The Younghusbands of the Azkals pitch ‘fashionalism’
(L-R) James and Phil Younghusband. All photos by JZ.
Noong isang linggo’y nakatanggap kami ng paanyaya mula sa Collezione para sa isang pananghalian at talakayan upang ipakilala ang kanilang mga bagong “brand ambassador”, sina Santiago at Felipe Batangasawa. Ang magkapatid na Batangasawa ay mestizong Pilipino at Ingles na manlalaro ng futbol. Sila ay bahagi ng pambansang koponang tinaguriang “Azkals”.
While we’re snapping pictures of designer Rhett Eala and Collezione C2’s new endorsers, Rhett is snapping pictures of us for his blog.
Ang Collezione naman ay kompanyang Pilipino na nagtataguyod ng ‘fashionalism’—ang pagtaguyod ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pananamit. Kilala nating lahat ang mga kasuotang nilikha ni Rhett Eala para sa Collezione C2, lalo na ang mga barong may disenyo na mapa ng Pilipinas.
Bagama’t masyadong maaga para sa amin (10.30am) ang okasyon, minabuti naming dumalo upang makapag-usyoso. Tutal ay sikat na sikat ang Azkals ngayon, at biglang nagkaroon ng malawakang interes sa futbol ang madlang Pilipino na dati’y walang kinikilalang laro kundi basketball at boksing. Kaya di nakapagtatakang walang bakanteng upuan sa Conservatory kaninang umaga.
Nakipagtalakayan ang mga Batangasawa sa emcee, pagkatapos ay nagkaroon ng open forum kung saan nagtanong ng. . .tanong ang mga alagad ng media. Sinabi ng mga Batangasawa na malaking karangalan para sa kanila ang makalaro sa koponang pang-reserba ng tanyag na Chelsea football club kung saan ang coach ay si Jose Mourinho. Noong 2010, nagtayo ang mga Batangasawa ng Younghusbands Football Academy para sa mga bata dito sa Pilipinas. Ngayong 2011, maglalakbay sila sa mga lalawigan upang tulungan ang mga paaralan sa pagtuturo ng futbol. Balak nilang palaganapin ang paglalaro ng futbol sa ating bansa.
May ilang tanong tungkol sa buhay romantiko ng magkakapatid na talaga namang maraming tagahangang babae. Sinabi ni Felipe na hindi siya ang tipo ng lalaki na lalapit sa mga hindi niya kakilala at makikipagkaibigan. Karaniwan ang kanyang mga kaibigan ay nakilala sa trabaho o sa pamamagitan ng kanyang pamilya. Dinagdag naman ni Santiago na hindi niya mamasamain na ang babae ang makipagkilala sa kanya at anyayahan siyang lumabas dahil medyo mabagal siya sa mga ganitong bagay.
Nagtanong ang aming kaibigang si Myrza kay Felipe tungkol sa pakikipagkaibigan nito sa artistang si Angel Locsin. Kinailangan naming i-google ang impormasyong ito at hindi namin nasusundan ang mga balita tungkol sa artista, bagama’t palagi kaming nanonood at nanlalait ng pelikula. Kaya’t hindi namin gaanong naunawaan ang sagot ni Felipe, nguni’t sa wari nami’y mabuti naman sila.
May pumuna sa disenyo ng mga pantalong Collezione C2 na suot ng magkapatid—maliliit na pating at balyena. Sinabi ni Santiago na natutuwa sila sa disenyo dahil noong bata pa sila’y nakapanood sila ng Free Willy.
Nabanggit din nina Santiago at Felipe na sa kasalukuyan sila ay natututong magsalita ng Pilipino. Naalala namin na matagal na kaming hindi nagsusulat sa Pilipino kaya’t naisip naming gawin ito.
This photo courtesy of Collezione C2. Colors!
Ang mga bagong disenyo ng Collezione C2 ay matatagpuan ngayon sa lahat ng tindahan ng Collezione.
March 1st, 2011 at 19:16
Di ko sila type feel ko lang may pagka feelingero sila kasi may napanood akong interview nila OMG!! na major turn off ako.
MAS TYPE KO SI Ned Stephenson at Jaime Urquijo Zobel parang napaka down to earth nila at ang BREEDING naghuhumiyaw!!!
March 1st, 2011 at 19:26
Wahaha! Awesome post. First time I’ve read a Jessica Zafra article in Tagalog.
March 1st, 2011 at 19:35
Sana ay mayroong mga disenyong sukat para sa mga bata. Gusto ko kasing bilhan ang aking mga anak. Nawa’y magtagumpay ang magkapatid sa pagpapalaganap ng futbol sa bansa. Napakahalagang papel ang gagampanan nila sa pagpapalakas ng larong ito sa mga kabataang mas mulat sa basketball at boxing, isama na rin pati plants vs zombies.
March 1st, 2011 at 19:49
hahaha! thought i typed in the wrong address..so are they ready to be jwab?
March 1st, 2011 at 21:39
Grabe, naloka ako sa post hahahaha! Santiago at Felipe Batangasawa! :D
Parang Saint Andrew’s Field = San Andres Bukid :D
March 1st, 2011 at 21:41
Maganda ang mga mga disenyo ngunit pakiwari ko’y ang mga madla ay gusto ring magsuot ng mga disenyong ito sa dahilang sinusuot ito ng mga Batangasawa. Hindi ako bibili. Hahaha! Maliban lang kung magbababa sila ng presyo. Mawawala ang kaartehan ko kapag bagsak presyo.
March 1st, 2011 at 22:49
JZ, mas matatas ka pa rin namang mag-Tagalog kaysa sa magkapatid na Batangasawa. Masubukan din nga minsan para sa aking blog.
Minsan ko lang yata napakinggan ang isang panayam ng magkapatid na ito (sa TV). Hindi ko masyadong maintindihan ang kanilang sinabi dahil medyo kakaiba ang kanilang punto — parang hindi pangkaraniwang Inggles o Britaniko. Saan bang bahagi ng bansa nila sila lumaki?
March 2nd, 2011 at 00:11
Akyat-Bahay Gangster: Tama! Bagay na bagay ang wikang Tagalog sa iyong blog.
Ayon sa wikipedia sila ay ipinanganak sa Ashford, Middlesex, England. Naintindihan ko naman ang kanilang pananalita, nguni’t ilang beses ko nang napanood ang Trainspotting, The Commitments, at iba pang pelikulang Britaniko na may kakaibang punto.
March 2nd, 2011 at 01:13
Ayos. omg too funny, your humor transcends languages and translates perfectly in tagalog….lol…I wonder how does Auntie Janey feel about Felipe ba or Santiago’s invitation to girls to make the first move??? Not sitting to well, I think!
March 2nd, 2011 at 11:12
Ako nga pala ang nag tsuk-tsak-tienes ng fez-tellenz nila at si Bb. Bitagcol ang kumuha ng larawan! mas gusto ko yung panganay, si James.
Tuloy ba tayo bukas?
March 2nd, 2011 at 11:55
Chus: Ayyy! Bakit wala ka doon? Oo, mas kabigha-bighani si Santiago.
Tuloy tayo bukas. May pila daw kaya’t off-hours tayo pumunta. 2pm?
March 2nd, 2011 at 15:48
Mas tama yata kapag ganito ang pagkakasulat (kunt ito nga ang ibig ipahiwatig):
“…tanyag na Chelsea football club *nung panahon na* ang coach ay si Jose Mourinho”
Siguro ay mga bandang 2004-07 ito. Si Carlo Ancelotti ang kasalukuyang coach ng Chelsea FC.
March 2nd, 2011 at 16:22
Waaaaaaaaiiiiiiit a minute… what is this about FEEEL getting all showbiz all of a sudden? Because that could only mean several things:
1) He sold out. Like, totally sold out. And that rumor about Ow-Eyngel Locsin is the last straw. (And is it me, or does the existence of this rumor remind anyone of the mutual-famewhoring relationship between Michael Buble and Kristine Hermosa from back in the day?)
2) It’s official: I can finally pass Feel on to my Mom, assuming that she gives Colin Firth back to me. (My dad, as usual, does not mind, because he’s too busy trying to adopt Justin Bieber as his grandson.)
3) Mas gusto ko pa rin si Santiago.
4) [Free plugging] It’s things like this that make me thankful that I’m a card-carrying member of Gazette 365. [/free plugging]