2 pilosopo watch OTJ
– Good opening set piece. Exciting.
– Not to mention expensive. Texture, texture, texture!
– It’s Vivian Velez! Ang taroush, sunglasses at kalingkingan lang ang nakikita sa kanya.
– Maybe she’s playing the Maggie Cheung Brigitte Lin character in Chungking Express.
– Yung na-in love si Takeshi Kaneshiro na pulis na kumakain ng expired canned pineapple?
– Yun. Joel Torre is doing the FPJ voice. (rasps) “Isang bala ka lang.”
– Gigil na gigil (overeager) si Gerald Anderson.
– His hitman-in-training character is gigil, so it kind of works.
– Too nice to be a criminal. Ang ganda namang preso niyan. Di kaya siya gawing girlfriend ng buong bilibid?
– Speaking of maganda, here’s Piolo Pascual.
– Why is he wearing a leather jacket?
– It’s an action star tradition. And there’s Rayver Cruz in a matching jacket.
– Piolo’s make-up is too matte.
– Cause he’s the most beautiful agent in the history of the NBI.
– As always, bongga si Angel Aquino.
– Good score.
– The soundtrack makes me feel like I’m in a club. I’d buy the album, but I wish there were less music in the film.
– Every scene is big and loud so it feels like a super highlights reel.
– Uy, Joey Marquez is perfectly cast as a parak. He’s a natural.
– Yeah, casting can be more important than acting. There should be awards for Best Casting Director.
– Apparently in the Cannes version Joey Marquez’s policeman’s family was not onscreen.
– (Agent Piolo chases hitman Gerald through the MRT.) That’s a thrilling chase sequence.
– Ganyan din ang itsura ko after chasing a gunman through the MRT for half an hour.
– That hotel looks very In the Mood for Love.
– Heyyy where did that sex scene come from? It looks like it was grafted on.
– In the Pinoy tradition of inserts.
– Why do I think Leo Martinez’s general-turned-senatorial candidate is a comic role?
(Everyone gasps.)
– I did not see that coming!
– Neither did I!
– I did not see that coming!
– Me neither!
Verdict: Watch.
August 29th, 2013 at 02:01
Ang fierce lang ni Vivian Velez! Iba-iba ang shades bawat scene. Favorite ko yung cat eye.
May mga hirit din si Joey Marquez na laugh out loud yung audience. Kaaliw.
Si Gerald perfect as overeager mentee pero parang kulang sa praktis mag-Tagalog. At pag nagmumura sya parang contrived ang dating.
Leo Martinez as Gen. Pacheco – napaisip ako kung pano sya nakapasa sa height requirement ng military. :D
August 29th, 2013 at 21:54
a cannes version? what is wrong with the cannes version showing in local theaters? kailangan pa ng bagong edit? kaya pala may nakita akong pictures from an instragram na nag-eedit pa ang mga taga-star cinema. i don’t like the idea that star cinema is tinkering with erik matti’s work!
August 30th, 2013 at 01:39
hustler: If we could answer that, we’d be Star Cinema.
The sex scene was also added for the local release.
August 30th, 2013 at 13:22
“Yeah, casting can be more important than acting. There should be awards for Best Casting Director.”
Trulaloo!
Maiba… Bakit hindi tayo magbuo ng isang award-giving body para sa mga pelikulang Pilipino? Maaaring katulad ng Golden Raspberry o kaya’y isang kaakaibang parangalan para sa mga casting director, actor/actress in a cameo role, actor/actress in a kabarkada role, pa-cool na inay award, pa-swabeng itay award, funniest horror bit award, cringe comedy award, etcetera. ‘Yun lang, sa pagbuo nito’y mapipilitan tayong manood ng sangkatutak na Star Cinema.
August 30th, 2013 at 13:43
silentfollower: Napakagandang idea! Gawin natin yan.
Gumawa na kayo ng listahan ng mga kategorya. Best Pagmamaganda!
At listahan ng mga taong dapat bigyan ng award, para maka-imbento tayo ng award para sa kanila.
Ano ang pangalan ng award? Award! awards?
August 30th, 2013 at 14:35
Can’t wait to watch this!
Love the Award! awards! More planning to do: design ng trophy, sino ang mga magiging presenters, at sino ang magiging taga-abot ng trophy sa presenter (i volunteer! wahahhaa!)
August 30th, 2013 at 15:08
UVDust: This is our community project hehe, so apart from naming the Categories and Nominees, we need volunteers to
1. Design the trophy for JessicaRulestheUniverse presents: the Award! awards.
Just send in your designs and we’ll take a vote on the final design.
2. Present the awards.
Dapat pang-awards night ang outfit, ha.
August 30th, 2013 at 16:16
magandang ideya yan, silentfollower!
michiko yamamoto pala sumulat nito. mapanood nga mamya.
August 30th, 2013 at 17:35
Panalo nga ang JessicaRulestheUniverse presents: the Award! awards!
Maglalagay ba tayo ng “age limit” sa mga kasaling pelikula?
Maganda nga kung pang-awards night ang outfit at sa munting teatro gaganapin.
Committed ako sa proyektong ito. Handa akong maging P.A. sa gabi ng parangal at tumulong sa pag-organisa. At siyempre, magmumungkahi rin ako ng mga category at nominees pero mas gusto ko ang bumoto.
August 30th, 2013 at 20:52
silentfollower: Kailangan ng age limit para sa mga pelikula, kung hindi masyadong maraming awards.
Dapat yung mga nominado, lumabas sa sinehan, festival o TV sa taong 2013.
Pero maaari ring magbigay ng lifetime achievement awards.
Kami ang bahala sa teatro at pagpapagawa ng tropeo.
August 31st, 2013 at 11:18
Haha! Sige, sige. Makapagbungkal ng mga Piling-Piling Pelikula.
May naisip ako sa Lifetime Achievement Award. Ang scriptwriter ng “Saging lang ang may puso.”
August 31st, 2013 at 14:56
Might check this movie out. Did enjoy Erik Matti’s Tiktik. Seems like Joey Marquez is turning out to be his muse.
So Erik Matti, once again, channels Wong Kar Wai to evoke quality in his films. Not that I mind though.
August 31st, 2013 at 21:37
Nung una kong nakita yung trailer, naalala ko ang Infernal Affairs, at parang tumo-Tony Leung si Piolo. Ang galing ng pelikulang ito. Star-studded! Ang galing nga ng casting. At ang ganda ng soundtrack. Nung una parang kulang sa lutong ang pagmumura ni Gerald Anderson. Pero ok na sa bandang huli. Speaking of, si Rosanna Roces ang pinakamagaling magsabi ng pu**** *** sa kanilang lahat. At swak bilang parak si Joey Marquez.
This is the best movie I’ve seen this year!
Go ako sa idea ni silentfollower!
September 1st, 2013 at 21:37
Nanood akong muli dahil kay JT. Nakakainlababo ang kahusayan niya–lukot ng mukha, lisik ng mata, paghawak ng sigarilyo–haaaay. Gusto ko siyang alayan ng kamanyang.
September 1st, 2013 at 23:44
silentfollower: Hanapin mo siya sa mga JT’s Manukan. Naroon siya sa Gilmore branch noong isang gabi. Hamunin mo ng inuman. Matatalo ka.
September 1st, 2013 at 23:47
silentfollower: Puedeng Best Title in Cinema History. The nominees are:
Saging Lang Ang May Puso
Bukas, Tatakpan Ka Ng Diyaryo
Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay!
Kapag Ang Palay Naging Bigas, May Bumayo
Ang Saging ni Pacing
Ang Batuta Ni Dracula
Ano pa?
September 2nd, 2013 at 00:54
ruth: Korak! It is an elocution contest!
Sayang at hindi nila pinagmura si Leo Martinez. Ayon sa mga kaibigang direktor, siya ang pinakamagaling na magmura sa buong industriya.
September 2nd, 2013 at 10:56
@ silentfollower, @JZ
suggestions:
– Joey Marquez must have something for Tiktik and OTJ: Best Late Breakthrough Award?
– Special all-purpose award for an actor/movie that somehow did not make it to any categories of the previous year: Pahabol Award? (Zombadings must have something!)
– Best Carry the Accessory / Best Use of Accessory Award (I’m reminded of the extra wearing a scarf and Vivian’s sunglasses.)
September 2nd, 2013 at 14:05
Sa Best Title in Cinema History: Kahit singko, di ko babayaran ang buhay mo!
Kung may category sa Award! awards na pinakamagaling magmura sa isang pelikula, nominado ko sila Rosanna Roces at Angel Aquino sa OTJ at si Marlon Rivera sa Ekstra. Hehe.
September 2nd, 2013 at 14:57
Paumanhin, ayon sa aking kaibigan, ang Saging Lang Ang May Puso ay pinamagatang Apoy sa Dibdib ng Samar.
Pwede natin itong inominate sa Most Ridiculous Line in Cinema History:
1. “Inaamin ko, saging lang kami. Pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso!” – Mark Lapid
2. “Mukha ba akong tanga?” – Rico Yan
“Hindi, mukha kang chewing gum na masarap nguyain!” – Claudine Barretto
Dagdag na nominasyon para sa Best Title in Cinema History: Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape
Dagdag na nominasyon para sa pinakamagaling magmura sa isang pelikula: Raymond Bagatsing sa Ekis (bagamat ito’y lumang pelikula na)
Agree ako sa Best Late Breakthrough Award. Pwede ring inominate dito sila Gina Parreno at Anita Linda.
Pwede rin ‘yung Best Carry the Accessory / Best Use of Accessory Award. Inonominate ko ang wig ni Laida Magtalas. *sarcasm*
Mungkahi para sa karagdagang kategorya:
-Most Compelling Appearance in a Limited Exposure (pasensya na at mabantot ako mag-Ingles; pwede si Vivian Velez dito; upcoming nominee: Richard Gomez para sa Sonata (hype, hype?); ang mga nominated ay oorasan ang total exposure time o kaya’y bibilangin ang frames kung nais natin na may limit)
Nag-iisip pa kami ng mga kategorya. Ang hirap mag-isip pag puro OTJ ang naiisip. Gusto ko nang lumabas ang DVD ng pelikulang iyon at nang mapanood nang paulit-ulit.
September 2nd, 2013 at 15:04
Hindi ko kayang magsalita sa harap ni JT. Baka himatayin ako. Hahaha! Pero hahanapin ko siya sa mga JT’s Manukan at magsa-sign language para sa photo op.
Nagbungkal kami sa World Wide Web ng mga artikulo tungkol kay JT. Konti lang ang meron. Sana’y maimbita niyo rin siya sa podcast.
September 2nd, 2013 at 15:33
silentfollower: Ako din, I can’t wait for the DVD!
September 2nd, 2013 at 18:39
Sa kategoryang Best Title in Cinema History ay handa akong ilahok ang mga sumusunod. Nakakatuwang isipin kung ang munting proyektong ito ay magkaroon ng live telecast sa ibang bansa, kailangan isalin sa Ingles yung mga pamagat na katuwa-tuwa:
1. Salamat sa Lotto Linggo Linggo Double Pasko (Thanks to the Lottery Every Week Double Christmas!)
2. Sa Iyo ang Itaas Sa Akin ang Ibaba (The Top is Yours the Bottom is Mine…nyek baka mapagkamalang gay film!)
3. Ikaw Naman ang Iiyak (It’s Your Turn to Cry! – exclamation point, JZ’s)
Sang-ayon kay Ruth sa galing na ipinamalas sa pagmumura nung gumanap na direktor sa Ekstra!
==
May imumungkahi din akong kategorya:
1. “Asan ang Nearest Istarbacks? Award” – ihinahandog sa artistang back to back ang raket at wari’y sumulpot sa taping nang kulang sa enerhiya. Nominee: Lovi Poe sa Sana Dati.
2. “Sino Nga Siya? Award ” – inihahandog sa di kasikatang tagaganap na mahusay ang pinamalas na kakahayahan kahit iilan lang ang linya. Tumatak ang kanyang performance, pero sino nga siya?. Nominee: Yung Emcee at chubby bride sa Sana Dati, Bronson ng Kasal Kasali Kasalo (alam kong luma na to, wala lang).
3. “Pakshet Chance Ko Na To Award!” – inihahandog sa tagaganap na kung makaeksena ay todo-bigay. Acting na acting ngunit kulang pa din. Nominee: yung nakababatang kapatid sa Sana Dati. Shaina Magdayao sa OTJ. Gretchen Barreto sa Diplomat Hotel.
4. “Nasa Pilipinas Tayo Pwedeng Managalog Award” – inihahandog sa tagaganap na pinatindig ang mga balahibo nating manonood sa kahindik-hindik nilang Eeengleesh Langweyj Skeelz. Nominees: Ronaldo Valdez at John Lloyd Cruz sa “The Mistress” (2013 ba to?), actually, John Lloyd Cruz sa lahat ng pelikula niya.
September 2nd, 2013 at 19:41
greeneggsnham: Hoy, hindi tayo manlalait ng spoken English ng mga artista dahil hindi naman tayong lahat ay perperktong mag-Ingles.
September 2nd, 2013 at 21:02
loving everything here! hahhaha! :D
more suggestions:
– Best Ekstrang Umeeksena: either for really good acting, or for outdoing a main actor in a certain scene (film equivalent ng ‘photobombing’)
– Best Performance by a Facial or Bodily Feature: para sa mga takaw-eksena na acting ng mga kilay, hinliliit, kendeng, liyad ng bewang, at iba pa
– a special award named after a still living actor, para maiba lang (e.g., The Vic Sotto Award for –, The Roderick Paulate Award for –)
September 4th, 2013 at 11:28
Mungkahi:
1. Best Picture Award (taunang award, ang pangalan ay depende sa genre ng nanalong Best Picture sa taon)
a. Notting Hell Award – formula rom-com flick ng taon
b. Huwag Mo Nang Buhayin Ang Bangkay Award – funniest horror flick
c. Tadtarin Nang Pinong-Pino si Madelo Award – most cringe-worthy action flick (in honor of Lito Lapid’s Tadtarin ng Bala si Madelo kung saan sapo-sapo niya ang kanyang bituka habang tumatakbo)
d. The Lord of Charings Award – most second-rate, trying hard, copy cat sci-fi/adventure flick (might be sued for copyright infringement by Eat Bulaga as me thinks they had a gay pageant named The Lord of Charings)
e. Bukas, Luluhod Ang Mga Tuhod Award – para sa worst drama flick kung saan ang lahat ng actor/actress ay OA at ang plot ay may “revenge” o deus ex machina
f. Award kung cringe comedy ang mananalo (wala akong maisip na title)
Ginawan ko rin ng lagom ang mga naimungkahi na at nagsingit habang nagtatayp, paumanhin kung may nakaligtaan.
2. Acting Categories
a. Crunchy Cuss Award – literal na pagsasalin, haha!
i. Mga nominado: Rosanna Roces para sa OTJ; Angel Aquino para sa OTJ; Marlon Rivera para sa Ekstra
b. Most Compelling Appearance in a Limited Exposure
i. Mga nominado: Vivian Velez para sa OTJ; Nino Muhlach para sa OTJ
c.“Asan ang Nearest Istarbacks? Award” – ihinahandog sa artistang back to back ang raket at wari’y sumulpot sa taping nang kulang sa enerhiya. Nominee: Lovi Poe sa Sana Dati.
i. Mungkahi para sa Title ng Award: Haggardo Versoza Award
d. “Sino Nga Siya? Award ” – inihahandog sa di kasikatang tagaganap na mahusay ang pinamalas na kakahayahan kahit iilan lang ang linya. Tumatak ang kanyang performance, pero sino nga siya?.
i.Nominees: Yung Emcee at chubby bride sa Sana Dati; Bronson ng Kasal Kasali Kasalo (alam kong luma na to, wala lang); ‘yung isang tomador sa bus station sa pelikulang Tuhog, ‘yung nagbuga ng gin noong nakita si Jake na hinahalikan si Eugene
e. “Pakshet Chance Ko Na To Award!” – inihahandog sa tagaganap na kung makaeksena ay todo-bigay. Acting na acting ngunit kulang pa din.
i. Nominees: yung nakababatang kapatid sa Sana Dati. Shaina Magdayao sa OTJ. Gretchen Barreto sa Diplomat Hotel.
f. Best Ekstrang Umeeksena: either for really good acting, or for outdoing a main actor in a certain scene (film equivalent ng ‘photobombing’)
g. Best Performance by a Facial or Bodily Feature: para sa mga takaw-eksena na acting ng mga kilay, hinliliit, kendeng, liyad ng bewang, at iba pa (naalala ko ang bigote acting ni Christopher De Leon dito. Haha! –silentfollower
h. The Alice Dixson Award – para sa natatanging pagganap bilang other woman
3. Technical Awards
a. Best Use of an Accessory Award
i. Mga nominado: Sunglasses of Vivian Velez’s character, OTJ; Wig of Sara Geronimo’s Character, It Takes A Man and A Woman; nominated by UVDust: extra wearing a scarf
b. Special Pa-Effects Award – for “copy-paste” special effects o kaya’y para sa dubbing na hindi sumasabay sa buka ng bibig
c. Film Cutter Award – for scenes/bits that should have been edited out
4. Lifetime Achievement Awards
a. Best Title in Cinema History
i. Bukas, Tatakpan Ka Ng Diyaryo
Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay!
Kapag Ang Palay Naging Bigas, May Bumayo
Ang Saging ni Pacing
Ang Batuta Ni Dracula
Kahit singko, di ko babayaran ang buhay mo
Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape
Salamat sa Lotto Linggo Linggo Double Pasko
Sa Iyo ang Itaas Sa Akin ang Ibaba
Ikaw Naman ang Iiyak
b. Best Line in Cinema History
i.“Inaamin ko, saging lang kami. Pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso!” – Mark Lapid
c. Best Late Breakthrough Award (seryosong award, maaaring ihiwalay ang kategorya para hindi mailto sa intensyon)
i. Joey Marquez
Gina Parreno
Anita Linda
September 4th, 2013 at 11:32
Isa pang mungkahi para sa acting award:
-The Chanda Romero Award – para sa pinaka-kalmadong actor/actress sa isang pelikulang hitik ng mga nanggagalaiti
September 4th, 2013 at 22:57
silentfollower: For the Lifetime Achievement Award for Special Effects, our nominee is The Lipa Massacre by Carlo J. Caparas.
Behind the scenes, according to an intern.
Ate Vi: Direk, di ba nasaksak ako dito?
Carlo J: Oo.
Ate Vi: Diba dapat may dugo sa damit ko?
Carlo J: Ah, idadagdag na lang sa post (-production).
In the movie, you can see the spot of blood following Ate Vi.
Special mention: Joel Torre’s Famas-winning breakdown on a plane upon hearing of the massacre.
Behind the scenes of another movie.
Director: Joel, naalala mo yung sa Lipa Massacre, yung nag-breakdown ka sa eroplano? I want you to do that in this scene, pero 90 percent less.
September 5th, 2013 at 11:36
Napanood ko iyang Lipa Massacre! Haha! Mag-iisip ako ng pantapat diyan, dapat ay same decade din ipinalabas para patas ang laban.
Medyo naintindihan ko ang nangyari sa acting Joel Torre sa Lipa Massacre nang mapanood ko ang Oro, Plata, Mata with Peque Gallaga’s commentary. Eksena: sinusuntok ni Joel Torre ang mga sako, with snot, drool, and all. Sabi ni Peque Gallaga (or something like this), “Joel’s in a different dimension now. This is Joel Torre melding with the character.” May tendency siguro siyang mawala sa sarili kapag immersed na immersed sa character.
September 5th, 2013 at 23:05
silentfollower: Good euphemism for overacting. OA happens to everyone.
Budjette did a book-signing recently. When he looked up, JT was the next in line. Suddenly Budjette could not remember a single movie JT had been in, so he said, “I love chicken!”