Ingress
Photo: Velocipede by Ricky Villabona
If you have trouble registering on this site, please email koosi.obrien@gmail.com your name and preferred password. We’ll add you to the registered users directory and send you a confirmation email at the end of the week. Thanks.
November 9th, 2010 at 19:39
Dito nga.
November 9th, 2010 at 20:21
wow! ibang world na ba ito?
November 9th, 2010 at 20:41
Hahahahaha!!! Hindi ko kinakaya!? Alam na ba to ng iba?
November 9th, 2010 at 20:52
#4 jessicazafra — Aayyyyyy!!! Baka mas mainam na sa iba fora na natin gawin ang balitaktakan hahahaha!!!
November 9th, 2010 at 21:07
Ano ito? Bakit tayo naglakbay patungo sa nakaraan?
November 9th, 2010 at 21:35
Para tayong nasa Battlestar Galactica!!!
November 9th, 2010 at 21:38
Wala pang iuulat ngayon. Bagama’t ikinalulungkot ni Anakin na nagpadala siya ng hologram kay Angel Locsin kahapon at kaninang umaga, nguni’t di ito sumagot. Nag-aalala tuloy si Anakin na ang kanilang bagong pagkakaibigan ay para sa puting tabing lamang.
November 9th, 2010 at 21:44
Mga kapanalig, ako’y tawang tawa na naman sa mga pangyayari sa atin. Para tayong pusakal na nagtatago LOL.
#14 jessicazafra — Yan naman ay napakalungkot talaga. Sana’y hindi ganoon.
Ayokong bigyan ang kahulugan ang mga bagay bagay kaya mabuting dito muna tayo magkubli….Kape, mga katoto :)
November 9th, 2010 at 21:55
@ #14 jessicazafra: Tungkol saan ba yaong hologram? Trabaho?
November 9th, 2010 at 21:57
Aba, mabigat ang hangin sa planetang Tatooine. Kailangan natin ng flashback!
November 9th, 2010 at 22:10
@ #17 samantha: Hahaha!
@ #20 jessicazafra: Walang problema iyon basta ang hologram mo ay propesyonal ang tono at walang bahid ng paglalandi.
Hindi pa wala ang lahat. Hawak ko na Ang Kumpletong Aklat ng Mga Patakaran. Naiibi ito sa ibang kopya dahil ang ibang aklat ay bahagi lamang ng Mga Patakan ang sinusulat. Nadito Ang Patakaran sa Pakikipag-ugnayan sa Mga Sikat Na Tao o Manlalaro (tsek), Pkikipag-ugnayan ng Malayoan (tsek), Pakikipagugnayan sa Trabaho (tsek) at Paano Gawing Nobyo ang Isang Kaibigan(tsek).
November 9th, 2010 at 22:22
#14 jessicazafra – Ako’y nalulungkot nga para kay Anakin kung ito’y totoo. Hindi kaya abala lamang si Angel Locsin sa pagiging lobo? O maaaring sumapi na rin siya sa mga taga-Naboo? Maaaring idinidikta ni Princess Leia ang dapat gawin, kung totoo na may pag-uusap pa rin ang mga taga-Naboo. Pero, wala tayong ebidensya.
May patakaran din ba ang pakikipagkaibigan? Ang daming patakaran! Lol!
November 9th, 2010 at 22:24
Hmmmmmnnnnnn….Sa palagay mo sinadya na hindi in-on o hindi lang niya alam paano in-on yaon o akala niya naka-on na?
November 9th, 2010 at 22:31
@#22 jessicazafra – hahaha wagi si padme. sa kabila nito, nakakatuwa ang kanyang pagiging maasikaso. napansin niyo ba ms.j kung ganito din siya sa iba o bukod tanging si anakin lamang ang kanyang pinangangalagaan?
November 9th, 2010 at 22:34
Nababahala lang ako ng konti. Pakisagot sa bawat isa nitong mga katanungan. 1) Noong nagkasama ang dalawa? Inilahad ba ni Anakin ang lahat o halos lahat niyang saloobin? Mga karanasan, drama sa buhay etc etc kung baga nagsharing galore ba si Anakin?; 2) Palagi bang nakadikit si Anakin kay Padme o nakikipagsalamuha ba din siya sa mga tagapagsilbi?
November 9th, 2010 at 22:35
#25 the chronicler of boredom: Napakahirap na tanong! May pagkakaiba ba ng kahulugan para sa bawa’t sagot? Akala yata ng reyna na naka-on na ito.
November 9th, 2010 at 22:43
#27 the chronicler of boredom: (1) Walang inilalahad si Anakin. Naroon lamang siya upang magmasid. Hindi siya pala-share. Hindi rin gaanong pala-share si Padme. (2) Si Anakin ay nakikipagsalamuha sa lahat. Nakikipagkwentuhan siya sa lahat, na siyang kinaaasar ng reyna na nangangailangan ng walang-katapusang pansin. Naaalala mo ba noong nagpadala si Anakin ng hologram sa iyo bagama’t di kayo magkakilala? Tungkol ito doon. Ginamit ni Anakin ang Kapangyarihan upang makahanap ng maestro, at ikaw yon.
#29 yorkie85: Oo at oo.
November 9th, 2010 at 22:47
Tungkol kay Angel Locsin, malamang marami din siyang iniisip at ginagawa. Hayaan mo na lang yun. Ginagawa mo lang naman ang iyong trabaho. Siguro matinding pag-iisip ang ginagawa niya tungkol dito. Artista siya at may iniisip din niya ang kanyang imahe. Kung angkop ba ito sa kanyang pagpapalago ng kanyang sarili sa pamilihan. Ang pangunahing trabaho niya ay modelo, hindi manglalaro. Magkaiba ang mga mundo na iyon.
November 9th, 2010 at 22:53
#23 brewhuh23: Nakatanggap naman si Anakin ng hologram mula sa ilang taga-Naboo na walang kinalaman sa kuwentong kababalaghan.
November 9th, 2010 at 22:57
@ #31 jessicazafra: Ahh…napanatag na ang loob ko. Mabuti naman kung ganon.
Gusto ko lang ibahagi ang sinasabi ng Ang Mga Patakaran tungkol sa Trabaho at Romansa:
1) Kung magpapadala ka ng hologram tungkol sa trabaho. Dapat ito ay maikli at propesyonal. Direkta mong sabihin ang pakay mo. Hindi mo dapat haloan ng mga paglalandi.
2) Kung maglalandi man siya, isa sa bawat limang paglalandi mo lang ang dapat mong sagutin.
3) Gawin mo ang trabaho mo. Kung kinakailangan na ikaw unang kakausap sa kanya siguraduhin mo na ang motibo mo ay para lang sa trabaho at wala ng iba.
4) Kung tungkol sa trabaho ang kanyang pinapadala sagutin mo ito lahat kaagad.
November 9th, 2010 at 23:23
Mga katoto, marahil tayo lamang nagulantang sa mga bagay bagay pero sa aking palagay, wala namang dapat ipangamba. Ngunit ikinagagalak ko na tayo ay nakalipat na ng punong himpilan hehe. Harinawa’y hindi nila tayo mahagilap XD
November 9th, 2010 at 23:48
@ #45 jessicazafra: Ahahahahaha! Talagang kahanga-hanga. Alam mo, ganyan din ako. May reputasyon na nga akong isnabero sa lugar ng aking pinag-ehehersisyohan. Mayroon ngang sandaling may isang ibinulatlat niya ang kanyang buong sarili sa aking harapan pero mas lalo ko pa siyang hindi pinapansin. Hahaha.
November 11th, 2010 at 22:18
Ah…Isa pang tanong. Puwede ba akong magdala ng isang aklat na sinulat ng may-akda para ito ay masulatan niya?
November 11th, 2010 at 22:25
Maaari kang magdala ng kahit sampung aklat. Maliit itong kapalit sa pambubulabog sa inyo ng may-akda ng ngayo’y namumbalik na sa wastong pag-iisip at nangingilabot sa kanyang inasal noong mga nakaraang araw.
November 11th, 2010 at 22:37
@ #74 jessicazafra: Maraming salamat! Sampu kung ganun. Hahaha! Walang anuman iyon. Kami ay mga makabagong Pilipino na hindi na nag-asal talangka. Kung may isa man sa atin ang may pagkakataong makamit ang pinagnanasahan nating lahat, dapat magsanib puwersa. Ito ang diwa ng republikanismo, isang tao ang kumakatawan sa pangkalahatang interes. Hahaha.