What if you ran into yourself? Our LitWit Challenge about doubles has two winners.
Of course.
It’s 3:23am, a British player has won the Wimbledon men’s final for the first time in 77 years, our British friends have shed more tears than Andy Murray, and we’re not in the mood to pick one entry. We have two winners: Alma by murakamibaby, a science-fiction take on the Yaya Theory of World Domination, and noelz’s multiplicity comedy.
Congratulations, murakamibaby and noelz! We have your full names from your site registration; we’ll email you when your prizes are ready (We’re going to get more books). This LitWit Challenge was brought to you by our friends at National Bookstore.
Here are the winning entries. Enjoy.
Illustration by Anna Kavehmehr
ALMA by murakamibaby
If you don’t shine you are darkness
The future is merciless
– Tomorrow, Charles Wright
Muling binuksan ni Alma ang nakatiklop na papel na nabasa na ng pawis at halos nanikit na sa kanyang kamay. PIER 45, MS MAHARLIKA pa rin ang nakasulat dito, at tila inihabol ng kung sino mang nagsulat ang salitang ALAS-OTSO. Labinglimang minuto bago ang sabi sa kanya ng higanteng relong nasa gitna mismo ng pantalan, kaya humanap muna siya ng mauupuan.
Maraming tao, pero wala ni isang bagay na magulo o tila hindi ordinaryo. Maraming mga haka-haka ang mga taga-Ahensya kung ano’ng nangyayari dito – kesyo maraming taong nagkakantahan, laging may gulo, maya’t maya’y may hinahabol ang mga sundalo at kapag nahuli’y babarilin sa sentido – ngunit walang kasing-payapa ang umagang ito. Haka-haka nga, bulong ni Alma sa sarili; wala namang ni isa sa kanila ang umabot dito at nakabalik para magkwento.
Natatanaw na niya ang barko. Mula sa malayo’y tila hindi ito umuusad, pero alam niyang darating ito sa takdang oras. Hindi kailanman nahuhuli ang barko. Alam niya dahil siya man ay minsan nang sumakay sa MS MAHARLIKA at dumaong sa pantalang ito. Bahagya siyang nangiti sa alaala ng kanyang pagdating, kung paanong ang pantalan, ang hanging dumadampi sa kanyang braso, ang buong mundo’y bago. Kung paanong walang pinagiba ang hitsura niya noon sa ngayon. Parehong kamisetang puti at paldang itim, parehong maleta na naglalaman ng limang pares pa ng parehong damit. Nadagdag lang ang nakakwadrong larawan ni Rosalie.
Bugnuting bata si Rosalie, kaya siguro nagpasya ang magulang nito na lumapit sa Ahensya. Sakitin pa. Sa kanyang pagdating agad siyang isinailalim ng Ahensya sa Proseso upang maging angkop na tagapag-alaga ng bugnutin at sakiting bata. Sa Ahensya rin lumalapit ang mga magulang ng mga batang may kapansanan, mga anak ng importanteng tao, o kahit sinong magulang na kayang magbayad sa Ahensya. At parati, naibibigay ng Ahensya ang tagapag-alaga na tunay na naaangkop sa mga anak nila.
Ipinagbabawal ng Ahensya, subalit labis na minahal ni Alma si Rosalie. Nang mawala ang pagkabugnutin nito’y lumabas ang labis na pagka-bibo. Mahilig umawit, sumayaw. Higit sa lahat ang malakas na tawa nito, ang malalalim na biloy sa pisngi. Walang ibang nakakapagpasaya kay Alma bukod kay Rosalie, at alam niyang wala ring ibang kailangan ang bata sa buong mundo kung hindi siya. Hindi ang mga magulang nito, hindi ang mga doktor, hindi ang mga kalaro, kung hindi si Alma. Sinisiguro iyon ng Ahensya.
Hanggang dumating ang araw na hindi na siya kailangan.
Nakadaong na ang barko at naglapitan dito ang may isandaang mga Alma. Mga babae, dalawampung taong gulang, suot ang parehong damit at iisa ang hulma ng mukha kay Alma. Sinasalubong nila ang bumababang isandaang bagong Alma na papalit sa kanila. Halos walang ipinag-iba ang mga ito sa mga Almang aakyat ng barko, mas malinis lang siguro ng kaunti ang puting kamiseta, mas matingkad ang itim ng mga palda. Dadaan mismo sa harap ni Alma ang isang bagong salta, pinagbiyak silang bunga, bukod sa kanilang mata. Sa mga mata ng bagong Alma, ang mundo’y bago. Nginitian siya nito.
Tumunog ang sirena, isa-isa nang nag-akyatan ang mga kagaya niyang paalis sa barko. Walang nakakaalam kung saan sila dadalhin nito. May nagsimulang umiyak sa dulo ng pila, may nagtangkang tumakbo. Umalingawngaw ang isang putok. Sa gitna ng kaguluhan, hindi na makuha ni Alma ang lumingon; ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata, muling inalala ang maamo at masayahing mukha ni Rosalie, at bumuntong-hininga.
Saka humakbang si Alma ng kanyang unang hakbang paakyat ng barko.
Being John Malkovich movie poster
Barbecue by noelz
You know how, in those movies, something horrible happens to the lead characters — say, an EMP takes out all power for weeks in a major city and all life as you know it is disrupted and everybody ends up starving and turning into cannibals? Or a zombie apocalypse forces a band of survivors to hole up in a deserted mansion or something like that— and everybody Just. Loses. Their. Shit. It is in people’s nature to get paranoid and start throwing accusations against each other: “I saw him sneak into the tent and steal the last two cans of sardines.” Whatever. And everybody just starts killing everybody else. And while you’re watching the events unfold you’re going, “Fuck, this is too unrealistic. The screenwriters just put in all these mentally unstable character types to ratchet up the tension. Come on guys. Have a timeout. Freaking out’s never led to anything good in these types of tales. Everybody knows that.” And that’s when somebody snaps and takes out a gun or hunting knife or something and everybody but the lead guy and girl gets slaughtered? Well, something a bit like that happened to me six months ago and apparently, well, you can’t help but freak out. I am ashamed to admit it, but in the heat of the moment, I might have killed a bit. I might’ve tortured a bit. When times got tough and you’re surrounded by people who’ve gotten as paranoid as you have, one has a tendency to murder. Who knew?
(more…)