilit kong ako ay ipanganak nang hindi naaayon sa panahon, relihiyon, at moralidad, at salungat sa mga mapag-udyok na argumento ng mga matalik kong kaibigan. At kahit kung bibihisan ako ng mga bagong kasuotan, ang mananahi naman at tila inutusan gawin ito na parang sa isang koreksyunal, at para hindi ako bigyan ng pagkakataong maigalaw ang aking mga braso.
Si Joe at ako ay tutungo sa simbahan, samakatuwid, magiging mga kaaba-abang tanawin sa mga maawaing isipan. Subalit, walang halaga ang dinaranas kong pisikal na paghihirap kumpara sa paghihirap ng aking kalooban. Ang mga takot na dumarating sa akin sa tuwing lalapit si Gng. Joe sa loob ng kusina, sa labas ng silid, ay katumbas lang ng ngitngit na lumalagi sa aking isipan sa mga bagay na nagawa ng aking mga kamay. Sa bigat ng aking masamang lihim, inisip ko kung sapat ba ang kapangyarihan ng Simbahan upang salagan ako mula sa pahihiganti ng isang masamang lalake, kung ibubunyag ko an gaming napagusapan. Naisip ko na sa oras na mailabas ang mga anunsiyo at sabihin ng seserdote, “Sasabihin nyo na ngayon!” ay ang tamang oras upang ako ay tumayo at humingi ng pribadong pag-uusap sa sakristiya. Malayo ako sa kasiguraduhan na hindi ko gigimbalin ang aming munting katipunan sa ganitong mabigat na hakbangin, kundi dahil sa araw ‘yon ng Kapaskuhan at hindi Linggo.
Si G. Wopsle, ang kalihim ng simbahan, ay makikisalo sa amin ng hapunan; at si G. Hubble na gumagawa ng mga gulong at si Gng. Hubble; si Tito Pumblecook (tiyuhin ni Joe, subalit itinakda ni Gng. Joe), na isang mahusay na mangangalakal ng mga kandilabra sa kalapit na bayat, na dumating sakay ng sarili nyang karwahe. Ang hapunan ay sa ganap na ala una y media. Nang dumating kami ni Joe sa bahay, nadatnan namin na nakaayos na ang lamesa, at si Gng. Joe ay nakabihis, at ang gayak ng hapunan, at bukas na ang tarangkahan ng pinto (hindi nangyayari ito sa ibang mga oras) para sa mga papasok, at lahat ay napakaganda. Pero wala paring anumang balita tungkol sa naganap na nakawan.
Dumating ang takdang oras, na hindi man lang nagpaluwag sa aking kalooban, at nagdatingan ang mga bisita.
Si G. Wopsle, na kaakibat ang Romanong ilong at malapad, nangingintab at kalbong noo, ay mayroong malalim na boses na di pangkaraniwan niyang ipinagmamalaki; tunay nga na batid na sa kanyang mga kakilala na kung maitatala mo lamang sa kanyang ulo, mauudyok na nya ang saserdote; siya mismo ay nangumpisal na kung ang simbahan ay “bukas”, ibig sabihin kung ito ay kanyang maibubulatlat sa tunggalian, hindi siya mag-aaksaya ng panahon na magkaroon ng marka dito. Ang simbahan bilang hindi “bukas”, siya ay, tulad nang sinabi ko ay, ay isang kawani. Ngunit binatikos niya nang labis ang simbahan; at nang kanyang basahin ang awit papuri — laging binabasa ang buong berso — una tumingin siya sa buong paligid ng pagtitipon, para bang gustong sabihin, “Kayong lahat ay narinig na ang ating kaibigan sa ere; ako’y paunlakan ninyo ng inyong wari sa istilo na ito!”
Ibinukas ko ang pinto sa mga bisita — sa paniniwalang nakasanayan na namin ibukas ang pinto na iyon — at una ko itong ibinukas kay G. Wopsle, sunod kina G. at Gng. Hubble, at huli sa lahat ay kay Tiyo Pumblechook. Paalala lamang hindi ko siya pwedeng tawagin na tiyo, sa ilalim ng pinakamahigpit na kaparusahan.
“Gng. Joe,” sabi ni Tiyo Pumblechook; isang malaki, malalim huminga at mabagal ng mama na nasa kalagitnaan ang edad, na mayroong bibig na tulad ng sa isda, bahagyang mapantitig na mga mata at nakatayong mga buhok na kulay abo sa kanyang ulo, na tuloy nagmukha siyang sinakal, at humantong na sa sandaling iyon; “Dinalhan kita ng nababagay sa panahon — dinalhan kita, Mam, ng botelya ng agwardyente — dinalhan kita, Mam, ng botelya ng agwardyente.”
Tuwing Pasko itinatanghal niya ang kanyang sarili, bilang isang taos na personalidad, at dala-dala ang dalawang botelya na parang mga dambel. Tuwing araw ng Pasko, ang sagot ni Gng. Joe, tulad ng sagot niya ngayon, “Hay, Ti-yo Pum-ble-chook! Ang bait nito!” Tuwing araw ng Pasko, ang sagot naman ni Tiyo Pumblechook, tulad ng sagot niya ngayon, “Ito ay hindi higit sa nararapat para sa iyo. At ngayon ikaw ba ay nagagalak, at kamusta ang Sixpennorth ng halfpence?”
Kami ay kumain sa mga salu-salo na ganito sa kusina, at nagpahinga, para sa mani, kahel at mansanas, sa may sala; na isang pagkakaiba tulad kung paano palitan ni Joe ang kanyang pang-trabahong kasuotan sa Linggong pang-kasuotan. Ang aking ate ay di pangkaraniwang masigla sa kasalukayan bangkete, at tunay nga ang pangkahalatan niyang pagkagiliw sa piling ni Gng. Hubble kumpara sa piling ng iba. Naaalala ko si Gng. Hubble bilang maliit, kulot-kulot at matalas na nilalang sa kulay asul tulad ng sa kalangitan, na may katanggap-tanggap na kilawa na katayuan, dahil pinakasalan niya si G. Hubble — hindi ko alam kung kailan — noong siya ay mas bata pa sa kanya. Naaalala ko si G. Hubble na isang matikas, mataas ang mga balikat at kubaing matandang lalaki, na may pagka-amoy lupa ang amoy, at ang kanyang mga binti ay naka-bukaka: na sa mga araw ng aking pagkapandak madalas kong nakikita ang kahabaan ng bayan sa pagitan ng mga ito tuwing nasasalubong ko siya sa daan.
Sa mainam na pangkat na ito, dapat ay pinakiramdaman ko aking sarili, kahit na hindi ko ninakawan ang paminggalan, sa maling katayuan. Hindi dahil ako ay nakasalpak sa mahirap na anggulo ng mantel ng lamesa, bilang ito ay nasa aking dibdib, at ang kilalang siko na Pumblechook ay nasa aking mga mata, o di kaya’y di ako pwedeng magsalita (ayokong magsalita), o di kaya ako’y pinagyaman ng makaliskis na dulo ng hita ng manok, at kasama ng mga ito ay ang mga dulong parte ng baboy, na noong nabubuhay pa, ay may kaunting rason para maging banidoso. Hindi; hindi ko dapat inaala iyon kung iniwan lamang nila ako. Mukhang iniisip nila na wala na ang pagkakataon, kung nakaligtaan lamang nila ituro sa akin ang usapan, maya’t-maya, at ipako sa akin ang punto. Ako siguro’y minalas na munting toro sa tanghalan na Espanyol, dahil ako’y biglaang tinalaban sa tulak ng moralidad.
Nagsimula ito sa sandaling umupo kami para maghapunan. Sabi ni G. Wopsle ang magandang bikas na may madulang talumpati — na ngayon sa aking tingin, parang relihiyosong krus ng Multo sa Hamlet kasama si Richard na pangatlo — at nagtapos ng may nararapat na lunggati na kami dapat ay magpasalamat. Ng ang mata ng aking ate ay pandilatan ako, at sabihin, gamit ang mababa at kakutyakutyang boses, “Narinig mo iyon? Ika’y maging mapagpasalamat.”
“Lalo na, sabi ni G. Pumblechook, “mapagpapasalamt ka, bata, sa kanila na nagpalaki sa iyo gamit ang kamay.”
Iniling ni Gng. Hubble ang kanyang ulo, at pinagmasdan ako na may kaakibat na pakiwaring mapanglaw na walang akong patutunguhan na mabuti, nagtanong, “Bakit ang kabataan ay hindi marunong tumanaw ng utang na loob?” Itong mahiwang moralidad ay mistulang sobra para sa grupo hanggang si G. Hubble ay tamang-tamang inayudahan ito sa pagsabing, “Likas na tampalasan”. Pagtapos lahat ay bumulong ng “Tama!” at tumingin sa akin sa paraang di kanais-nais at personal.
Ang pinanggagalingan ni Joe ay mahina (kung posible) tuwing mayroong mga bisita, kumpara kung wala. Ngunit lagi niya akong inaalalayan at dinadamayan tuwing kaya niya, sa paraan niya, at lagi niyang ginagawa ito kapag oras ng hapunan sa pamamagitan ng pagbigay niya sa akin ng sawsawan, kung mayroon.
(MISSING)
Mahabaging langit, heto na sa wakas! Malalaman n’yang malabnaw iyon, at sasabihin nyang malabnaw iyon, at patay na ako! Hinawakan ko nang mahigpit ang paa ng lamesa sa ilalim ng mantel, gamit ang parehong kamay, at hinintay ang aking kapalaran.
Lumabas ang ate ko para kunin ang botelyang bato, bumalik hawak ang botelya, at isinalin ang agwardyente ng mama: wala nang ibang may gusto niyon. Nilaro ng pesteng mama ang kanyang baso,–inangat ito, inaninag sa liwanag, inilapag,–pinahaba ang aking pagdurusa. Sa puwang na iyon, sina Gng. Joe at Joe ay maliksing nagliligpit ng lamesa para sa pastel* at pudding.
‘Di ko maialis ang tingin sa mama. Pirming nakakapit ng mahigpit sa may paa ng lamesa gamit ang aking mga kamay at paa, pinagmasdan ko ang pesteng nilalang na paglaruan ang kanyang baso, angatin ito, ngumiti, itingala ang kanyang noo, at ubusin ang kanyang agwardyente. Pagkatapos ay biglaang nabalot ang grupo ng labis na pagkagulat, dahilan sa hangos na pagtayo ng mama, kanyang pag-ikot–ng makailang beses–sa pagsasayaw ng isang nakadidismayang pakisay-kisay na sayaw na parang sa isang may-sakit, at matuling paglabas sa pintuan; pagkatapos ay natanaw sya mula sa bintana, na mapwersang naluluhod at dumadahak, gumagawa ng mga nakatatakot na porma ng kanyang mukha, at nakikitaang wala sa kanyang pag-iisip.
Kumapit ako ng mahigpit, habang si Gng. Joe at Joe ay tumakbo papunta sa kanya. Hindi ko alam kung paano kong ginawa, ngunit alam kong napaslang ko sya nang kung papaano. Sa aking napakasamang sitwasyon, kaluwagan sa pakiramdam ang hatid nang ipasok na muli ang mama, at nang kanyang estimahin ang mga kasama’t nakitang sila’y kritikal laban sa kanya, siya’y lumubog sa kanyang upuan sabay sa isang makabuluhang pagsinghal ng “Alkitran!”
Nasidlan ko nga ang botelya mula sa banga*** ng alkitrang may tubig. Alam kong lalala pa siya sa mga susunod na sandali. Nausod ko ang lamesa, tulad ng isang esperetista sa panahon ngayon, sa pamamagitan ng lakas ng aking nakakubling pagkakakapit dito.
“Alkitran!” ang hiyaw ng aking ate, sa pagkamangha. “Ano? Paanong mapupunta ang alkitran diyan?”
Ngunit si Tiyo Pumblechook, na omnipotente** sa kusinang iyon, ay ayaw sa sabing iyon, ayaw sa paksang iyon, at iwinaksi lahat sa isang imperyal na kumpas ng kanyang kamay, at humingi ng mainit na hinyebra at tubig. Ang aking ate, na kasulukuyang naging lubhang mapagnilay, ay kinailangang puspusang ipatungkol ang sarili sa pagkuha ng hinyebra, mainit na tubig, asukal, balat ng limon, at sa paghalo ng mga iyon. Kahit papaano, sa panahong iyon, ako’y ligtas. Nakakapit pa rin ako sa paa ng lamesa, ngunit ngayon ay hawak na ito na may alab ng pagpapasalamat.
Unti-unti, ako’y naging kalmado, sapat upang maialis ang aking pagkakahawak at kumain ng pudding. Kumain si G. Pumblechook ng pudding. Ang lahat ay pinagsaluhan ang pudding. Matapos ang panghimagas, at si G. Pumblechook ay nagsimula nang ngumisi sa ilalim ng nakalulugod na impluwensya ng hinyebra at tubig. Nasimulan ko nang isipin na mapagtatagumpayan ko ang araw na iyon, nang sabihin ng ate ko kay Joe, “Hugasan ang mga pinggan, –maginaw.”
Daglian akong napakapit sa paa ng lamesa, at idiniin ito sa aking dibdib na para bang ito’y naging kasama ko sa aking pagkabata at kaibigan ng aking kaluluwa. Nabanaag ko ang padating na pangyayari, at nadamang sa pagkakataong iyon ay totoong ako’y sawi na.
“Kailangang tikman n’yo,” sabi ng ate, na nagsasalita sa mga bisita gamit ang kanyang pinakamahusay na gilas—“kailangang tikman n’yo, ngayon sa huli, ang kaiga-igaya at masarap na bigay ni Tiyo Pumblechook!”
Kailangan nga ba nila! Ipangyaring huwag nilang asamin na matikman iyon!
“Alam ninyo,” sabi ng ate, habang tumitindig, “ito’y pastel; isang malasang pastel na baboy.”
Pinagbulungan ng grupo ang kanilang mga papuri. Si Tiyo Pumblechook, na ramdam na siya nga’y karapat-dapat sa pag-ayon ng mga kasamang nilalang, ay nagsabi, —nang may kasiglahan, kung isasaalang-alang ang lahat,–“Sige, Gng. Joe, gagawin namin ang aming makakaya; atin ngang mahiwa ang tinutukoy na pastel.”
Lumabas ang ate ko upang kunin iyon. Narinig ko ang mga yapak niya na pumaroon sa paminggalan. Nakita ko si G. Pumblechook na binalanse ang kanyang kutsilyo. Nakita kong nagigisingang muli ng gana ang mga Romanong butas ng ilong ni G. Wopsle. Narinig ko si G. Hubble na nagdeklarang “ang kaunting malasang pastel na baboy ay maihahalo’t dadagdag sa anumang maaari n’yong banggitin, at di makasasama,” at narinig ko si Joe na nagsabing, “Kakain ka ng piraso, Pip.” Kailanma’y hindi ko lubusang natiyak kung nakabigkas ako ng matinis na hiyaw ng pagkatakot, sa isipan ko lamang, o sa pisikal na pandinig ng buong grupo. Nadama kong hindi ko na makakayanan, at kailangan kong tumakas. Pinawalan ko ang paa ng lamesa, at dali-daling tumalilis para sa aking buhay.
Ngunit ‘di ako nakalayo nang lampas sa pintuan ng bahay, pagkat doon, biglang nasalubong ko ang isang pangkat ng mga sundalo, dala ang kanilang mga maskit, kung saan isa sa kanila’y nag-aabot ng isang pares na posas sa akin, at nagsasabing, “Heto, maglisto ka, sige na!”
Kabanata V
Ang pagdating ng isang pulutong (?) na sundalong bitbit ang kanilang mga armas na kumakalansing ang puwitan sa aming pintuan ay nagdulot ng pagkalito sa mga naghahapunan, at si Gng. Joe, sa pagpasok niyang muli sa kusina na wala nang dala-dala ay napahinto at napabulalas na lamang ng, “Hesusmaryosep! Anong nangyari sa — pastel!”
Nasa kusina kami ng sarhento nang tumambad sa amin si Gng. Joe; sa gitna ng kaguluhan bahagyang nabuhay ang aking diwa. Ang sarhento nga pala ang kumausap sa akin, at ngayon pinagmamasdan niya ang mga naghahapunan, at ang mga posas sa kanyang kanang kamay ay nakalahad sa kanila, at ang kaliwang kamay naman ay nasa aking balikat.
“Ipagpaumanhin po ninyo, mga ginoo at ginang”, ayon sa sarhento, “subalit gaya nang nasabi ko kanina sa maliksing paslit sa may pintuan (gayong hindi naman), “kabilang po ako sa mga humahabol sa ngalan ng mahal na hari, at kasalukuyan pong nangangailangan ng isang panday.”
“Mawalang galang na po, ngunit ano naman po ang kailangan niyo sa kanya?”, sabi ng aking kapatid, na may bahid na pagkayamot dahil bakit pa kakailanganin (ang kanyang asawa).
“Ginang,” pagpapatuloy ng magiting na sarhento, “sa ganang akin, nais ko po sanang pahintulutang makilala ang butihing maybahay ng panday; sa ngalan ng kanyang Kamahalan, isang munting gawain.
Tinanggap ng taos-puso ng mga naghahapunan ang ganitong paglalahad ng sarhento, kaya’t napasigaw na lamang si G. Pumblechook ng, “Mabuti namang muli!”
“Ginoong panday,” sabi ng sarhento, na sa puntong ito ay natukoy na si Joe sa pamamagitan ng kanyang pagmamasid, “nagkaroon kami ng problema sa mga posas na ito, at aming napagtanto na ang kandado ng isa sa mga posas ay hindi na gumagana, at ang pagkakakabit ay hindi na mainam. Dahil kakailanganin na namin ang mga posas na ito sa madaling panahon, maaari niyo po bang tingnan ang mga ito?”
Pinagmasdan ni Joe ang mga posas at nagsabing sa ganitong gawain, kakailanganin niyang painitin ang pandayan at aabutin ito ng mahigit dalawang oras at hindi lang isa. “Ganun ba. Samakatuwid maaari niyo bang simulan na agad, ginoong panday?”, ayon sa sarhento, “bilang paglilingkod sa kanyang Kamahalan. At kung kakailanganin niyo ang tulong ng aking mga tauhan, gagawin nilang lahat ang kanilang makakaya.” At sa ganito’y tinawag niya ang kanyang mga tauhan, na agad namang tinungo ang kusina, isa-isa, at sinantabi muna ang kanilang mga armas sa isang sulok. Ang ilang sundalo’y nakatindig, tiklop ang mga kamay sa kanilang harapan; ang ilan nama’y ipinahinga ang tuhod o kaya’y balikat; ang iba’y ibinaba ang sinturon o di kaya’y ang kanilang bitbit; ang iba’y binuksan ang pinto at dumura sa labas ng bakuran.
Ang lahat ng mga pangyayaring ito’y aking sinuri nang hindi nila namamalayan, habang lubos ang aking kaba na baka mahuli. Subali’t nang mapagtanto kong hindi para sa aking ang mga posas, at nang sinunggaban ng mga sundalo ang pastel, unti-unting bumalik ang aking diwa.
“Maaari bang sabihin niyo sa akin ang oras,” bigkas ng sarhento kay G. Pumblechook, sa pamamaraang angkop sa isang ginoong may lubos na kaalaman sa mga bagay na patungkol sa oras.
“Kalilipas lamang po ng ikalawa’t kalahating oras”.
“Mainam kung sa gayon,” ayon sa sarhento, na nagmumuni-muni, “kahit na humimpil muna kami rito ng mga dalawang oras, mukhang sapat na iyon. Gaano po kalayo kung kayo’y magtutungo sa putikan (marshes) mula rito? Hindi po ba hihigit sa isang milya, sa aking palagay?”
“Isang milya lang po”, sabi ni Gng. Joe.
“Sapat na iyon upang mapalapit na tayo sa mga preso sa sa pagsapit ng takipsilim. Iniuutos kong bago magtakipsilim. Sapat na iyon.”
“Mga preso, sarhento?” pag-uusisa ni G. Wopsle.
“Opo”, sagot ng sarhento. “Dalawa. Marami nang nakapagsabing sila’y nasa putikan pa rin, at hindi sila lalayo hanggang magtakipsilim. Mayroon po bang nakakita sa inyo ng mga ganitong pangyayari?”
Lahat, maliban sa akin, ay kaagad na sumagot ng hindi. Wala namang nakaisip na tanungin ako.
“Ngayon”, ayon sa sarhento, “mapagtatanto nilang di magtatagal at sila’y di na makakatakas na para bang sa isang gulong. Ngayon, ginoong panday! Kung handa na kayo, ang Mahal na Hari ay handang-handa na.”
Isinuot na ni Joe ang kanyang damit panggawa at tinungo na ang pandayan. Isa sa mga sundalo ang nagbukas ng mga kahoy na bintana, isa nama’y sinimulang ang siga, habang ang isa’y pinalakas ang apoy, at ang iba nama’y pinalibutan ang apoy, na sa paglaon ay tumitindi ang init. Pinagmamasdan naming lahat si Joe habang siya’y pumpukpok.
Ang pagpapanday ay hindi lamang pumukaw sa atensyon ng lahat, kundi lalo pang nagpahintulot sa aking kapatid na umestima ng bisita. Kumuha siya ng isang pitsel ng serbesa (beer?) para sa mga sundalo at inimbitahan ang sarhento na tumikim ng brandy. Subalit biglang iminungkahi ni G. Pumblechook, “Alak ang ihain mo, ginang. Siguradong walang “tar” diyan. Sa ganito’y nagpasalamat ang sarhento at sumang-ayon sa ginoo na kung pahihintulutan ay mas nanaisin niya ang walang “tar” at iinumin ang alak. Nang inihain sa kanya ang alak, tumagay siya sa ngalan ng kalusugan ng kanyang Kamahalan at pagbubunyi para sa kasalukuyang okasyon, ininom ang alak ng isang lagok at maingay habang inilapat ang kanyang dalawang labi.
“Suwabeng-suwabe, hindi ba sarhento?” ayon kay G. Pumblechook.
Ang mga sundalo ay nasa harapan namin, ma-lawak-lawak ang kanilang linya, may patlang bawat tao. Tinatahak namin ang sinimulan kong daan, kung saan umiwas ako sa kaulapan ng hamog. Hindi sumulpot muli ang hamog, o malamang hinawi na ito ng hangin. Sa ilalim ng masilaw na pulang araw ng dapithapon, kitang-kita ang parola, ang gibet, at ang moog, sa paligid ng mala-tubig na nangungungang kulay sa paligid.
Habang kumakabog ang dibdib ko nang parang isang panday, pasan sa malapad na balikat ni Joe, nilibot ko ang aking paningin, hanap ang anumang senyales ng mga preso. Wala akong makita, walang marinig, Ilang beses akong inalarma ng panghihip at malalalim na paghinga ni G. Wopsle, subalit paglaon, pamilyar na ako sa tunog nito, at kaya nang ibukod sila sa tinutugis. Nagulantang ako nang marinig na parang may kumikikil, pero kalembang lang pala ng tupa. Huminto ang mga tupa sa kanilang pagkain at tumingin nang parang nahihiya sa amin; at ang mga baka, pagkapihit ng kanilang mga ulo paiwas sa hangin at niyebe, ay parang galit na tumitig, parang kami ang may kagagawan ng kanilang kinayayamutan; subalit, bukod sa mga ito, at ang pangangatog ng palipas na araw sa bawat dahon ng damo, walang patid ang mapanglaw na katahimikan ng latian.
Ang mga sundalo ay lumalakad papunta sa lumang moog, at sumusunod kami sa likuran, nang bigla na lamang, napatigil kaming lahat. Dahil umabot sa amin, dala ng hangin at ulan, ang isang mahabang sigaw. Umulit ito. Sa kalayuan pa ng kanluran nanggagaling, pero mahaba at malakas ang dating nito. Aba, parang may dalawa o higit pang pinagsamang sigaw—kung susuriin mula sa gulo ng ingay.
Dahil dito ang sarhento at ang kalapit na kasama ay pabulong lang nag-uusap, nang makalapit kami ni Joe. Pagkatapos nang ilang saglit pang pakikinig, si Joe (mahusay na magpasya) ay sumang-ayon, at si G. Wopsle (palpak na magpasya) ay sumang-ayon. Ang sarhento, isang desisdong lider, ay nag-utos na ang ingay ay di dapat tugunin, subalit ang direksyon namin ay dapat na baguhin, at ang mga tauhan nya ay dapat lumapit nang matulin, “on the double.” Kaya, lumiko kami pakanan (kung san ang Kanluran) at si Joe ay tumakbo nang nakakabibilib kaya napahawak ako nang mahigpit sa kinauupuan.
Takbo na talaga, at tinatawag ni Joe ito ng dalawang tanging salitang parati nyang sinasambit–“ang tuliro” Pababa sa bangketa at pataas sa bangketa, at talon sa mga bakuran, plakda sa mga dike, at lusob sa mga maliligasgas na lupa: walang pakialam ang mga tao kung san sila mapatapak, Habang papalapit kami sa mga sigaw, naging mas malinaw na hindi iisang boses lang ang may gawa nito. Minsan, parang tumitigil ito ng buo, kaya’t tumitigil din ang mga sundalo. Kapag lumakas na naman, apura ulit ang mga sundalo nang mas matulin pa, at kami kasunod nila. Ilang sandali pa, nang mapa-lapit na kami, rinig na ang isang boses na nagsasabing “Mamamatay tao!,” at ang isa pang sigaw “Kriminal, Mga Puga! Guard! Nandito ang mga takas na kriminal!” Pagkatapos, ang dalawang tinig ay parang nabusalan habang nagbubuno, tapos babanat na naman. Kapag nagkaganito, parang usang takbo na naman ang mga sundalo, pati na rin si Joe.
Lumusob nauna ang sarhento, nang malapit na kami sa ingay, Ang dalawang tauhan nya ay lumapit na rin at dumikit sa kanya. Ang kanilang mga boga ay naikasa at nakatutok na nang dumating kami.
“Andito ang dalawa!” Hingal ng sarhento, humahapo sa gilid ng kanal, “Sumuko na kayong dalawa! Nataranta ako sa inyo, mga hayop! Maghiwalay kayo!”
Ang tubig ay tumitilamsik, at ang putik ay tumatalksik, at mga mura ay nabibitawan, at mga palo ay naibibigwas, hanggang marami pa ang lumusob sa kanal para tulungan ang sarhento, at hinila, pinaghiwalay sila, ang preso na kilala ko at ang isa pa, Pareho silang duguan at hinahapo at nagmumura at nagpupumiglas; pero totoong kilala ko sila pareho.
“Tignan nyo!,” sabi ng kakilala kong preso, pinupunas ang dugo nang kanyang sirang manggas, at pinapagpag ang nabunot na buhok sa kanyang mga daliri, “Kinuha ko sya! Isinuko sa inyo! Tandaan nyo!”
“Hindi ito importante!”sabi ng sarhento,”walang buting maidudulot sa iyo ito, pareho lang kayo ng problema. Posas!”
“Hindi ko inaasahang makabubuti sa akin lahat ito. Ayaw kong mas bumuti pa kung ano na ko ngayon,“ sabi ng preso ko, humahalakhak “Hinuli ko sya. Alam nya yon. At tama na ito para sakin.”
Yaong isa pang preso ay nangigitim na at bukod sa lumang pasa sa kanyang kaliwang pisngi, mukhang bugbog at gutay-gutay sya sa buong katawan. Hindi man lang sya makahinga para makapagsalita, hanggang sa pareho na silang naiposas, pero napasandal ang isang ito sa isang sundalo para hindi sya matumba.
“Tignan mo guard,–tinangka nya akong patayin!” ang una nyang salita.
“Subukang patayin?” nanghahamak na sabi ng preso ko, “Subukan at hindi tuluyan? Hinuli ko siya at isinuko, ito ang ginawa ko. Hindi lang pinigilan makatakas sa latian, kundi kinaladkad ko sya papunta dito—kinaladkad nang ganitong kalayo pabalik. Isa syang maginoo, kung mamarapatin nyo, itong tarantadong ito.”
Ang mga sundalo ay nasa harapan namin, ma-lawak-lawak ang kanilang linya, may patlang bawat tao. Tinatahak namin ang sinimulan kong daan, kung saan umiwas ako sa kaulapan ng hamog. Hindi sumulpot muli ang hamog, o malamang hinawi na ito ng hangin. Sa ilalim ng masilaw na pulang araw ng dapithapon, kitang-kita ang parola, ang gibet, at ang moog, sa paligid ng mala-tubig na nangungungang kulay sa paligid.
Habang kumakabog ang dibdib ko nang parang isang panday, pasan sa malapad na balikat ni Joe, nilibot ko ang aking paningin, hanap ang anumang senyales ng mga preso. Wala akong makita, walang marinig, Ilang beses akong inalarma ng panghihip at malalalim na paghinga ni G. Wopsle, subalit paglaon, pamilyar na ako sa tunog nito, at kaya nang ibukod sila sa tinutugis. Nagulantang ako nang marinig na parang may kumikikil, pero kalembang lang pala ng tupa. Huminto ang mga tupa sa kanilang pagkain at tumingin nang parang nahihiya sa amin; at ang mga baka, pagkapihit ng kanilang mga ulo paiwas sa hangin at niyebe, ay parang galit na tumitig, parang kami ang may kagagawan ng kanilang kinayayamutan; subalit, bukod sa mga ito, at ang pangangatog ng palipas na araw sa bawat dahon ng damo, walang patid ang mapanglaw na katahimikan ng latian.
Ang mga sundalo ay lumalakad papunta sa lumang moog, at sumusunod kami sa likuran, nang bigla na lamang, napatigil kaming lahat. Dahil umabot sa amin, dala ng hangin at ulan, ang isang mahabang sigaw. Umulit ito. Sa kalayuan pa ng kanluran nanggagaling, pero mahaba at malakas ang dating nito. Aba, parang may dalawa o higit pang pinagsamang sigaw—kung susuriin mula sa gulo ng ingay.
Dahil dito ang sarhento at ang kalapit na kasama ay pabulong lang nag-uusap, nang makalapit kami ni Joe. Pagkatapos nang ilang saglit pang pakikinig, si Joe (mahusay na magpasya) ay sumang-ayon, at si G. Wopsle (palpak na magpasya) ay sumang-ayon. Ang sarhento, isang desisdong lider, ay nag-utos na ang ingay ay di dapat tugunin, subalit ang direksyon namin ay dapat na baguhin, at ang mga tauhan nya ay dapat lumapit nang matulin, “on the double.” Kaya, lumiko kami pakanan (kung san ang Kanluran) at si Joe ay tumakbo nang nakakabibilib kaya napahawak ako nang mahigpit sa kinauupuan.
Takbo na talaga, at tinatawag ni Joe ito ng dalawang tanging salitang parati nyang sinasambit–“ang tuliro” Pababa sa bangketa at pataas sa bangketa, at talon sa mga bakuran, plakda sa mga dike, at lusob sa mga maliligasgas na lupa: walang pakialam ang mga tao kung san sila mapatapak, Habang papalapit kami sa mga sigaw, naging mas malinaw na hindi iisang boses lang ang may gawa nito. Minsan, parang tumitigil ito ng buo, kaya’t tumitigil din ang mga sundalo. Kapag lumakas na naman, apura ulit ang mga sundalo nang mas matulin pa, at kami kasunod nila. Ilang sandali pa, nang mapa-lapit na kami, rinig na ang isang boses na nagsasabing “Mamamatay tao!,” at ang isa pang sigaw “Kriminal, Mga Puga! Guard! Nandito ang mga takas na kriminal!” Pagkatapos, ang dalawang tinig ay parang nabusalan habang nagbubuno, tapos babanat na naman. Kapag nagkaganito, parang usang takbo na naman ang mga sundalo, pati na rin si Joe.
Lumusob nauna ang sarhento, nang malapit na kami sa ingay, Ang dalawang tauhan nya ay lumapit na rin at dumikit sa kanya. Ang kanilang mga boga ay naikasa at nakatutok na nang dumating kami.
“Andito ang dalawa!” Hingal ng sarhento, humahapo sa gilid ng kanal, “Sumuko na kayong dalawa! Nataranta ako sa inyo, mga hayop! Maghiwalay kayo!”
Ang tubig ay tumitilamsik, at ang putik ay tumatalksik, at mga mura ay nabibitawan, at mga palo ay naibibigwas, hanggang marami pa ang lumusob sa kanal para tulungan ang sarhento, at hinila, pinaghiwalay sila, ang preso na kilala ko at ang isa pa, Pareho silang duguan at hinahapo at nagmumura at nagpupumiglas; pero totoong kilala ko sila pareho.
“Tignan nyo!,” sabi ng kakilala kong preso, pinupunas ang dugo nang kanyang sirang manggas, at pinapagpag ang nabunot na buhok sa kanyang mga daliri, “Kinuha ko sya! Isinuko sa inyo! Tandaan nyo!”
“Hindi ito importante!”sabi ng sarhento,”walang buting maidudulot sa iyo ito, pareho lang kayo ng problema. Posas!”
“Hindi ko inaasahang makabubuti sa akin lahat ito. Ayaw kong mas bumuti pa kung ano na ko ngayon,“ sabi ng preso ko, humahalakhak “Hinuli ko sya. Alam nya yon. At tama na ito para sakin.”
Yaong isa pang preso ay nangigitim na at bukod sa lumang pasa sa kanyang kaliwang pisngi, mukhang bugbog at gutay-gutay sya sa buong katawan. Hindi man lang sya makahinga para makapagsalita, hanggang sa pareho na silang naiposas, pero napasandal ang isang ito sa isang sundalo para hindi sya matumba.
“Tignan mo guard,–tinangka nya akong patayin!” ang una nyang salita.
“Subukang patayin?” nanghahamak na sabi ng preso ko, “Subukan at hindi tuluyan? Hinuli ko siya at isinuko, ito ang ginawa ko. Hindi lang pinigilan makatakas sa latian, kundi kinaladkad ko sya papunta dito—kinaladkad nang ganitong kalayo pabalik. Isa syang maginoo, kung mamarapatin nyo, itong tarantadong ito.”
Ngayon, nabawi na ng Hulk ang kanyang ginoo, sa pamamagitan ko. Patayin siya? Maaari ko naman siyang patayin, pero mas mainam na kaladkarin siyang pabalik!’
Humihingal pa rin ang isa, `Sinu – sinu – sinubukan – niya kong — patayin. Testigo kayo.’
`Tignan n’yo!’ sabi ng preso ko sa sarhento. `Mag-isa ‘kong tumakas mula sa kulungang-barko; Kumaripas ako ng takbo at nagawa ko. Kaya ko ring tanggalin ‘tong mga parusa-sa-lamig na bakal na ‘to—tignan n’yo’ng binti ko: wala na masyadong bakal—kung ‘di ko lang nalaman na nandito ‘yan. Hahayaan ko ba siyang makatakas? Hahayaan ko ba siyang makinabang sa natuklasan ko? Hahayaan ko ba siyang gaguhin na naman ako? Na naman? Hindi! Kung namatay ako sa ilalim diyan;’ at mariin siyang nagmuwestra sa bambang gamit ang kanyang nakaposas na kamay; ‘ hahawakan ko siya nang mahigpit at maabutan ni’yo siyang tangan-tangan ko pa rin.
Ang isa pang takas, na halatang takot na takot sa kanyang kasama, ay nagsabi muling, ‘Sinubukan niya kong patayin. Patay na dapat ako kung hindi kayo dumating.’
‘Sinungaling!’ sabi ng aking preso nang buong sidhi. ‘Pinanganak siyang sinungaling at mamatay na sinungaling. Tignan n’yo’ng mukha niyan; kitang-kita naman, ‘di ba? Subukan niyang ibaling ang mga mata niya sa ‘kin. Hinahamon ko siya’
Ang isa, na sinubukang ngumiti nang pakutya – na hindi naman magawa dahil sa nerbyos na bakas sa kanyang bibig – ay tumingin sa mga sundalo, at tinanaw ang latian at saka ang langit, ngunit hindi sumulyap sa naghahamon.
‘Nakita n’yo na?’ pagpapatuloy ng aking preso. ‘Nakita n’yo na kung ga’no siya kasama? Nakita niyo ba kung pa’nong hindi makatitig ang mga nag-aamu-amuhang mata niya? Ganyan ang hitsura niya nung nililitis kami. Hindi man lang siya makatingin sa ‘kin.’
Ang isa, na patuloy na binabasâ ang kanyang mga labi at lumilinga-linga, sa wakas ay tumingin din sa nagsasalita, at sinambit ang, ‘Di ka kasi kaaya-ayang tignan,’ nang may bahagyang nangungutyang sulyap sa mga nakaposas na kamay. Sa puntong iyon ay lubha nang nainis ang aking preso, at susugurin na sana niya ang isa kundi lang sa pamamagitan ng mga sundalo. ‘Hindi ba sabi ko sa inyo,’ sabi ng isa pang takas, ‘na papatayin niya ako kung may pagkakataon?’ At kita sa kanya ang panginginig dala ng takot, at sa kanyang mga labi ang mga natutuklap na puting kung ano, na gaya ng maninipis na niyebe.
‘Tama na ang usapang iyan,’ sabi ng sarhento. ‘Sindihan ang mga sulo.’
Habang ang isa sa mga sundalo, na may bitbit na kaing sa halip na baril, ay lumuhod upang buksan ito, ang preso ko ay luminga-linga sa unang pagkakataon, at nakita ako. Bumaba na ako mula sa likod ni Joe nang dumating kami sa gilid ng bambang, at nanatili sa iisang lugar. Tumitig ako sa kanya nang ipako niya ang mga mata niya sa akin, at bahagya kong ginalaw ang aking mga kamay at umiling. Noong una ko pa nais na tignan niya ako, para tiyakin sa kanyang inosente ako. Hindi ko alam kung nakuha niya ang ibig kong sabihin, dahil hindi ko naintindihan ang titig na ibinigay niya sa akin, at ang lahat ng iyon ay nawala na sa paglipas ng sandali. Pero kung ang titig niya ay nagtagal ng isang oras o isang araw man lang, ay masasabi kong ang mukha niya ay di kailanman naging kasing-sigasig gaya ng sa sandaling iyon.
Mayamaya pa ay kumuha ng pansindi ang sundalong may kaing, at sinindihan ang tatlo o apat na sulo, kumuha ng isa at ibinigay ang iba. Noong una ay malapit pa lamang magdilim, at ngayon ay tila madilim na, at mayamaya pa ay lubhang madilim na nga. Bago kami lumisan, apat na sundalong nakabilog ang nagpaputok ng baril nang dalawang beses sa ere. Kinalaunan ay may namataan kaming ibang mga sulong nakasindi di kalayuan sa may bandang likuran namin, at iba pa sa latian sa kabilang pampang ng ilog. ‘Sige,’ wika ng sarhento. ‘Martsa.’
Di pa kami nakalalayo nang may tatlong kanyon ang pinaputok sa may unahan namin, na may tunog na para bang nagpasabog ng kung ano man sa loob ng aking tainga. ‘Hinihintay na kayo sa barko,’ wika ng sarhento sa aking preso; ‘alam nilang darating ka. Wag kang mahihiwalay. Lapit pa.’
Pinaghiwalay ang dalawa, at ang bawat isa ay naglakad na may hiwalay na bantay. Hawak ko na ang kamay ni Joe, at hawak ni Joe ang isa sa mga sulo. Nais nang bumalik ni G. Wopale, pero nagpasya si Joe na tignan ang mangyayari, kaya sumama kami sa pangkat. Maayus-ayos na ang daan (sa gilid ng ilog), na minsan ay naghihiwalay kung saan may saplad na may maputik na tarangkahan.** Nang ako ay lumingon sa paligid, natanaw ko ang iba pang mga ilaw na papalapit sa amin. Mula sa mga sulo namin ay may nalalaglag na apoy sa nilalakaran namin, at nakikita ko rin ang mga apoy na iyon na umuusok at nagliliyab. Wala na akong ibang makita kundi kadiliman. Pinaiinit ng apoy ang hangin, na much namang naibigan ng mga takas na bilanggo habang sila ay iika-ika sa pagitan ng mga eskopeta. Hindi kami makapaglakad nang mabilis dahil sa kanilang pilay; at lubhang pagod na sila kaya kinailangan naming tumigil nang dalawa o tatlong beses habang sila ay nagpapahinga.
Makalipas ng mahigit-higit na isang oras na paglalakbay, naabutan namin ang isang kubong gawa sa kahoy at isang daungan. May isang kawal sa kubo, sinubok nila, at sumagot naman ang gayong punong kawal*. Tapos, pumasok kami sa kubo nang may naamoy kaming tabako at kaltsiyum**, isang nakakasilaw na apoy, at lampara, isang estante ng mahahabang baril***, at isang tambol, at isang mababang hapag-tulugan, na parang napakalaking pampiga**** na walang makina, at kayang-kayang humawak ng isang dosenang kawal ng sabay-sabay. Tatlo o apat na kawal na nakasuot ng kapoteng panlamig ay nakahiga roon, at hindi kami binigyang pansin, itinaas lamang nila ang kanilang mga ulo ng bahagya at tinignan lang kame na wari’y inaantok, at humiga muli. Gumawa ng isang ulat ang punong kawal, at isang tala sa kanyang libro, at yung salarin***** na tinatawag kong isang pang salarin ay napili ng kanyang bantay, na maunang umakyat.
Tumingin nung oras na yun ang salarin sakin, pero ni minsan hindi niya ako tinignan. Habang nakatayo kame sa kubo, tumayo siya sa may bandang apoy at pinagmasdan ito ng taimtim, o inilapat niya ang kanyang mga paa ng paisa-isa sa patungan malapit sa apoy, at tinignan ito ng taimtim na wari’y naaawa siya dahil sa kasalukuyang pakikipagsapalaran. Nang yon, hinarap niya ang punong kawal at sinabing:
“Sana may masabi akong kapitag-pitagan tungkol sa pagtakas ko. Para hindi malagyan ng hinala ng mga tao ang tungkol sa akin.”
“Sabihin mo kung anong gusto mo,” sambit ng punong kawal, masungit habang tinitignan siyang nakakrus ang mga bisig, “Pero wala kang karapatan na sabihin yan dito. Alam mo, magkakaroon ka ng pagkakataong sabihin yon, at pakinggan yon, bago matapos yan.”
“Alam ko, pero iba ang punto ko, ibang bagay ito. Hindi pwedeng magutom ang isang tao; syempre ako hindi pwede. ******Kumuha ako ng pagkain sa may baryo roon – kung saan may nakatayong simbahan sa mga burak.”
“Ibig mong sabihin, ninakaw”, sabi ng punong kawal.
“At sasabihin ko sayo kung saan galing. Sa panday.”
“Hoy!” bati ng punong kawal, nakatingin kay Joe.
“Hoy, Pip!”, bati rin ni Joe at nakatingin sa akin.
“Konting pangtustos lang yon – yun lang yon – at isang *******kutsaritang alak, at pastel.”
“Wala ka bang nakaligtaan na gamit na katulad ng pastel, panday?” masungit na tanong ng sarhento.
“Yung asawa ko, noong pagkapasok mo. Hindi mo ba alam, Pip?
“Gayon,” sabi ng aking salarin, lumingon muli kay Joe na wari’y inis, at di sumulyap sa akin; “Gayon, ikaw pala ang panday? Pasensya na at nakain ko ang iyong pastel.”
“Alam ng Diyos na pwede kang tumikim – kahit na yoon ay di lang para sa akin,” sambit ni Joe, na may hangong alala kay Gng. Joe. “Hindi ko alam kung ano ang iyong ginawa, ngunit hindi naman kaming mamamatay sa gutom dahil doon, kaawa-awang, naghihikahos na nilalang, hindi ba, Pip?”
Yung kakaibang napansin ko nung una, ay tumunog muli galing sa lalamunan ng mama, at tumalikod. Bumalik muli ang bangka, at nang siya’y handa, sinundan namin siya sa may bandang daungan na yari sa magagaspang na matutulis na kahoy at mga bato, at nakita niyang inilagay sa bangka, na sinasagwan ng isang lupon ng mga bilanggong katulad niya. Walang nagulat nang nakita siya, o nagkaroon ng hangad na makita siya, o natuwang makita siya, o naawang makita siya, o nagsalita, maliban lang sa isa sa lupon na umungol na wari’y sa mga aso, “Ikaw, tumabi ka!”, na parang tanda ng paglubog ng sagwan. Sa ilaw galing sa mga sulo, nakita namin ang itim na higante na nakahiga malapit sa burak ng dalampasigan, na parang masamang arko ni Noah.Tila nakahanay, nakakulong at nakaharang at nakakabit dahil sa naglalakihang mga kalawang na kadena, ang barkong bilibid ay sa aking murang paningin, gawa para sa mga bilanggo. Nakita naming tumabi ang bangka, at nakita din namin siya na sumulong sa tabi at nawala. Pagtakatapos, itinapon ang dulo ng mga sulo sa dagat na umaapoy pa at naupos, na waring tapos na rin ang tungkol sa kanya.
Kabanata VI
(MISSING 2 PAGES)
Kabanata VII
Kabanata 7
Sa mga oras na ako’y nakatayo sa may bakuran ng simbahan, habang binabasa ang mga lapida, ang aking kaunting nalalaman ay halos hindi sapat upang intindihin ang mga ito. Ang pagkakaintindi ko maski na sa simpleng pakahulugan ng mga ito ay hindi tama, dahil ang pang-unawa ko sa “asawa ko sa May-taas” ay isang parang pagbibigay ng ama ko ng pagpupuri sa isang mas kaaya-ayang mundo; at kung isa sa aking mga namayapa nang kamag-anak ay natukoy na “Ibaba,” wala akong pag-aalinlangan sa pagkakaroon ko ng hindi kanais-nais na pakiwari sa kamag-anak ko na nabanggit. At hindi rin masasabing tama ang aking mga pananaw tungkol sa mga kuro-kuro sa relihiyon na ibinalot ng Katekismo sa akin; dahil, sariwa pa sa alaala ko na kung saan nasabi ko na “maglalakad ako ng walang iibahin habang ako’y nabubuhay,” nagkaroon ako ng obligasyong tahakin ang aming kanayunan galing sa aming bahay patungo sa iisang direksiyon, na hindi kailanman babaguhin ito sa pamamagitan ng pagliko sa pagawaan ng mga gulong o kaya sa may kiskisan.
Noong ako ay nasa sapat na gulang na, kinailangan kong mamasukan kay Joe, at hanggat hindi ko pa nakakamit ang karangalang iyon hindi ko makakamtan ang tinatawag ni Gng. Joe na “Laking-pompeyo,” o (sa aking pagkakaintindi) laki sa layaw. Samakatuwid, hindi lang ako ang nararapat na isalang, dahil kapag mayroon kaming kapitbahay na nangangailangan ng isang batang mananakot sa mga ibon, o kaya mamulot ng mga bato, o gumawa ng mga ganitong bagay, ako ang nabibigyan ng trabahong ito. Ngunit upang ang aming nakatataas na estado ay hindi madungisan, naglagay kami ng lagakan ng pera sa aparador na yari sa mantel sa may kusina, at alam nang madla na dito namin ihinuhulog ang mga kinita ko. Naniniwala ako na sa kalaunan ang mga ito ay iaambag sa pambayad sa Pambansang Utang, pero alam kong wala akong personal na hangad na makinabang sa yamang ito.
Ang lola sa tuhod ni G. Wopsle ay nangangasiwa ng isang panggabing paaralan sa kanayunan; masasabi natin, siya ay isang nakakatawang matanda na may limitadong kakayahan sa buhay at napakaraming karamdaman, na noon ay natutulog magmula alas sais hanggng alas siyete ng gabi, sa grupo ng mga kabataan na nagbayad ng dalawang sentimo kada linggo, para sa umuusbong na pagkakataong makita siyang ginagawa niya ito. Nangupahan siya ng maliit na bahay, at si G. Wopsle ay nakatira sa kwarto sa itaas, kung saan kaming mga estudyante ay nakakarinig sa kanya na nagbabasa sa paraang kapita-pitagan at kahanga-hanga. May mga haka-haka na “sinusuri” ni G. Wopsle ang mga mag-aaral, minsan sa makatlong buwan. Ang ginagawa niya sa mga pagkakataong iyon ay magtaas ng punyos, mag-pomada ng buhok, at ibahagi ang talumpati ni Mark Anthony para sa katawan ni Caesar. Nasusundan ito palagi ng Kantang Tula Tungkol sa Simbuyo ni Collins, kung saan ko pinakasasamba si G. Wopsle bilang si Paghihiganti, habang inihahagis niya pababa ang kanyang ispada na balot ng dugo, at katunggali ang trumpeta na di naniniwala sa giyera habang pinagmamasdan siya ng kanyang nakatutuyot na titig. Pagkatapos ay nawala na ito sa akin, at sa kalaunan pa sa aking pamumuhay, nang makasama ako sa grupo ng mga Masimbuyo, at inihahawig ko sila kina Collins at Wopsle, na hindi makabubuti sa mga ginoong ito.
Ang lola sa tuhod ni G. Wopsle, kasama ng pagkakaroon ng isang Institusyon sa Karunungan, ay nagpapatakbo – sa iisang kwarto – ng isang pagkalahatang tindahan. Wala siyang alam kung anong paninda meron siya, o kung anong presyo ang mga bagay-bagay dito; ngunit merong isang maliit at madulas na libro na nakatago sa kahon ng mesa, na nagsisilbing Listahan ng mga Presyo, at sa pamamagitan nito inaayos ni Biddy ang lahat ng mga gawain sa tindahan. Si Biddy ay apo ng lola sa tuhod ni G. Wopsle; inaamin ko na hindi ko kayang tantuhin kung ano ang relasyon niya kay G. Wopsle. Ulila siya katulad ko; kagaya ko, ako ay pinalaki sa pamamagitan ng kamay. Kapansin-pansin siya, sa aking palagay, dahil sa mga dulong parte ng katawan niya; dahil, ang buhok niya ay laging kailangang suklayin, ang mga kamay niya ay laging kailangang hugasan, at ang mga sapatos niya ay laging kailangan ng pagsusulsi at paghihila sa parteng takong. Ang paglalarawang ito ay dapat tanggapin tuwing araw lamang ng pasukan. Sa araw ng Linggo, nagsisimba siya na napakaayos ng itsura.
Dahil sa kawalan ko ng kasama, at dahil sa tulong ni Biddy at hindi ng lola sa tuhod ni G. Wopsle, nagpursigi ako sa pag-aaral ng alpabeto na sa akin ay parang isang napatinik na maliit na punongkahoy. Pagkatapos noon, ako ay napasama sa mga magnanakaw, siyam na katao, na para bang gabi-gabi ay may ginagawang bagong pagbabalatkayo at sila ay hindi nakikilala. Ngunit sa wakas, ako’y nagsimula, sa paraang parang bulag na nangangapa, na magbasa, magsulat, at umintindi, sa napakakokonting panimula.
Isang gabi, nakaupo ako sa may pausukan sa sulok hawak ang aking munting pisara, masidhing nagsusumikap gumawa ng sulat para kay Joe. Sa tingin ko mga isang taon na mula noong kami ay nangaso sa mga latian, dahil napakatagal pa pagkatapos noon, at dumating ang tagginaw at matinding pagyelo. Gamit ang alpabeto sa dapog na nasa paanan ko, nakagawa ako sa loob ng isa o dalawang oras na ipinta at ipahid ang sulat na ito:
MINMHL KNG JO SNA AY MABTI KA SNA AKO ___________(sorry, don’t understand this part)
Hindi naman kinailangan na sumulat ako kay Joe sa pamamagitan ng liham, dahil nakaupo siya sa tabi ko at wala kaming ibang kasama. Subali’t, ibinigay ko ang liham na ito (kasama na ang munting pisara) na mismong ako ang nag-abot, at tinanggap ito ni Joe na parang isang milagro sa pagdating ng karunungan.
(MISSING 2 PAGES)
“Ako ang gumawa,” wika ni Joe, “ako mismo. Sandali ko lang ginawa. Parang pag-tanggal ng sapatos ng kabayo, isang hataw lang. Medyo nagulat din ako at hindi makapaniwala na nakagawa ako ng ganoon para sa kanya. Sabi ko nga, Pip, sana mailagay ang linyang iyon sa kanyang lapida kaya lang gastos pa. Kailangan ng aking ina ng pera. Maysakit sya at talagang walang-wala. Di rin nagtagal, yumao din siya at nakamit ang sariling katahimikan.”
Naging luhaan ang bughaw ng mga mata ni Joe at pinahid niya ang mga ito habang hawak ang bilog na bakal na pangsundot sa apoy.
“Malungkot ako noon,” sabi ni Joe, “nagiisa lang nang makilala ko ang iyong ate. Ngayon, Pip,” – tinitigan ako ni Joe na parang iniisip niya na hindi ako sasangayon; “ang iyong ate ay napakabuting babae.”
Tumingin ako sa apoy na may pagaalinlangan.
“Ano man ang palagay ng pamilya o nang buong mundo tungkol diyan sa ate mo, Pip,” wika ni Joe na sabay may diin sa ibabaw ng pugon sa mga salitang, “siya ay mabuting babae!”
Wala akong maisip na sabihin kundi, “Ako’y nagagalak sa iyong palagay, Joe.”
“Ako rin,” wika ni Joe. “Ako’y nagagalak sa akin palagay, Pip. Minsan may mga pasa o latay pero ano ba naman ang halaga ng mga iyon sa akin?”
Malalim kong napagtanto, kung wala itong pahiwatig sa kanya, kanino kaya ito ipinahihiwatig?
“Tumpak!” pagsang-ayon ni Joe. “ Tama ka! Noong makilala ko ang ate mo, usap-usapan kung ang istriktong pagpapalaki sa iyo. Mabuti daw iyon sabi ng mga tao at nakisang-ayon din ako sa kanila. Para sa iyo naman,” tuloy ni Joe na mukhang may nababanaag na pangit, “kung alam mo lang kung gaano kaliit, luyloy at kakulit ka, mahal ko, makabubuo ka rin ng napakahamak na palagay sa sarili mo!”
Dahil hindi ito maganda sa akin, sabi ko na lang, “Huwag mo kong pansinin, Joe.”
“Pero pinapansin kita, Pip,” wika niya na may kababaang loob. “Noong sinabing kong magkasama kami at magpakasal at tumira sa pandayan, sinabing kong ‘At dalhin ang kawawang bata. Pagpalain nawa ng Diyos ang kawawang bata,’ Sinabi ko sa ate mo, ‘mayroon pang silid para sa kanya sa pandayan.”
Napaiyak ako, humingi ng tawad at yumakap kay Joe. Binitawan niya ang hawak na bakal at yumakap din sa akin at sinabing. “Di nga ba’t magkaibigan tayo, Pip? Huwag ka nang umiyak!”
“Kita mo na, Pip, nandito tayo! Ngayong nais mong alamin ang aking mga natutuhan, hindi dapat malaman ni Gng. Joe kung ano man ang mga balak natin. Kung may gagawin man tayo, dapat ito ay palihim. At bakit palihim? Sasabihin ko sa iyo, Pip.”
Muli niyang kinuha ang bakal na pangtusok sa apoy na kung wala ay hindi siya siguro makakapagpatuloy.
“Ang ate mo ay bigay sa pamamahala.”
“Bigay sa pamamahala, Joe?” Ako ay nagulantang, sapagkat sa malabong pakiwari ko ay diniborsyo na niya ang ate bilang pabor sa Panginoon ng Almirante, o ng Pananalapi.
“Bigay sa pamamahala,” wika ni Joe. “ang ibig kong sabihin ay ang pamamahala sa iyo at sa aking sarili.”
“Oh!”
“At hindi siya panig na magkaroon ng mga palaaral dito,” patuloy ni Joe, “at lalo na kung ako ang maging palaaral, sa takot na ako ay mag-alsa. Tulad ng isang rebelde, naintindihan mo ba?”
Nais kong magtanong, “Bakit – -‘ subalit pinigil ako ni Joe.
“Sandali lang. Alam ko na ng sasabihin mo, Pip, sandali lang! Hindi ko itinatago na ang ate mo ay makapangyarihan. Hindi na ko itinatago na pinagtutulakan tayo at halos dagan-daganan. At kung minsan labis siya kung magalit, Pip,” pabulong na wika ni Joe at sabay sulyap sa pintuan, “aminin na natin sa prankang salita na siya ay nakakasira.”
Sinambit ito ni Joe na parang nagsisimula sa labindalawang malalaking titik na N.
January 16th, 2012 at 11:31
I think we should keep going — it’s truly a worthwhile venture. Let’s get feedback from those who are falling behind to see how they can be helped — is it just the lack of time or something else? [We also need an editor (who checks for consistency of vocabulary, elements of style, etc.) — but that’s already you, right?]
The translators can also share tips and feedback with each other. For me, it’s the process (rather than the product) that is valuable. While I have written extensively in both languages (mostly for work, a long time ago for school), I have never had to do translations of more than just a sentence or two, so this is really very edifying for me.
We can just have the current roster of translators tackle three or so chapters each (was that your budget?), then any new people who sign up can just do the chapters at the end. Or those who have completed their chapters can take on the remainder.
We can consider variations on “Marangyang Inaasahan” and see which ones sound more natural if any — e.g., “Mayamang Inaasahan,” “Marangyang Pag-Asa”, etc.
(I just noticed that I wrote all of that in English — really much easier for me to do so than in Tagalog!)
January 17th, 2012 at 00:48
Keep going please! Great Expectations is one of my favorites, and your translation group is doing a very good job. :D
January 17th, 2012 at 01:13
Engrandeng Hinahangad?
January 17th, 2012 at 01:56
Yellow Jessica,
Sorry, I must have overlooked the fact I signed up for this awesome assignment. I had a nasty accident last Christmas, and my recovery, well, it wasn’t fun. http://agirlsbucketlist.blogspot.com/2011/12/pain-management.html
Anyhoo, my doctor decided to extend my bedrest asylum to a total of two months :S. But I am getting better, hence my automatic recollection of the project (insert sheepish grin here).
Thank you for the two-day extension, and I will be happy to finish what I have volunteered for. Will post it in comments later.
Cheers,
me :)
January 17th, 2012 at 03:54
Cheerio,
Done with the translation. Thanks to some smart keyword search, I tried to keep the literary feel and translation of the text true to how the writer writes it. I posted it here: http://www.jessicarulestheuniverse.com/2012/01/09/translating-the-dickens-your-assignments
It’s hard knowing our Filipino, well, much of the Tagalog language is influenced by words that are predominantly identifiable to other languages. Like for one, easy, reputation is to reputasyon. I think the side goal of this project is for everyone to compile a list of words that are hard to translate in Filipino/Tagalog (like for one, while looking for the translation of “broad”, broad beans pala is baguio beans. Haha.)
Anyhoo, here’s mine for starters. I could post accepted online sources but it’s the wee hours of the morning and my fiance is threatening to shut the wifi down cause he’s super sleepy and my brain’s still in hyper mode. Grrr.)
1. Marsh is to Burak – mud or putik (used this in marsh cause the direct translation refers to marsh mud. I could use an older Tagalog word but “latì, labón, kuminoy” isn’t exactly reader-friendly in this type of text).
2. Beacon is to Tandang-ilaw or I’d go for parola but no.
3. Steer is to Guyang-Toro – other than that, other new-day translations seemed “new” and not fit to the text.
4. Gibbet is to bibitayan
5. Flaxen is to kulay mais – apparently, we do not have an extensive colors translation
6. Nutmeg is to anis – not sure if it is like the “star anis” but I didn’t bother looking :)
Awesome project really! Would like to be on board with a new one! I would have to remind myself though, hehe.
January 17th, 2012 at 09:29
game pa rin. padayon.
January 17th, 2012 at 09:59
Signing up, Jessica.
My suggested title: Marangyang Hangarin (although formally it would be Mararangyang Mga Hangarin as Tagalog adjectives are declined)
January 17th, 2012 at 11:02
Let’s finish what we started. Translating Great Expectations in Filipino is such a huge nerdy task that we simply have to carry on!
January 17th, 2012 at 17:51
Ituloy natin! Sayang naman ang nasimulan. Baka pwedeng paunti unti nating isalin ang libro para hindi naman nakakasindak.
Sa ating pagsasalo-salo, dapat merong pabilisan ng paghahati ng tinapay con mantekilya. Wahaha.
February 6th, 2012 at 09:31
Sooner or later, we should probably move up to one full chapter per translator per translation cycle.
Not only will it step up the pace, but will also make it easier for the translators to have a more comprehensive view and better context of what they are translating.
February 6th, 2012 at 13:07
That Digested Read of Great Expectations is hilarious. We should translate that too.
February 7th, 2012 at 11:53
Check out today’s image at Google.com
February 9th, 2012 at 13:09
Nais ko lang ibahagi ang aking naisalin sa Chapter 7 – mula sa “I made it,” said Joe’ hanggang sa “Joe pronounced..”
“Ako ang gumawa,” wika ni Joe, “ako mismo. Sandali ko lang ginawa. Parang pag-tanggal ng sapatos ng kabayo, isang hataw lang. Medyo nagulat din ako at hindi makapaniwala na nakagawa ako ng ganoon para sa kanya. Sabi ko nga, Pip, sana mailagay ang linyang iyon sa kanyang lapida kaya lang gastos pa. Kailangan ng aking ina ng pera. Maysakit sya at talagang walang-wala. Di rin nagtagal, yumao din siya at nakamit ang sariling katahimikan.”
Naging luhaan ang bughaw ng mga mata ni Joe at pinahid niya ang mga ito habang hawak ang bilog na bakal na pangsundot sa apoy.
“Malungkot ako noon,” sabi ni Joe, “nagiisa lang nang makilala ko ang iyong ate. Ngayon, Pip,” – tinitigan ako ni Joe na parang iniisip niya na hindi ako sasangayon; “ang iyong ate ay napakabuting babae.”
Tumingin ako sa apoy na may pagaalinlangan.
“Ano man ang palagay ng pamilya o nang buong mundo tungkol diyan sa ate mo, Pip,” wika ni Joe na sabay may diin sa ibabaw ng pugon sa mga salitang, “siya ay mabuting babae!”
Wala akong maisip na sabihin kundi, “Ako’y nagagalak sa iyong palagay, Joe.”
“Ako rin,” wika ni Joe. “Ako’y nagagalak sa akin palagay, Pip. Minsan may mga pasa o latay pero ano ba naman ang halaga ng mga iyon sa akin?”
Malalim kong napagtanto, kung wala itong pahiwatig sa kanya, kanino kaya ito ipinahihiwatig?
“Tumpak!” pagsang-ayon ni Joe. “ Tama ka! Noong makilala ko ang ate mo, usap-usapan kung ang istriktong pagpapalaki sa iyo. Mabuti daw iyon sabi ng mga tao at nakisang-ayon din ako sa kanila. Para sa iyo naman,” tuloy ni Joe na mukhang may nababanaag na pangit, “kung alam mo lang kung gaano kaliit, luyloy at kakulit ka, mahal ko, makabubuo ka rin ng napakahamak na palagay sa sarili mo!”
Dahil hindi ito maganda sa akin, sabi ko na lang, “Huwag mo kong pansinin, Joe.”
“Pero pinapansin kita, Pip,” wika niya na may kababaang loob. “Noong sinabing kong magkasama kami at magpakasal at tumira sa pandayan, sinabing kong ‘At dalhin ang kawawang bata. Pagpalain nawa ng Diyos ang kawawang bata,’ Sinabi ko sa ate mo, ‘mayroon pang silid para sa kanya sa pandayan.”
Napaiyak ako, humingi ng tawad at yumakap kay Joe. Binitawan niya ang hawak na bakal at yumakap din sa akin at sinabing. “Di nga ba’t magkaibigan tayo, Pip? Huwag ka nang umiyak!”
“Kita mo na, Pip, nandito tayo! Ngayong nais mong alamin ang aking mga natutuhan, hindi dapat malaman ni Gng. Joe kung ano man ang mga balak natin. Kung may gagawin man tayo, dapat ito ay palihim. At bakit palihim? Sasabihin ko sa iyo, Pip.”
Muli niyang kinuha ang bakal na pangtusok sa apoy na kung wala ay hindi siya siguro makakapagpatuloy.
“Ang ate mo ay bigay sa pamamahala.”
“Bigay sa pamamahala, Joe?” Ako ay nagulantang, sapagkat sa malabong pakiwari ko ay diniborsyo na niya ang ate bilang pabor sa Panginoon ng Almirante, o ng Pananalapi.
“Bigay sa pamamahala,” wika ni Joe. “ang ibig kong sabihin ay ang pamamahala sa iyo at sa aking sarili.”
“Oh!”
“At hindi siya panig na magkaroon ng mga palaaral dito,” patuloy ni Joe, “at lalo na kung ako ang maging palaaral, sa takot na ako ay mag-alsa. Tulad ng isang rebelde, naintindihan mo ba?”
Nais kong magtanong, “Bakit – -‘ subalit pinigil ako ni Joe.
“Sandali lang. Alam ko na ng sasabihin mo, Pip, sandali lang! Hindi ko itinatago na ang ate mo ay makapangyarihan. Hindi na ko itinatago na pinagtutulakan tayo at halos dagan-daganan. At kung minsan labis siya kung magalit, Pip,” pabulong na wika ni Joe at sabay sulyap sa pintuan, “aminin na natin sa prankang salita na siya ay nakakasira.”
Sinambit ito ni Joe na parang nagsisimula sa labindalawang malalaking titik na N.
February 9th, 2012 at 23:51
Here’s my assignment Jessica. Sorry, had to re-register. I lost my password and for some reason, I could not reset it.
Mararangyang Hangarin/Natatanging Asamin/Katangi-tanging Pag-asam
Chapter 7
“At the time when I stood in the churchyard”…”and Joe received it as a miracle of erudition.”
Kabanata 7
Sa mga oras na ako’y nakatayo sa may bakuran ng simbahan, habang binabasa ang mga lapida, ang aking kaunting nalalaman ay halos hindi sapat upang intindihin ang mga ito. Ang pagkakaintindi ko maski na sa simpleng pakahulugan ng mga ito ay hindi tama, dahil ang pang-unawa ko sa “asawa ko sa May-taas” ay isang parang pagbibigay ng ama ko ng pagpupuri sa isang mas kaaya-ayang mundo; at kung isa sa aking mga namayapa nang kamag-anak ay natukoy na “Ibaba,” wala akong pag-aalinlangan sa pagkakaroon ko ng hindi kanais-nais na pakiwari sa kamag-anak ko na nabanggit. At hindi rin masasabing tama ang aking mga pananaw tungkol sa mga kuro-kuro sa relihiyon na ibinalot ng Katekismo sa akin; dahil, sariwa pa sa alaala ko na kung saan nasabi ko na “maglalakad ako ng walang iibahin habang ako’y nabubuhay,” nagkaroon ako ng obligasyong tahakin ang aming kanayunan galing sa aming bahay patungo sa iisang direksiyon, na hindi kailanman babaguhin ito sa pamamagitan ng pagliko sa pagawaan ng mga gulong o kaya sa may kiskisan.
Noong ako ay nasa sapat na gulang na, kinailangan kong mamasukan kay Joe, at hanggat hindi ko pa nakakamit ang karangalang iyon hindi ko makakamtan ang tinatawag ni Gng. Joe na “Laking-pompeyo,” o (sa aking pagkakaintindi) laki sa layaw. Samakatuwid, hindi lang ako ang nararapat na isalang, dahil kapag mayroon kaming kapitbahay na nangangailangan ng isang batang mananakot sa mga ibon, o kaya mamulot ng mga bato, o gumawa ng mga ganitong bagay, ako ang nabibigyan ng trabahong ito. Ngunit upang ang aming nakatataas na estado ay hindi madungisan, naglagay kami ng lagakan ng pera sa aparador na yari sa mantel sa may kusina, at alam nang madla na dito namin ihinuhulog ang mga kinita ko. Naniniwala ako na sa kalaunan ang mga ito ay iaambag sa pambayad sa Pambansang Utang, pero alam kong wala akong personal na hangad na makinabang sa yamang ito.
Ang lola sa tuhod ni G. Wopsle ay nangangasiwa ng isang panggabing paaralan sa kanayunan; masasabi natin, siya ay isang nakakatawang matanda na may limitadong kakayahan sa buhay at napakaraming karamdaman, na noon ay natutulog magmula alas sais hanggng alas siyete ng gabi, sa grupo ng mga kabataan na nagbayad ng dalawang sentimo kada linggo, para sa umuusbong na pagkakataong makita siyang ginagawa niya ito. Nangupahan siya ng maliit na bahay, at si G. Wopsle ay nakatira sa kwarto sa itaas, kung saan kaming mga estudyante ay nakakarinig sa kanya na nagbabasa sa paraang kapita-pitagan at kahanga-hanga. May mga haka-haka na “sinusuri” ni G. Wopsle ang mga mag-aaral, minsan sa makatlong buwan. Ang ginagawa niya sa mga pagkakataong iyon ay magtaas ng punyos, mag-pomada ng buhok, at ibahagi ang talumpati ni Mark Anthony para sa katawan ni Caesar. Nasusundan ito palagi ng Kantang Tula Tungkol sa Simbuyo ni Collins, kung saan ko pinakasasamba si G. Wopsle bilang si Paghihiganti, habang inihahagis niya pababa ang kanyang ispada na balot ng dugo, at katunggali ang trumpeta na di naniniwala sa giyera habang pinagmamasdan siya ng kanyang nakatutuyot na titig. Pagkatapos ay nawala na ito sa akin, at sa kalaunan pa sa aking pamumuhay, nang makasama ako sa grupo ng mga Masimbuyo, at inihahawig ko sila kina Collins at Wopsle, na hindi makabubuti sa mga ginoong ito.
Ang lola sa tuhod ni G. Wopsle, kasama ng pagkakaroon ng isang Institusyon sa Karunungan, ay nagpapatakbo – sa iisang kwarto – ng isang pagkalahatang tindahan. Wala siyang alam kung anong paninda meron siya, o kung anong presyo ang mga bagay-bagay dito; ngunit merong isang maliit at madulas na libro na nakatago sa kahon ng mesa, na nagsisilbing Listahan ng mga Presyo, at sa pamamagitan nito inaayos ni Biddy ang lahat ng mga gawain sa tindahan. Si Biddy ay apo ng lola sa tuhod ni G. Wopsle; inaamin ko na hindi ko kayang tantuhin kung ano ang relasyon niya kay G. Wopsle. Ulila siya katulad ko; kagaya ko, ako ay pinalaki sa pamamagitan ng kamay. Kapansin-pansin siya, sa aking palagay, dahil sa mga dulong parte ng katawan niya; dahil, ang buhok niya ay laging kailangang suklayin, ang mga kamay niya ay laging kailangang hugasan, at ang mga sapatos niya ay laging kailangan ng pagsusulsi at paghihila sa parteng takong. Ang paglalarawang ito ay dapat tanggapin tuwing araw lamang ng pasukan. Sa araw ng Linggo, nagsisimba siya na napakaayos ng itsura.
Dahil sa kawalan ko ng kasama, at dahil sa tulong ni Biddy at hindi ng lola sa tuhod ni G. Wopsle, nagpursigi ako sa pag-aaral ng alpabeto na sa akin ay parang isang napatinik na maliit na punongkahoy. Pagkatapos noon, ako ay napasama sa mga magnanakaw, siyam na katao, na para bang gabi-gabi ay may ginagawang bagong pagbabalatkayo at sila ay hindi nakikilala. Ngunit sa wakas, ako’y nagsimula, sa paraang parang bulag na nangangapa, na magbasa, magsulat, at umintindi, sa napakakokonting panimula.
Isang gabi, nakaupo ako sa may pausukan sa sulok hawak ang aking munting pisara, masidhing nagsusumikap gumawa ng sulat para kay Joe. Sa tingin ko mga isang taon na mula noong kami ay nangaso sa mga latian, dahil napakatagal pa pagkatapos noon, at dumating ang tagginaw at matinding pagyelo. Gamit ang alpabeto sa dapog na nasa paanan ko, nakagawa ako sa loob ng isa o dalawang oras na ipinta at ipahid ang sulat na ito:
MINMHL KNG JO SNA AY MABTI KA SNA AKO ___________(sorry, don’t understand this part)
Hindi naman kinailangan na sumulat ako kay Joe sa pamamagitan ng liham, dahil nakaupo siya sa tabi ko at wala kaming ibang kasama. Subali’t, ibinigay ko ang liham na ito (kasama na ang munting pisara) na mismong ako ang nag-abot, at tinanggap ito ni Joe na parang isang milagro sa pagdating ng karunungan.