Crowdsourced post: Kayo ang magsalaysay ng Tulfo vs Raymart. Updated: Ang nagtagumpay ay si…
Minty! para sa kanyang tula.
Pangalawang premyo (nguni’t walang komiks): figsch para sa ulat na beki.
Pangatlong premyo (wala ring komiks): roseriver para sa linyang ito: “sabi ko na nga ba, kapag ang isang tao ay may mabalasik at nagki-criss-cross na mga kilay sa gitna ng noo, may pagka-halimaw talaga ang pag-uugali.”
Mabuhay ang mga nagwagi! Minty, pakisulat ang iyong buong pangalan (Hindi ito makikita ng mga mambabasa) sa Comments. Ipapadala namin ang iyong Manga komiks na Ang Mga Tagapaghiganti sa Pambansang Tindahan ng Aklat sa Pabrika ng Kapangyarihan, Mabuting Bato, Makati.
Salamat kina Francine at Chus, ang mga hurado sa timpalak na ito.
P.S. Momelia, nasa Pambansang Tindahan ng Aklat na rin ang komiks na dulot namin sa iyo bilang pasasalamat sa pagbigay mo ng permiso upang magamit namin ang iyong sulat sa aming kolum sa pahayagan.
* * * * *
Hindi kami nanonood ng telebisyon (Ang Laro ng Mga Trono ay napapanood namin sa ibang paraan) o sumasali sa Aklat-Mukha at Huni ng Ibon (Twitter) kaya’t wala kaming alam tungkol sa alitang Tulfo-Raymart. Paki-kuwento naman sa amin kung ano ang nangyari at tila ito ang pinag-uusapan ng madla ngayon. Ang hinihiling lamang namin ay ikuwento ninyo ito sa wikang Pilipino (Tagalog, Hiligaynon, Chavacano, atbp).
Salamat! Ang pinaka-nakakaaliw na pagkukuwento ay magkakamit ng komiks mula sa Mangha (Marvel).
Ang Mga Tagapaghiganti. Ayyy biglang nagka-interes ang mga walang pakialam! Hala, magsulat na kayo at kami’y walang masabi hahahahaha.
Ang Biglaang Timpalak ng LitWit na ito ay hatid sa inyo ng ating mga kaibigan sa Pambansang Tindahan ng Aklat (National Bookstore).
May 8th, 2012 at 14:01
momelia, asan ka? kwentuhan mo kami!
May 8th, 2012 at 15:28
Noong linggo, ika-anim na araw ng buwan ng Mayo sa kasagsagan ng sagupaang Mayweather-Cotto ay may naganap na bugbugan naman sa ikatlong terminal ng Pandaigdigang Himpapawid ni Ninoy Aquino (Ninoy Aquino International Airport Terminal 3)sa lungsod ng Pasay. Ito ay sa pagitan ng batikang mamahayag na si Mon Tulfo at magasawang Raymart Santiago at Claudine Barretto…
Ayon sa isang nakasaksi ng naganap at na nagtago sa pangalang Anna, nakikipagusap si Barretto na galing sa isla ng Boracay sa tauhan ng Cebu Pasipiko (Cebu Pacific) dahil naiwan ang mga bagahe nito sa Caticlan. Galit na galit daw ang aktres at halos duruduruin na ito. Sa di kalayuan, si Tulfo na galing sa Lungsod ng Davao ay kumuha ng litrato ng nagaganap na insidente sa pamamagitan ng kanyang telepono. Ito naman ay nakita ni Barretto at kaagad hiningi kay Tulfo ang telepono. Kaagad naman ikinaila ni Tulfo ang bintang sa kanya hanggang sa nilapitan siya ng aktres. At dito diumano tinulak ni Tulfo si Barreto sabay sipa ng dalawang beses. Nagtamo ng galos sa binti ang aktres. Dahil sa nangyari, agad gumanti ang asawang aktor na si Raymart at sinuntok si Tulfo.
Yan po daw ang unang yugto. Ang pangalawang kabanata ay pinalad na makuha ng ibang pasahero at napapanood na sa telebisyon. [ang una ay hindi nakuha dahil hindi daw gumagana ang mga saradong sirkit na telebisyon (CCTV)]. Sa aking nakita, si Tulfo ay pinagtutulungan siyang pagbubugbugin ng mga anim o pitong katao kabilang na si Santiago. Marami na siyang pinsala sa mukha at ibang bahagi ng katawan ng maawat ang mga kalalakihan na nang-gulpi sa kanya.
Sa ngayon ay parehong partido ang nagsampa ng reklamo sa bawat isa. At parehong sinasabi na di sila ang nagumpisa. Balitaan ko na lang kayo sa mga susunod na pangyayari. (at ayun naman po kung ako’y makasagap pa ng balita dahil nagkataon lang na ako’y namamahinga lang sa pamumundok noong araw na yun at di naman gaano nakakapanood ng telebisyon).
May 8th, 2012 at 15:38
kaloka yung video sa youtube. wala pala talagang ka-poise-poise sa totoong buhay yang si Claudine. sabi ko na nga ba, kapag ang isang tao ay may mabalasik at nagki-criss-cross na mga kilay sa gitna ng noo, may pagka-halimaw talaga ang pag-uugali.
at yang si Raymart Santiago, pinagnanasaan ko pa naman yan nung kabataan ko, hindi ko akalaing ganyan na pala sha ka-devolved ngayon — daig pa ang lasenggerong siga na naghuhuramentado at naghahamon ng away sa mga tambay sa kanto… tsk, tsk.
hindi rin naman ako fan ni Mon Tulfo, dahil meron akong kakilala sa totoong buhay na na-eskandalo sa show niya noon (?) na Isumbong Mo Kay Tulfo. medyo malawak ang imahinasyon niya sa paggawa-gawa ng kwento at pagse-sensationalize ng mga bagay-bagay upang magkaron ng mga manonood na sabik sa drama, kagaya nating lahat.
sa tingin ko, hindi mainam na ikwento nang blow-by-blow ang mga nakapanghihilakbot na kaganapan sa paliparan, mas inimumungkahi ko na panoorin na lamang upang tunay na mapaghusgahan.
May 8th, 2012 at 16:29
Claudine-Raymant, lumapag sa paliparan.
Mga bagahe nila, naiwan kung saan.
Ground crew, taray ni Claudine ay natikman.
Hanggang mga pobre’y nag-iyakan.
Pagtataray ni Claudine, sa cellphone ni Tulfo kinunan.
Ulo ni Raymart, nainitan.
Paghingi sa cellphone ni Tulfo, di pinayagan.
Mukha ni Tulfo at kamao ni Raymart, nagsalpukan.
Claudine, si Tulfo’y dinaganan.
Mga guwardya, gulo’y minatyagan.
Tulfo brothers, si Raymart binalaan.
Claudine, tulala nang sa TV’y makapanayam.
Batang Santiago, nahintakutan?
Tulfo, umaming si Claudine, tinadyakan.
Pero tapos itong sya’y inumbagan.
Susunod na kabanata’y abangan.
May 8th, 2012 at 17:16
mao daw ni ang nahitabu:
nagyawyaw si claudine sa ground personnel kaya nasuku siya kay nawala ilahang bag ni raymart.
sabaan daw kaayo si claudine, morag nishaok ba. aretha franklin, morag ana.
busa gikuha ni tulfo iyang cellphone og gi-picturan sila claudine, kay naluoy man siya sa ground personnel kay morag kahilakon na.
basin nagkurug-kurug ang tiil atong staff kay ana siya sa interbyu niya, basin tanggalon na sila sa ilang trabaho ni gokongwei.
na! nakakita mana si claudine nga gilitratuhan ni tulfo sila claudine og ang staff.
hala, giduol ni claudine og raymart si tulfo, ana si claudine, “unsa na?!, unsa na?!”
paspas nga gitago ni tulfo iyang cellphone sa bulsa. ana siya, “wala koy cellphone, wala koy cellphone.”
duh. pati man gani kinder naay cellphone.
so kato, nagshagit shagit didto si claudine nga igawas ang cellphone, nanawag pa jud og security aron magpatabang na ipagawas ang cellphone ni tulfo.
moaksyon man pod sila raymart og claudine nga kapkapon ang bulsa ni tulfo, kanang walay respeto sa “right to privacy” nga ginaingon.
mao to, nasipaan nuon si claudine sa usa ka martial arts expert, na!, nangitum god iyahang tiil,
hala, didto na nagsugod ang kagubot!
ana daw ang nahitabo, ingon atong staff sa cebu pacific og sa babae nga gi-interbyu sa interaksyon.com.
pero morag kabalo na man pod si jessica ani kay taga-interaksyon man pod siya di ba?
ang ako ra, unta magbehave na god na sila, kapoy atimanon ang utok butiki
May 8th, 2012 at 17:37
Sabi ni Mon Tulfo nang tanungin ang panig ng kanyang kwento tungkol sa naganap na “rambulan” sa terminal ng NAIA terminal 3, kinukuhanan niya raw ng litrato (o video) ang isang babaeng nagrereklamo sa isang ground attendant na may itsurang “natataranta at halos napapaiyak”. Ang concern ni Mon Tulfo ay para sa ground attendant na “natataranta at halos napapaiyak”, hindi sa problema na inirereklamo ng “babae”.
Bilang mamamahayag na si Mon Tulfo, pinaniniwalaan niyang ang pinakaepektibong paraan upang makisangkot ay ang kuhanan ang nasabing eksena ng litrato o video.
Lumapit ang asawa ng “babae”. Si Raymart Santiago. Tinanong ni Raymart ang lalaki, si Mon Tulfo, kung sino ito at bakit nito kinukunan (ng litrato o video) ang kanyang asawa. Base sa kwento ni Raymart, ngumisi lamang si Mon Tulfo sa aktong “nang-aasar” at bigla, sinuntok ni Mon Tulfo si Raymart.
Naganap ang unang bahagi ng rambulan.
Lumapit ang “babae”. Si Claudine Barretto. Tinanong ni Claudine ang lalaki, si Mon Tulfo, kung sino ito at bakit ito nanununtok. Humarap daw si Mon Tulfo sa kanya at “tinadyakan” siya nito ng “dalawang beses” at “tinulak sa counter ng sobrang lakas”.
Isa lang ang naintindihan ko. Hindi mo dapat kinukwestyon si Mon Tulfo tungkol sa kanyang ginagawa, dahil una, nanununtok siya. Pangalawa, kaya niyang tadyakan at itulak ng sobrang lakas ang isang babae.
Naganap ang ikalawang bahagi ng rambulan at ang bahaging ito ay may clip na mapapanuod sa youtube.
Pagkayari ng rambulan nakalimutan na ng lahat na ang orihinal at ang ugat ng kwento ay nagsimula sa isang babaeng nagrereklamo tungkol sa mga hindi naikargang bagahe nito na gawa ng sinakyan niyang Cebu Pacific Flight. Na kung hindi sana ganoon ang serbisyo ng naturang paliparan sa mga pasahero nito hindi sana naganap na may isang nagrereklamo at mainit ang ulo.
At siguro, wala ring isang mamamahayag na kukuha ng litrato (o video) sa paniniwalang bahagi iyon ng tinatawag niyang “kalayaan ng pamamahayag”, maski na labag sa kalooban ng mga kinukunan niya na kuhanan nito sila. Na mas mahalaga ang mga makukuhanan niya bilang materyal sa kanyang isusulat istorya, at magamit ito sa kanyang pansariling kapakinabangan.
Sa huli nalisya ang usapin sa tunay na problema. Mas interesanteng pag-usapan ang mga rambulan.
May 8th, 2012 at 17:40
Deer Ticheraka, kamusta sa kalabasa? bet ka lang ba? bet kong ipagsabi sa yels
na nagsabunutan ang mga joklang Mon Tulfo at kalurking Raymart Santiago.
Nagstartlaloo ang kaekekan ng rumampadoodles si Ray mart kay Mon Tulfo na
pinipoctorial chenes si Clawdeen kase naman, itembang si Clawdeen
minomorayta and bonggang bonggang ground attendedetant sapagkalerku hinde
niya nakeri and bagels nina Clawdeen at Raymart na rumampa sa Boracay Bitch!
Finorcelelr ng magasawa na igetlaban ang cellphone ni Monny Tulfo, ng biglang
flinying kick ni Mon si Clawdeen ng dalawang beses sa hitachinya. Nagkaroon ng
bonggang bonggang pasa si Clawdeen. Kaloka tong bakla na to! Parang di
jumosok sa iskolembang! Tila nag matrix si Clawdeen na natapilok, face first at
najumihan ang color coordinated nyang wardrobe! All pink! Kikay na Kikay! Daig
pa lola mo! Etong bruhang asawa ni Clawdeen ay kinuyog, upper cut si tulfo,
hanggang mahaggard tong echoserang palaka na to na naka pink top and vest!
Nakagetlalooleebells tong si Mon ng charoterang mga nakakalogang injury at
mga pasa! Kahit pa man may apat na skekyuulibells, di naawat ang brawl at
jumoin force pa ang mga ito, kasama ang yaya na nakipag kalurkahan kena
Clawdeen, Reymart at Tulfo!ang trulaloo na may kasalanan ay si Tulfo, sabi ng
isang intrigerang witness na palootanglootang! Nasee ng mga junakis ni
Clawdeen ang komoshon! Magseserve ng lawsuiteeflambuchitongs ang
dalawangang kampoo! Seguradong bonggang bongga ang espesyalindang trial
na magaganapelya in dew taym! Susginuoo, kakaluka! Dakotang mga taong
nagsascandalemag sa pasukan ng hangin (gets? airport?) na wlaang camira!
Osege Teh, Gora na akech! See you sa gagaku!
Trulibellyabellsiflambochinaesteks na yooors,
Pak.
May 8th, 2012 at 18:35
Linggo ng Tanghali:
Dahil pagoda cold wave lotion ako sa init
Isinalang ko ang 45rpm carrier single ng aking paboritong Triplet na sina Sheryl, Tina at Manilyn na ” Mine. Mine Mine” under Ivory Records
Habang nakikinig at nagsasayaw ” Mine. Mine Mine” sa aming balkonahe ay nakatangap ako ng text mula sa aking bes (bestfriend) na si Veronica at sabi nya manood ako ng flash news report at nagkakagulo daw sa Pambansang Paliparan .
Dedma!!!!
Love u? triplets
May 8th, 2012 at 18:43
Wala rin akong kiber sa mga nagaganap na kaguluhan sa kapaligiran, lalo pa at mga kilalang tao ang nasasangkot. Dama ko, di naman madadagdagan ang aking sahod kung igugol ko ang aking konting panahon sa pagurirat ng nangyari. Subali’t dahil may kapalit na isang komiks galing sa Mangha ang pagsalaysay sa kadramahang ito, agad akong naglunsad ng pagsasaliksik. Tiniis kong panoorin ang eksena nila na natala sa IyongTubo, basahin ang iba’t-ibang bersyon na nakakaloka, dahil pangunahing balita ng mga pambansang pahayagan (ano ba ‘yan!). Nakisalo ako ng tanghalian sa aking mga kaopisina na di ko naman gawi para lamang makuha ang pananaw ng aming kalihim, dyanitor at drayber, na sa palagay nila ay mas malalim ang kanilang kuro-kuro kaysa mga kolumnista. May nagsasabi na marami ang natuwa sa pagkakabugbog sa manunulat/reporter dahil sa kanyang angking kayabangan at paglabag sa respeto sa pribadong buhay ng isang mamamayan. Marami rin daw ang humanga sa ipinamalas na pagmamalasakit ng artistang lalaki sa kanyang maybahay at ito raw ay nagpapatunay na di naman pala sila naghiwalay, at ayun nagbakasyon pa nga, kahit tipid na pamasahe, sa Boracay. Mas kapanapanabik daw ang mga susunod na mga pangyayari lalo na at nagpahayag pa ng pananakot ang mga kapatid ng manunulat/reporter. Aba, maghunos-dili ang mga Tulfo, aniya naman ng iba, dahil malaking angkan ang mga Santiago at Barreto. Aabot sila kay Tony Boy na pinsan ng nasa Malakanyang. Dahil sa kulturang Pinoy ang pamilya ang sentro ng lipunan, inaasahan na giyera na ng mga angkan ang susunod. Wow, matagal na mapapadpad sa kasuluk-sulukang pahina ng mga pahayagan ang mga balita tulad ng mga dumaraming mga taong nagugutom.
Ang alitang Santiago-Tulfo (wala akong kinikilingan, ang kaayusan ng pagsulat ng kanilang pangalan ay isinunod ko lamang sa alpabeto) ay bunga ng mas malalim na mga suliranin dito sa ating bansa. Partikular na dito ang mababang uri ng serbisyo ng ating paliparan. Dahilan ba na tipid pamasahe ang tiket mo kaya magtiis ka na maiwan ang bagahe mo, di ka man lamang sabihan, ke sehodang umikot ang paningin mo kahihintay sa iyong maleta, ke sehodang di makainom ng gamot ang anak mo? Masyado marahil nakatutok sa pageensayo sa pagsayaw ang mga manggagawa ng paliparan dahil ito ang mabenta nilang pamamaraan, bukod sa tipid pamasahe, sa pag-enganyo ng pasahero. Pero, huwag naman kaligtaan ang mas mahahalagang aspeto ng serbisyo. Ako man si artistang babae, magwawala ako. Makakatikim sila ng matatalas na pananalita. Dahil di naman ako sikat, sigurado ako na dadaanan lang ako ni Mon Tulfo na para bang wala man lang siyang naririnig. Eh dahil si Claudine Barreto ang nagyayayawyaw sa ere, ayun, nagahaman agad ang manunulat/reporter sa iskup na ito na magiging mabenta dahil sa ito hilig ng mga Pinoy: kontrobersya, pang-aapi ng manggagawa, nangagalaiti at wapoys na artistang babae. Agad inilabas ang teleponong may kamera. Katwiran niya, naawa daw siya sa nilalait na empleyado. Subalit iba ang suspetsa ng asawa ni artistang babae kaya pilit niyang inagaw ang telepono. Kasunod nito ay suntukan, sipaan, tadyakan. Sa pagsisikap ng artistang lalaki na di mailabas sa publiko ang eksena ng kanyang kabiyak, siya tuloy ang pinagpipiyestahan sa IyongTubo, gumugulong kasama ng manunulat/reporter sa sahig. Ang balintuna nga naman ng buhay.
Isa pang balintuna na ang tumatayong manananggol ng manunulat/reporter ay siya ring tagapagtanggol ng dating pangulo, na itinuturing na kaaway ng manunulat/reporter. Tanong ko lang: Itaya din kaya ng manananggol ang mga itlog niya para kay Tulfo?
May 9th, 2012 at 10:56
Napapaiyak, nappaihi, napapatae – marahil ay yon ang naramdaman ng mga babaeng pinagsabihan ni Claudine nang mapagtanto niyang hindi nakasama sa eroplanong sinakyan nila ang kanilang mga bagahe. Bubalit hindi ba dapat tinuruan ng Cebu Pacific ang mga tauhan nila na humaharap sa mga nagrereklamong pasahero kung paano harapin ang mga ito? Isa sa mga itinuturo ay magpakumbaba at maging matatag, huwag maging emosyonal. Ang mga kababaihang naturing, sa paningin ni Ramon Tulfo ay naging emosyonal nang kanilang ipinakita na napapaiyak sila.
Ang mga humaharap sa hindi nila kilala, sa mga kliyente na naisa nilang mapalubag ang loob, ay dapat handang tumanggap ng maaanghang na pananalita sa mga nanggagalaiteng mga kliyente na hindi nabigyan ng karampatang serbisyo katulad ng kanilang binayaran ng sila ay tinanggap bilang kliyente ng mga ito. Ang sabi nga, kumain ka ng tae kung kailangan, subalit hindi ka dapat sumagot ng pabalagbag sa kliyente. Kung hindi mo kaya ang mga panuntunang ito, hindi ka karapatdapat sa posisyong humarap sa mga kliyente. At hindi sila dapat nagsalita sa mga reporter at sinabi na masasakit ang mga salitang binitawan ng kliyente dahil sa kapabayaan ng kanilang kompanya.
May 9th, 2012 at 13:22
**Ako rin ay medio naintriga sa Royal Rumble na naganap kamakailan lang sa pagitan ng mag-asawang Raymart at Claudine at kay Ramon “Lahing Pikutin” Tulfo. Ang ga-gandang lalaki kasi nila eh. Naintriga, medio lang, ngunit ninais ko rin itong sundan, ng onti, dahil na rin sa insidenteng tinadyakan ni Tulfo si Claudine. Ang saya kaya nun.
**Ang aking kuwento ay hindi ko na ni-verify. Ayoko lang. Di ako puwedeng reporter, ngunit puwedeng puwede akong chismosa! At heto na nga ang aking pagkakaintindi sa Celebrity vs Non-Celebrity na Sana-Ay-Deathmatch-Na-Lang-Siya. At hindi ko maiwasang bigyan siya ng kulay. Antaba kasi ni Claudine eh, sa totoo lang.
=====================================================
“God damn syeeett! Nyam nyam nyam, hindi ako napapanatag sa ganitong klaseng incompetence niyo haahhh! Waddoyou mean, huwaat da hell do you mean na our stuff’s in that piece of syett hell hole Caticlan pa? I wouldn’t mind if it’s Gretchen you left in Caticlan eh, but our stuff? Seriously? Pu*&@ng*&#naaaaaa huh!”
“I’m sorry, Mrs Santiago, but we are trying our very best to get your luggage back in no time. If you can please bear with…”
“Raymart, hon? Hooonnn? Can you get out of my shadow muna? Haha, joke lang hon, these idiots kasi eh, nyam nyam nyam, imagine ha. Imagine talaga, are you listening hon? Hon, Aishite Masu was eight years ago na, okay? Move on na, okay? Hoooonnn! Let’s away her na so we can get our stuff na, nyam nyam nyam. Would you believe I’m hungry na ulet?”
Mula sa di kalayuan ay matatagpuan ang isang, ano ba, ang isang medio pamilyar na kolumnista. Medio lang ha. Okay. Bagong ahit siya, may suot na kadiring chaleco, naka tander cats na brush up, at napapaligiran ng… wala. Wala siyang mga pulis pulisang escorts ngayong araw na ito dahil wala siyang taping. Naka-civilian clothes siya ngayon dahil… oo nga pala, civilian siya, hindi siya pulis, feeling lang niya yun. Parang yung kanyang pagiging celebrity. Feeling din lang nya yun.
Siya ay walang iba kundi si Ramon Tulfo. Da whu? Exactly. Pero may dala siyang phone. Na may camera. At alam niya kung ano ang gagawin niya, lalo pa’t may mga artistang gumagawa ng eksena sa isang pampublikong lugar. So lumapit siya ng konti sa nagbo-bolang apoy na si Claudine.
Konti pa.
At namataan ni Claudine ang lahing pikutin na si Tulfo. Ay syet, media. Hindi maari ito. Hindi siya nag-lie low para lang mamataan sa ganitong timbang. Laban na to.
“Hey, ikaw, nyam nyam nyam, puwede pakipatay yang camera mo. Oo, ikaw! I don’t want your third world masa audience reading and watching me like this noh.”
“Ayoko nga, nyer.”
Ang pagkaka-alam ko eh nasa ganito ang pacing ng kanilang talakan, patayin-ayaw-patayin-ayaw, hanggang sa pumutok na ang fuse ni Barreto at lumapit na kay Tulfo.
“Akala mo ba si ate lang ang bastarda! Well, nyam nyam nyam, its a tie, at marunong akong mag-food-pyramid style konyat! Oo noh, I just said konyat! Gulat ka anoh? Take that! Raymart, hooonnn, attack!”
**Kagulo na sila sa part na to. May mga videos naman eh. Basta heto na yung parteng juicy. Yung pisikalan. Lavet.
“Aray ko! Anak nang, huwag niyo kong pagtulungan, nyer! Isusumbong kita sa kuya ko! Nyer! Ay mali, ako pala ang panganay. Pu*&@ng*&#naaa, ouch! Nyer.”
“And read my ketchup-and-mustard-and-ground-beef-and-java- rice-and-extra-rice-and-another-extra-rice-and-beef-salpicao-and-extra-rice stained lips, nyam nyam nyam, tigilan mo na yang kaka-nyer, betch. Hindi ikaw si Rey Langit. Gaaggoohhhh! Aray, did you just facken kick mehhh??? Hooonnn!”
**Shempre to the rescue si Raymart. Suntukan ulet. Action star kaya siya dati. More more fun. Lamang ang Team Barreto habang lamog ang Team Tulfo. Haha. Ang saya, ano ha?
**Sana ay nagsuntukan na lang sila for one week, ngunit hindi ganun ang nangyari sapagkat ilang minuto lamang ang itinagal ng pisikalang ito. Hay. Wala na, stuck up na, pero nakuha pa ring mag-threat ni Mang Tulfo…
“Sisindakin namin kayo ng mga kapatid ko, nyer. At dadaanin namin kayo sa aming entourage na binubuo ng katakot takot na barangay tanod at blue boys. Hintayin niyo ang paghihiganti naming mga hindi nagra-rate ang TV shows…nyer. ”
**At ngayong kumalat na yang kuwentong yan sa media ay kanya-kanyang pabanguhan ng pangalan yang mga partidong yan. Boring na yan, I’m sure, kaya di ko na siya susubaybayan.
May 10th, 2012 at 18:26
maraming salamat sa pagbanggit (kahit walang premyo) :)